CHAPTER 66

SANDRA's POV:

"I WANT DNA TEST.", madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.

Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to.

Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.

Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?

Kaya oo, ito ang ginawa ko.

Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina.

"10, 000 pesos. Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.", turan ko sa binata sabay labas ko ng pera.

"Opo Ma'am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.

Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.

Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.

Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.

Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.

For almost one month, napamahal na rin ako ng konti sa mga tao do'n kahit na dakilang masungit ako.

Pero gano'n talaga. Sometimes we need to let go, lalo na kung alam mong niloloko ka lang pala ng kapartner mo.

I was very disappointed. Kasi siya yung pinagkatiwalaan ko ng plano ko, pero siya rin pala ang sisira sa akin.

Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit nagalit ako kay Derick. He lied to me. And he deserve to be hated.

PUMUNTA na ako sa building kung saan iniwan ko si David do'n para bantayan si Deo.

Kaso sa pagbalik ko, wala ang dalawa.

Wala sila sa loob.

Medyo kinabahan na ako dahil baka nakatakas na si Deo at napahamak ang binatang minamahal ko.

"David? David?!", pagtatawag ko sa pangalan niya.

Halos sinilip ko ang bawat sulok ng lumang gusali para lang hanapin siya.

Pero kahit anong hanap ang gawin ko, wala akong nasilayan.

"Bullshit! Where are you, David?", inis kong turan sa sarili.

Wala akong choice kundi ang tawagan siya baka sakaling sumagot ito.

Ilang beses rin tumunog ang cellphone niya, bago ito sinagot.

"Nasa'n ka ba, David ha?", pagtatanong ko agad sa kabilang linya.

Iritado ang boses ko dahil hindi ko na naman gusto ang ginagawa niya.

Ang usapan namin, 'wag niyang hahayaan na makatakas si Deo pero mukhang nalusutan siya ng demonyo.

"Nandito kami sa bahay ng parents namin.", kalmadong turan nito.

"What? So kasama mo si Deo?", muli kong saad.

"Yeah. Kinausap ko siya. And he said, may dapat pa daw akong malaman.", wika niya sa akin.

Halos gigil kong hinilamos ang kamay ko sa aking mukha dahio sa kabobohan ni David.

"Are you really out of your mind? Naniwala ka sa kapatid mo? Uto-uto ka talaga, David! Binibigyan mo pa siya ng pagkakataon para takasan ang ginawa niya sa atin, lalo na sayo!", paninigaw ko.

"Kate, he's my brother. Alam kong nagkamali siya. Alam kong siniraan niya ako. But I choose to trust him again, this time. So please, hayaan mo muna kami. Nangako siya sa akin na tutulungan niya ako.", mahinang sabi ng binata.

"David naman! Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo! Bakit ang dali para sayo na--",

"I can also handle this. Just trust me.", mabilis na sambit niya na hindi man lang ako pinatapos magsalita.

And yes, he ended the call.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang pinag-usapan nila!

Tangina!

PABALIK-BALIK ako sa paglalakad ngayon.

Pakiramdam ko, lumilipad ang aking utak dahil sa ginawang desisyon ni David.

Ang tanga niya!

Sa sobrang katangahan nito, hindi ko mapigilan ang mang-gigil dahil sa binata.

Konti na lang, sasabog na ako sa galit.

Pero buti na lang at hindi ito natuloy dahil sa tawag na natanggap ko mula sa tauhan na inutusan ko kanina.

"Ma'am, tapos na po. Nakuhanan ko ng buhok si Mrs. Katrina. Pinasok ko ang bahay niya nung umalis siya. Kaya kinuha ko ang suklay na ginamit niya.", pagbabalita niya.

"Very good!", komplimento ko rito.

"Hintayin mo ako dyan sa tagpuan natin.", I continue.

This is the only way to know the truth.

Kaya hindi ko na papalampasin pa ang bawat segundo at minuto.

Kung si David, nabibilog na agad ng kapatid niya.

Pwess, ako hindi.

Dahil gagawa ako ng paraan para makuha pa rin ang hustisya ng anak ko.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko pabalik sa pinag-usapan namin.

"Nasa'n na?", I asked him.

"MA'AM, eto na po.", magalang na tugon nito.

Kinuha ko na ang hawak niyang suklay na nakalagay sa maliit na plastic.

"Thank you.", aniya ko.

After that, I drive again.

But this time, sa private doctor ako tutungo.

Sa doctor na maaasahan ko.

Malaking halaga ang binigay ko sa kanya para lang dito sa DNA. Dinoble ko ang pera, nang sa gano'n, malaman ko agad ang resulta.

It takes more than 24 hours bago niya ako kausapin.

Kaya oo, isang araw din ang tinagal ng pag-DDNA.

"Sigurado ka na ba?", tanong nito na tila binibigyan pa ako ng pagkakataon para umatras.

Bagong araw, pero nandito ako sa clinic niya.

Dito ko naisipan magpalipas ng gabi para makita ko ang bawat kilos ng Doctor.

"I paid you already, ngayon pa ba ako aayaw?", inis kong sambit.

"Naniniguro lang ako Ms. Sandra. Ayoko lang kasi madisappoint ka.", wika ng doctor.

"Bakit Doc? Nagdadalawang-isip ka ba sa ginawa mo? Kasi kung oo, maghihintay ako ng tamang araw.", pahayag ko naman.

But deep inside, gusto ko na talagang marinig ang katotohanan.

"Ms. Sandra, hindi ko ugali ang magdalawang-isip. Yung buhok ni Mrs. Katrina at buhok mo, ay tugmang-tugma.", he said.

"What?",

"I told you. Ayokong madisappoint ka, pero dahil mapilit ka, yes, confirmed! 99 percent, match kayong dalawa. So in short, kapatid mo siya. Kapatid mo si Ms. Katrina.", paliwanag nito na halos mangalay ang paa ko.

I can't believe this.

Etong doctor na kaharap ko ngayon, kilala ako bilang CEO ng kompanya. Kasi nga naging tampok ang pangalan ko dito sa Pilipinas. At malamang, kilala niya rin si Katrina dahil nga sikat na model ito.

"Are you kidding me, right? Tapos na ang buwan ng april. So stop making april fools.", saad ko muli.

"Magaling ako sa ganito. Kaya 'wag mo sana pagdudahan ang result ng DNA. Nandito ka habang ginagawa ko 'yon. Nandito ka at naghihintay. So there's no reason para dayain kita. Besides, wala akong pakialam sa family background niyo. Labas na ako do'n, Ms. Sandra.", direktang turan niya.

Kung sabagay, sino ba siya para mangialam sa buhay namin.

"I'm sorry.", pagpapaumanhin ko sabay tingin sa envelope.

"Can I see it?", turan ko ulit.

"Of course. Sa'yo talaga 'yan.", ngiting pahayag ng Doctor.

Nanginginig ko pang ikinuha ang brown envelope.

Pinipigilan ko na huwag huminga habang dahan-dahan kong nilabas ang resulta.

"N-no. No. It can't be. Bakit siya pa?", iling na bigkas ko sa sarili.

Kapatid ko si Katrina.

Kapatid ko ang babaeng sumira ng buhay ko.

Ang babaeng pumatay sa anak ko, na pamangkin niya.