Eight
NAGISING ako dahil sa lakas ng kabog nang dibdib ko. I saw Jairus on my dream at ito ang nangyari, I feel suffocated because of my heart beating so fast. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Mahal ko na ba siya? Pero hindi ko alam kung mayroon bang katugon. O mas mabuting itago ko na lang at magkasya sa panaginip? I don't know what happened but I saw myself crying while clutching my chest.
“Why are you crying, Amarie?”
Agad kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. “A-adi?”
Nasa room ako na magsi-silbing dressing room namin ni Adi para mamaya. Yes, mamaya na ang pageant. Nakatulog pala ako habang naka-yuko sa upuan nagpahinga kami sandali, katatapos lang namin mag-practice ni Adi para sa talent portion.
“Napagod ka siguro. Nakatulog ka kasi and ngumi-ngiti ka pa but I didn't expect na paggising mo iiyak ka naman,” Umupo siya sa tabi ko. “What's the matter?”
“Wala naman, masyado lang emotional iyong panaginip ko to the extent na naiyak ako pag-gising.” I still feel my eyes wet with tears. “Don't worry about me. Hindi ito makaka-apekto sa performance natin mamaya.”
“Hindi naman iyon ‘e.” he pursed his lips.
Mabuti na lang kaming dalawa lang dito sa room. Nasa labas siguro lahat at nag-iikot.
I chuckled. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. “Practice na ulit tayo?”
He nodded. Inalalayan niya ako hanggang sa gitnang bahagi ng room pagkatapos lumapit siya sa speaker sa gilid at pinlay ang music.
We're going to dance for our talent portion.
Nagsimula ang tugtog at nagsimula na rin kaming gumalaw. Medyo sensual at sexy ang steps ng kantang Senorita. Ang galing sumayaw ni Adrian maayos siyang magdala ng partner kaya hindi ako nahihirapan, hindi pa naman ako masyadong marunong sumayaw.
There's this step na iikot ako patungo sa kaniya and he's going to hold my waist and leg then I need to bend. And when I did, naka-bend ako patungo sa may pinto at doon ko lang nalaman na marami na pala ang nanunuod sa amin, agad akong umayos nang tayo saka tumungo. Nahihiya ako but it faded when I heard their loud applause.
“Ang galing niyo!”
“Oo nga, may pa-eye to eye pa kayo while dancing. May spark! Yiee!”
Natawa ako dahil doon maging si Adi ay natawa pero hindi na kami nagkomento. Nagpahinga ulit kami hanggang sa mag-tanghali na at kailangan na naming umuwi para kumuha ng gamit. Agad akong lumabas ng room matapos magpaalam sa mga kaklase ko.
Si Lara naman, hindi ko mahagilap, hindi siya pumasok kanina kaya wala akong kasa-kasama. Pagdating sa bahay nadatnan ko sila mama at papa sa sala na may mga kasama at nag-aayos nang...
Gamit ko? My things that needed on the pageant at nandito din si Lara na mga make-ups naman ang inaayos at inilalagay sa bag.
“Oh Hi, Amarie! Tapos na practice?” Ang babae ang unang nakapansin sa akin kaya maging ang ibang tao sa sala ay napatingin na din sa akin.
“Yes, kukuha na lang ako ng gamit.”
Tumayo si Mama saka lumapit sa akin hinaplos niya ang buhok ko. “Dapat nagpahinga ka na lang sa school anak, kami na ang magdadala ng gamit mo.”
“Ma, pwede namang magpahinga dito. Right?”
“Hindi ka na makakapagpahinga, aayusan ka na agad-agad!” Pahayag ni Lara. “Ala una na kaya.”
Hindi na ako nakipag-argumento. Nagpaalam na lang ako saglit para maligo. Paglabas ko ng banyo nandun na rin sila sa loob ng kwarto ko kasama ang make up artist na kinuha ni Mama. Nakalatag na din sa kama ko ang susuotin ko papuntang Cuarteros.
