Chapter 78 Era of White

Sophia's POV

Tahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie.

"High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"

Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido.

"Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.

Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.

Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!

"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"

Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat! Oras na para pabalikin sila sa pinanggalingan nila.

"Zero One," I called her out.

"Yes, Master?" She appeared together with the other mages.

"You know what to do."

"Yes, Master."

Nagpakawala ako ng massive amount of light magic para suportahan ang shadow mages sa pag-teleport ng mga priest pabalik ng templo.

Naku! Hanggang kailan ko pa ba ito paulit-ulit na gagawin?

Nang maging tahimik ang paligid, saka lang ako nakaramdam ng kapayapaan.

Kinaway ko ang aking kanang kamay para senyasan ang mga mage na maaari na silang bumalik sa anino ko. Sabay-sabay naman silang nagyukuan bago sundin ang utos ko.

"Pft—Hahahahaha! Mga anak mo raw sila? Ang dami ah! Hahahahaha!" parang baliw na tawa ni Klein. Hawak niya ang tiyan habang humahampas-hampas pa sa bakanteng espasyo ng inuupuan niyang sofa.

I glared at him. "Pwede bang manahimik ka?" sabi ko. "Tandaan mong may atraso ka pa sa akin. Wala kang karapatan na magsaya riyan."

Gamit ang daliri ay pinunasan niya ang luhang namuo sa sulok ng mga mata niya. Tumikhim ito saka pinilit ang sariling mapigilan ang pagpapatuloy sa pagtawa.

"Huwag mong ibuntong sa 'kin ang pagka-bitter mo," wika niya.

"Eh bakit kailangan mo pa kasi no'n magpanggap na babae? Pwede ka naman maging Secretary ng hindi 'yon ginagawa!"

"Syempre … alam kong nakamasid ka. Ikaw pa, kilalang-kilala na kita. Kahit nabura man dati ang ala-ala mo sa nakaraan, wala naman masyadong nagbago sa ugali mo."

"Ah... So, trip mo lang talaga akong pikunin?" Inangat ko ang kanang palad ko upang ipakita ang itim na usok. Bilang banta na rin sa kaniyang mag-ingat siya sa bibitawan na salita.

"Ginawa ko 'yon para magising ka! Masyado mo kasing tini-take for granted ang feelings ni Killian."

"Nasasabi mo 'yan kasi wala ka no'n sa posisyon ko! Argh! Pwede ba gumawa ka ng paraan para magkaayos kami?"

"Bakit ako? Sino ba sa ating dalawa ang nag-inarte?" He cross his arms and shakes his head. "Hindi ka lang nakatanggap ng contact, nagiging miserable ka na."

"Kung wala kang maitutulong at kung ayaw mong tahiin ko ng sinulid 'yang bibig mo, manahimik ka na lang!"

Padabog akong tumayo sabay hinagis sa sofa ang unan na hawak ko. Walang lingon ko siyang iniwan sa sala para tahakin ang daan patungo sa opisina ng Duke White. Naabutan ko itong nakaharap sa salamin upang suriin ang sariling kabuuan.

Sumandal ako sa pinto saka siya pinagmasdan. "What's with your attire?" tanong ko rito.

He is wearing a white suit with touches of gold. I had never seen him in that outfit before.

"This is a gift from the Imperial Palace, especially made by the royal tailor."

"What's going on? Why would Emperor William send you that?"

"As your current family, I guess this is just part of their gratitude."

"Hmm…"

"Elizabeth—I mean, Sophia."

Nakuyuko kong hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"You really are Sophia, right?"

Napakapit ako sa kaliwang braso para itago ang aking panginginig. Ilang araw ko siyang iniwasan dahil duwag akong harapin ang kinatatakutan ko.

Ngayong alam na niya ang katotohanan, sa paanong paraan ko ipapaliwanag ang sarili ko?

"Yes…"

"Matagal ng bumabagabag sa 'kin na parang ibang tao ang nasa katawan ng anak ko… Hindi ko inaasahang tama nga ang aking hinala."

"I-I am sorry… I d-didn't mean to deceive you..."

He shakes his head. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad," he said. "I'd like to thank you for living in her place."

The Duke is looking straight in my direction, while smiling faintly. "Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong makabawi sa mga naging pagkukulang ko kay Elizabeth... Simula ng tumayo ako bilang ama mo, pakiramdam ko ay nakagawa rin ako ng tama."

Sasabihin ko sana rito ang tungkol sa paglipat ni Elizabeth sa katawan ni Beatrice pero nagbago ang isip ko't pinigilan ang sarili. Ayaw ko namang madagdagan pa ang kaniyang kalungkutan. Ibabaon ko na lang sa limot ang kaalamang binalak ng anak niyang maghiganti, at pabagsakin ang White Dukedom.

"Milord, the carriage from the Imperial Palace has arrived," announced the head butler.

"How about the kids? Are they done preparing?" he asked him.

I guess he is referring to the twins, Elios and Elena. Is he planning to officially announce to the public, about them being part of this family?

"They are waiting outside with Lord Francisco."

Duke White glanced at me and said, "Sasabay ka na ba sa 'min?"

"Yes, nasa likuran lang ng karwahe niyo ang sasakyan namin ni Klein. Mauna ka na po sa paglabas, susunod din ako kaagad."

"Okay then."

Pinagmasdan ko ang kaniyang likuran hanggang sa hindi na ito maabot ng aking paningin. Nang magsara ang pinto, hinarap ko ang direksyon kung saan nakatago ang kanina ko pa nararamdaman na presensya.

