Chapter 47 Happy Birthday

"Sige lang. Kaunti pa. Lalabas na," anang isang matanda sa pinapaanak na babae.

Naroon ang mga ito sa isang magarbong silid at hindi sa hospital. Sa gilid ng kama ay isang lalaki na nakahawak sa kamay ng babaeng nanganganak.

"Ahhhhhhhhhhh!" mahabang ire ng babae. Hingal na hingal ito at hirap na hirap.

"Sige pa. Malapit na. Isa na lang."

Mahigpit na humawak ang babae sa kamay ng asawa saka huminga ng malalim. Isang mahaba at malakas pa na pag-ire at lumabas na ang bata na umiiyak.

"Napakalusog na bata!" natutuwang wika ng matanda habang pinupunasan ang bagong panganak na sanggol. Bakas din sa mukha ng mag-asawa ang labis na tuwa.

"Pero teka- ano ito?"

Nataranta ang mga ito nang pumalahaw ng iyak ang sanggol habang umiilaw ang kanang bahagi ng diddib nito.

"M-Manang Rosing, ano pong nangyayari sa anak ko?" naluluhang wika ng babae. Kahit pagod ito ay sinubukan nitong umupo. Naging maagap ang asawa nito at agad itong inalalayan.

Bumukas ang pintuan sa silid. "Pa-"

"Sage, huwag kang papasok!" anito sa batang lalaki na akmang papasok sa loob.

Bakas sa mga asul na mata ng bata ang pagtataka habang nakatingin sa sanggol pero sinunod pa rin nito ang utos ng ama at isinara ang pintuan.

"Ang anak ko manang Rosing!"

"Jusko!" bulalas ng matanda. Napapaso nitong binitawan ang sanggol at bahagyang lumayo dito.

"Bakit po Manang?" nag-aalalang tanong ng asawang lalaki at lumapit sa sanggol na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Huwag kang lumapit!" pigil ng matanda. "Ang batang iyan," turo nito sa sanggol. "Ang anak niyo ay isang itinakda! Ang markang iyan ang magdadala sa inyo ng kamalasan!" bulalas nito sa markang gumuguhit sa balat ng sanggol.

🎶Happy birthday to you

Happy birthday to you

Happy birthday, happy birthday

Happy birthday to you!

One more candle to light

On your birthday cake

Hope your wishes all come true

Now let's celebrate. 🎶

Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang ringtone na iyon. It's a chipmunk version.

🎶Happy birthday to y-

Pinatay ko na ang ringtone at bumangon mula sa kama. Tumingin ako sa labas at sakto pa lang na papalabas ang haring araw.

Today is my birthday. I barely check the calendar. Ang mahalaga lang sa akin ay ang araw at gabi. I never tracked the date dahil wala namang importanteng araw para sa akin. I've only set that ringtone to remind myself that I was born, not to celebrate.

Ito ang araw na ipinanganak ako at ang araw na pagkamatay ng aking ina.

The day of life and death.

Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng mensahe galing kay Zeke.

"Happy birthday princess."

Bahagya akong napangiti. Tatlong sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko galing kina bakla na binabati ako.

"Happy birthday Sabrina! More birthdays to come!" Galing iyon kay Alex at may mga torotot at confetti pa. The usual way of greeting.

Sunod kong binasa ang galing kay Angel.

"Happy happy happy birthday, sa'yo ang pulutan, sa'yo ang inumin pati na hugasin. Hahaha! Happy birthday Sab!" Tuluyan na akong napangiti sa pabati ni Angel na may mga alak-alak pang sticker.

Panghuli kong binasa ang kay bakla.

"Uy Happ birthday babaita! Shot tayo mamaya dito sa bahay. Sa amin na ang alak. Dala ka ng pulutan. Iyong masarap at may six pack abs. Rawrr!"

Tuluyan na akong napatawa. Masaya ako dahil kahit papaano ay mayrong nakaalalang bumati.

