Chapter 5

"You are so beautiful my dear. Tignan lang natin kung hindi maglaway ang groom to be mo." I smiled at the make up artist na nakatitig lang sa akin.

Parang matatawa ako na ewan habang nakatingin sa kanya, ang gwapo naman kasi ng make up artist ko, kanina akala ko lalaki iyon pala certified paminta.

Napangiti ako habang nakatingin ako sa sarili sa salamin na nasa harap ko ngayon. Ang galing naman ng make-up artist ko at naayos niya ako ng ganito kaganda.

"Alam mo girl kung siguro naging guy na ako, na-inlove na ako na ako sayo. Gosh! You're so beautiful." Palakpak pa niya na tuwang-tuwa nireretouch pa ako.

"Buti na lang pala naging gay ka." Sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din ang sarili ko.

"I'm a girl, okay? Naku ikaw ha mabuti na lang at kasal mo ngayon dahil kung hindi hmp." Sabay irap sa akin at inayos na ang aking mahabang kulot na buhok.

Maya-maya lang ay kasal na ako sa nag-iisang lalaking minahal ko ng sobra, kay Devon Lorenzo Yan. He'll be my husband in a few minutes. Maya-maya lang magbabago na ang buhay at pangalan ko, nilolokob ako ng nerbiyos lalo sa naiisip.

"Your husband can't wait to see you." Biglang lumapit iyong mukha ng make up artist ko sa may tenga ko at bumulong siya sa akin na parang kinikiliti na ewan.

Nagtatanong iyong mukha ko kaya tinuro niya ang direksyon sa likuran ko. Tumayo ako at napatngin sa tinuro nito and there he stand at the doorway looking hot and dashing in his white tuxedo. Nakalean si Renzo sa pinto habang nakatutok ang mga mata sa akin.

Tumikhim ang make-up artist ko at ngumiti ng matamis kay Renzo.

"Maiwan ko muna kayo love birds." Tumingin siya sa aming dalawa pero hindi parin maputol-putol ang pagtitigan naming dalani ni Renzo. "But I'll be back after 10 minutes kaya ikaw girl, iyang make-up mo. Wag masyadong malikot, okay?" Mabilis nitong sabi sabay labas ng kwarto kaya kami na lang ni Renzo ang naiwan sa loob.

Sana hindi na lang kami iniwan ng make up artist kasi nenerbiyos ako habang nakatingin pa rin siya sa akin. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin habang ako nakaupo pa din.

"Why are you here?" Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko kaya ang intensidad ng pagkakatitig niya sa akin.

"Is it bad to visit you my soon-to-be wife?" Nasa likuran ko na siya at ngayon naman ay nagkatitigan kami lalo. Napalunok ako habang patuloy paring tumititig sa kanya. I just can't tore my eyes off him, I feel like melting any second now.

"Siguro masaya ka ngayon dahil natupad na ang gusto mo?" He smirked. While I looked at him in confusion.

"Don't start, Serena." Biglang umasim ang mukha nito. "This marriage is purely business. Kaya wag ka masyadong mangarap dahil walang magbabago sa atin and never ever expect anything from me." He said with a dead serious facial expression.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, kung ano ba dapat ang sasabihin ko kanya dahil halata namang hindi siya masaya sa mangyayari mamaya.

"I never in-" Gusto kong muli magpaliwanag ngunit inunahan niya ako sa pagsasalita.

"Wag kang mag-alala, I'm a good actor. I'll give them a good show. Besides after 1 year I'll get us an annulment siguro tama na ang panahong iyon na magkasama tayo. After a year this scheme of your's will end." He said with a conviction.

Nakatitig pa rin kami sa isa't-isa. I can see hthe the hate in his eyes at hindi ko iyon kayang makita sa kanya kaya binaba ko na lang ang tingin ko.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa harap niya mabuti na lang ay maagap akong napayuko para hindi niya makita ang mga luha ko. Ayokong magmukhang nagpapaawa sa kanya dahil panigurado ay lalo lang niya akong kasusuklaman.

Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ito?

Wala naman akong ginawa para mangyari ito, bakit hindi niya iyon makita? Bakit hindi niya kayang makinig sa akin?

Alam ko sa sariling kong isa lang ang kasalanan ko at iyon ay ang mahalin siya ng sobra-sobra.

Devon's POV

Nakatitig parin ako sa kanya pagkatapos kung sabihin ang lahat ng iyon. How I hate her for doing this to me.

Napaigting ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko may humihila sa akin pabalik kay Serena sa tuwing gagawin ko iyon.

I admit she looks beautiful, maybe the word beautiful is an understatement to describe her. Perfect is the right word, she looks perfect.

Habang nakatitig ako sa napakaganda niyang mukha ay napapansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit siya malungkot? Diba ito naman ang gusto niya? Ang matali ako sa kanya.

Nakayuko siya ngayon pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang butil ng luha na bumaybay sa pisngi niya hanggang nahulog iyon sa sahig/

Umiiyak siya? Pero bakit siya umiiyak?

Bago ko pa siya natanong ay biglang may kumatok sa pintuan at bumukas iyon.

"Time's up love birds." Lumapit na make up artist sa amin kaya lumayo na ako ng bahagya kay Serena.

Gusto ko sana siyang tanungin bakit siya umiiyak pero hindi na ako binigyan ng pagkakataon ng baklang make-up artist nito at pinalabas na ako.

"Oh my Gosh! What happened to your make-up? Pinaiyak ka ba ng Prince Charming mo?" Nagkukumahog na tanong ng make up artist na narinig ko bago ako makalabas ng pinto.

"Napuwing kasi ako." Narinig ko na sagot ni Serena na may bahid ng lungkot sa boses. Exaggerated naman nag-buntong hininga ang bakla.

Lumabas na ako sa bahay ng mga Xhen at sumakay na sa kotse. Dumaan pa ako sa bahay nila para lang makita ko kung anong reaksyon niya dahil ikakasal na kami tapos makikita kong malungkot siya. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Why did she cry?

Hindi ko siya gusto makitang umiiyak lalo na sa harapan ko. At lalong lalo na kung ako ang dahilan. Ayoko iyon, simula noong bata pa kami ako parati ang kasama niya kaya pag may umaway sa kanya ay ako ang tagalagtanggol niya.

Marami kasing nambubully sa kanya kasi may pagkalampa siya noon at hindi pa pinagtatanggol ang sarili sa mga nang-aaway sa kanya. Ang gagawin lang ay iiyak sa gilid at mananahimik.

Nagkahiwalay lang kami or naging distant sa isa't-isa ng maghighscool dahil bigla siyang lumayo sa akin.

Hindi na niya ako masyadong pinapansin at doon na rin nagbago ang itsura niya. Naging sobrang simple na niya manamit at gumagamit na rin siya ng eye glasses na peke. Alam kong hindi totoo iyong suot-suot niya kasi wala namang deperensya ang mga mata niya.

Naalala ko ang kalungkutan sa mga mata niya habang tinititigan ko siya kanina o namamalik mata lang ako?

She should be happy because we are getting married pero iba ang nakikita kong emosyon sa kanya. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

I'll endure this marriage for one year at makukuha ko ulit ang kalayaan ko.