Chapter Eighteen
Talitha's Pov
Araw na ng biyernes huling araw ng klase, masaya akong namili ng pagkain na iluluto ko ngayon para kay Wolf at sa tatlong cute na lobo. Kailan ba ako nagsimulang ma cutan sa kanila? Haha.
Bumili ako ng isang kilong drumstick para may maulam sila ngayon, nagdagdag narin ako ng ilang biscuits at eggnogs na paborito nila. Mahilig din sila sa pork and beans na unang nauubos sa mga can goods na binibili ko. Gusto ko pa sanang dagdagan pa kaso baka hindi ko na mabuhat sa bigat. Ang hirap pa naman umakyat ng bundok na may mabibigat na dala.
Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay dumiretyo na ako sa kotse ko na nakapadara sa labas ng supermarket. Nakangiti akong nag drive hanggang makarating sa paanan ng bundok at pinark ang kotse ko.
"Good afternoon Ma'am" bati sa akin ni Santos na isang marshall. Medyo naging close ko na ang mga Marshall dito dahil sa araw araw kaming nagkikita kapag paumunpunta ako dito. Tinanong pa nga nila ako kung anong ginagawa ko lagi dito ang sagot ko ay nag aalay lang ako ng pasasalamat sa Panginoon dahil pakiramdam ko mas maririnig niya ang mga dasal ko kapag nasa mas mataas ako.
Mukhang naniwala naman sila sa mga sinasabi ko at syempre hindi pwedeng mawala minsan ang pag meryenda nila. Hindi naman ako araw araw namimigay ng pang meryenda pero siguro tatlong beses sa isang linggo kung bigyan ko sila.
"Sige Kuya thank you po" masiglang sabi ko at kumaway pa sa kanila matapos bigyan ng isang daan piso.
Dahil siguro sa araw araw kong pagpunta dito ay nasanay na ang mga paa ko sa paglalakad, hindi na ako gaanong napapagod at hinihingal mukhang may magandang naidudulot sa katawan ko ang pag akyat baba sa bundok.
Tulad ng inaasahan ko nasa may malaking puno na si Wolf at naghihintay sa akin, hindi ko na kailangan gamitin yung pito para magpasundo sa kanya.
Agad naman niya akong sinalubong ng yakap at halik sa labi. Ewan ko ba sa lalaking to mukhang naging adik na sa kiss.
"Kanina kapa naghihintay?" Tanong ko sa kanya
"Hindi naman" sagot nito. Medyo nalate kasi ang out ko dahil may kinailangan pa akong tapusin sa opisina
"Tara na" aya ko sa kanya. Tulad ng dati binuhat niya ulit ako hanggang sa makarating kami sa kweba.
"Empress! King! may pasalubong ako sa inyo!" Tawag ko sa kanila at ipinakita yung isang balot ng pandesal. Mabilis naman silang nagtakbuhan palapit sa akin at kinuha yung plastik.
Pumalupot naman ang dalawang kamay ni Wolf sa likod ko at binigyan ng mga maliliit na halik sa leeg.
"Teka ipagluluto ko muna kayo" sabi ko at tumingin sa kanya. Ninakawan naman niya ako ng halik sa labi bago binitiwan
"Kukuninin ko lang lutuan, ano ba ang iluluto mo?" Tanong nito
"Yu heto ang sayo oh, diba gusto mo 'to?" Sabi ko kay Yu at pinakita yung saging lakatan na paborito niya. "Akala mo wala akong pasalubong sa'yo no?" Tumatawang sabi ko habang nirarub ang tiyan at ulo nito
"Fried chicken nalang lulutuin ko para mabilis maluto, nagka patong patong kasi mga gagawin ko dahil matagal akong hindi pumasok" sagot ko sa kanya
"Wala ka naman pasok bukas diba? Dito mo nalang gawin" sabi nito. Nginitian ko lang siya at kinuha yung palanggana para hugasan yung mga manok. Sumunod naman sa akin si Wolf.
