Chapter 27

Nasa airport pa lang kami ay gusto ko ng bumalik agad sa Cebu dahil sa may naalala.

Ayokong alalahanin pero kusa naman itong bumabalik sa isipan ko kung bakit o paano kami umalis sa tinagurian na naming unang tahanan, ang Negros.

Binalingan ko si Ignacio na kinukuha ang maleta namin. Ano kayang nasa isip niya? Hanggang ngayon ba ay nagpapanggap pa rin siya na wala siyang ginawang masama sa akin. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong napahamak dati.

Pero ano bang nangyayari sa akin na kahit ilang beses man niya akong saktan ay ito parin ako, lalo ngayon, baliktarin ko man ang mundo, may anak kaming dalawa. Kahit hindi man sabihin ni Saul ay nakikita ko kung gaano siya kasabik sa isang ama. Paano siya nangungulila. Paano niya ipagsigawan na may papa siya na matatawag. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Ignacio dahil akala ko hindi na magkikita pa ang landas namin o ang anak ko pero mapaglaro ang tadhana dahil siya na ang gumawa ng paraan.

Handa na ba akong patawarin siya kung ano man ang rason kung bakit nagawa niya iyon sa akin? Gusto kong ibalik sa kanya ang buong tiwala pero ngayon may pagdududa pa.

"Are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko lang pala ang taong kanina pang laman ng isip ko habang hawak ang kamay ng anak ko na si Saul. Nilagay niya ang ibang takas ng buhok ko sa aking tenga. Pinagmasdan ko siya at unti-unting tumango.

"Pagod ka ba sa biyahe? Don't worry pagkarating sa bahay ay diretso kana sa kwarto natin para makapagpahinga na, 'wag kang mag-alala soundproof ang kwarto ko kaya hindi mo maririnig ang ingay sa labas. Makakatulog ka nang mahimbing," saad niya sa malambing na boses.

Nakakahiya naman siguro na natutulog ako habang siya ay nakikisalalamuha sa mga barkada niya. Di bale na nga, kung may kumakausap sa akin ay saka pa ako mag-eentertain at kung wala naman ay naka papanhik na lang ako sa itaas para matulog.

May handaan daw sa kanila dahil doon naisipan ng mga mag barkada na magcelebrate at ang dating kaklase namin ay pupunta lalo na si Shemaia Ocampo na ngayon ay malapit ng ikasal sa Italiano niyang boyfriend. Yun ang nakalap ko na balita na sabi ni Ignacio. So.. hindi pala naging sila. How about Eula?

"Let's go," anyaya niya.

"Yeheey! Let's go mommy. I want to hold your hand too." sabi ng anak ko na napangiti sa akin. Nasa gitna ang anak namin habang magkahawak ang mga kamay palabas ng airport. Nagkatinginan ang mga ibang tao sa amin at nasisiyahan sa bibo kong anak. Pwede naman kaming sumakay sa ferry from Cebu to Negros pero mas gusto niya sa himpapawid para mas mabilis.

Wala na akong magawa dahil nakabook na siya ng ticket para sa aming tatlo.

May sumundo sa amin na driver, dahil ayaw ng magmaneho ni Ignacio lalo ngayon na nagkukulitan na naman ang dalawang mag-ama.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan,. Matagal-tagal na rin nga na hindi ako nakabisita dito. As usual ganun parin naman halos lahat. May mga jeep at maraming motorista ang makikita ko sa kalsada lalo kung busy. Wala namang masyadong pinagkaiba ang dati at ngayon dito sa Negros para sa akin.

"You lived here po dati mama? Sabi po ni papa na dito kayo nakatira," binalik ko ang atensyon ko sa mag-aama dahil sa tanong ni Saul.

Hanggang tango lang ang binigay ko sa kanya at nginitian siya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Napapagitnaan namin si Saul kaya malaya namin siyang mahahawakan.

Tiningnan ko si Ignacio na busy sa kakatipa sa kanyang cellphone. Baka tenext niya ang mga kaibigan niya o kaklase namin noong high school at pinaalam na pauwi na kami.

