Chapter 13

DEVON'S POV

"Damn it, where is she?!" Nanggagalaiti kong sambit mag isa, nasa bahay ako habang nag-aantay kay Serena. Gusto kong suntukin ang sarili ko sa nangyari kanina, ni wala man lang akong nagawa para sa kanya.

"Wag kang magsalita na parang alam mo ang nangyari. Asawa ka nga niya pero nasan ka kung kelangan ka niya."

Napasabunot ako sa buhok ko ng maalala ko ang sinabi ng Tyron na iyon kanina habang bitbit niya sa kanyang braso ang nawalang malay na si Serena.

Tama siya wala ako doon, wala ako sa tabi ni Serema ng muntik siyang ma-rape ng putanginang Anton at mga kasamahan niya. Wala akong kaaalam-alam at narinig ko pa sa iba ang nangyari, hindi ko man lang siyang nagawang ipagtanggol.

Sinimsim ko ang alak sa baso ko.

Hindi ko alam kung saan dinala ng Tyron na iyon si Serena, kanina ko pa din tinatawagan ang cellphone ni Serena pero nakapatay iyon at parating cannot be reached. Wala akong kaalam-alam kung nasaan siya ngayon o kung kasama niya pa ba ang lalaking iyon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magring iyon, agad kong sinagot ang tawag.

"Make sure na hindi na makakapasok sa kahit na anong school sa pilipinas ang tatlong lalaking sinabi ko sa iyo. Yes, at siguraduhin mong putulin ang kahit na anong connection ng Yan group of Companies sa mga kompanya nila. And one more thing, make sure they won't forget what they did to my wife. Alam mo na ang gagawin. "

Dapat talaga pinagbabali ko ang buto ng Anton na iyon dati pa para hindi na ito nangyari. Ngayon, sisiguraduhin kong wala silang mapapasukan sa kahit na anong paaralan sa Pilipinas pati sa ibang banda. Pati ang mga kompanya ng mga pamilya nila ay hindi ko papalampasin. Hindi dapat nila ako binangga, hindi na dapat nila ginawa iyon kay Serena. Sa lagay na ito ay mabait pa ako dahil hindi ko sila pinapatay, pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.

Kinuha ko ang bote ng alak at nilagyan ang baso ko at sinimsim muli iyon. Napahawak ako sa ulo ko. I want to see her right now, to know if she's okay. Ayokong isipin ang pinanggagawa ng mga gagong iyon kay Serena dahil baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

God, I wish she's here!

"Hindi mo na kailangan gawin ang lahat ng iyon." Bigla akong napalingon sa nagsalita, akala ko niloloko lang ako ng paningin ko.

She's here, I am not hallucinating. Napatingin ako sa kanya na ngayon ang nakatayo lang hindi kalayuan sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, gusto ko lang siyang yakapin ng mahigpit.

"You're here." Binalik ko ang tingin ko sa baso. Pinigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya dahil wala akong karapatan. I feel so useless.

"Bakit kailangan mong gawin iyon?" Narinig kong sabi niya, unti-unti siyang lumapit sa akin.

"They deserve it," I answered her while pouring my glass with wine. Tinutok ko ang mga mata ko sa baso at muling nilagok ang laman.

"You don't have to do that. Wag mong gawin iyon." Hindi ko na napigilang tumingin sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. Habang tinitignan ko siya ngayon, kitang-kita ko na wala siyang kalakas-lakas at namumutla ang mukha niya na para kahit anong segundo ay mawawalan siya ng malay uli. Kinuyom ko ang kamao ko sa panggigil sa mga gagong gumawa nito sa kanya.

"Kulang pa iyong ginawa ko sa kanila kung tutuusuin." Binalikwas ko ang tingin ko sa kanya at muling nilagyan ang laman ng baso ko ng alam.

"Wala namang nangyari sa akin. Ito na nga ako e, okay na okay naman ako." Ramdam ko na pinipilit niya lang [pasiglahin ang boses niya but I know better.

