Chapter 18
TUMINGIN AKO kay Tyron ng mapansin kong nakatingin siya sa akin, susubo na sana ako ng carbonara ng binaba ko iyon. May dumi ata sa mukha ko kasi kanina pa siya nakatingin sa akin. Dalawa lang kami ngayon kasi tumawag si Rezzy sa akin na may importate daw itong lakad ngayon.
"What?" Tanong ko sa kanya sabay punas sa mukha ko.
"Wala naman." Nilaro-laro lang niya ang pasta sa plato niya habang nakatingin sa akin.
"Stop staring, it's rude you know." Inirapan ko siya pero hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. Sumubo na lang ako uli dahil gutom na talaga ako
"Anong ginawa ko?" Ngumiti siya sa akin at sumandal sa upuan niya habang nakatitig pa din sa akin.
"Whatever, stare all you want. Sanay na rin naman ako dahil hindi lang naman ikaw ang tumititig sa akin. Tsss." Binalik ko na lang ang tingin ko sa pagkain. Mauubos ko na ang pasta ko at nagsisisi ako bakit ito lang ang binili kong pagkain.
"Hey, I'm sorry. Ititigil ko na ang pagtitig sayo." Tumigil siyang magsalita sandali. "Hindi ko magawang tigilan ka, ang pagtitig sayo." Agad namang napabaling ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya, sa klase ng tingin niya sa akin parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Kumain ka na lang dyan." Sumubo akong muli ng nilapit niya ang daliri sa gilid ng labi ko para tanggalin ang sauce.
"Thanks." Nag-aalangan akong nagpasalamt sa kanya kasi iba talaga ang binibigay niyang tingin sa akin, naninibago lang ako. Binalik ko na lang kaagad ang tingin ko sa pagkain ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"I should go." Paalam niya sa akin, napatingin ako sa pagkain na hindi niya nagagalaw.
"Hindi ka pa kumakain, your food." Hindi ko na natapos ang sasabhin ko ng bigla na lang siyang umalis at iniwan ako mag-isa sa mesa.
"YOUR PARTNER is your seatmate for your thesis." Nagsalita pa ang Professor namin tungkol sa thesis na gagawin, lumingon ako sa kaliwa ko. Paano iyan wala naman akong katabi kasi wala naman ngakaupo sa tabi kong upuan.
Hindi pumasok si Tyron pero kanina nakita ko sa hallway, napailing na lang ako. Saan na naman kaya napunta iyon? Hahanapin ko na lang siya mamaya pag may free time na ako kasi siya lang ang magiging partner ko para s athesis na ito. Meron lang kaming two weeks para matapos at maipasa ang thesis.
"Class dismissed." Nagsitayuan at nagsilabasan na ang lahat ng marinig ang Professor namin. Napatingin ako kay Renzo na ngayon ay naglalakad na palabas ng room. Nakasunod sa kanya ang mga kaibigan niyang lalaki, nakikipag-usap siya sa mga ito habang ako ay hindi niya man lang matignan. Nakasunod naman sa grupo nila ang grupo ni Heidi na inirapan lang ako ng mapatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam bakit ganito na naman ang trato niya sa akin. Kahapon niya pa ako hindi pinapansin, kahit ng nasa bahay kami ay kinakausap niya lang ako pag-kinakailangan. Ano bang ginawa ko? Wala akong maalala na may ginawa akong mali, o siguro balik na naman sa dati ang trato niya sa akin.
I don't exist again in his world.
PATAPOS NA ang pinakahuli naming klase pero wala pa din si Tyron, nag-cutting class talaga buong araw ang mokong. Alam kong andito lang siya sa campus kasi may nakakita sa kanya na kaklase namin kanina na napagtanungan ko. Napabuntong hininga na lang ako at hinugot ko ang cellphone ko. Hinanap ko ang contact number ni Tyron at tinatawagan siya.
"Hello, nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap , wag kang magsinungaling na wala ka sa campus dahil may nakakita sa iyo." Dire-diretso kong litanya kay Tyron, ni hindi ko siya binigyan ng pagkakataon sumagot sa akin.
Nandito ako ngayon sa rooftop dahil napagod ako kakalakad para hanapin si Tyron, kailangan ko na talaga siya makaharap para sa thesis namin. Sakto namang ayoko pang umuwi dahil ayokong makaharap ngayon si Renzo, nangigil kasi ako sa trato niya sa akin ngayon. Mabuti na lang mahangin rito sa rooftop, ang sarap tumambay. Nakaupo lang ako sa lapag habang nakasandal sa pader.
