Chapter 69 Prince's Palace (Part 2)

Sophia's POV

"How is he?" I asked Zero.

Kasalukuyan itong nakahiga sa tabi ko. Ang baba nito ay nakapatong sa braso niya.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang puntahan? Hindi 'yong nagiging stalker ka riyan," sabi nito saka napairap.

Sumandal ako sa headboard saka sumipa sa kama. "Ayaw ko! May pride din naman ako 'no."

"Sige, panindigan mo 'yan. Huwag mo akong idamay sa kaartehan mo."

"Hindi ako mapakali kung hindi ko alam ang ginagawa niya!"

"Grrr! Minu-minuto na lang ba kailangan mo siyang silipin!"

"Paano kung nambabae 'yon?"

"Anong karapatan mo? Bakit may kayo ba?"

I glared at him, intensely. "Masyado na pasmado 'yang bunganga mo. Gusto mo bang ibalik kita sa pinanggalingan mo?" banta ko rito.

Hindi ko alam kung pwede ba siyang ma-seal ulit, ginagamit ko lang itong panakot sa tuwing hindi niya susundin ang nais ko.

Lahat ng mga artifact na nakuha ko ay nakaipon sa loob ng aking spatial ring. Ang wand na gawa sa branch ng Yggdrasil, ito ay nakuha sa kalagitnaan ng digmaan sa Diamante, at ang Cup of Life na galing sa Holy Temple.

"Kung paulit-ulit mo gagamitin na panakot sa 'kin 'yan, tingin mo madadala pa ako? Tsk!"

"Ilang demon beast crystal core ba ang gusto mo?" walang gana kong tanong.

Bago ko lang nalaman na pagkain niya pala ang mga crystal core na nagmumula sa demon beasts. Although, hindi naman siya nakakaranas ng gutom. Gustong-gusto lamang niya kumain ng mga ito dahil nakakagaan daw sa pakiramdam.

Napabangon siya, madali nagliwanag ang mukha niya, at para ring kumikinang ang mga mata nitong nakatitig sa 'kin. "Ibibigay mo ba sa akin ang seventh-level grade?" tukoy nito sa blue dagger ko, gawa ni Mileya noong kami ay patungo sa bansang Diamante.

Sinakop ko ang ulo niya gamit ang aking palad. "Don't push your luck, Zero. You must be grateful enough that I am sharing with you my supposed to be a source of income."

Naglikot-likot ito para makawala sa kapit ko. He even tries to use his legs to push himself away, but unfortunately, due to my incredible strength, he can not escape. "You old hag! Bitawan mo ako!"

"Fine! Okay na ako sa fourth-level core!" pagsuko nito.

Walang anu-ano ay binitawan ko siya, dahilan para gumulong-gulong ito at nahulog sa kama.

"Bang!" tunog ng malakas niyang pagbagsak sa sahig.

"Argh!" Lumipad ito saka mangiyak-ngiyak na pinagmasdan ako.

I averted my eyes to avoid his gaze saka ako sumipol.

"I am the greatest ancient shadow dragon, Zero! You should respect me, and yet you are mistreating me!" he said, yelling. "How could you do this to me? Ha?"

Nagpakawala ako ng buntong hininga. "I'll give you ten cores with fifth-grade, huwag ka na mag-drama."

He sniffed. "Really?"

I nodded my head in response. "Really."

Dahan-dahan itong lumipad palapit saka huminto sa salamin na nasa gilid ko lang. Lihim akong nakaramdam ng kagalakan, hindi ko ito ipinakita sa mukha ko para hindi niya ako pagdudahan. Baka mag-inarte pa ito, matagalan pa ang pagtupad nito sa nais ko.

"Promise 'yan?"

"Here's half of my payment." Nilabas ko ang apat na fourth-grade saka isang 5th-grade high-level crystal core.

Lumapit kaagad siya para yakapin at ilayo sa 'kin ang mga ito. "Mahirap na at magbago pa ang isip mo."

I arch my eyebrow. "Pakidalian, pwede?"

Nagliwanag ng pula ang mga mata nito saka tinutok sa salamin. Bumungad sa 'min si Killian na kasalukuyang nakaharap sa mga gawain niya bilang Duke ng sariling household. Tambak ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa. Ilang araw, mag-isa niya itong inaasikaso dahil si Tristan na personal aide niya—I was mistaken him before as the head butler—may sakit ito kaya nagbakasyon muna sa probinsya pansamantala.

"I bet he's tired alrea—What the heck?" Napasigaw ako sa aking nakita. Nilapit ko ang aking mukha sa salamin na para bang gusto kong ipasok ang sarili ko rito.