"Dadaan muna tayo sa mall, bibilhan ko lang ng gatas ang anak ko."

"Atin Mica atin hindi lang sa'yo." aniya sa malamig na boses at matalim itong makatingin sa akin. Tumingala si Saul dahil siguro nag-iba ang boses naming dalawa na pinipigilan magsigawan, yumuko ako at nginitian ko siya para hindi niya maramdaman na nagtatalo kami ng kanyang ama.

"Okay! Ating anak. B. bilhan ko lang ng gatas ang ating anak." tanging sambit ko sa yelong bilyonaryong ito. Umiwas ako ng tingin at binalik ang mga mata sa labas ng sasakyan.

Ipinara na muna ni manong driver ang sasakyan sa isang mall dahil nga may bibilhin ako. Bibili ako ng gatas ni Saul, ayoko namang mamaya pa kami bibili sa gabi, gusto ko kasi bago matulog ang anak ko ay makainom siya na lagi niyang ginagawa.

"Dito lang kayo, ako na ang bababa, mabilis lang ako. I love you baby Saul." sabi ko at bumaba na ng kotse. Hindi ko na hinintay ang sagot ng isa dahil baka sasama pa. Matatagalan pa ako. Binili lang ako ng gatas ng anak ko para mamayang gabi bago matulog ay nakainom siya, nakasanayan na kasi n na laging umiinom lalo kapag favorite niya ang flavor na gusto.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at baka naghihintay na rin ang mga bisita ni Ignacio sa pamamahay niya at malaman nila na ako pala ang may kasalanan kung bakit kami matagal nakarating.

Pagpasok ko sa mall ay agad akong pumunta sa pantry kung saan ang mga powder milk. May pera ako kaya hindi ko kayang humingi pa sa kanya.

Akala ko na wala yung brand na lagi kung binibili para sa anak ko, mabuti na lang may nakita ako at nasa dalawa na lang, natabunan lang ng ibang brand.

"Sabi ko na nga ba na ikaw to eh," narinig ko na boses galing sa likuran ko. Hindi ako sure kung ako ba ang tinutukoy pero nag-angat pa rin ako ng ulo para malaman ko. Napangiti na lang ako kung sino ang nakita ko.

"Hi! Ikaw pala."

"Hi Mica! Long time no see, akala ko namamalikmata lang ako kanina pagpasok dito sa grocery eh. Kumusta na? Nandito ka pa rin ba sa Negros nakatira?"

Nilagay ko sa basket ang dalawang pack ng gatas at binalingan siya."Ayos lang ako, hindi na kami dito sa Negros nakatira Ronald, sa Cebu na. Ikaw? Kumusta naman?" usisa ko sa kanya.

"Ganun ba? Kaya pala hindi kana nakikita ni Lisa dito sa atin, minsan nababanggit ka niya na kung saan kana ngayon." kunot-noo ko naman siyang tiningnan na may pagtataka kaya natawa siya sa reaction ko.

"You mean?"

"Yep, 3 years na rin kaming mag-asawa, kaya ito, ako na muna ang bumibili ng mga pangangailan sa bahay ngayon bago umuwi galing trabaho." saad niya na napangiti lang sa akin. Masaya ako na matino pala itong lalaking ito. Akala ko dati puro lang barkada at laging alak at sigarilyo ang inaatupag. "Kung may oras ka, pwede mo siyang bisitahin sa bahay, namimiss ka niya. For sure matutuwa at mahampas niya ako na hindi kita dinala sa kanya. Alam mo bang Ikaw ang pinaglihian niya sa panganay naming anak? Kaya hindi ko alam kung paano siya aluhin dahil hindi ko alam kung saan at paano kita hahanapin, kahit sa social media mailap ang mundo mo," natatawa niyang sabi. Nasa cashier na kami para magbayad.

Medyo marami ang tao ngayon kaya natagalan ako. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa sasakyan dahil ginamit ko yun kanina at nilagay ko lang sa gilid ng upuan habang may pinapakita si Saul sa akin.

