Chapter 26
SERENA's POV
Sobrang nakakatamad lang dito sa hacienda, wala naman kaming ginagawa kundi tumambay sa mansyon. Hindi rin ako masyadong pinapansin Renzo as usual parang hangin pa din ako sa kanya, napabuntong hininga ako.
Pangalawang araw na namin ngayon ni Renzo sa hacienda, kahapon napaka-clingy niya sa akin. Ang saya nga ng araw ko kahapon dahil ni hindi kaming mapaghiwalay, syempre puro kamuduhan ang ginawa namin pero atleast nasa akin ang atensyon niya.
Kanina ng magising ako ng tanghali na ay hindi ko pa din siya nakikita kahit saan, late na akong nagising dahil napagod ako, pinagod ako ni Renzo. Hinanap ko siya sa mansyon at nagtanong na ako sa mga kasambahay at kay Manong Roger, ang sabi lang sa akin ay umalis daw dala ang isang sasakyan. Hindi naman nila alam kung saan pumunta.
Nilalaro ko na lang ang mga bula na nasa harapan ko ngayon, nagbababad kasi ako sa bathtub since wala naman akong magawang iba. Wala rin kasi akong ginawa kanina kundi ang magbasa lang ng libro sa library dito sa mansyon. Ang saya nga kasi namiss ko na din ang library dito, marami kasi akong mga importanteng alala sa libary na iyon at napakaraming magandang libro na ang iba ay limited edition na dito ko lang mahahanap sa library sa mansyon. Noong bata pa ako doon ako tumatambay para magbasa ng mga fairytale books at parati ko ring kasama si Renzo noon.
Hindi ko rin alam dati kung bakit sinasamahan niya ako doon dahil wala naman siyang ginagawa minsan ko lang din siya makita na nagbabasa kasama ako at lalong hindi naman siya nagbabasa ng fairytale books. Ngayon ko lang napagtanto na siguro napipilitan lang si Renzo na samahan ako noon dahil sa sinabi ng mga magulang namin na dapat parati kaming magkasama.
Naaalala ko pa dati ang pinakapilya kong ginawa noong mga bata pa kami ni Renzo. Napahagikhik ako ng inaalala ko ang ginawa ko noon.
Alalang-ala ko pa noon na nagbabasa ako ng sleeping beauty na fairytale book. Nasa parte na ako ng istorya kung saan natutulog ang Prinsesa at dumating ang Prinsipe para halikan nito ang Prinsesa. Sa puntong iyon ay nagising na ang Prinsesa dahil sa halik ng Prinsipe.
Nakaupo ako noon sa lapag habang nagbabasa ng libro, napatingin ako sa larawan na nakayuko ang prinsipe upang mahalikan ng prinsesa. Sa mura kong isip, tumatak sa akin na kung hahalikan ko ang Prinsipe ko ay magigising siya at masisiyahan siya sa ginawa ko katulad sa nangyari sa sleeping beauty.
Binaba ko ang librong hawak ko at tinitigan ng maigi ang mukha ni Renzo. Laking gulat ko ng sobra ko na palang nailapit ang mukha ko sa mukha niyang natutulog at nagkalapat na ang mga labi namin.
Ang alaalang iyon ay bumalik lang sa akin noong nasimulan ko na siyang gustuhin at mahalin. Hindi ko naman akalain na ginawa ko talaga iyon kay Renzo, mabuti na lang dahil tulog siya ng oras na iyon at nakatakbo na agad ako palabas ng library, panigurado kasing magagalit sa akin si Renzo. Ngiting-ngiti ako noon buong araw dahil sa kapilyahan ko,
Doon ko lang napagtanto na si Renzo pala ang first kiss ko at pinagdarasal ko na siya ay para sa akin hanggang sa tumanda kaming dalawa. Napabuntunghinga na lang ako sa naisip ko.
Lumabas na ako ng banyo ng mapansin ko ang isang summer dress paired with doll shoes na nakalatag sa queen size bed ko. Napatingin ako sa naka-attach na sticky note doon. Doon ko lang napansin may may isang tangkay ng rose din na pulang-pula. My favorite flower. Kinaha ko ang sticky note at binasa.
"Wear this"
Hindi na ako nag-atubuling mag-isip na si Renzo ang nagbigay nito dahil sa handwriting niya. Pero bakit niya pinapasuot sa akin ito? Talaga bang hinanda niya ang mga ito? Mabilis kong kinuha ang dress pra masuot.
Mabilis akong nag-ayos sa sarili ko. Nang lumapit na ako sa salamin para tignan ang kabuuan ng ayos ko ay napansin kong may nakadikit na namang sticky note sa salamin. Agad kong kinuha ang sticky note at dinikit sa unang note na nakuha ko.
"Tie your hair."