Walang mensahe galing sa pamilya ko. We don't celebrate birthdays or any special occasions. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinatawagan si Kuya at kataka-taka ring wala siyang paramdam.

I don't want to talk to them lalo na kay Dad. Baka kung ano pa ang masabi ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung sino ang papanigan ko. Ang pamilya ko ba na puno't dulo ng lahat ng ito o si Sage na biktima?

Sino man ang piliin ko ay hindi nun matatakasan ang nakatakdang banggan ng dalawa. It's better if I'll stay in the middle.

Tumayo ako upang magbihis sana pero nagulat ako nang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Wala rin akong maramdaman.

Damn. What's happening?

Ang tangi ko lang na maigagalaw ay ang mga mata ko na nakatutok sa kisame.

I began to palpitate. Oh no. Not again. Sumigaw ako nang sumidhi ang kakaibang kirot sa aking ulo. My vague dream replayed in a clearer sight. Ang napanaginipan ko kanina ay ang pamilya ni Sage at ang araw na pinanganak ang kanyang kapatid.

Mabilis na pumintig ang puso ko nang makita ko ang markang nakatatak sa umiiyak na sanggol.

Nagmulat ako ng mga mata nang may naramdaman akong tumulong likido sa aking mukha.

Nanlamig ang katawan ko sa aking nakita.

On the ceiling, there is a woman who's staring at me with her eyes wide open. Her head was crushed and the blood is dripping down to my face.

Ngumiti ito ng nakakakilabot bago unti-unting bumaba palapit sa akin.

"S-Stay away.. Stay away!" sigaw ko sa natatakot na boses.

Is this my birthday gift?!

Bumukas ang nangingitim nitong labi at mahinang umusal ng kakaibang lenguahe.

Nakakakilabot ang boses nito. It's like she's uttering a bad omen.

Puno na ng dugo ang aking mukha.

Nagsisigaw ako nang pabalibag na bumukas ang pintuan ng aking kwarto.

"Ano bang-shit!" malutong na mura ni Hazel.

Sinubukan ko siyang tingnan. Nakasandal siya sa pintuan at mahigpit na nakakapit sa doorknob. Nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa kisame.

She sees it too!

"E-Eba," sansala ni Hazel.

Napabaling sa kanya ang tingin ng babae. Biglang nagsitayuan ang kanyang mga buhok at tumili. Pumikit ako sa sobrang lakas nito. Maingay na nagsihulugan ang mga gamit ko sa sahig.

Nang matapos ay bigla itong humikbi. Hikbi na naging hagulhol na nauwi sa pagtawa saka tuluyang naglaho.

Sabay naming pinakawalan ni Hazel ang hiningang kanina pa namin pinipigilan.

Umupo ako nang bumalik ang pakiramdam ko. Sinapo ko ang aking mukha at wala man lang bahid ng dugo ni isa.

"Tama ba ang pagkakarinig ko na tinawag mo siyang Eba?" baling ko kay Hazel na lutang na nakatayo.

Tumingin siya sa akin at kagyat na naging matapang ang kanyang anyo. Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa akin.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang damit ko at pilit na itinataas.

"What are you doing?" mulagat kong tanong.

Hindi niya ako pinansin at marahas lang na tinabig ang kamay ko. She's serious so I just let her do what she wants. Nang maitaas niya ang damit ko ay itinaas niya rin ang ibabang parte ng bra ko at kunot-noong tumingin doon. Chineck naman niya sa kabila.

"Tapos ka na?"

"Wala ka bang nararamdaman na pananakit ng dibdib?" seryoso niyang tanong.

"Meron o wala?" ulit niya ng pasigaw nang hindi agad ako nakasagot.

"Meron. I think I have a breast tumor."

Natigilan siya habang nakatitig sa akin.

"K-Kailan pa?"

She's acting weird. What's the big deal?

Pero kahit ganun ay sumagot pa rin ako. "Matagal na pero nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagkirot."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" galit niyang turan.

