Chapter 25

Happy birthday to you

Happy birthday to you

Happy birthday my dear Louis Saul

Happy birthday to you

Sabay-sabay naming kinantahan ang anak ko na kanina pa namamangha sa nakikita sa paligid. Nasa resort kasi kami ng mga Vaderro family, dito ginanap ang party ni Saul.

Dito napili ni Tuko na mag birthday ang anak ko para ma enjoy ng mga bata ang mga pa games na gaganapin dahil sa malawak nila na garden. Kilala nya ang may-ari. Meron ding swimming pool at malapit sila sa dagat ang area, pero dahil mga bata ay hindi namin pinapayagan na maligo sa dagat lalo at malakas ang alon ngayon dahil may paparating na bagyo.

Mabuti na lang at ngayong araw ay sakto lang ang panahon. Kaya panigurado ako na mag-eenjoy ang mga kaklase ni Saul o anak ko kapag nagpapalaro na maya-maya.

"Happy birthday baby Saul. Binata na talaga ang inaanak ko. Pwede na magka girlfriend. Ouch! Para saan yun?" Kinurot ko sa tagiliran si Tuko dahil sa kung ano na naman ang sinasabi niya sa anak ko.

"Bata pa yan Jackson ha, sinasabi ko sa'yo, wag mong tinuturuan ang anak ko sa mga bagay na ganyan. Hayaan mo muna silang maging bata kaysa sa mga bagay na tinuturo o sinasabi mo." saad ko sa kanya habang nilagay niya ang regalo para may Saul sa kabilang lamesa.

"Ito naman, hindi na mabiro. Laging mainitin ang ulo." reklamo niya.

"Happy birthday Saul." Sabay na bati nina Clare, Bethy, Dino. Kanina pa dumating sina Yana at Marie at naiabot na nila ang mga regalo kay Saul. Alam nila na may anak na ako at yun lang alam nila at naiintindihan naman nila ako kung hindi ko sasabihin sa kanila lahat.

"Salamat Tita Bethy and Tita Clare ganda and Tito Dino sa mga gift po."

"Oh my gosh, so cute naman itong batang ito. Simpleng polo at pants lang ay talaga namang bagay sa'yo. Saan ka ba pinaglihi at ang ganda naman ng lahi mong bata ka." nanggigigil na ani ni Yana na makalapit sa area namin.

"Salamat mommy Marie, mama Clare and Dada Dino, Thank you po Ganda Yana." pasalamat ng anak ko sa mga kaibigan ko sa mga regalo na natanggap niya. Hindi naman sapilitan na magbigay and I really appreciate them. Sinuklay ko ang buhok niya at inayos ang kwelyo. Nginitian ko ang anak ko.

Sino mag-aakala na makakabuo ako ng panganay sa kanya. Marahil kasalanan ko kung bakit nabuo ko si Saul.

"Masaya ba ang baby ng mama?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa silya at nasa gilid nakatayo ang anak ko na patuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok niya gamit ang daliri ko o di kaya pinupunasan ko siya ng malinis na tuwalya.

"Opo mama, sobrang saya ko po. Akala ko kasi, simpleng kainan pag po sa birthday ko. Pero nandito po ang mga classmates and friends ko po, kaya masaya po ako na nakakaligo lahat sa pool po, Thank you po." sabi ng anak ko na mas nagpalapad ng ngiti ko. Ang gaan sa pakiramdam na napawi lahat ng pagod mo dahil sa marunong tumanaw ng utang na loob si Saul.

"Mas masaya ang mama anak, kapag nakita kita na masaya at walang sakit sobrang saya na ni mama. Ikaw Ang mundo ko kaya dapat maging mabait, matapang, mapagdasal ang nag-iisa kong mundo ngayon at hanggang pagtanda ay ikaw iyon anak. Kaya kahit ano man ang mangyari ay aalagaan at mamahalin ka ni mama. I love you too. Just go back with your friends at kapag basa na ng pawis ang likod, puntahan mo ako para mabihisan kita okay?" pero ang anak ko umiling lang.

"No need na po mama, ako na po ang magbibihis sa sa sarili ko. I'm a big boy already. I can handle it." gustong bumagsak ang mga luha ko pero pinigilan ko lang dahil special itong araw ng anak ko at ayokong makita niya na umiiyak ako.