"Wala pero muntik na?! If that guy was not there to help you, ano? Ano wala pa rin bang mangyayari sayo?" Kinuyom ko ang palad ko. "Damn it, I wasn't there! I wasn't there to protect you. Ito na nga lang ang magagawa ko para sayo but you-- ugh." Bumuntong hininga na lang ako at pinilit na pinakalma ang sarili. Ayokong sumabog sa harap niya ngayon, ayokong ipaalala sa kanya ang mga nangyari sa kanya.

"Renzo-" magsasalita pa sana siya ng unahan ko na siyang magsalita.

"Go to your room and take a rest. Wag ka ng pumasok bukas, your excused for tomorrow. Take a rest." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya para kalmahin ang sarili ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa bewang ko, hinigpitan niya ang pagyakap niya sa likuran ko.

"Thank you." Narinig kong sambit, naramdaman kong dinantay niya ang ulo niya sa likuran ko.

"Don't thank me, I didn't do anything." Mahina kong sagot sa kanya, sinara ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

"Still thank you."

Hindi ko na napigilang humarap sa kanya at buong alab na hinalikan ang labi niya. I missed her soft lips on mine, she responded to my kiss eagerly with the same intensity. Naramdaman ko na lang na pumulupot na ang dalawa niyang kamay sa leeg ko at tinaas ko ang isang hita niya na ngayon ay nakapulupot na din sa akin.

SERENA'S POV

Halos mawalan ako ng hininga sa klase ng halik na ginagawad niya sa akin ngayon, I craved being in his arms right now, I feel like I'm safe from this cruel world. Hindi ko na alintana ang pagiging amoy alak niya, siguro kanina pa siya umiinom habang nag-aalala sa akin.

Gusto kong magtampo at magalit kanina dahil wala siya ng may nangyari sa aking masama pero ng mai=rinig ko ang kausap niya sa cellphone kanina ay napagtanto kong concern siya sa akin. Kung tutuusin, hindi naman niya alam na may mangyayari sa akin kanina. Kanina kitang-kita ko kung ano-ano ang ekspresiyon ng mukha niya ng hindi niya ako mahanap.

Naramdaman ko ang malikot niyang mga kamay na gumagapang sa ilalim ng shirt ko. Hindi ko na rin napansin kung paano niyang natanggal ang bra ko ng ganoon ka bilis.

In just a few minutes, I was naked from head to toe. Medyo lumayo siya sa akin at tinitigan ang katawan ko, naramdaman ko ang pagka-asiwa dahil para bang may hinahanap siya sa bawat parte ng katawan ko sa kalse ng tingin niya. Tumigil ang tingin nito sa may gilid ng bewang ko, napatingin rin ako sa tinitignan nito.

Bigla kong nilagay ang kaliwang braso ko doon para matabunan pero mabilis niya iyong hinawakan at inalis para titigan muli. May malaki kasi akong pasa sa gilid ng bewang, siguro dahil sa natamaan ako ng mga upuan kanina.

"I will really rip their bodies." Tiim bagang sabi nito, habang tinitignan pa ang ilang pasa na nasa braso at ibang parte ng katawan ko. Ngayon ko lang napansin na ang dami ko pa lang pasa kaya pala medyo nananakit ang katawan ko. Kitang-kita sa mukha niya ang galit sa bawat pasa na nakikita niya sa katawan ko pero agad na lumambot ang mukha niya ng mapatingin siya sa mukha ko.

"I'm sorry, Baby." Sinsero niyang sambit at hinalikan ang noo ko.

"For what?" Nalilito kong tanong sa kanya. What is he sorry for? Hindi naman niya kasalanan na may mga gago sa mundo.

"I was not there." Tumingala ako para makita ko ang mukha niya. Hinawakan ko ang magkabila niayng pisngi.

"It's not your fault, okay?" Pagkatapos kong magsalita ay muli niyang sinakop ang labi ko. Isang minuto siguro kaming naghahalikan ng humiwalay na naman siya sa akin at medyo lumayo.

"Let's get you a shower." He smiled at me seductively.