Nangunot ang noo ko at sumeryoso na rin. "Dapat ko bang sabihin sa iyo? At bakit ka nagagalit? May iba bang kahulugan ang nararamdaman kong iyon?"

Namutla siya at tumayo. "Tell me if you feel any pain on your breast again," aniya saka mabilis na lumabas ng aking kwarto.

Heto na naman siya at umiiwas. Paano ko mapaghahandaan ang mga bagay na alam niyang mangyayari kung hindi niya sasabihin sa akin?

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Habang nasa tapat ako ng shower ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina at ang pangalang nabanggit ni Hazel.

Siya ba si Eba?

"Ms. Anne."

"Long time no see Sabrina," magiliw niyang bati nang makasalubong ko siya dito sa school.

I wonder kung saan siya pumunta. Matagal-tagal din kasi siyang nawala.

"Nakita mo si Sage?" tanong niya.

Nakaramdam ako ng guilt nang marinig ko ang pangalan niya. Until now ay mahirap pa ring iproseso lahat ng mga nalaman ko kay Jameson.

He hated me yet he still helped me.

"Ah. Hindi but I think he's with A-agatha."

"Agatha?" aniyang nagtataka. "Do you have his number then? Hindi ko kasi siya matawagan eh."

"He changed his number at h-hindi ko iyon alam."

Doon na kumunot ang makinis niyang noo. "I need to catch up," aniya saka ngumiti. "Una na ako ha?" paalam niya bago nagmamadaling umalis.

"Did you heard what happened last night at club Z?" rinig kong wika ng isang estudyante dito sa canteen.

I got interested with the topic so I heightened my hearing sense. Wala na akong balita kung ano ang nangyari sa club pagkatapos kong makalabas.

"Narinig ko lang ito kaya hindi ako sigurado," anang babae pabulong. "I've heard that 119 students went missing that night."

Ngayon ko lang napansin na kaklase ko sila sa dalawang subject. Apat silang magkakaibigan pero ngayon ay dadalawa na lang.

"119?!" bulalas naman ng isa. "Parang wala namang nawawala."

"True," sagot naman ng kasama. "I feel strange though, pakiramdam ko ay kulang tayo."

Natawa ang kasama nito. "Pakiramdam mo lang. Halika na nga. May klase pa tayo."

Uminom ako ng malamig na coke. Ito iyong sinabi ni Ashley kagabi. 119 went missing? That's a lot of people. Malamang ang nagpakalat ng balitang iyon ay ang mga mapalad na nakalabas katulad ko. Maybe the group of Ashley?

Sinundan ko ng tingin ang dalawang estudyanteng papalayo. Poor people. Wala silang kamalay-malay na nalagasan sila ng dalawang kaibigan. Those missing people were definitely forgotten.

The news will spread but no one will believe it because there's no proof. Lack of evidence. The cycle will go on. Saka lang siguro sila maniniwala kapag kumonti na ang populasyon sa paaralan at kung kailan huli na.

Pabagsak kong ibinaba ang bote ng coke at napatingin ang iba sa direksyon ko.

May ganito palang nangyayari. Buong akala ko ay ang Gehenna lang at ang puntos na makukuha mo.

This one was a direct hit. In just a snap of a finger, they took 119 souls.

I need to do something. Humans are indeed weak but they deserve a second chances.

Akala ko ay makakasama ko sina bakla ngayon pero ni dulo ng buhok nila ay hindi ko makita. Kapag tinatawagan ko sila ay 'toot toot' lang ang sagot.

Nasa panghuli na akong klase sa araw na ito nang makaramdam ako ng pagkahilo. Sumama rin bigla ang pakiramdam ko.

Pinilit kong tapusin ang klase ko bago umuwi. Pagkalabas ko sa aming building ay humarang sa akin sina Jameson at Clark. They both look fresh.

Nagsisikuan ang dalawa.

"May sasabihin kayo?"

