Chapter 71 Masquerade Party

Sophia's POV

I stand in front of the whole body mirror. The off-shoulder silver long gown suits my body perfectly. My ebony black hair is fixed into a high ponytail, and the silver masquerade mask I am wearing looks stunning.

Three of the shadow maids assisted me to prepare for tonight's event. One of them did my light makeup, and for me to look dramatic, she put dark red lipstick on my lips.

"Sophia, come here."

I looked in his direction, he is currently sitting on the edge of the bed. Lawrence wears a suit that matches mine. Silver tuxedo, formal white long sleeves inside, silver necktie, and a vest. There is a white cape over his shoulders with embroidered insignia, which signifies that he is part of the royal family.

"Why?" I asked as I walked towards him. He taps the bed, signaling me to sit beside him, so do I.

Pinanood ko siyang lumuhod sa harap ko. May kinuha siyang box sa ilalim ng kama, and when he opened it I saw a pair of shoes. Kulay puti ito at hindi gaano kataas ang heels, it is only in two inches.

"May I?" He is asking for my consent, kung pwede ba na siya na lang ang magsuot niyon sa mga paa ko.

I nodded my head in response. Paano pa ako makatanggi kung nakaluhod na siya riyan?

Hindi na rin ako makaramdam ng hiya kahit isa siyang prinsipe. Marahil siguro sa mga naitulong niya sa akin kaya komportable na ako sa presensya niya.

"Kumusta sa pakiramdam? Okay naman ba? Hindi ba masikip?"

I can't help but chuckle. His uneasiness is written all over his face.

"I feel fine, don't worry," I said. "Thank you, Your Highness."

He sighed. "I am pleased to know that."

Pareho kaming napalingon sa pinto nang marinig namin ang pagkatok doon ng kung sino.

"Your Highness, and Milady, nagsisimula na po ang event." Sa boses pa lang, batid kong si Bea 'yong nagsasalita sa labas.

Lawrence offered his hand to me and said, "Let's go?"

I didn't hesitate to accept it, he then carefully held my hand—to help me stand—and clings it to his right forearm.

As we walk our way to the main hall, napapahinto sa kanilang ginagawa ang mga noble na nadadaanan namin. Hindi para mamangha sa aming pagdating kundi dahil sa kuryosidad kung sino ako.

"Can I have this dance?" he asked the moment we arrived at the event.

Tatanggi na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na bulto ng tao sa hindi kalayuan. Kahit pa nakatakip ng maskara ang kalahati ng mukha nito, sa buhok pa lang na kulay puti, at gintong mga mata, batid ko na kung sino 'yon.

Parehong nagtama ang aming paningin habang siya ay may sinasayaw na babae. Hindi ko akalain na may gana pa siyang pumunta rito sa kabila ng dami ng tinatrabaho niya sa mansyon. Kasayaw rin niya ang parehong babae na napag-alaman kong nagtatrabaho para sa kaniya.

Sa sobrang inis na naramdaman ko, binigyan ko ng matamis na ngiti ang aking kaharap saka malambing na tinanggap ang alok nito sa 'kin. "It's an honor, Your Highness, I accept."

Immature man tingnan pero hindi na talaga mawawala sa ugali ko ang kagustuhang ibalik kay Killian ang pinaparamdam niya sa akin ngayon. Ayaw ko talaga maging talunan. Oo, nasasaktan ako, ang bigat sa dibdib na makita siyang may kasamang iba, pero hindi ako magda-drama lang sa isang tabi. Ipapamukha ko pa na kunwari hindi ako apektado. Tingnan natin kung sino sa aming dalawa ang unang maging miserable, tutal sinimulan na niya talaga ako.

Lawrence guided me to the center of the hall. We position ourselves near them. Hindi ko na kailangan pang lingunin sila, ramdam na ramdam ko ang talim ng titig niya sa 'kin.

I wrapped my right arm around my partner's neck, then pull him closer. Naramdaman ko ang higpit ng yakap ng prinsipe sa bewang ko. He is smiling at me, sweetly. I can even discern the sparkle in his eyes like he is staring at someone he admires. Sinalubong ko ang tingin niya at habang tumatagal ... hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. Bakit ko ba ginagamit ang inosenteng 'to?

