Chapter 3

Chapter 3

Third Person's Point of View

Hindi alam ni Reese kung ilang beses na siyang napakurap habang nakatitig sa pamilyar na lalaking prenteng nakaupo sa table kung saan niya dadalhin ang orders.

Halos panawan na siya ng ulirat nang makita itong seryoso ding nakatingin sa kaniya na para bang pilit nitong inaalala kung saan siya nito nakita.

Nag-init ang pisngi ni Reese nang bumalik na naman sa alaala niya ang mga pangyayaring gustuhin man niyang ibaon nalang sa limot, ay alam niyang hindi pwede. Hindi niya makalimutan. Kahit ang isa sa pinaka-maliit na detalye ng gabing 'yon ay alalang-alala niya pa rin.

Napalunok siya.

Ngayon, kitang kita na niya kung gaano nga ka-gwapo ang lalaki. Klarong klaro na ngayon dahil hindi na medyo madilim katulad noong nasa bar silang dalawa. Kitang kita na niya ang malalim kung tumitig nitong mga mata, mahabang pilikmata at ang makapal na panlalaking kilay. The man's pointed nose and his well sculpted jaw. At ang labi nitong manipis ngunit natural na mapula. And his amber eyes, iyon ang pinaka-tumatak sa kaniyang isipan na kahit sa gabi ay parang nagsisilbi itong ilaw.

Nagdadalawang isip man ay pinilit ni Reese ang sarili na umayos upang hindi siya maka-eskandalo. Tumikhim siya at nagpakawala ng isang ngiti sa dalawang lalaki. Ang isa ay nasa 50's na yata at mukhang may importante silang pinag-uusapan nitong lalaking may amber na mga mata.

"Thank you, Miss. This is for free, right? I just want to make sure that the waitress awhile ago isn't bluffing," natatawang saad ng matandang lalaki na singkit. Ayaw naman niyang mag-mukhang bastos kung sasagutin niya ito ng tango lang kaya kaagad niyang kinuha ang kaniyang Ipad sa loob ng Beige crossbody bag na lagi niyang dala dala.

Sinulat niya ang dapat niyang sasabihin sa Ipad bago nakangiting iniharap sa matanda. Kita niya pa ang gulat sa mga mata nito ngunit kaagad din namang nakabawi at binaba ang tingin sa Ipad niya.

"Yes, Sir. All meals today are for free." That was what's written on her Ipad.

Ngumiti naman ang matanda sa kaniya matapos iyong mabasa.

"You can hear me, Miss?" Mr. Tiu asked again.

Reese nodded before writing something on her Ipad again. Nang matapos ay kaagad niya iyong iniharap sa matanda.

"I am not mute, Sir. But something happened to me that made me like this."

"Oh," natutop ng matanda ang kaniyang bibig. Hindi na tatanungin pa ni Mr. Tiu kung anong nangyari but he is wishing everything to be well for the poor lady.

Nagpasalamat ang matanda sa pag-hahatid ng order nila bago tuluyang umalis si Reese sa mesa. Nang makapasok si Reese sa loob ng kusina ay doon na siya nakahinga ng maluwag.

Habang nasa table na iyon kasi siya at kausap ang matanda ay parang pinipigilan siyang huminga ng mga maririing titig ng lalaki sa likuran niya. Hindi niya alam kung bakit ganon nalang ang titig nito. Naaalala kaya siya ng lalaki?

Napailing si Reese. Imposible namang maalala siya ng lalaki. Sa mukha pa lamang non ay mabilis na rito ang makakuha ng babaeng mapaglalaruan. And she doesn't want to engage herself to men like that. She rather be single for the rest of her life than spend it to someone who obviously can't be serious with one woman. Baka nga kabila-kabila ang mga babae non eh. Kaya hindi na siya aasang pang naaalala siya nito.

Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at wala sa sariling hinaplos iyon.

'Pasensiya na anak, ah, kung bubuhayin kitang mag-isa. Sisiguraduhin kong magiging sapat ako para sayo na hindi mo na kailangan hanapin pa ang iyong ama.'