Si Clark ang sumagot. "Ahh. I-Ito kasing si Jameson ay nagpapasama na bumili ng damit."

"Oh eh anong kinalaman ko diyan?"

"H-Hindi ko naman damit. Damit pangbabae para sa n-nililigawan ko."

Oh. May nililigawan pala siya.

"Gusto ko sanang magpatulong," aniya sabay kamot sa ulo.

Sinamahan ko silang bumuli. Uuwi na sana ako pero malaki ang utang na loob ko kay Jameson.

"Ano bang klaseng damit?" tanong ko habang naglilibot dito sa department store.

"Ahh. D-Dress. Yes, a dress," aniyang hindi sigurado. Naririnig ko pa sa likod ko ang mga bulungan nila ni Clark.

"How about this?" tukoy ko sa isang kulay peach na dress.

"No. Masyadong revealing tsaka maiksi ang laylayan."

"Can you describe me her physique? What's her height? Is she a petite? Tall? Slender?" tanong ko habang namimili ng damit.

"Hmm. She's tall and sexy. She has a long black hair and she's beautiful."

Binalingan ko si Jameson at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. "I think you're describing me," wika kong walang gana.

"Pinagloloko niyo ba ako?" medyo inis ko ng tanong. Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko.

"Hindi!" depensa ni Jameson.

Malakas siyang binatukan ni Clark. "She's petite and cute. She looks like a baby so white dress would be perfect," ani Clark.

Nalibot namin lahat ng store dito sa mall dahil walang magandang mapili si Jameson. Inabot na rin kami ng gabi.

"Now that I've think about it, maganda iyong una mong napili. Iyong kulay peach? Iyon na lang ang kunin natin," aniyang nakangisi.

Hindi ko na natantiya ang aking sarili at sinuntok ang kaliwang mata ni Jameson.

Tawa nang tawa si Clark habang bumibyahe kami pauwi. Nakakaasar silang dalawa. Kanina pa sana ako nakapagpahinga. Sinayang ko lang ang oras ko sa wala.

Pabalibag kong isinara ang pintuan ng sasakyan ni Jameson. Nagtaka pa ako dahil walang kailaw-ilaw ang villa namin. Dati-rati kahit na walang tao ay iniiwan naming bukas ang mga ilaw.

"Bakit kayo sumusunod?" singhal ko sa dalawa na nasa aking likod.

"Makikikain lang," sagot ni Clark.

Inirapan ko lang sila saka pumasok sa loob ng bahay. Kinapa ko ang switch upang buksan ang ilaw.

Huh?

Kinapa ko ulit pero wala akong makapa na switch. Ang nakapa ko ay isang matigas na hugis bilog.

Inilawan ko iyon gamit ang aking cellphone.

Napamura na lang ako ng mahina dahil sa nakita.

"Sinong nagdikit ng mangkok dito?!"

Naghagalpakan ng tawa sina Clark at Jameson. "Pucha ang talino!"

Tatanggalin ko na sana ang mangkok nang biglang may lumitaw na mukha sa harap ko.

Tirik ang mga mata na nagsalita, "Ang tagal niyo. Gusto ko nang kumain ng spaghetti," anito sa pinatandang boses.

"Lucy!" Sa gulat ko ay nasapak ko siya.

Nawala ang mukha niya sa dilim saka nagtitili. Nakarinig ako ng mga tawanan kasabay nun ay ang pagbaha ng liwanag dito sa bahay.

"Happy birthday Sabrina!" sabay-sabay nilang wika. May nagpasabog ng confetti at may iba ring umiihip ng torotot.

"Sabrina! Heeyaa!" ani Lucy saka itinapat sa mukha ko ang confetti canon saka walang babalang pinasabog.

Naging makulay ang aking paningin.

Nang makabawi ay kumuha ako ng icing sa cake na hawak ni Emma.

"Huyy!"