"Hala! Ano namang especial sa akin at ako ang pinaglihian ng asawa mo?"

"Yun nga eh, nagtataka nga ako na sa daming tao ay ikaw pa, kahit ako na lang sana ang pinaglihian niya ay masaya na ako pero hindi, hinahanap ka niya lalo sa akin, mabuti na lang may picture pa tayo nung highschool kaya yun na lang ang tinitignan niya. Mabuti na lang at hindi mo kamukha ang anak namin na babae," natatawa niyang sabi kaya napatawa na lang din ako.

Tapos na ako at hinihintay ko siyang matapos kasi pangit naman na agad-agad akong umalis, nakakabastos naman siguro yun. Total madalian lang naman ang ginagawa ng cashier at agad din siyang natapos. Palabas na kami ng mall na magkasama at nag chichikahan pa rin.

Nalaman ko na nasa Manila siya nag-aaral ng college at naging sila nga ni Lisa, on and off ang relasyon nila hanggang naging sila na rin sa katagalan.

Ng makarating kami sa parking lot ay nakahilera lang pala ang sasakyan namin. Nagpaalam kami sa isa't-isa pagkatapos niyang ibigay sa akin ang number ng kanyang asawa. Gugulatin ko nga ng tawag yun. Isa kasi siya sa naging friend ko talaga nung highschool at mas marami kaming pinagsamahan na dalawa.

Pagbaling ko sa sasakyan kung saan naka parada ay bigla yatang nanlamig ang mga tuhod ko habang naglalakad dahil sa bulto ng lalaking kanina pa yata naghihintay. Nakapamewang ito sa akin habang matalim ang tingin at nakaigting ang mga panga. Wait matagal ba ako? Hindi naman ah.

"What took you so long?" galit pero mahinang tanong niya.

"Mahaba kasi ang pila kaya ngayon lang ako." paliwanag ko pero galit pa rin itong nakatingin sa akin.

"Really? O nasarapan ka lang sa pag-uusap niyong dalawa sa kahalikan mo dati? Nagpapalitan pa nga siguro kayo ng numbers ah, why Mica? Para malaya kayong makipag kita sa isa't-isa at–fuck!" isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya dahil sa mga sinasabi nitong walang katuturan. Hindi ko alam kung paano niya na sabi ang mga bagay na yan without even thinking na mali ang mga hula niya o pakinggan muna ang paliwanag ko.

Wala na akong pakialam kung makikita kami ng anak namin na ginawa ko sa kanya ang paglapat ng palad ko sa pisngi niya dahil sa nasobrahan na siya sa mga sinasabi niya.

"Wala kang alam at bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag ko bago ka magsalita ng mga ganyan ha? Nakakainis kana. Wala akong ginawang masama pero ikaw naman itong gumagawa ng sarili mong kwento. Pamilyado yung tao at gusto mong pumatol pa ako doon? Syempre classmates natin siya. Classmates natin ang nakatuluyan niya kaya naibigay ko sa kanya ang number ko dahil namimiss ako ng dating kaibigan." paliwanag ko at dahil sa naiinis ako ay agad akong naglakad paliko para makasakay na sa kabilang pintuan at baka nakaka eskandalo na kami dito sa parking area at isa pa ayokong makita ni Saul na ganito kami sa isa't-isa ng kanyang mga magulang.

Mabuti na lang tulog ang anak ko pagpasok sa loob ng sasakyan. Hindi nagtagal ay pinaandar na ng driver ang sasakyan pagpasok ni Ignacio. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at nasa cellphone na lang ako nakatutok.

Ayokong nag-aaway kami dahil lang sa pagiging seloso niya. Maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok at hinayaan ang sarili na matulog habang nakasandal sa upuan at hawak ang kamay ng aking anak.

Nagising ako dahil sa ingay ni Saul. Dinilat ko ang mga mata ko at naabutan ko ang sarili ko na nakahiga na, habang may maliit na unan sa aking uluhan at nakapatong ito sa kandungan ni Ignacio, nakita ko si Saul na kausap ang driver at tawang-tawa ito sa hindi ko malaman na dahilan. Lumipat pala siya ng upuan sa front seat para malaya akong maihiga at matulog? Sweet naman ng anak ko.