Talian? Bakit niya pinapatali ang buhok ko e dati nga ayaw na ayaw niyang nakatali ang buhok ko. Napakunot ang noo ko, ano bang nangyayari? Tinali ko ang buhok ko pataas at kinuha ang isang rose na nasa mesa
Napaisip talaga ako bakit sunod-sunod na may sticky notes? May pinaplano ba siya? Napangiti ako. I feel kinda excited about this.
Kukunin ko na sana ang eyeglasses ko sa side table para suotin ng mapansin kong may nakadikit na namang sticky note doon. Muli kong binasa ang nakasulat.
"Don't wear this"
Hindi pwede ang eyeglass ko?
Napabunotng hininga ako, gusto kong mag eye glass dahil nakasanayan ko na pero kung ayaw niyang isuot ko, edi hindi ko issuot. Mabilis naman akong kausap. Kinuha ko ang isang sticky note na nakakubli sa ilalim ng eyeglass ko
"If you don't follow my instructions and still insist to wear this fake eyeglasses then you'll have a punishment."
Napailing na lang ako sa pangatlong sticky note, kailangan bang magbanta para siguradong di ko susuotin. Sinama ko na ang tatlong sticky at kinuha ang rose na katabi din ng salamin ko.
Dumiretso na ako ng pintuan pero bago ko mabuksan ay may sticky note uli sa lapag at isang tangkay ng rose, ilan pa kayang sticky note ang makukuha ko?
Napatingin ako sa isng sticky note na may arrow, nakaturo sa pintuan ko. Kinuha ko ulit ang sticky note at lumabas na ng kwarto. May isang rose na namang nakalatag sa may pintuan.
Ilang rose din kaya ang makukuha ko?
Naglalakad ako base sa mga sticky notes na may arrow which means iyon ang direksyon na susundin ko.
Papalabas na ako ng pintuan palabas papuntang garden. Ni isang ilaw wala, kaya sobrang dilim sa labas. Humakbang ako ng bigla akong nasilaw sa ilaw na nakadirekta sa akin. Napatingin ako sa lapag na may nakalatag na mga petals ng mga bulaklak.
Sa taas ay isang flower crown at nakadikit dito ay isang sticky note. As usual, napangiti ako at pinulot ko ang mga iyon kasama ang 18th roses na nandito ngayon.
"Wear this"
"A Beautiful lady deserves beautiful flowers."
Napangiti ako sa mga sumunod na kataga na nakasulat doon. Ano ba talagang pinaplano niya? Napupuno ng kasiyahan ang aking puso sa ginagawa niya sa akin ngayon. Napatingin ako sa mga sticky notes na hawak-hawak ko ngayon, ang dami na.
Sinuot ko na ang flower crown sa aking ulo at inayos ang aking buhok. Naglakad na ako palabas ng masyon ng biglang umiilaw ang ang daang sinusundan ko. Sunod-sunod na umiilaw ng iba't-ibang kulay na mas nagpaganda sa paligid.
Wala akong ideya kung saan ako mapupunta sa paglalakad kong ito. Hindi ko kasi kabisado ang buong hacienda. Napatigil ako sa paglalakad at nanlaki ang aking mata sa aking mga nakikita.
Napatingin ako sa buong paligid na punong-puno ng iba't-ibang bulaklak na nakatanim. Hindi ko buong akalain na lahat ng gustong-gusto kong bulaklak ay nandito, nadadagdagan pa ng ganda ang mga bulaklak ng dahil sa mga makukulay na mga ilaw na sa paligid.
Napatitig ako sa isang lalaking nakatalikod sa akin, unti-unti lang ang hakbang ko papunta sa kanya. Humarap na din siya sa akin habang hawak-hawak ang isang gitara. Nagsimula na siyang kumanta at ang buong atensyon niya lang ay nasa akin.
Naka-casual na damit siya ngayon, white v-neck shirt, fitted black pants at white sneakers. Mukha siyang boy next door.
Hindi ako makagalaw ngayon at nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta siya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam paano ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, napakagat na lang ako ng labi at muling humakabang palapit sa kanya.
Ang ganda pa ng boses niya, at iyong klase ng tingin na binibigay niya sa akin ay parang sinasai niyang ako ang pinakamaganda babae sa lahat.
Hindi ko napansin na pinipigilan ko na palang huminga. Siguro dahil ang buo kong atensyon ay nakatutok lang sa kanya. Hindi ko mapigilang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Ang ganda talaga ng boses niya sinama pa ng ganda ng buong paligid namin ngayon.
Binaba niya ang gitara ng matapos siyang kumanta at agad siyang lumapit sa akin dahil nakita niyang umiiyak ako.
"Shhh bakit ka umiiyak?" Dinampi niya sa aking pisngi ang isang panyo para punasan ang mga luha ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, dahil nag-effort talaga siya na surpresahin ako ng ganito.