Hinabol ko si Lucy at ipinahid sa mukha niya ang icing. Nagtitili na naman siya na parang kambing.

Mukhang nainggit ang iba kaya sumali na rin.

Rambulan dito, rambulan doon hanggang sa maubos ang ginawa nilang graham cake at ang aking birthday cake.

Maghahating-gabi na nang nagpasyang umalis ang aking mga bisita. Habang kumakain kami kanina ay ang dami naming napagkwentuhan pero kapansin-pansin na iniiwasan nilang mabanggit ang pangalan ni Sage o kung ano mang bagay na pwedeng makasira sa aming kasiyahan.

Nagkalat ang mga pagkain sa tiled floor at wall. Meron pang napakalaking hiwa ng cake ang nakadikit sa may kisame.

Napailing na lang ako habang naglilinis.

Kung saan-saan dumikit ang mga pagkain dahil sa batuhan kanina. I tried to stop them because they are wasting food but they just ignored me and throw a box of milk on my face.

Mabilis na umakyat sina Hazel at Emma sa kani-kanilang kwarto. Ako na raw ang magliligpit dahil sila ang nagluto.

Totoo ngang sa akin ang mga hugasin. Tss.

Pero kahit ganun ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa effort na ginawa nila. Iniligaw ako nina Jameson dahil hindi pa raw tapos magluto sina Emma pero ayon nga, masyado kaming natagalan kaya nagutom na si Lucy.

This is the first time I've felt special on my birthday. Sa amin kasi, walang batian, wala ring handaan kaya kahit na inubos lahat ni Lucy ang spaghetti ay masaya ako.

Life is indeed more joyful if you have great friends. Ngayon ko mas naintindihan ang mga kabataang mas masaya raw sila kapag kasama ang kanilang mga barkada kaysa sa kanilang pamilya.

Napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mga kaibigan sa maikling panahon.

At kumpleto sana kung dumalo siya.

Kumuha ako ng suporta sa hawakan ng ref nang umikot ang paningin ko. I've reached my limit. Kanina, habang nagkakasiyahan kami ay pilit kong itinago na masama ang aking pakiramdam at pinilit na magpakasaya.

Paakyat na ako sa hagdan nang kumirot na naman ang kanang diddib ko. Kanina pa ito. Masakit na ring hawakan.

Tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa aking kwarto. Hihiga na sana ako nang may napansin ako.

There is a thread of red smoke.

Ano na namang kababalaghan ito?

Hindi ko na sana ito papansinin nang kusa itong pumulupot sa kamay ko at marahas akong hinila palabas.

I winced in pain when I felt that the smoke was burning my skin.

Napamura ako nang namataan kong tatama na ang katawan ko sa sliding door. Mabilis ang pagkakahila sa akin at kung hindi ko ito maagap na mabuksan ay mapipisak ang katawan ko na parang kamatis.

Pero bago pa ako tumama ay malakas na umihip ang hangin at marahas na bumukas ang sliding door.

Napadaing ako nang humampas ang katawan ko sa railings ng teresa. Habol ko ang hininga. Sa pag-aakalang tapos na ay hindi pa pala. The smoke stretched and lift up my body in the air.

"Oh no.." usal ko nang tumilapon ang katawan ko sa ere.

Hinawakan ko ang ulo ko at tuluyan na akong napasigaw nang malakas na tumilapon ang katawan ko sa lupa.

Umiikot pa ang paningin ko nang walang pakundangan akong hinila ng usok sa isang madilim na parte dito sa aming villa.

"Aww.." daing ko nang tumama ang likod ko sa malaking puno.

Marahas ang aking paghinga habang pinapakiramdaman ang nananakit kong katawan.

Sino na naman ba ang may pakana nito?

I'm lying on the ground when I saw a remnants of ashes floating in the air. Some of it was still burning.

Akala ko ay meron lang nagsunog ng mga dahon sa mga kapit-bahay pero laking gulat ko nang nagkumpulan ang mga ito.

