Kabanata 19
"So, that's the reason why you are here? Akala ko kaya mo na siyang alagaan? What happened? Miss P. A., ang gulo rin ng isip mo," bulalas ni Leo habang nakikipag-usap sa dalawa.
Nasa labas pa sila ng opisina ng doktor ngayon at nakita sila ni Leo kanina na nakaupo sa bench kaya kaagad itong lumapit para magtanong.
"Sandali nga, bakit parang sinasabi mo na ako ang may kasalanan kung bakit nagkasakit ang kaibigan ko? Are you really trying to mess up with me? Watch your words, sir. Kahit na anak ka pa ng may-ari ng ospital na ito ay papatulan pa rin kita," mariing giit ni Eunice
Mabilis naman siyang hinampas ni Xiara sa braso para pakalmahin. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ng kaibigan niya. Bahagya na lang siyang ngumiti kay Leo nang sa gayon ay hindi na nito pansinin si Eunice.
"Huwag ka nang magsalita. Mapapahamak tayo sa bibig mo na 'yan. Hayaan mo na siya, Eunice. Masyado pang maaga para magbangayan na naman kayong dalawa," mahinang bulong ni Xiara sa kaibigan.
Kumalma naman ito at hindi na sumagot pa sa lalaki. Sakto namang dumating ang doktor at nagtataka ito nang makita ang anak at ang dalawang dalaga sa labas ng opisina niya.
"Good morning! Ang aga niyo namang dumating. How can I help you? Is there something wrong in Xiara's condition? Tinawag ako ng head nurse kanina dahil kailangan daw akong makausap ni Eunice? Is that right?" nagtatakang tanong niya sa dalawa bago igiya papasok sa opisina.
Tumango naman si Eunice bago siya sumunod papasok sa loob. Samantala, nagtataka si Xiara dahil wala siyang ano mang ideya sa kung anong nangyayari. Hindi rin nabanggit sa kaniya ni Eunice kung bakit sila pumunta rito sa ospital.
"Pasensya na kung medyo magulo pa ang office ko. May meeting kasi kami kagabi at hindi na ako nakapagligpit. But anyway, how can I help? Hindi ka naman tatawag para sa wala. Wait, do you want some coffee?" muling tanong ng doktor habang inaayos ang mga papeles sa lamesa niya.
Tumango si Eunice kaya mabilis na ikinumpas ng doktor ang kanang kamay niya para sumenyas kay Leo na ipagtimpla sila. Sumimangot naman ang binata at labag sa loob na kumuha ng dalawang tasa at magtimpla ng kape.
"Eunice, ano bang nangyayari? May balak ka bang sabihin sa akin o wala? Bakit ka tumawag/ Ano ba? Para akong ewan dito na walang kaalam-alam sa nangyayari," mahinang bulong ni Xiara.
Bumulong si Eunice sa kaniya at sinabing huwag na munang magtanong. Labag man sa loob ay hinayaan na lang ni Xiara na ang kaibigan na ang bahala sa nangyayari. Hihintayin niya na lang itong ipaliwanag sa kaniya ang lahat pagkatapos.
"Can I talk to you in private? I mean, gusto ko kasi na sa iyo muna sabihin ang bagay na ito. Hindi naman po ba kayo abala sa ibang bagay? I really want to discuss this matter with you, so I am hoping that you will give me time," muling sabi ni Eunice.
Maging si Leo ay bahagyang natigilan sa pagtitimpla ng kape dahil sa narinig. Naninibago siya sa tono ng pananalita ni Eunice. Hindi niya tuloy maiwasang makinig sa pinag-uusapan ng mga kasama niya sa loob.
"Sure, if that's what you want. Mukhang imortante ang sasabihin mo sa akin kaya hindi na kita tatanungin pa. Leo, can you walk with Xiara outside? Magpahangin muna kayo sa labas habang nag-uusap kami," bulalas ng doktor na siyang muling naging dahilan para magpakawala ng malalim na buntong-hininga si Leo.
Inilapag niya ang dalawang tasa ng kape sa lamesa bago samahan si Xiara palabas ng opisina. Gusto man niyang malaman kung anong nangyayari pero wala na siyang magagawa pa. Isa pa, gusto niya ring makausap at kamustahin si Xiara.