"Bakit mo ba ako hinanap?" Napaangat ako ng tingin, nakatayo ngayon sa harap ko ay si Tyron. Binaba na niya ang cellphone niya at nilagay sa bulsa niya.
"Saan ka ba nagtago? Kanina ka pa rito sa rooftop? Dapat pala di na kita hinanap." Habang nagsasalita ako ay tumabi na siya sa akin at naupo.
"Bakit kailangan mo ako?" Tanong niya sa akin kaya napalingon ako, sakto namang malakas ang hangin kaya medyo nakawala ang iilang hibla ng buhok ko. Napatingin ako sa kamay niya na hinuli ang naliliparang buhok ko at inipit sa gilid ng tenga ko.
"Salamat. Kanina pa kita hinahanap kasi ikaw ang kasama ko sa thesis. May dalawang linggo lang tayo para makagawa at kailangan agad ipasa kasi pag late automatic wala ng grade." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang eye glass ko.
"Don't wear this thing, hindi mo naman kailangan iyan. Mas maganda ka kung hindi mo iyan sinusuot." Kinuha niya sa akin ang glasses ko. Namula ako sa sinabi niya, and paano niya nalaman na hindi ko naman talaga kailangan ang eyeglass ko?
"Akin na, kailangan ko iyan." Pilit kong inaabot ang eye glass ko pero hindi ko talaga makuha sa kanya, tumayo kasi siya at tinaas ang kamay niya sa ere para hindi ko maabot. Matangkad ako kaso mas matangkad si Tyron sa akin.
"This are fake glasses. And please don't deny it." Dahil sa kakaabot ko ay naapakan ko ang paa niya at nawalan kaming pareho ng balanse.
Unti- unti kong binuksan ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na nakadantay na pala ako sa malapad niyang dibdib habang si Tyron ay nakahiga sa semento, agad akong tumingila para makita siya ng maayos kung nasaktan ba siya.
"Are you okay? May masakit ba sayo?"Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya kung nasugatan ba sa pagkakatumba namin.
"Magsalita ka Tyron, hindi ka naman napipi diba?" Tinitigan ko siya ng maayos at wala naman ata siyang sugat. Naramdaman ko na lang ang pagdausdos ng labi niiya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla kaya hindi ako agad nakakilos.
Habang magkadikit ang labi namin ay para akong tuud na nakatingin lang sa kanya, Ilang segundo lang ay lumayo siya sa akin at tinitigan ako na para bang naghihintay siya ng reaksyon ko.
"I love you," parang lalo akong hindi nakagalaw sa sinabi ni Tyron.
"What?" Ang tanging salitang lumabas sa labi ko.
"Mahal kita simula noong mga bata pa tayo pero hindi mo iyon alam dahil hindi mo ako maalala. Pinigilan ko ang nararamdaman ko pero pag nakikita kita ay lalo akong nahuhulog sayo. Kaya hindi ko na pipigilan ang sarili ko." Nakangiti niyang sabi sa akin at sinuot na sa akin ang salamin ko.
Nakatunganga lang ako sa kanya na parang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya.
"Hindi ba nabagok ang ulo mo?" Pagtatanong ko sa kanya kasi baka dahil sa pagkatumba namin kaya sinasbai niya iyan ngayon.
"You're funny. I better go ahead." Natatawa niyang sabi sakin habang ako ay nakatitig lang sa papalayo niyang bulto.
TYRON'S POV
Ilang linggo na din ang nakalipas ng malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal ni Serena kay Devon. Napaka-sakit malaman na ang hinihintay mong tao ay pagmamay-ari na ng iba. Ako ang naunang mahalin siya pero nakuha siya ng iba. Ako ang nauna sa lahat pero hindi ako ang nasa tabi niya.
Noong nalaman ko na kasal na siya sa iba ay sinubukan kong lumayo sa kanya, dumistansya ako kahit hirap na hirap ako para lang makalimutan siya. Pero kahit anong gawin ko nahahanap si Serena ng mga mata ko, kahit saan ako lumingon nakikita ko siya. Pagtinitignan ko siya parating nakangiting mukha niya ang sumasalubong sa akin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko katulad 'nong nasa cafeteria kami. Ako na nga ang unang lumayo pero siya pa rin ang lumalapit sa akin. I kept seeing her beautiful smile and cute reactions, so how can I forget my feeling?
That's why I gathered my courage and told her about my feelings. Wala na akong pakialam kung kasal na siya kay Devon. He doesn't deserve her at all.