Masakit man ang katawan ko ay pinilit kong tumayo at sumandal sa puno habang pinapanuod ang pagbuo ng mga abo.

I closed my eyes when it release a slight force field.

Pagmulat ko ay natagpuan ko ang isang bagay na lumulutang sa ere.

A book.

It's burning and I can feel from here the heat it releases.

Ilang minuto ang pinalipas ko bago lumapit dito. Hanggang dibdib ko lang ang taas nito.

May bungo ng tao na nakadikit sa harapan ng libro at inuuod. Aatras na sana ako nang kusang bumukas ang libro sa pahina 72. Kagyat na nag-iba ang mga nakasulat. It was like the book translated the words to me in English.

Binasa ko ang nakalagay.

"Nefertari's Curse," basa ko sa nakalagay na pamagat. Biglang nanlamig ang katawan ko sa hindi malamang kadahilanan.

Tahimik kong pinagpatuloy ang pagbabasa.

"She was a god but she fell in love with a human.

It was against the rules but she made her move.

She turned her back, left her responsibilities and run away with the man she love.

She angered the heaven. They gave them only six years to be together.

The man died on her arms.

Because of the sin that she'd committed, she was thrown in the pit of hell.

She will never forget. She will never forgive.

She wants her destiny to be past on.

6 years of happiness and a lifetime of suffering.

The man will crawl up to darkness to bring back those happy days.

Every 20 years, a vessel will be born along with the mark that will bring back the dead to this world.

No one had ever succeeded to do the task.

But be careful when the child is born during full moon."

Sumikdo ang puso ko nang mabasa ko ang salitang full moon.

What's next?

Hindi na muling gumalaw ang libro bagkus ay naging abo na ito at naglaho sa hangin.

Wala akong kagalaw-galaw na nakatayo habang tulala.

What was that all about? Bakit ipinabasa sa akin ng libro ang bagay na iyon?

6 years. It's like the story of Prometheus.

D-Does that mean?

I was born during full moon. But I don't have the mark.

Kinabahan ako ng kumirot ang bandang ibaba ng dibdib ko. Kinapa ko ito.

W-Wala nga ba?

Kumurap ako nang nawala ang usok na pumupulupot sa aking kamay. When I followed where it came from, I was stunned when I saw the guy who's following me last night in the club Z, Turner McKinley.

Nakapikit ang kanyang mga mata na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip.

"What is the meaning of this?"

Nagmulat siya ng mata.

The smoke that came out from his finger tips vanished as he walks towards me.

"I'm sorry for harshly dragging you out here."

Umatras ako ng isang hakbang. "Anong kailangan mo?"

"Chill. I won't hurt you," aniya at tumigil ng ilang dangkal sa harap ko. "You learned anything?"

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko.

Base sa galaw at tanong niya ay siya ang nagpabasa sa akin ng libro.

Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa malapit na puno at sumandal doon.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan nang maglabas siya ng kahon sa kanyang bulsa at kumuha ng isang mamahaling tabako.

"Just helping you out?" Hindi sigurado sa sariling wika niya.

Pagak akong tumawa. "Helping me out? I still remember how you interfere and supported that bitch to her hideous doings before," wika ko na ang tinutukoy ay si Agatha.

"I'm just doing my job."

"And is this part of your job also?"

"No. This is my own free will."

Nawalan na ako ng sasabihin. Nakatitig lang ako sa kanya na humihithit ng sigarilyo.

"You're not gullible. You're wise and sharp. From what you've read and some leads, you already know what's going on and what's bound to happen. Offered souls are already complete. The eye is secured while the vessel is within reach."

Itinapon ni McKinley ang hawak na tabako sa kung saan pagkatapos ay seryoso akong hinarap. "I'm not doing this for you. I'm doing this to save everyone."

He turned his back. "Leave this school tonight," aniya bago tuluyang naglakad palayo at lamunin ng dilim.

Turner McKinley. Is he a friend or a foe?