"Such a good guy, sana lang kapag lumaki na ay mabait pa rin sana na bata." sabad naman ni Marie na ngayon ay pareho naming pinagmamasdan ang mga bata na nagsasaya sa mga palaro ng MC sa kinuha namin na nagcacater.

"Ano, ayos ba? Maganda pala kapag ganito dahil less lang ang trabaho ko anak." Nginitian ko si mama dahil totoo nga ang sinabi niya. "Lahat ay bahala na ang nagcacater sa lahat at may pa games pa at kung anong ganap para sa children party. Nakakaaliw at ang mga bata ay tuwang-tuwa." Masayang sabi ni mama.

Hindi nga talaga ako nagkamali na magplano ng advance para sa anak ko. Pagkatapos ng Ibang games ay kumakain na sila ngayon.

"Excuse me ma' am, may naghahanap po sa inyo sa labas. Hindi po namin pinapasok at baka po wala sa list ng invited niyo po." ani ng kuya guard na nakalapit na sa akin.

"Naitanong niyo po ang pangalan, kuya? " tanong ko.

"Sina Mr. and Mrs. Baltimoore daw po ma'am." Aniya ni Kuya. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Wala talaga akong takas sa mga mag-asawang Baltimoore. Alam kasi nila na ngayon ang kaarawan ng anak ko. Nandito sila at masaya naman ako dahil sa wakas makilala na ni Saul ang kanyang Lola at Lolo.

Lumabas ako ng venue para salubungin sila. Ang boss ko naman na anak nila ay may business meeting sa ibang bansa at Manila noon pang nakaraang linggo at dahil naka leave ako ng one week kaya wala ako sa opisina ngayon.

After ng nangyari sa amin ay wala yata akong lakas na loob para magpakita sa kanya. Tenetext niya lang ako na kung pwede kaming mag-usap ay sinasabi ko lang na busy ako o di kaya pinapatayan ko siya ng tawag.

May pagbabanta pa na pupunta sa bahay namin pero sinabi ko sa chat na hindi pa rin ako magpapakita sa kanya kaya ayun umalis ng nakabusangot yata ang mukha non.

Ano pa ba ang pag-usapan namin? Sasabihin niya na wala lang yun at kalimutan na naming dalawa? Kasi kung ganun nga ay susundin ko ang sinasabi niya. Hindi ako maghahabol sa kanya kahit ano ang mangyari.

Talaga lang Mica.

Pagkarating ko sa labas ng gate ay bumungad sa akin ang dalawang magara na sasakyan na nakaparada sa parking area at nasa labas na ang bantay o driver ba ito?

"Yan po sila ma'am, pero hindi po namin pinapasok hangga't wala pong permiso niyo," ani ni kuya guard. Nagpasalamat ako at tinungo na ang sasakyan na kung saan ang mommy ni Ignacio naghihintay.

Habang naglalakad ay binaba ng ginang ang salamin at kumakaway sa akin. Marahil nasa kabilang sasakyan ang asawa ni mom, galing yata sa kani-kanilang trabaho kaya nag convoy na lang papunta dito.

Pero ganun na lang ang pagkakunot ko ng noo na mahagip ko si Mr. Baltimoore na katabi lang ng ginang sa loob ng kotse.

Sino pala ang nasa kabilang kotse? Lumingon ako sa tinted na sasakyan na nasa likuran lang nila. Nasa labas lang ang driver pero..

"Hi darling… " tawag ni Mrs Baltimoore sa akin ng makababa na siya ng sasakyan habang tinulungan ng kanyang mister.

Malapad akong ngumiti sa kanila, "Hello po. Maraming salamat po sa pagpunta sa kaarawan ng anak ko po. Pasok po!" anyaya ko sa kanila.

"Omg, nasa loob na ang apo ko?" tanong niya. Hindi ko alam kung matatandaan pa ba ng anak ko ang mag-asawa noong unang nagkita sila sa M_I building. Anong maging reaksyon ni Saul kapag nalaman niya na meron pa siyang ibang lolo at lola.

Ilang taon ko ba namang itinago.

"Granny Pretty!" nagulat ako na biglang sumulpot ang anak ko galing sa loob at tinawag na what? Granny? Don't say…

Lumuhod ang ginang para magpantay at mayakap ang anak ko "Hello, apo ko. Happy birthday! You know what I have a lot of toys and books that I brought only for you, my dear grandson. Are you excited?" saad ng ginang na nakapagtataka naman sa akin.

