Chapter 5

Chapter 5

Reese's Point of View

Hindi ako halos makapaniwala sa inasta ng lalaki. Buong akala ko ay magagalit ito at magdadabog o kung ano pa man.

I know that he's a gentleman on our first night. Alam kong mabait siya pero hindi iyong ganito ka-bait! He is crying for God's sake! Doon pa lang, alam kong tanggap na tanggap na nito ang batang nasa sinapupunan ko. Doon pa lamang ay hindi na dapat pa ako nagdalawang isip.

Parang isang malaki at mabigat na bagay ang naalis sa aking dibdib matapos kong sabihin sa kaniya ang totoo. Ni hindi ko na siya nabigyan ng pagkakataon para sa totoong pakay nito at iyon ay ang magreklamo sa service at sa pagkain dahil pina-ngunahan ko na kaagad ito.

Napanguso ako.

Pero hindi rin naman ako nagsisisi na nasabi ko ng tuluyan sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sa reaksyon niya pa lamang ay wala na akong dapat pagsisihan pa sa nasabi.

Ilang minuto pang nanatiling nakayakap sa aking baywang ang lalaki habang nakabaon ang mukha nito sa aking tiyan bago ito tuluyang kumalma.

Nang naka-upo ako sa tabi nito ay kaagad ko namang kinuha ang aking ipad sa loob ng aking crossbody bag.

Napahinga nalang ako ng malalim nang maalala ko na naman ang ginawa kong pagsasalita kanina. Pangalawang beses. Iyon na ang pangalawang beses na nagawa kong makapag-salita sa harap nitong lalaking 'to. Mahina man at medyo garalgal ay nagagawa ko pa rin.

Hindi ko alam at hindi ko rin gaanong maintindihan kung bakit sa tuwing nasa harap ko ang lalaki ay parang natural nalang sa akin na magsalita nang may boses. Pero alam kong may pumipigil sa akin upang hindi makapag-salita ng maayos at tuwid. I don't exactly know what's stopping me but I know for sure that I a very much willing to take therapies and medications for this already. Gagawin ko 'yong pinaka-priority ko gayong magkakaanak na ako.

"You remember me all this time?" That's what I typed on my ipad before making it face him so he can read it. He softly looked at me before nodding.

I sighed and nodded too. That's my only question, I guess. For now.

"I'm Lucian Rithe Salvatore, Miss Ma'am..." paos ang boses na saad nito dahilan para mapatingin na naman ako ng diretso sa kaniya, partikular na sa mga mata nito na sobrang diin at lambing kung makatitig sa akin.

Napalunok ako. Gusto kong mag-iwas ng tingin lalo na at nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi dahil sa narinig ko sa kaniyang bibig.

Ang kaniyang pangalan. Ang kaniyang buong pangalan na tanging Lucian lang ang naaalala ko.

'Luci... Oh....'

Napailing ako ng ilang beses nang may marinig akong mga boses sa aking utak. Pamilyar na mga boses na parehong hinahapo at parang tinatakasan ng hininga.

I remember... I remember how I moaned that name everytime he...

"Are you reminiscing some important details, hmm? My pregnant lady?" Malambing ang boses nito at tunog nang-aasar kaya ilang beses akong napakurap. I was too preoccupied to even notice that his arms are now wrapped around my wiast possessively.

Marahas akong umiling at pilit na lumayo sa lalaki ngunit mas hinigpitan lang nito ang hawak sa aking baywang, pero hindi naman ako nasasaktan. Sakto kang para may magka-rambulang kung ano sa aking tiyan. Para akong kinikiliti na ewan.

"I want you to live with me..." Iyon ang nasabi ng lalaki matapos ng isang mahabang katahimikan. Kanina ay pareho naming pinapakinggan ang bawat paghinga naming dalawa.

Napalingon ako sa lalaki, kunot ang aking noo at bahagyang nakanguso. Live with him? What does he mean by that? Why are we going to do that? I am not his wife! I am just pregnant to his baby and not his wife so I don't think there is a need for us both to live together.

Pinilit kong makawala sa yakap ng kaniyang braso. Noong una ay nagdadalawang isip pa ito kung papakawalan ba ako ngunit nang makita nitong pilit kong inaabot ang aking Ipad na nasa center table ay siya na mismo ang kumuha non, nang hindi ako pinapakawalan.

I just sighed at hindi na nagreklamo. Gusto ko rin naman ang mga hawak niya sa akin.

"Hindi naman kita tatakasan, eh, and besides, we're not husband and wife kaya napaka-pangit tingnan kung titira tayo sa iisang bahay." Iyon ang isinulat ko na mabilis naman niyang nabasa dahil nakadungaw na siya sa aking ipad.

Bahagya aking napalingon dito which is definitely a wrong move dahil nasa may bandang balikat ko pala ang kaniyang mukha. Tumama pa ang aking pisngi sa kaniyang matangos na ilong dahilan para mag-init na naman ang dalawang pisngi ko sa sobrang lapit naming dalawa.

Nang tingnan ko ang mga mata nito ay bahagya na itong madilim. Napalunok ako. Mukhang hindi yata nagustuhan ang sinabi ko, pero bakit naman? What I said was true. Talagang hindi naman namin kailangang magsama sa iisang bahay dahil hindi ko naman siya tatanggalan ng mga karapatan niya sa bata.

"I won't be giving you much of a choice, baby. Only an option that says yes. I won't allow you to be alone in your house, very much pregnant with our baby, hmm? No. Whether you like it or not, I will be with you in this whole pregnancy journey until you decide to marry me." Ani nito mabilis na inilagay ang kaniyang baba sa aking kanang balikat. Napakurap ako ng ilang beses, hindi halos rumehistro ang kaniyang sinabi sa akin.

Nalilito ako, naguguluhan na nasisiyahan. Tama kayang tumira ako kasama siya? And what did he said about marriage? Does he really have plans of marrying me? Why? Because of our baby?

Hindi ko alam pero nalungkot ako sa isiping 'yon. Sumama kaagad ang loob ko kaya naging padabog ang pagkakasulat ko sa aking Ipad, bahagya pang ngumunguso.

"You don't have to marry me just because we have a baby together! I don't want to marry without love!"

Naging marahas ang pagkakatuldok ko sa huling salita. Nakita ng lalaki ang buong pagmamaktol ko kaya humalakhak ito.

See? He's just laughing so he's really not that serious!

With that thought, I frowned even more ngunit hindi na rin maitago ang pag-iinit ng pisngi. Para na siguro akong pulang kamatis nito ngayon.

"Oh," He said laughing before burying his face on the crook of my neck. "My baby Momma is sulking, huh? How cute." He murmured huskily.