Sinabayan namin ang bawat ritmo ng musika, ang tugtog na pinapatugtog ng orchestra ay pang waltz. Any moment from now, there is a turn where the ladies will have to temporarily change their dancing partners for a minute. Lihim akong napadasal na sana ay mapunta ako sa ibang tao, huwag lang kay Killian. Pero sadyang mapaglaro nga naman talaga ang tadhana, nang iikot ako ni Lawrence pakaliwa, sumalo sa 'kin ang pinakaayaw kong makasayaw sa gabing ito.

Pareho kaming natahimik. Sa kabila ng ingay ng musika, nangingibabaw sa pandinig ko ang tibok ng aking puso.

Pasilip ko siyang sinulyapan, nasa ibang direksyon ang paningin nito. Wala ring ekspresyon na makikita sa mga mata niya. Ang dating tuloy sa 'kin, parang estranghero lamang ako para rito.

Nanubig ang sulok ng aking mga mata. Iniwas ko kaagad ang aking tingin no'ng lumingon siya sa 'kin.

Akala ko ba'y hindi ka magpapa apekto, Sophia? Ano na naman ba 'yan?

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko dahil sa pagpigil na hindi sumabog ang emosyong naiipon sa 'king dibdib.

"Aaaaah!" hiyawan ng mga babae nang magdilim ang paligid.

Namatay lahat ng mga ilaw, ito na ang senyales para lisanin ko ang lugar na 'to.

Katulad ng iba, maging kami ay nahinto sa pagsasayaw. Bibitaw na sana ako kaso natigilan ako sa higpit ng kapit niya sa kaliwang palad ko. Sa sumunod na nangyari, hindi ako nagreklamo sa biglaang paghatak niya sa 'kin palapit. Ipinikit ko lang ang aking mga mata, kasabay ng pagpatak ng luha, naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko.

Sa ilang araw na kawalan ng gana sa lahat ng bagay, muli akong nabuhayan ng loob, at naging magaan din ang aking pakiramdam.

"Killian..." When I opened my eyes, he's gone. Segundo lamang ang itinagal ng sandali ngunit sapat na sa 'kin 'yon para tumatak sa isipan kong... hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya para sa 'kin.

"Master!" Zero called me using telepathy. "What's delaying you?"

Hindi ko na siya sinagot, nag-teleport ako patungo sa lokasyon niya. Pinaningkitan niya ako ng mata noong binungaran ko siya ng isang malawak na ngiti.

"Don't smile like that. It creeps me out!" saway nito sa 'kin.

Napairap ako saka hinarap ang kailangan kong asikasuhin. Nandito kami ngayon sa parte ng palasyo kung saan ako pinagbawalan ni Bea kanina. Dahil likas na sa 'kin ang pagiging makulit, hindi ko siya susundin.

Nakasisiguro ako na may importanteng bagay ako ritong matutuklasan.

Tinapat ko ang palad ko sa pader upang sirain ang barrier nito. Nang mapagtagumpayan, sakto namang bumalik muli ang liwanag sa paligid.

Bumungad sa 'min ang pintong naka-padlock. Hindi naging mahirap para sa 'kin na i-unlock 'yon, I can turn my shadow power into a key.

"Dalian mo at baka maabutan ka na naman ni Bea," atat na sabi ni Zero.

"Kumalma ka nga. Ikaw pa ang kabado sa ating dalawa eh 'no?" Pinihit ko ang doorknob saka dahan-dahan itong tinulak papasok.

Nang kami ay tuluyang nakapasok, madali akong naalerto ng nakaramdam ako ng ibang presensya rito sa loob. Nilingon ko ang direksyon niyon, natatamaan ng liwanag mula sa labas ang mukha niya. Napako ako sa aking kinatatayuan ng napagtanto kung sino iyon, at nang klaro kong masaksihan ang kaniyang sitwasyon.

She smiled faintly. "What an unexpected situation we have here ... don't you think?"