"Saul, do you know her?" tanong ko sa mahinang boses ang anak ko. Bumaling siya sa akin at tumango.

"Opo mama, lagi po siyang pumupunta sa school namin at nagpakilala na sila daw po ang favorite Lola at lolo ko," nagtataka kong binalingan ang mag-asawa.

"Totoo po ba?" tanong ko sa mag-asawa na ngayon ay malapad ang mga ngiti na parang oo o hindi ang isasagot lalo na ang ginang.

"Ah.. eh.. oh.. yes iha. Pasensya kana iha hindi lang namin ay ako pala mapigilan na ipakilala ang mga sarili namin sa kanya kahit na hindi namin binanggit kung sino ang anak namin sa buhay niya. Sorry, galit ka ba?" tanong niya. Umiling ako na nakangiti sa kanya. Naiintindihan ko dahil bilang ina alam ko yung pakiramdam na katulad nila kapag darating man ang panahon na magkaasawa si Saul ay masasabi ko na gagawin ko rin ang ginawa niya sa anak ko.

Ang sa akin lang ay hindi naman nasabi ni Saul ang tungkol sa ganyan o may pakiramdam na siya na tama nga ang pinapakita ng mag-asawa. Kailangan ko paring paalalahanin si Saul na hindi nakikipag-usap sa stranger dahil huwag naman sana. Ayokong maulit ang nangyari sa akin sa anak ko kung paano ako nagtiwala sa isang tao lalo at kakilala ko pa. Kahit maalala niya ang mag-asawa pero hindi pa rin mabuti na nagdesisyon na siya agad.

"Ayos lang naman po sa akin yun mom, pero hindi po ba natakot sa inyo ang anak ko?" tanong ko dahil baka mamaya yung anak ko ay nagwawala na ito na may lumapit sa kanya.

"Hindi naman, nagtataka lang. Pero sa tingin ko matalino ang anak mo iha. Alam niya ang tinutukoy namin sa kanya." Bulong ni mommy Marinella. "Anyway, may gift kami sayo apo. Come here, nasa kabilang kotse ang mga gift namin at sana magustuhan mo." tawag niya sa anak ko.

"Mica! Sino yan?" Tinabingi ko ang ulo ko para makita ang tumawag sa akin. Ang mag-asawa ay iginiya si Saul patungo sa likod ng kotse para ibigay sa kanya ang mga regalo na hindi ko pa alam kung ano ang mga iyon.

Nakatayo lang ako sa kabilang kotse na sinasakyan nila kanina.

"Mama, mga magulang po ng ama ni Saul."

"Huh? Nandito sila? Ibig sabihin… " umiling agad ako bago ipagpatuloy ni mama ang sasabihin.

"Hindi po siya kasama dahil nasa ibang bansa po ngayon. Kahit na alam na po ng mag-asawa ay hindi naman po nila sinasabi sa anak nila na may anak na kami." paliwanag ko kay mama.

"Ganun ba! Tawagin mo na at pumasok sa loob ng resort para makakain."

"Iha saan ba namin pwede ilagay ang mga reg-— you!"

"Ikaw!" bigla na lang akong nagulat dahil sa biglang pagtaas ng boses ng ina ko at ni Mrs Baltimoore habang nagtuturuan.

"Bruha ka dito lang pala kita makikita…"

"Gaga ka, nandito ka lang pala…makakaganti na rin ako sa'yo." Ang bilis ng pangyayari at kung hindi lang inawat ni Mr. Baltimoore ang kanyang asawa at hindi hinawakan ni papa si mama sa pulupulsuhan ngayon ay baka kanina pa nakasubsob ang mga mukha nila sa semento. Anong kaguluhan at bakit nagkaganito?

"Bitawan mo ako, gaganti lang ako. Nilalait ba naman ako ng bruhang iyan na pangit ako dati." nanggigigil na sabi ni mom.

Ganun din ang ginagawa ni papa kay mama na pinigilan ito para hindi pumunta sa gawi ng ina ni Ignacio, ano to may riot na magaganap at inumpisahan nila.

"Gaga ka, bayaran mo ang utang mo sa akin na ilang dekada ng lumipas at hanggang ngayon wala ka pa ring inaabot sa akin. Gaga ka!"nanggagalaiti naman na sabi ni mama. Napahilot tuloy ako sa aking sentido at ganun din sina papa at Mr. Baltimoore.