"How are you? Narinig ko sa mga nurse kanina na ang taas daw ng lagnat mo kagabi. Do you want some soup? Punta tayong cafeteria, libre ko," paanyaya ng binata.
Pagkatapos nito ay mabilis niyang inakbayan ang dalaga na siyang ikinagulat nito. Hindi inaasahan ni Xiara ang ginagawa ni Leo ngayon. Dati-rati, siya ang palaging umaakbay rito at nagyayaya na pumunta kung saan.
"Anong nakain mo ngayon? Ikaw, manlilibre? Grabe, sana palagi kang good mood. Sagot mo lahat ng bibilhin ko? Tara na at baka magbago pa ang isip mo," mabilis na sagot ni Xiara bago hatakin ang braso ng binata.
Natawa na lang si Leo sa inasta ng dalaga. Masaya siya na makitang nakangiti ito sa kabila ng panghihina na nararamdaman. Ito lang ang paraan na naiisip niya para pagaanin ang loob nito.
"Sandali lang, huwag kang tumakbo! Hindi ba sinabi ni Dad sa iyo na huwag mong pagurin ang sarili mo? Ililibre naman kita kaya no need to hurr," bulalas ni Leo bago huminto at hatakin pabalik ang braso niya.
Nang dahil sa ginawa niya ay muntik na silang matumba na dalawa. Mabuti na lang at malapit sila sa pader kaya mabilis na isinandal ni Leo ang sarili bago unti-unting tumama ang ulo ni Xiara sa dibdib niya.
Magkalapit ang mga mukha nila ngayon at ramdam na ramdam ang mainit na hininga ng isa't isa. Hindi maintindihan ni Leo pero pakiramdam niya ay sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya ngayon. Para na itong sasabog sa sobrang bilis kahit na hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo nila.
"L-Leo...." mahinang sambit ni Xiara.
Pinagpapawisan siya ngayon kahit na hindi naman mainit sa hallway. Pakiramdam niya rin ay para siyang nahimasmasan at nawala ang epekto ng lagnat sa kaniya. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang sitwasyon nila ni Leo.
'Leo..." pag-uulit niya sa binata.
Sa pangalawang pagkakataon na bumuka ang labi niya at isinambit ang pangalan ng binata ay hindi na niya napigilan ang sarili na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung ano ba ito pero ang tanging sigurado niya ay may kinalaman ito sa binata.
"Xiara..." mahinang sagot ni Leo.
Hindi na nila alintana pa ang mga iilang taong dumaraan at nanatiling nakadikit sa isa't isa. Tila panandalian silang nabingi sa kapaligiran at ang tanging tunog na pumapasok sa tainga nila ay ang malakas na pagtibok ng puso at mainit na hininga.
'H-Hindi ako makahinga, L-Leo," muling sambit ni Xiara na siyang naging dahilan para bumalik ang ulirat ni leo at kumalas sa pagkakayakap sa dalaga.
Hindi kaagad nakabawi si Leo sa nangyari at nanatiling nakatingin sa dalaga. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaawa dahil sa ganitong edad ay nakakaranas na siya ng sakit na nagiging dahilan para manghina ang buong katawan niya.
"S-Sorry, nagulat lang ako. Baka kasi madapa ka kung hindi kita sasaluhin. Instinct ko lang," nahihiyang paliwanag ni Leo.
Kaagad namang ngumiti si Xiara nang maramdaman niyang naiilang si Leo sa nangyari. Muli niya itong inakbayan nang sa gayon ay mawala ang pagkagulat na nararamdaman nito.
"Okay lang 'yun. Tara na at siguradong mahaba na ang pila mamaya. Sayang ang libre mo kapag nagkataon," mabilis na sabi ni Xiara at muling inakbayan ang binata.
Hindi pa man sila tuluyang nakakalayo nang marinig nila ang pangalan sa speaker. Kaagad silang napahinto nang dahil dito.
"Calling the attention of Sir Leo and Miss Xiara. Please proceed to the Director's office. Thank you!"
Nagtataka man ay mabilis silang naglakad pabalik sa opisina ng doktor para malaman kung anong nangyayari.