CHAPTER TWO

Talitha's Pov

Masayang nagkakantahan ang mga estudyante ko sa Class 3-B sa Van na inupahan namin patungo sa Mount Isabella. Maraming magulang ang hindi pinayagan ang kanilang mga anak na sumama dahil natakot ang mga ito ng malaman nilang sa Mount Isabella ang tungo namin.

Kulang sa trenta ang mga estudyante ko sa section ko pero 10 lamang ang sumama sa kanila. Gusto ng ilan na sumama ngunit ayaw lang talaga silang payagan ng mga magulang nila. Hindi ko naman sila pwedeng isama na walang consent ng mga magulang nila.

Trenta minutos lang kung tutuusin ang biyahe mula sa school hanggang sa may paanan ng Mount Isabella, hindi rin alam ng mga estudyante ko na malapit lang ang bahay namin sa bundok. Wala naman dahilan para sabihin ko sa kanila kaya napangiti nalang ako at tumingin sa labas ng bintana ng dumaan kami sa tapat ng bahay na tinitirhan ko. Nakita ko pa nga si Mama sa tapat ng bahay habang kausap ang isang kapitbahay.

"Malapit na tayo" sabi ni Mang Kanor na nagsilbing driver namin

"Yesss!" Sigawan ng mga bata sa loob ng sasakyan

"Hindi naman siguro kaila sa inyo ang mga balita tungkol sa bundok, ang payo ko lang ay huwag kayong makulit at magpagala gala sa lugar na yon" bilin ni Mang Kanor sa mga bata

"Hindi po promise!" Pangako naman ng mga estudyante ko sa kanya

Lumipas ang ilang minuto ay huminto na kami sa mismong paanan ng bundok. Tinulungan kami ni Mang Kanor na ibaba ang mga gamit namin at tinulungan na rin niya kaming ayusin ang tatlong tent na dala namin. Pinakiusapan ko rin si Mang Kanor na balikan kami bukas ng alas kwatro ng hapon.

"Wow! Tayo lang ba ang mag c-camping ngayon?" Manghang sabi ni Megan na umiikot ikot pa habang may malawak na ngiti sa mga labi

"Obvious ba? Tayo lang kaya nandito!" Sigaw naman ni Alfie sa kanya

"Picture picture muna tayo maya na ang LQ niyo diyan" masayang sabi naman ni Michelle na kanina pa nag s-selfie

"Game!" Sabi naman ng lahat at inilabas ang mga kanya kanyang gadgets

Napapailing na nakangiti nalang ako habang inaayos ang mga pagkain namin para sa tanghalian.

Bago sumapit ang tanghalian ay dumami ang mga tao ngunit wala sa kanila ang nagtayo ng tent mga blankets lamang ang mga dala nila na tila picnic lamang ang balak nila. Ang ilan naman ay parang napadaan at pumapasyal lang, hindi ko sila masisisi dahil kahit nasa paanan lamang kami ng bundok ay maganda pa rin ang tanawin dito. Pwede naman kaming pumasok sa gubat ngunit hanggang doon lamang sa lugar na pinapayagan kami.

"Guys! Kain na muna tayo!" Sigaw ko sa mga estudyante ko. Nagsilapitan naman ang mga ito at nagsiupuan paikot sa blanket na nakalapag.

"Camping to pero yung ulam natin caldereta at fried chicken. Diba dapat bbq o kaya ramen?" Malungkot na sabi ni Erica tsaka ngumuso

"Gusto mong kumain ng noodles sa ganitong kainit na panahon?" Natatawang sabi ko tsaka tumingala at tiningnan ang araw

Tirik na tirik ang araw ngunit hindi naman kami naiinitan dahil nasa lilim kami ng mga puno.

"Kasi diba camping? Ganon naman talaga kapag nagka camping diba?" Sabi pa ni Erica

"Tama ka ganon nga pero wala akong balak mag hunting ng mga baboy ramo, usa o kahit ano pang mabangis na hayop para i barbeque natin tulad ng ilang gumagawa nun" nakangiting sabi ko

"Pwede namang Rabbit Maam!" Taas kamay namang sabi ni Lawrence

Ngumiti nalang ako at umiling.

"Pwede naman pero hindi kaba na aawa sa napaka cute na hayop na iyon?" Tanong ko sa kanya

"Oo nga! Ang cute kaya ng mga Rabbit ang sama mo naman kung huhulihin mo sila para lang kainin" sabi naman ni Dianne na naka crossarms at pinapatay sa tingin si Lawrence

"Sorry naman!" Sagot naman ni Lawrence kay Dianne

"Oh tama na yan! Kumain na muna tayo at mamayang 3pm ay magsisimula na tayo sa activity natin" sabi ko at sinimulan na ang pagdadasal para maka kain na kami.

***************