Chapter 21
Talitha's Pov
Gabi na at nakahanda na kaming matulog ni Wolf. Wala itong damit pang itaas habang yakap yakap niya ako, dahil wala pa talaga akong tulog kaya naman agad akong nakatulog.
Maliliit na halik sa mukha ang gumising sa akin.
"Gising na" bulong ni Wolf habang pinupogpog ako ng halik sa mukha
"Hmm.. saglit lang" sabi ko habang pinipigilang tumawa dahil sa mga halik nito na naghahatid ng kiliti sa akin
Minulat ko mga mata ko at nakitang maliwanag na sa labas, pagtingin ko sa relos ko ay alas otso na pala ng umaga. Agad akong bumangon at nilapitan ako ni Yu.
"Good morning" bati ko kay Yu na kiniskis ang ulo nito binti ko
"Nakapag luto na ako mag almusal na tayo" sabi naman ni Wolf, pagtingin ko sa kawaling naka gisang corned beef at sa plato naman ay may dalawang itlog.
"Ang galing naman marunong kana magluto" proud na sabi ko kay Wolf
"Magaling ka kasing magturo" pambobola nito
"Mabilis ka lang talagang matuto" sabi ko naman
"Kumain na tayo kanina pa uuwi kapa sa inyo" paalala nito. Napangiti ako at napailing, kagabi kasi paulit ulit niyang sinasabi na pag uwi ko ay kumuha na ako ng kasulatan na nagsasabing kasal at mag asawa na kami.
"Dati ayaw mo akong pauwiin ngayon kulang nalang itulak mo'ko pababa ng bundok ng makauwi ako" pagbibiro ko habang kinukuha ang toothbrush ko tsaka naglakad papunta sa may bukal
"Ayoko naman talagang umuwi ka kaso diba kukuha ka ng kasulatan? Nanood ako ng pelikula kagabi may mag asawa doon tapos nabuntis yung babae, ibig sabihin pwede kana ring mabuntis kapag kasal na tayo" walang prenong sabi nito na nagpasamid sa akin
"Okay ka lang ba?" Hagod nito sa likod ko
"Oo okay lang, sige na mauna kana doon mag w-wee wee lang ako" taboy ko sa kanya at tinapos ang pag toothbrush ko
"Hintayin na kita" sabi nito na pinanood pa talaga ako. Hinayaan ko nalang siya at binigay ang toothbrush at bimpo ko bago pumwesto sa malaking puno para maka wiwi.
"Tara na po ng makakain na tayo, sabi mo nga uuwi pa ako diba?" Mariin na sabi ko at nauna ng naglakad sa kanya pabalik sa kweba kung saan naroon yung tatlong lobo na naghihintay sa may bukana
"King, Empress, Yu halina kayo kakain na tayo" aya ko sa kanila at sumabay naman sila sa akin papasok sa loob ng kweba. Itinabi naman ni Wolf yung toothbrush at bimpo ko bago ito lumapit at tumabi sa akin.
Malaki talagang bagay ang panonood ni Wolf ng mga tv dramas at pelikula, marami kasi siyang natututuhan tulad ngayon, gumagamit na siya ng kutsara at tinidor simpleng bagay lang pero importante ay unti unting natututo siya.
"Empress ligo tayo sa batis bago ako uuwi ha?" Sabi ko sa lobo na tinignan lang ako. Tumingin naman ako kay Wolf na patuloy lang sa pagkain. "Pagbalik ko bukas magdadala ulit ako ng pandesal" sabi ko pa
"Yung kasulatan huwag mong kalimutan" paalala ulit ni Wolf na nakatingin na ngayon sa akin
"Oo nga" simangot na sabi ko at tinapos ang kinakain ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kaming lima sa batis para maligo, nagharutan pa kaming lima sa tubig bago nagpasyang umahon.
Hinatid ako ni Wolf at Yu sa may labasan at inulit ulit niya yung bilin niyang kasulatan. Kung dati malungkot siya tuwing umuuwi na ako ngayon naman ay todo ngiti pa siya.
*****
"Ano yan?" Tanong ni Talia habang nag t-type ako sa laptop ko
"Wala to" sagot ko sa kanya at itinuloy ang pag tipa.
"Ang weird, parang marriage contract kasi" sabi nito at umupo sa kama niya
"Marriage contract nga" sagot ko sa kanya
"Aanhin mo yan?" Usisa pa niya
"Tinutulungan ko lang mga estudyante ko para sa marriage booth na gagawin nila sa valentine's day activities namin" sagot ko. Totoo naman natoka sa mga estudyante ko ang marriage booth pero hindi nila alam na gagawa ako ng fake marriage contract. Gusto ko din naman manalo ang klase namin at mabigyan kami ng award.
"Ang advance mo ah, tagal pa ng valentine's day" sabi naman nito
"Daig ng maagap ang masipag," sabi ko at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Okay fine" sagot nito na nag rolled eyes pa
"Mag aral ka nalang diyan baka sakaling maging summa cum laude ka" sabi ko naman
"Kahit hindi ako mag aral magiging summa cum laude ako, duh!" Mayabang na sagot nito na ikinangiti ko
Buhat noong bata siya lagi siyang 1st honor sa klase nila, grumadweyt din siya na isang valedictorian. Noong high school naman siya ay mahilig siyang sumali sa mga school activities mapa academic o spotrts, at nagugulat nalang kami minsan na kapag umuuwi siya ay may dala na siyang medalya wala kasi siyang binabanggit na sinasalihan niya. Tatlong araw din siyang umiyak at hindi makausap ng maging 2nd honor lang siya noong 3rd year siya, kaya naman binawasan niya mga sinasalihan niya at grumadwait ulit siya bilang valedictorian. Alam namin mahirap makipag kumpetensya pagdating sa college, pero wala man lang kaming makitang pag aalala sa kanya pagdating sa pag aaral niya. Sana nga maangyari at matupad ang gusto niyang maging summa cum laude.