I AM currently looking at his wet half naked body, sinusundan ng mga mata ko ang bawat flex ng muscles niya, napaka-yummy naman ng abs niyang six pack. Hindi ko alam paano niya namaintain ang ganyang katawan. Kahit saang anggulo tignan, makasalanan talaga ang katawan ni Renzo.

Nakatayo ako sa hamba ng pintuan habang hawak-hawak ko ang juice na iniinom ko ngayon habang ninanamnam ang magandang view sa harapan ko. Wala na kasi akong ginagawa ngayon dahil kakatapos ko lang maglinis sa kusina, sala at mga kwarto namin. Hindi naman todo linis ang ginawa ko kasi may tagalinis naman kami. Nagpunas lang ako at nagwalis para siguradong malinis ang lahat.

Napalunok ako ng makita ko ang mga pawis na rumaragasa mula sa leeg niya papunta sa sexy abs niya.

Shemay, sana all pawis!

"Like what you see?" Nakatungaga ako sa abs niya ng bigla kong tinaas ang mga mata ko sa mukha niya. Wala sa oras na nasamid ako ng bigla kong nilunok ang juice sa pagkabigla. Gusto kong lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan.

He smirked while looking at me. Alam kong alam niya kung ano ang ginagawa ko dito. Alam niyang kanina pa ako nakatitig sa katawan niya kaya siya naghubad ng sando. Lahat ata ng dugo sa katawan ko pumanhik sa mukha ko.

Iniling-iling ko ang ulo ko ng bumababa ang mga mata ko sa abs niya, kasi naman bakit ang perpekto ng katawan niya.

Napansin kong unti-unti siyang papalapit ng papalapit sa akin. Kinuha niya ang baso sa kamay ko at nilagay sa kung saan. Nakatitig lang ako dahil nalilito ako sa mga nangyayari, nabigla na lang ako ng hinila niya ako habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

"Anong gagawin mo?" bigla kong sabi ng hindi niya pa rin ako binibitawan at inaabot niya iyong isang hose na malapit sa amin. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng na parang may gagawin siyang kakaiba.

Napatakbo na lang ako bigla ng pumasok sa utak ko ang gagawin niya. Ayokong mabasa pero huli na dahil nahabol ako ng tubig ng buksan niya ang hose. Basang-basa na ako mula ulo hanggang paa kaya bumusangot ang mukha ko na nakatingin kay Renzo habang siya ay nakatingin sa akin na ngiting-ngiti

"I am soaking wet, para na akong basang sisiw nito." Nakabusangot pa din ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Naka-puting cotton short pa naman ako na parang boxer style paired with a creamy white soft shirt.

Tumalikod ako sa kanya ng bigla kong maramdaman ang pagyakap niya sa likuran ko. Nabigla na lang ako ng pumulupot ang braso niya sa akin.

"You're my hot and wet chick." Iyong pakiramdam na namula ako mula ulo hanggang talampakan sa sinabi niya. Pinaikot niya ako kaya ngayon ay nagkatitigan kaming dalawa habang basang-basa na kami ng tubig dahil sa hose na nakatutok sa aming dalawa pero hindi ko na iyon napansin dahil mas importante ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Hindi ko alam sa sarili ko bakit tuwing nakakatitig ako sa mga mata niya, pakiramdam ko nalulunod ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Lubog na lubog na at hindi na makakaahon pa, nakakatakot kung hindi niya ako ihahon pero wala na akong pakialam, ang importante ay ang ngayon.

Hinila ko siya at hinalikan ng mariin, naramdaman kong nabigla siya pero mabilis rin siyang tumugon sa halik ko. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa batok niya at mas lalong diniin ang sarili ko sa kanya. Nararamdaman ko na rin ang kamay niya sa loob ng sando ko na naglalandas sa bawat parte ng katawan ko. Napaliyad ako na maabot ng kamay niya ang maselang parte ng katawan ko.

Napasandal ako sa hood ng kotse habang ninanamnam ko ang halik at bawat dampi ng kamay niya sa katawan ko. Hindi ko mapigilang gumawa ng ingay dahil sa ginagawa niya sa akin. Kahit basang-basa na kami pakiramdam ko ang init-init ng paligid.