"Wala ka bang balak magpaalam muna sa kanila bago ka umalis?" tanong ko rito.

Lumabas siya sa pinagtataguan niya, sa likod ng bookshelf. "You know, it's not my thing."

"Anyway, should I still call you Felixander?"

"I don't mind. Suit yourself."

No one else could remember him, pwera sa 'min ni Klein. Nabura na lang siya bigla sa alaala ng mga tauhan ng mansyon, gayon din sa iba pang nakasalamuha niya.

Wala siyang kahit na anong trace na iniwan … na magpapatunay na nag-exist siya sa mundong 'to.

Sa mga picture at painting … sina Elizabeth, Francisco at Duke White na lang ang natira. Kahit ang records niya ay burado.

Binura niya sa mundo ang existence ni Felixander White Jr. Does he really have to go such lengths?

"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan mo."

"Tutal may ideya ka naman pala, sagutin mo na rin."

"What a drag."

"Wait—"

Look at that bast*rd! He didn't even bother to explain his side before leaving.

"Tok! Tok! Tok!" Nagitla ako nang marinig ang malakas na katok ng kung sino.

"Lady Sophia…"

"Yes, Melrose? Trisha?"

Nasa ibaba ni Trisha si Melrose. Parehong nakasilip ang ulo habang nakatago ang kanilang katawan sa likod ng pinto.

"Lord Klein is asking for your attendance. He is waiting outside the mansion," said Melrose.

"Okay, let's go."

"Yes, milady."

Umuna ako ng paglalakad, nakasunod naman sila sa aking likuran. Tinahak namin ang daan patungo sa kinaroroonan nina Klein at ng pamilyang White.

Habang kami ay papalapit sa paroroonan, natatanaw ko ang kanilang mga likurang nakaharap sa direksyon namin.

Nakakapit ang magkambal sa magkabilang kamay ni Duke White. Si Elios nasa kanan, at si Elena ang nakapwesto sa kaliwa.

Bumagay sa mga bata ang kanilang suot. Si Elios ay naka-overall white tuxedo, habang si Elena naman ay naka-balloon frock design ang white gown with the touch of gold patterns.

Napalingon sa gawi ko si Klein. "Hindi ka na talaga nagpalit ng suot 'no?" he said, sighing. "You didn't even bother to put some jewelry on."

"It's too bothersome. Okay na para sa akin ang ayos ko." I am wearing an all plain white woman suit with a pair of silver stilettos. Melrose did my light makeup, and Trisha was the one who fixed my hair—tied up in a ponytail.

"Sister!" The twins ran towards me to offer me a warm hug.

"Now that you're here, we're leaving," said Francisco. Lumapit siya sa 'min para buhatin sina Elena papasok ng karwahe, kung saan naroroon din sa loob si Duke White.

Bumaba ang tingin ko nang ialok ni Klein sa harap ko ang palad niya. Tinanggap ko 'yon bilang alalay, saka maingat na humakbang paakyat sa karwahe namin. Sunod pumasok sina Melrose at Trisha, naupo sila sa kaharap kong upuan.

Nang isara ni Klein ang pinto, sinilip ko siya sa bintana. Patakbo siyang lumapit sa pwesto ng coachman saka naupo sa tabi nito. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang simula ng pagpapatakbo ng sasakyan namin.

Hinawi ko ang kurtina para malinaw na makita ang aming nadadaanan. Ang mga tao ay pare-pareho ng direksyon ng daang tinatahak. Sila ay patungo rin sa palasyo upang dumalo sa kasiyahang... hinanda ni Emperor William para sa lahat.

Sa daan-daang taon na lumipas, ito ang unang beses na nabigyan ng pagkakataon ang mga commoner na makatanggap ng imbitasyon mula sa royal family. Ang bawat isa ay hindi maalis ang ngiti sa kanilang mga mata at labi. I could even discern the excitement written on their faces. They all look good and well prepared for today's joyful event.

"Nandito na po tayo, Lady Sophia," paalala sa 'kin ni Melrose.

Hindi ko na napansin, nakarating na pala kami. Masyado akong na-occupied sa pagmumuni-muni.

Isang royal guard ang lumapit sa aming sasakyan upang pagbuksan kami ng pinto. Nauna akong lumabas bago sumunod 'yong dalawa.

"Let's all welcome! The new ruler of the Asterin Empire! Emperor Felixander White!" proudly announced by the previous emperor, William.

"Eh?" Ako lang ba ang walang alam tungkol diyan?

Nilingon ko ang direksyon ni Duke White. Hindi lang pala ako ang gulat sa balita, kundi pati sina Francisco at ang iba pang kasama namin.

"Sa sobrang stress, kung anu-ano na ang naririnig ko," bulong ni Duke White sa sarili.

Sa reaksyon niya pa lang, mukhang hindi niya nga ito expect. Napako siya sa kinatatayuan habang nakatulala sa kawalan. Namuo rin ang mga malalamig na pawis sa kaniyang noo.

"We pledge our loyalty to you, Emperor White!" Royal Guards and Imperial Knights' said in unison.

Hagikhik akong natawa sa isang tabi. Papasok kasi sana ulit si Duke White sa karwahe—para makatakas sa reyalidad—kaso hinarangan siya ni Francisco.

Umalingawngaw sa paligid ang paulit-ulit na sigaw ng mamamayan. "Long live, Emperor White! Banzai!"