"Kakain na po tayo mga senyorita" tawag sa amin ni Mama na binuksan pa ang pintuan ng kwarto namin
"Sandali lang inday patutuyuin ko lang ang nail polish ko" sagot naman ni Talia na ikinatawa ko
"Sige na Ma, lalabas na kami" sagot ko naman kay Mama na nakangiti
"Lumabas na kayo at may bisita tayo" sabi pa ni Mama na ikinakunot ko ng noo
"Sino Ma?" Tanong ko
"Gabi na ah" sabi naman ni Talia na nakataas ang kilay
"Mga kasama ng Papa niyo sa trabaho napadaan kaya huminto muna dito" sagot ni Mama
"Ahh" tumatangong sabi ko at prinint na yung ginagawa ko
"Halika na te baka magalit si Papa may bisita pala siya, alam mo namang ayaw niyang pinapag antay ng matagal mga bisita niya" sabi ni Talia na nag suklay pa bago lumabas
Inayos ko mga gamit ko at nagsuklay rin bago lumabas ng kwarto.
"Good evening po" bati ko sa tatlong lalaking nakaupo sa may sofa namin. Tumingin naman ako sa kusina at nakita doon sina Mama at Talia
"Ang gaganda naman mga anak mo Sir" sabi nung isang lalaki kay Papa
"Gwapo ang tatay kanino pa magmamana" sabi nito tsaka tumawa "Siya ang panganay ko teacher yan" proud na sabi pa ni Papa. Nginitian ko naman sila bago umalis at pumunta ng kusina
"Mga dalaga paba sila?" Tanong naman ng pinaka matanda sa tatlong bisita ni Papa
"Oo, baka may kilala kayo na babagay sa kanila, yung panganay ko hindi pa nagkaka boyfriend" napangiwi naman ako sa sinabi ni Papa para akong isda kung ibenta niya. Tumatawa naman sina Mama at Talia na sinamaan ko ng tingin.
"Baka po pihikan" dinig kong sabi naman nung isa
"Ewan ko ba sa batang yun at walang pinapansin sa mga manliligaw niya" napatingin ako kay Papa na umiiling pa.
"Baka po hindi seryoso kaya hindi niya pinapansin" napatingin ako sa nagsalita at mukha naman siyang disente.
"Bakit hindi mo nalang ligawan tutal kilala ka naman ni Sir" tulak naman ng katabi niya sa kanya.
Humaba naman ang leeg nila Talia at Mama sa pagsilip sa lalaking nakangiti at tila nahihiya. Napasulyap pa ito sa amin at tinanguan ako habang nakangiti. Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanya pabalik, ayoko kasing magkaroon siya ng maling ideya at ayoko rin isipin niya na wala akong modo. Tumango nalang ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"Uy Ate gwapo ah" sabi ni Talia
"Gwapo na sa'yo yon?" Mukha siyang disente pero hindi ko nakikita yung gwapo na sinasabi ng kapatid ko
"Wow ah! Now I know kung bakit hindi kapa nagkaka boyfriend, mala Alden Richards na yun te" exagerated na sabi pa nito na ikinangiwi ko.
"Gwapo si Alden pero hindi ko siya type" sabi ko
"Ano ang type mo kung ganoon?" Tanong naman ni Mama. Pumasok naman sa isip ko si Wolf.
"Hmm.. yung gwapo" sagot ko
"Gwapo naman si Alden, anong klaseng kagwapuhan ba ang gusto mo?" Tanong ni Mama
"Yung tipong Ding Dong Dantes yung lalaking lalaki yung dating" sagot ko.
"Hayy naku Talitha kahit kailan hindi kita maintindihan, tawagin mo nalang sina Papa mo at ng makakain na tayo" sabi nalang ni Mama
Hindi na ako sumagot at sinunod nalang ang utos niya.
"Pa, doon na tayo sa kusina kakain na" sabi ko
"Teka" tawag sa akin ni Papa na pinalapit pa ako sa tabi niya "si Arnold, Efren at Mike nga pala" pakilala nito sa mga kasama niya "binata pa yang si Mike ano sa tingin mo?" Tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa tinutukoy niya na biglang namula habang tinutukso siya ng mga kasama niya.
"Pa," mahinang sabi ko at umiiling.
"Nahihiya ang dalaga ko hahaha" tumatawang sabi pa ni Papa. Kung pwede lang lamunin na ako ng sahig namin dahil sa kahihiyan "tara na sa kusina at ng makakain na, masarap magluto ang asawa ko" sabi pa nito
Nauna na akong pumunta sa kusina at sumunod naman sila sa akin. Pinauna muna naming umupo ang mga bisita bago kami umupong mag iina.
Tinuloy nila Papa ang kwentuhan hanggang sa tuksuhin kami ni Mike. Kasalanan naman kasi ni Mike dahil nilagyan niya ng ulam ang plato ko. Mukhang nag eenjoy naman siyang tinutukso kami habang naiilang naman ako at tinatago ang inis.
**********