Pagkatapos ng meeting nina Mr. Tiu at Rithe ay kaagad namang nakahinga ng maluwag si Rithe. Kanina pa siya hindi mapakali lalo na at hindi na muling lumabas ang kaniyang babae simula nang makita siya nito.

Siguradong nagpa-plano na itong lumayo o di kaya ay iniisip na nito kung paano siya tataguan ng anak.

"It was nice dealing with you, Mr. Tiu."

"Likewise, hijo, likewise. Mag-ooder yata ako ng ite-take out ko nito. Nakulangan ako sa kinain natin." natatawang sagot ng matanda dahilan para mapailing naman si Rithe. Nang nagpaalam na ang matanda na mauuna na ito ay kaagad na lumapit ang sekretarya nitong nasa kabilang table lang kanina kasama rin ang kaniyang sekretaryo.

"Fred, do I have any important meetings in the afternoon?" Kaagad na tanong ni Rithe sa kaniyang lalaking secretary. Matagal na ito sa kaniya kung kaya ay isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.

"Yes, Sir—"

"Cancel them all." Pagpuputol ni Rithe kay Fred. Bahagya namang kumunot ang noo ni Fred dahil sa narinig. His boss doesn't usually cancel meetings lalo na at importanteng investors din ang kailangang daluhan nito.

"Sir, you're meetings with Mr. Lim and Mr. Angeles—"

"I don't fucking care about that, Fred. Cancel it or you can attend that on your own. I am still gonna get my pregnant woman." Seryoso at malamig na saad ng kaniyang amo. Parang nabingi yata si Fred sa narinig mula sa kaniyang Boss.

'Pregnant woman?' Sa pagkakaalam niya ay parang allergic ang kaniyang amo sa mga babae kahit na marami ang nababaliw dito. Ni ayaw nga nitong magpahawak sa mga babae eh, kahit mga pinsan pa nito, kaya ano ang sinasabi nito ngayong kukunin daw ng amo niya ang kaniyang buntis na babae? Nalilito si Fred. Nalilito siya pero may parte sa kaniyang masaya. Sa wakas ay may magpapasaya na rin sa kaniyang amo na ipinanganak yatang bugnutin at problemado.

Napabuntong-hininga si Fred at sinundan nalang niya ang amo na papunta sa counter. Upang siguro ay kausapin ang cashier.

"I want to talk to the manager." Malamig na bungad ni Rithe sa babaeng ang pangalan ay Martha, ayon sa nameplate nito.

"Bakit po, Sir? May problema po ba sa servings nam—"

"I just fucking want to talk to the manager! Just call her or him!" Napalunok na si Fred nang marinig ang papasigaw ng boses ng kaniyang amo. Mukhang natakot pa iyong Martha.

"Ah, sir. Ako na po ang kakausap." Mahinahon na saad ni Fred sa kaniyang amo. Kunot noo lang siya nitong tinapunan ng tingin, mukha pa ring galit bago bahagyang umatras, binibigyan siya ng daan para makausap iyong babae.

Fred sighed before offering a kind smile to the lady.

"We don't have ang problems about the foods or the servings, Miss. We just want to talk to the manager."

Takot pa rin si Martha bago nagsalita. "Wala po ang manager namin dahil umuwi sa probinsiya, eh. Pero nandiyan po sa loob ng kusina ang may-ari ng restaurant po. Si Miss Reese."

Fred smiles wider. "Then, can you call her for us, please?" Itinuro ni Fred ang intercom na nasa tabi nito.

"S—sige po..." nag-aalinlangang sinagot ni Martha ang gusto ng lalaki bago pinindot ang intercom. Napatingin ulit siya sa lalaking kanina lang ay muntik na siyang sigawan. Napakurap si Martha at kaagad na nag-iwas ng tingin nang makita itong matalim ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Napangiwi siya.

'Gwapo sana, kaya lang ang maldito.'