Wait lang…

Nasa birthday celebration kami at bakit sila nakikipag bardagulan na dalawa? "Mama! Mommy! Enough na po. Baka saan pa hahantong ang pakikipag-away niyong dalawa. Remember birthday po ito ng anak ko na ngayon naririnig pa niya na nakikipagtalo pa kayo, tapos kakakita niyo pa lang." Saway ko sa kanilang dalawa. Ano kaya ang nangyari sa kanila noong kapanahunan nila na ganito ang galit nila sa isa't-isa.

"Sorry anak."

"Sorry my dear" hingi ng paumanhin nilang dalawa at nagkatinginan at sabay irap sa kawalan. Napapailing na lang ako. Mga ito parang mga bata.

Dahil nahimasmasan na ang dalawa kahit may pagkakataon pa rin na nagtataluhan parin sila ay pinapasok pa rin namin sila sa loob ng venue, dapat masayang okasyon ito at hindi tungkol sa kanilang pag-aaway na ilang taon na yatang dinadala nila sa dibdib at ganito sila kagalit sa isa't-isa.

Mas lalo akong nagulat kung ano ang mga pinamili ni Mrs Baltimoore, bisikleta, skateboard, may chess board at mas marami ang mga libro. Naku! Saan ko ito ilalagay sa bahay namin. Pero dahil nandiyan na ay wala na kaming magawa.

Pinalipat ko na lang sa pick-up ni Tuko ang pwede ilagay doon na gamit, mabuti na lang at yun ang nahiram ni Tuko na sasakyan sa kanyang amo.

Bumalik ako sa loob at naabutan si mama na nagbibigay ng pagkain kay Mrs Baltimoore na kahit nandito pa ako sa medyo malayo sa kanilang ay alam ko na nagtatalo pa rin ang dalawa.

"Masarap itong adobo, wag kang maarte dahil pangit ka parin naman kung magrereklamo kapa diyan." sabi ni mama.

" Aba kung magsalita ito akala mo naman na maganda, tse.. " hanggang iling na lang talaga ako sa kanila.

Naging matiwasay at masaya ang birthday ni Saul. Nag-eenjoy din siya sa mga iniregalo sa kanya ng mga ninong at ninang niya. Kahit ang bigay din sa kanya ng mama ni Ignacio ay napatalon siya sa sobrang saya.

Maybe one of this day sasabihin ko na kay Ignacio na may anak kaming dalawa at ngayon pa lang ay kailangan ko ng ihanda ko na ang pwede maging mangyari sa pag-uusap naming dalawa. If ever man na kukunin niya si Saul ay ipaglaban ko ang anak ko. Kung hindi man niya matanggap ang anak ko ay hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko dahil lang sa kanyang ama.

Araw ng pasukan ay pupunta na ako ng opisina. Sana man lang na hindi na muna siya pumasok sa trabaho. Mmmm pwede naman na magpahinga muna siya dahil pagod siya sa lahat kasi di ba galing siya ng Ibang bansa. Wala naman siyang meeting this week kaya dapat hindi muna talaga siya papasok sa opisina.

Pero mapaglaro nga naman ang tadhana , dahil habang busy ako sa kakafile ng mga papeles ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal siya. Hindi siya nag-iisa at may kasama siyang tatlong lalaki.

"Hi miss, nice meeting you!"

"Hoy pumasok sa opisina ko at magsimula na ang meeting natin kaysa makipagharutan ka pa diyan Elizcalde," ani ni Ignacio sa kasamahan niya at agad ding kumaripas ng takbo papunta sa loob.

Matalim at madilim itong tumingin sa gawi ko, "coffee for 4, at pagkatapos mong ihatid lumabas ka kaagad at wag makipaharutan hangga't office hour pa, is that clear, Gomeza?

Bigla akong nanlamig dahil sa boses niya na nagbabanta. Ano akala niya sa akin na papatulan ko isa sa kanila doon gago ba siya. Galing ka lang sa ibang bansa para sa meeting talks ganito ka pa umasta kang yelong mayaman na lalaki ka. Umirap ako sa kawalan pagkalabas ng office nya.

''Grre…ang sungit." sabi ko sa sarili ko. Nagmamadali na akong pumunta sa counter para igawa na ng kape ang mga bisita niya at sa boss ko na malamig na naman ang ulo, kaya dapat nga siyang uminom ng mainit na kape para mahimasmasan siya.