Narinig ko ang hagikhik ni Zero habang pinapanood ang reaksyon ko. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko."

Nanginig ang kalamnan ko sa aking nasaksihan. May babaeng hindi ko kilala, kaakit-akit ang hubog ng katawan nito, maputi ang kutis, maliit ang mukha, natural ang kagandahan pati ang kapulahan ng labi, berde ang buhok gano'n din ang mga mata nito. Kung tititigang mabuti nahahawig ito sa mga elf, is she a half-human?

Saka malaki ang dinadala nitong pakwan... Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

"Kahit foam, hindi na talaga madadala 'yan," sabi ni Zero habang nakahawak sa kaniyang baba. Hindi ko napansing nakalapit na pala ito sa 'kin.

Balak ko sana siyang hampasin pero mabilis itong nakalayo.

"Oops! Kung ako sa 'yo, hindi ko itutuloy 'yan. Gusto mo bang itigil ko ang pagmasid sa kanila?"

Hindi ko na siya sinagot pabalik. Nakasimangot kong binalik ang atensyon sa harap. Hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan, napapanood ko lamang ang nangyayari.

Sino ba itong babae na 'to? Dalawang araw lang ang lumipas, nakahanap na kaagad siya ng ipapalit sa 'kin?

"Crash!" tunog ng nabasag na salamin.

Hindi ko kinaya ang emosyon ko lalo na nang inilapit ng babae ang sarili niya sa Duke. Ibibigay na nga lang ang documents, kailangan may paganoon pa?

Tapos hindi man lang tinulak ni Killian palayo noong kumapit ng parang linta sa braso niya 'yong haliparot na 'yon!

"Kumalma ka nga," paalala sa 'kin ni Zero. "Zero Four, heal her wounds."

Mula sa anino ko ay lumabas si Zero Four. "All of us were watching you, Master. I hope you don't mind if I give you some advice..." Lumapit ito sa direksyon ko saka tinapat ang palad niya sa kamao kong nagdudugo. May nakabaon pang maliliit na bubog, gawa ng pagsuntok ko sa salamin. "... you're here to clear your mind, not to stress yourself for such a sight," dugtong ni Zero Four.

Nanatili akong tahimik, may punto siya sa tinuran.

"You're good to go," he said as he finished his task.

"Thank you," I replied.

Zero Four called one of the shadow servants, to instruct him to clean the messes I made. Nagkalat ang mga bubog sa higaan.

Nahihiyang bumaba ako sa kama saka lumakad palayo para hindi ko sila maistorbo pa sa kanilang paglilinis.

"Where is the half of your payment?" tanong ni Zero habang sinusundan ako sa aking likuran. Nginangatngat din nito ang natitira niya pang crystal core. Sa limang binigay ko, 'yong isang fifth-grade na lang ang natira.

"Huwag mo na asahan! Hindi ako natuwa sa nakita ko ngayon."

"Kita mo 'yan! Nangako ka pa sa 'kin, hindi mo rin pala tutuparin!"

"Ako? Nangako? Sigurado ka?"

Nahinto siya sa ere saka inalala nito ang pag-uusap namin kanina. Nang mapagtanto na wala akong ipinangako, parang toro na umuusok ang ilong nito.

"Conceal my identity," utos ko sa isa sa mga shadow mage.

"Yes, master," she said.

Para naman itong damit na sinuot sa kabuuan ko. Sandali kong pinagmasdan ang sarili sa whole body mirror, mukha akong isa sa mga maid ng palasyo. Kulot ang kayumangging buhok, may mga mapupulang tigyawat at hindi gaanong kagandahan, ang nakikita ko sa aking repleksyon.

"Perfect," I whispered.

"Where are we going?" Zero asked after he disguises himself as one of the servants' working here at the palace. He could turn himself into a human form, whether it is a kid, a teenager, a young adult, an adult, middle-aged, or an old man.

Zero didn't yet reveal himself to me using his real human form because he doesn't want to.

"Ano ang binabalak mo?" he asked.

"This is the perfect time to start my business here. Wala ngayon ang Royal Family sa palasyo, kasalukuyan silang nasa Holy Temple para tumanggap ng basbas mula sa Head Priest."

"What business are you referring to?"

"In our two days staying here … Zero One and Zero Two didn't respond to my calls."

"That's unusual."

Pinagbuksan niya ako ng pinto, nauna akong lumabas ng silid. Wala namang tao sa paligid kaya sa ngayon, safe pa kami.

"Right?" pagsang-ayon ko sa kaniya. "We must find them."

Sinimulan ko ang paglalakad patungo sa hindi siguradong direksyon na aming pupuntahan.