"Yun naman talaga balak ko kaso kailangan ko parin umuwi ng maaga ngayon para mabawasan mga gagawin ko, hindi ko naman magagawa dito mga iyon dahil malapit ng dumilim" sagot ko sa kanya
"Pagkatapos mong magluto uuwi kana?" Tanong pa niya na kinuha sa akin yung mga hinugasan kong manok
"Kailangan po eh, pero maaga naman akong pupunta dito bukas" sagot ko sa kanya habang naglalakad kami
Kinuha ko ulit sa kanya yung palanggana at inayos na ang lulutuin ko. Napansin kong isa nalang ang reserba naming butane kaya naman agad kong itinype sa phone ko at idinagdag sa list na dadalhin ko bukas.
"Dito ka naman matutulog bukas diba?" Malambing na sabi nito na yumakap pa mula sa likod ko
"Sorry pero hindi na muna, kailangan kong matapos mga lesson plans ko eh"
"Hindi mo ba magagawa mga iyon dito?" Malungkot na tanong nito
"Pwede ko naman dalhin dito kaso hindi ko agad matatapos, hindi tulad kapag nasa bahay ako kahit gabihin ako maliwanag yung mga ilaw" sagot ko naman at tinignan siya "babawi nalang ako sa ibang araw, hmm" dinampihan ko siya ng halik sa labi at nginitian
Sinimulan ko ng iprito yung mga drumstick pagkatapos ko silang ibalot sa breading mix na binili ko rin sa supermarket kanina. Pinanood lang ako ng apat habang magkakatabing naka upo sa isang tabi.
"Marunong ka naman na magsaing diba? Pagkaluto mo ng kanin kumain na agad kayo, kung may matitira pang chicken yun nalang almusalin niyo bukas. Ipagdadala ko nalang kayo ng lunch bukas" sabi ko kay Wolf
"Akala ko ba maaga kang darating bukas? Hindi ka makakasabay kumain ng almusal sa amin?" Lukot ang mukhang tanong nito
"Before lunch nandito na ako kaya makakasabay ko kayo ng tanghalian"
"Sabi mo kanina maaga ka" mahinang sabi nito na iniwas ang tingin sa akin
"Hayaan mo pipilitin kong makapunta ng mas maaga" sabi ko
"Huwag na alam ko naman marami kang gagawin" sagot niya tsaka siya tumayo at naglakad palabas
"Saan ka pupunta?" Tanong ko ng makalabas siya
"Dito lang ako hindi ako lalayo, ihahatid pa kita diba?" Sabi nito at naglakad palayo.
Hindi na ako nagsalita at itinuloy nalang ang pagluluto ko.
Tapos na akong mag prito pero wala parin si Wolf. Gusto ko sana siyang hintayin pero baka gabihin ako, wala pa naman ilaw sa labas ng gubat at delikado ang daan.
"King pwede mo ba akong samahan? Pakihatid mo naman ako sa labasan oh" pakiusap ko sa kanya pero nahiga pa ito at hindi ako pinansin. Bakit kapag si Wolf ang kumakausap sa kanila naiintindihan naman nila, naiintindihan lang nila ako kapag may pasalubong ako sa kanila.
"Empress hatid mo'ko dali, dadalhan kita ng masarap na pasalubong bukas" pambobola ko naman kay Empress na hindi rin ako pinansin.
Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang shoulder bag ko. Hindi na ako pwedeng magtagal pa baka gabihin ako. Siguro naman makikita ko sa daan sina Wolf at Yu, di naman daw kasi siya lalayo sabi niya sa akin kanina.
Nagsimula na akong naglakad palayo sa kweba, medyo alam ko naman na ang daan nakakalito lang talaga dahil parepareho itsura ng mga puno. Sa susunod maglalagay ako ng mga tanda para hindi ako maligaw sakaling pupunta at uuwi akong mag isa.
Sampung minuto na rin siguro akong naglalakad ng magsimula akong malito sa dinadaanan ko. Bigla pa akong nangilabot ng may marinig na kaluskos, sana lang walang mabangis na hayop sa paligid. Piping nagdasal ako habang patuloy na naglalakad. Kung kasama ko lang si Wolf siguradong nasa labasan na ako sa mga oras na'to. Nasaan naba kasi siya.