"Ngayon naman ngumingiti ka na? Pero atleast hindi ka na umiiyak." Napailing na lang ito sa akin kaya mas lalo akong napangiti.
"Close your eyes, Princess," kaya sinunod ko ang sinabi niya.
Wala akong ideya kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi ko talaga buong akalain na gagawin niya ang lahat ng ito para sa akin.
Kinuha niya ang hawak na sticky notes sa kanang kamay ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inalalayan ako para makapaglakad.
Pinahinto niya ako sa paglalakad at pinahintay. Wag na wag ko daw ibuka ang aking mga mata. Gusto ko ngang ibuka ang mga mata ko para makita ang susunod na mangyayari. Kung anong maganda ang gagwin niya o inihanda niya peor pinigilan ko ang sarili ko. Wala pa rin kasi akong ideya kung ano ba ang rason para sa lahat ng ito.
Narinig ko ang yapag ng kanyang paa sa harapan ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na bagay sa aking leeg. Ibig sabihin ay maiibubuka ko na ang mga mata ko.
"Open your eyes" He whispered at my ears. Unti-unti kong binuka ang aking mga mata at mukha niya agad ang sumalubong sa akin hawak-hawak ang isang roses.
Inabot ni Renzo ang rose sa akin at nabigla ako sa sinabi niya.
"Happy birthday my wife. And happy valentines day."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinambit niya ngayon lang. I didn't expect for him to remember my birthday na ni ako nga ay nakalimutan ko na birthday ko pala bukas, I mean ngayon kasi 12 midnight na pala. February 14 na pala.
"I -- hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ito." Napatingin ako sa 19 flowers na hawak-hawak ko. Kaya pala 20 flowers to at 20 sticky notes. Napahawak ako sa necklace na nilagay niya sa leeg ko, isang rose na napapaligiran ng diamonds. Sobrang ganda.
"Hey, let's just enjoy this moment. Now blow your candle." Ngiting-ngiti siya sa akin, lumapit kami s aisnag mesa kung saan naroon ang cake na wala naman kanina Naghanda pa talaga siya ng isang cute flowery cake.
Nandito kami sa gazebo sa gitna at pinapalibutan ng mga bulaklak. Pinaupo niya ako na parang reyna dahil pinagsisilbihan niya ako. Nilagay na niya ang cake sa harapan ko. I smiled and closed my eyes for my wish then blowed the candle.
"Thank you for all this efforts. And I really appreciate all of this, sobra-sobra pa ang ginawa mo para sa akin. Ito ang pinakamasaya kong kaarawan, " niyakap ko siya ng mahigpit habang sinasabi ang mga ito sa kanya.
Para sa akin ito ang pinaka hindi ko makakalimutan na birthday ko sa buong buhay ko. Isa sa mga pinakamasayang alaala na hindi kailan man mawawala.
Nag-usap kami ng kahit ano, tumatawa sa kung ano mang kababawan na pina-usapan namin. Kung ano-ano na lang napag-uusapan namin. Hindi ko iniisip kung may meaning ba ang surprise na hinanda niya, I just really wanted to enjoy this night. Kumain kami ng mga hinanda niyang mga pagkain at lahat ubos maliban sa cake na huli na naming planong kainin.
Nakahiga ako at nakaunan sa lap niya, may hinanda pala siyang picnic mat para pwede kang maupo o mahiga sa damuhan. Handang-handa siya sa lahat, kaya pala hindi ko siya nakita buong araw.
"Paano mo nalaman na rose ang favorite flower ko?" Tanong ko.
"I just know." He smiled then he winked at me.
Napahiga ako sa lap niya at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Oh God! Just looking in his face turn me on. Napatitig din siya sa akin at namula ako sa intensidad ng titig niya.
"Ahm. Gusto ko lasahan ang chocolate cake." Tatayo sana ako sa pagkakahiga ng pigilan niya ako.
"You want to taste it right?" Kumuha siya ng chocolate gamit ang hintuturo niya sabay tikim. Nanlaki ang mga mata ko ng mag-sink in na sa utak ko ang gagawin niya pero ngumiti lang siya sa akin at sinakop ang bibig ko.
Napasara ako ng mga mata at tinugon ang halik niya, lasang-lasa ko sa bibig n'ya ang chocolate. Hindi ko mapigilang umungol sa gitna ng halikan naming dalawa. Si Renzo ang unang humiwalay at lumayo sa akin, ngumisi siya na parag tuwang-tuwa sa nangyari.
We talked more, laughed more with all the randomness.
Napahikab ako pero pinipilit ko pa ding ibuka ang mga mata ko habang masuyo niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Close your eyes." Sinunod ko ang sinabi niya at naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa dalawa kong mga mata. At dahil doon ay naglakbay na ako sa kadiliman pero bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang boses niya
"I love you."