Tumingala ako at nakita ko si Ignacio na nakatulog din pala habang nakasandal ang likod sa upuan ng sasakyan habang humihilik ng mahina.

Bigla siyang gumalaw at dahil sa taranta bigla kong pinikit ulit ang mga mata ko at nagkunwaring tulog pa.

"Malapit na ba tayo manong?" tanong ni Ignacio sa driver. Timing at medyo tanghalian pa ng makarating kami ng bahay nila. Malapit na mag one ng hapon.

"Nasa gate na po tayo ng bahay, sir," sagot ni manong at bumusina siya.

" Okay, thanks."

"Hi papa, shhh! Wag maingay, tulog pa po si mama," halos pabulong na sabi ni Saul sa kanyang ama. Kung alam mo lang anak na gising na ako.

"Alright, sorry," pabulong din ni Ignacio. Nakatagilid ako kaya hindi ko alam kung napapansin niyang gising na ako.

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Kita mo.. kanina nagkasagutan pa kami tapos ngayon lalambingin niya ako sa action niya.

Ito ang napapansin ko sa kanya na imbis sabihin ang katagang sorry ay dinadaan niya sa paglalambing gamit ang action tulad ngayon.

"Alam ko na gising kana, klarong-klaro dahil sa talukap mo na gumagalaw, Mica! Gusto mo buhatin kita papunta sa kwarto para matulog, hmmm!" bulong niya sa tenga ko.

Agad kong dinilat ang mga mata ko at umalis sa paghiga sa mga hita niya at matalim na nakatingin sa kanya na pinipigilan mapangiti.

Akala niya siguro nakalimutan ko na ang galit niya sa akin kanina, neknek mo bilyonaryo ka! Busy ako sa pag-aayos ng sarili ko.

Inayos ko ang buhok ko at nakita si Saul na nasa baba na. "Let's go," aya ni Ignacio sa akin. Nakababa na pala ito sa sasakyan at siya na ang nagbukas ng pintuan kung saan ako nakaupo.

Sinimangotan ko siya at itinabig ko ang kamay niya na gustong humawak sa akin. Bumuntonghininga siya at tinititigan lang ako. Nagpakarga si Saul sa kanya dahil nahihiya na makitang maraming tao sa loob ng bahay niya. Dahil sa labas pa lang ng garden ay matatanaw na dito na may okasyon nga sa bahay nina Ignacio.

Ang bahay kung saan nakapunta na ako at ngayon marami na naman akong alaala. Subukan ko kayang puntahan ang dating bahay namin. Ano kaya ang maramdaman ko? Kaya ko ba? Nandoon pa kaya at ganun pa rin ang ayos? Ibenenta na yun ni papa kaya hindi ko alam kung sino ang nakatira ngayon. Lalo na yung time na na stroke si papa at critical ang kalagayan.

Baka bago kami umuwi ng Cebu at dadalaw ako doon pati na rin sa mga kaibigan ko na for sure magugulat sila na nagpapakita na ako na ilang taon naring hindi nakauwi dito sa Negros.

"Igno!!" bumaling ako sa tumawag na Igno. Sino yun?

"Nanay! Yan ka na naman sa tawag mo sa akin! Ignacio po. Bantot po ang Igno." reklamo ni Ignacio sa medyo katandaan na ginang. "Nanay Cherry pala, isa sa mga nag-aalaga sa akin nung maliit pa. Nay si Mica po at si Saul anak namin, yung sinabi ko sa'yo." Aniya sa kanyang Yaya. Sinalubong na kami ng mga ibang katulong yata nila habang nasa labas pa lang kami.