Napahawak naman ako sa pitong kawayan na nakasuot sa leeg ko, bakit ba hindi ko agad naisip gamitin ito, sigurado darating si Wolf at mahahanap agad ako kapag hinihipan ko iyon.
Bumuntong hininga ako at patuloy nalang sa paglalakad, mukhang nagtatampo si Wolf kaya next time ko nalang gagamitin kaya ko naman sigurong makauwing mag isa na hindi siya kasama.
"Aww!" Daing ko ng masugatan ang binti ko napaurong pa ako sa takot ng may marinig na kaluskos
Dalawang kamay mula sa likod ko ang yumakap sa akin at ng paglingon ko ay mga mata ni Wolf ang sumalubong sa akin. Dinikit nito ang noo niya sa noo ko kaya naman napapikit ako. Idinikit din nito ang ilong niya sa ilong ko at kiniskis iyon. Isang mabilis na halik sa labi ang ginawad niya sa mga labi ko hanggang sa umupo ito sa harapan ko at tinignan yung nasugat na binti ko dahil sa dahon.
"Masakit ba?" Tanong nito. Umiling ako
"Hindi na, humapdi lang kanina nung masugat siya" sagot ko
"Bakit hindi mo hinihipan binigay ko sa'yo? Ayaw mo bang ihatid kita?" May lungkot sa tinig na tanong nito
"Alam ko kasi galit ka sa'kin kaya kahit hindi ko alam yung daan nagmagaling na ako" nakayukong sagot ko
Hinapit niya ako sa baywang at iniangat ang mukha ko. Nagkatitigan kami at sinalubong ang mga halik niya. Kinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya at tinugon ang bawat galaw ng mga labi niya. Kapwa habol ang hininga naming dalawa ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa.
"Kahit kailan hindi ako magagalit sa'yo, magagalit ako sa sarili ko pero hindi sa'yo. Nagtampo lang naman ako ng kaunti dahil hindi kita makakasama ng matagal ngayon at bukas" sabi nito na ikinangiti ko. Hinawakan ko magkabilang pisngi niya at madiin na hinalikan ang labi niya.
"Ang cute mo" nakangiting sabi ko
"Hindi ka naba galit sa akin?" Tanong naman niya
"Kailan ba ako nagalit sa'yo? Naiinis ako minsan sa'yo dahil sa kakulitan mo pero hindi ako nagalit sa'yo" sagot ko sa kanya
"Bakit hindi mo hinipan yung binigay ko sa'yo?"
"Nakalimutan ko lang"
"Nakita kita hinawakan mo kanina pero hindi mo hinihipan" parang batang sabi nito
"Paano mo nalaman?" Pigil ang pagtawang sabi ko
"Kanina pa ako nakasunod kaya sa'yo, gusto ko ngang sabihin na mali yung dinadaanan mo at napapalayo kana pero mukhang galit ka kaya hinayaan nalang kita" sagot nito
"Hindi ako galit kanina pero ngayon may dahilan na ako para magalit, nakasunod ka naman pala sa akin bakit hindi mo sinabi? Nakita mo ng mali dinadaanan ko pero pinapanood mo lang ako, masaya bang makita akong naliligaw dito sa gubat?" Taas kilay na sabi ko
"Sorry mali ako huwag ka ng magalit" sabi nito
Bumuga ako ng malalim na hininga at nakipag laban ng titigan sa kanya.
"Ihatid mo na ako sa labasan baka gabihin ako" sabi ko
"Hindi ba muna natin gagamutin ang sugat mo?"
"Sa bahay na tsaka galos lang naman 'to"
"Hindi kana galit?"
"Magagalit ulit ako kapag hindi mo pa ako inihatid" kunwari naiinis na sabi ko
Hindi na siya sumagot at binuhat na niya ako. Nakakapit lang ako sa leeg niya para hindi ako mahulog habang tumatakbo ito at binabagtas ang daan papunta sa labasan ng gubat.
Wala pang tatlong minuto ay binaba na niya ako. Humalik muna ako sa pisngi niya at nagpasalamat bago umalis at iniwan siya sa kinakatayuan niya. Makikita mo sa mukha niya ang lungkot kahit nakangiti ang mga labi niya at kumakaway sa akin habang papalayo ako.
********