Agad nila akong iginiya sa harap ng vanity mirror at sinimulang kuting-tingin ang mukha at buhok ko. Habang inaayusan ako nakapikit ang mga mata ko dahil sa gaan ng kamay nang make up artist hindi ko namalayang hinila na naman ako ng antok.
“AMARIE anak, kailangan ka na sa school.” Naramdaman ko ang marahang tapik sa pisngi ko na tuluyang nagpa-gising sa aking diwa.
“Ma?” Nagtataka pa akong lumingon sa paligid. Disoriented.
“Sabi ko na nga ba naka-tulog ka na diyan habang mini-makeup-an.” Turan naman ni Lara na hawak na ang dress na kailangan kong isuot.
Agad akong kumilos nang sabihin ni Mama na alas kwatro na. Alas siete kasi ang simula ng event. Hinubad ko ang roba at isinuot ang dress. Ingat na ingat pa si Lara na huwag dumaplis sa buhok at mukha ko iyong tela.
Isang black fitted off-shoulder with sequence ang suot ko na hanggang kalahating hita. Mayroon pa iyong mga beads mula sa balikat hanggang sa laylayan ng dress, ang beads ay tila zigzag na linya. Pinaresan ko ito ng five inch silver stiletto.
Bago kasi ang tunay na laban sa pageant, ipi-present pa ang lahat ng candidates sa lahat ng manunuod pampasabik raw sabi ng mentor namin.
Saktong alas sais bumiyahe na ako pabalik sa Cuarteros kasabay ko si Lara sa sasakyan. Sina Mama at Papa, susunod na lang daw. Very supportive sila dahil nga ngayon lang ako sasali sa pageant. Wala naman kasing nagkaka-interes na isali ako noon dahil kulang ako sa height. Flat five inch lang ako.
“Akala ko ako talaga ang mag mi-make up sa'yo, kaso di pumayag si Tita.”
“Lara, huwag ka ngang mangarap diyan. Wala kang passion do'n.”
“Who you ka sa'kin pag sumikat ako, huh!”
“E di wow!”
Tumigil sa mismong gilid ng gymnasium ang sasakyan. Mayroong ginawang daan doon para sa mga candidates para walang makakita sa amin sa pagpasok sa back stage.
“Good luck!” Lara said and gives me a hug.
Ako lang ang bumaba sa sasakyan mamaya na lang daw niya ihahatid iyong mga gamit ko. Pagpasok ko sa back stage ay nandoon na ang lahat ako na lang pala ang hinihintay. Dahil sa nahuli ako hindi ako nakaligtas sa masamang tingin ni Olivia na may taga paypay pa. Akala naman hindi aircon sa loob.
“Feeling VIP.” bulong niya pero tila sadyang ipinarinig sa akin.
Hindi ko na lang siya pinagtuunan nang pansin. Kinakain na ako ng kaba, nagsimula na kasi magsalita ang Master Of Ceremony. Hindi kami pwedeng sumilip sa nangyayari sa labas kaya nanunuod na lang kami through the monitor inside the back stage. Katabi ko si Adi na hinahaplos ang likod ko dahil nanginginig na ako sa kaba.
“We can do this, okay?”
Wala pa naman kaming gagawin lalabas lang kami isa-isa sa stage, konting pose at saka aalis na din pero kinakabahan na ako masyado. Bago tawagin ang mga contestants may isang special number muna mula sa college department. Hindi kasali sa event ang college pero mayroon silang special number siguro for promotion na din.
Kumanta at sumayaw ang grupo nila Matt kasunod ang pag-kanta ni Kuya. Hindi maipagkakaila na mga sikat na talaga sila balita ko nga nililigawan na sila ng DM Entertainment.
Matapos iyon, isa-isa ng tinawag ang mga candidates. Nang ako na ang sasalang halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko dahil sa kaba at panginginig. Hindi naman ako iniiwan ni Adi he keeps telling me comforting words but it has no effect. Hindi ko na kinaya, unti-unting nagdilim ang paningin ko.