"Eh sa gusto ko na yun ang tawag ko sa'yo, pakialam mo ba!" pinigilan kong tumawa dahil sa palaban din pala ang kasama nila sa bahay. Ibinaling niya ang tingin sa akin! "Maligayang pagdating iha. Pasok na kayo para kumain. Nasa loob na ang dati niyong kaklase." ani ni nanay at sabay na kaming naglalakad papasok sa loob ng gate. Karga-karga pa rin ni Ignacio ang anak ko at ayaw magpababa.

"Yow bro! Uy may mini Ignacio pala dito. Hi little buddy. What is your name?" tanong ng dalawang lalaking sumalubong sa amin. Namamangha rin sa kung ano ang nakikita.

"Hi po, my name is Louis Saul Gomeza po," napatikhim kami pareho dahil sa last name na sinabi ni Saul.

"Oh wow, ang pogi ng pangalan ah. My name is Vincent at siya naman si Tito Domingo mo, nice to see you little buddy!" sabi naman ng isa na may hawak ng kopita sa kanan.

"Same po Tito," sagot ng anak ko habang nakangiti.

Dinala na ng mga kasambahay ang mga gamit namin sa loob ng bahay at iaakyat na lang daw sa kwarto kung saan kami matutulog mamayang gabi. Sumunod lang ako sa kanila dahil nga nagtatampo pa ako sa lalaking ito. Kaya hindi man lang ako pumantay sa paglalakad at nasa likuran lang ako kahit panay angat ng kamay ni Ignacio gamit ang kaliwang kamay para siguro mahawakan ako.

Pagkarating namin sa loob ng bahay ay halos nakatingin sila sa gawi namin at tumigil sa kanilang ginagawa. Namangha yata sa nakita.

"Say hi and bless to your Tita's and Tito's baby?" Narinig kong sabi niya at bumaba naman si Saul at nagpakilala sa mga tao kaklase namin dati.

"Hi mica. Long time no see…" sabi ni Mercy na may anak na nakaupo sa kanyang tagiliran at pinapakain. Ganun din ang ibang kaklase ko noong high school, nagpakilala at kinukumusta ako.

"Hello! Long time no see din sa inyo." sagot ko sa kanila, hindi kasi kami sobrang close nung high school, para kasi kaming may sariling grupo at iba naman yung sa akin na ngayon ay hindi nila ka circle of friends ay wala dito.

"Congratulations Rey," nginitian niya ako pagkatapos kung magcongrats sa nalalapit nila na kasal sa kanyang kasintahan na half Italian this week at invited din kami ng anak ko.

"Ilang taon na ang baby mo?" Tanong ni Gail.

"Kakaseven lang ng anak ko." sagot ko. Napanganga sila dahil sa sinabi ko na edad ni Saul. I know, matagal na, na may anak ang kaibigan niyo sa akin.

"I see, magdadalawang taon pa lang si Timothy, kayo palang at ni Mercy ang may anak sa ating magbabarkada at tingnan mo ang dalawa at may sarili na ring mundo, kahit kakakilala pa lang." sagot ni Gail at sinang-ayunan din ng lahat.

Naglalaro ang dalawang bata ng mga laruan na kotse-kotse. Kuyang-kuya naman si Saul sa kanyang kalaro na si Timothy ang pangalan.

Nasa pabilog kami na lamesa na mga babae at iba naman ang mga lalaki na umiinom ng alak, kaming mga babae ay juice o tea. Kakatapos lang namin na kumain ng tanghalian at ngayon nasa garden para magkwentuhan ng nakaraan. Hindi naman mainit ang panahon at isa presko naman ang hangin.

"Yang anak mo kahit saang anggulo ay tingnan mo naman at kay Ignacio talaga. Hindi namin alam ang buong kwento niyong dalawa pero laban lang girl, mapapasaan ba at magkaayos din kayo." saad naman ni Cathy. Natuwa naman ako na hindi sila nagtanong kung ano ang mga nangyari sa aming dalawa ni Ignacio at kung bakit ngayon lang ako nagparamdam kahit nung nalaman nila na ang ginamit ng anak ko na apelyido ay sa akin at hindi ni sino man.

Handa na ba akong palitan ang apelyido ni Saul kung sakaling hihilingin niya?