Kahit hindi naman mainit ang panahon ngayon dahil umuulan palagi nitong nakaraang araw pa, may pasok ang mga estudyante kasi hindi naman bagyo, minsan gabi umuulan.

Ganun din kinabukasan, umuulan pa rin pero hindi naman malakas, dahil siguro rainy season na simula ngayong buwan kaya asahan na talaga na laging umuulan o papasok na bagyo sa Pilipinas.

Tambak ang trabaho ko ngayon sa opisina, baka mamaya nito ay mag-oover time na naman ako nito. Wala si yelo ngayon dahil may pupuntahan daw. Mas mabuti pa na ganyan, na lagi siyang wala sa paningin ko dahil baka maalala ko lang ang nangyari sa amin na ngayon ay parang wala naman siyang pakialam.

Talaga lang Mica o ikaw lang ang umiiwas kapag lalapitan ka niya? Nag-excuse ka kapag marinig mo na gusto ka niyang kausapin. Unless kung tungkol ito sa trabaho.

Kaya tingnan mo tuloy, tinambakan ka ng maraming files para maging busy ka sa araw na ito, nakakainis lang. Kaya ang ginawa ko, hindi na ako umalis ng building para kumain kundi kung ano na lang madukot sa bag ko, swerte lang kung may baon ako na pang lunch, minsan naman kuntento na ako kung may biscuits sa bag ko. Malamig ngayon kaya nagdala ako ng jacket, ganun din sa anak ko at mga kapatid ko kapag papasok sila sa paaralan para hindi sila malamigan

Tanging music lang at ingay ng mga papel na pina files ko ang maririnig sa opisina. Malapit na rin akong matapos.

Tumunog ang cellphone ko at nagtataka na tumawag si Kimmy na dapat text lang. Hmm baka gusto niya agad na mapansin ang text niya, tiningnan ko ang cellphone ko pero walang text kaya sinagot ko na ang tawag.

"Uyy, napatawag ka, wala ka na nam–"

"Hello ma'am! Si Miss Gomeza po ba ito?" tanong sa kabilang linya. Teacher?

"Yes po." sagot ko.

"Ayy salamat naman. Ma'am wag po kayong mabibigla ha, yung anak niyo po na si… "

"What? Anong nangyari sa anak ko?" bigla yatang nanginginig ang katawan ko kahit hindi ko pa alam ang nangyari.

"Kasi ma'am, dinala po namin sa ospital dahil sobrang taas po ng lagnat niya kanina. Nakita ko kasi siyang parang matamlay at nakayuko lang ang ulo habang naglelecture ako." aniya na napasikip sa dibdib ko. Malakas naman siya kanina at hindi ko naman na kitaan na mainit ang anak ko. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit at hindi ko na alam kung nadala ko ba lahat, basta-basta ko na lang hinablot ang bag ko at diretso sa labas ng opisina.

"Sabi niyo po kanina na nasa ospital siya. Sino po nagdala sa kanya at saang ospital Miss?" Tanong ko.

"Sinubukan ko pong ikarga si Saul papuntang clinic pero hindi ko masyadong mabuhat at mabuti na lang na may dumaan na lalaki na sa tingin ko po ay bisita kanina dito sa school. Nag suggest po siya na dalhin na sa ospital." paliwanag ng teacher.

Naiiyak na akong nagpara ng taxi. Pagkatapos kung sabihin sa driver ang address na sinabi ng teacher ni Saul ay agad akong napapikit.

Ito ang ayaw ko sa lahat na malaman na may iniinda na sakit ang anak ko.

Agad akong nag bayad sa taxi pagkarating sa ospital. Dali-dali akong bumaba at pagpasok sa loob ay agad akong nagtanong kung saan ang anak ko. Nasa emergency room pa raw ang anak ko kaya pumunta agad ako.

Lakad-takbo ang ginawa ko at ng makarating agad ako kung saan ang emergency, pero agad ding dahan-dahang naglakad ng matanto kung sino ang lalaking nakaupo sa labas ng emergency room at nakayukong naka sabunot sa kanyang ulo.

Naramdaman niya yata ang presensya ko ng nakarating na ako malapit sa kanya. Nakatayo ako kung saan siya nakaupo at tiningala niya ako. Namumula ang mga mata na galing yata sa pag-iyak.

"Why?" sa napapaos niya na boses.

"Louis Saul Gomeza is my son, right Mica?"