CHAPTER 20
Dumating ang hapon at pumunta sila sa property ni Callum. Chineck nila ang buong lugar at napapalibutan ng mga ito. Maraming malalaking bahay malapit doon at maganda ang pwesto para pag tayuan ng restaurant. Mukhang magiging maganda rin ang kita dahil hindi na probinsiyang probinsiya tingnan ang Dumaguete. Marami na rin ang mga building at establishment na nakatayo.
Lagpas isang oras din sila na naroroon. Marami kasing kinausap si Callum, nandoon din kasi ang architect at engineer na magtatayo at magpa-plano ng structure ng restaurant.
Sumakay sila sa nirentahan na kotse ng binata. Mas maganda kasing may sariling sasakyan sa lugar na ‘to dahil mas kumportable mag-ikot.
“They will start next month. I like the place, how about you?” tanong nito sa kaniya habang pinapaandar ang sasakyan.
“Gusto ko rin, maganda ang lugar at maraming bahay na malalapit lang.” Hinawakan nito ang kamay niya gamit ang isang kamay nito.
“You’ll meet your father later, right? Are you okay with being alone? Or I just cancel my virtual meeting?” Pinisil niya ang kamay nito tiyaka umiling.
“Unahin mo ang meeting mo, mas importante ‘yon. Okay lang naman ako eh, isa pa’t malapit lang naman sa hotel na tinutuluyan natin ‘yong restaurant na kakainan naming.”
“Okay. Promise, susunod ako pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko.” Hinalikan nito ang ibabaw ng kamay niya. Sanay na sanay na talaga siya sa lambing nito. Hindi niya alam kung kaya niya ba pag nagkahiwalay sila ni Callum. He’s the sweetest guy she had ever met. Ang inaakala niyang lalaki na hindi kaya mag seryoso ay ngayon seryoso na at sa kaniya pa.
That’s the power of love. Love can change everything. Siya na ata ang pinakamasayang babae ngayon. Swerte siya dahil binigyan siya ng diyos ng lalaking magmamahal sa kaniya ng ganito, ‘yong suportado siya at tinutulungan pa siya mag-grow as one.
Naglibot sila at nagpalipas ng oras. Pumunta sila sa mga spot na magaganda puntahan, nag meryenda rin sila ng mga street foods at barbeque sa tabi-tabi. Tawang tawa pa siya dahil halatang hindi sanay ito kumain ng kikiam, fishball at kwek-kwek.
“Ano ba ‘yan!” sambit niya habang pinupunasan ang gilid ng labi ng binata dahil may sauce pang natira.
“This taste good, the sauce is kinda weird but its good!” Napailing na lang siya rito dahil napaka-cute talaga.
“Masiyado ka atang nakakahatak ng customer nila manong,” sambit niya dahil dumami ang mga kababaihan na nasa tabi nila. Bumibili ang mga ito pero ang mata ay na kay Callum.
“Because I’m handsome, baby,” he shrugged.
“Kapal mo!”
“It’s true! I’m stating the fact.”
“Oo na! Lakas ng confidence talaga.” Napatigil siya nang magtulakan ang mga kababaihan banda sa gilid niya. Alam niya na gusto ng mga ito magpapansin kay Callum pero siya ang nasagi. Hinawakan siya sa kamay ni Callum at hinatak.
“Sorry po!” sambit ng isang babae pero nakatingin naman kay Callum. Gusto niyang mapairap dahil sa mga ginagawa nitong halata naman kung ano ang plano.
“Okay lang naman,” matabang na sambit niya.
“No. It’s not okay. You guys are hurting my wife,” singit nito sa matigas na boses. Nakasimangot na ito kaya napaatras ang mga kababaihan.
‘Hala, gago! Nakakahiya, asawa niya pala ‘yan.’
‘Ang landi kasi! Galit na tuloy si kuyang pogi!’
‘Sayang taken na talaga. Asawa na wala na tayong palag.’
‘Parang mga abnormal ‘to! Hindi ko kayo kilala ha?!’
Natawa siya sa isang babae na mukhang napilitan lang sa mga kalokohan ng kaibigan. Ito kasi ang unang naglakad palayo. Halata naman kasi mas bata sa kanila ang mga ‘yon kaya may kakulitan din.
Nagsialisan din ang mga iba pagkatapos makuha ang biniling pagkain. Hinawakan niya ang kamay ni Callum at hinatak ito paalis doon dahil tapos na sila kumain.
“Maglakad lakad muna tayo,” aya niya rito. May 30 minutes pa naman sila bago mag 5pm, mga 40 minutes kasi ang byahe pabalik sa pinagtutuluyan nila.
“I want this life, it’s peace, and I’m with you.” Napangiti siya. Pinapakilig na naman siya nito.
“Ako rin, actually kahit anong klaseng buhay basta kasama ka,” she sincerely said. Huminto sila sa paglalakad at napatanaw sa may dagat.
“Are you saying that… you’ll marry me? I mean, I’m not rushing things, baby. I-I just want to know…” Bumawi agad ito at mukhang kinabahan pa dahil sa nasabi.
“Alam ko naman… tiyaka sino ba nagsabi na hindi kita papakasalan? Sa tingin mo ba nag-boyfriend ako at binigay ko sa’yo lahat lahat, tapos hindi naman pala ikaw ang papakasalan ko?” pagtataray niya. Nakita niyang lumawak ang ngiti nito at mabilis siyang hinapit sa bewang.
“I love you, baby,” bulong nito sa kaniya. Hindi siya nagsalita at niyakap ito ng mahigpit. Being in his arms is like a home. It’s warm and cozy. She knows that she can’t live without this man now. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng saya.
“I love you too, Callum.”
“I love you more, baby. Thank you for accepting me for who I am. I know I’m a jackass and womanizer, but you accepted me. Thanks for coming into my life.”
Mas humigpit ang yakap niya rito, pinikit niya ang mata at pinakiramdaman lang ang kalmadong hangin na yumayakap sa kanila. Ilang minuto silang gano’n, hindi niya alintana ang mga tumitingin na iilan na tao. Parang may sarili silang mundo sa oras na ‘yon.
Mayamaya ay umalis na rin sila sa lugar na ‘yon. Nag-drive si Callum gamit ang isang kamay at ang isa ay nakahawak sa kaniyang kaliwang kamay. Nag-kwentuhan lang sila hanggang sa maihatid na siya nito sa restaurant kung saan nakaplanong magkita sila ng ama.
“Don’t hesitate to call me if something happens.”
“Wala naman mangyayari,” ani niya at ngumiti rito. Siya ang unang humalik sa labi nito kaya nagulat ito. “See you later,” dugtong niya pa at kinindatan ito.
“Oh my god, baby, you’ll be my death! If that’s not your father you’ll meet? I’ll lock you to our room and ravish all day,” he said, then groaned. Hinampas niya lang ang dibdib nito bago magpaalam na ng tuluyan. Pumasok siya sa restaurant at umupo sa bakanteng table. Siya ang nauna dahil wala pa namang tumatawag sa kaniya. Hindi niya rin naman alam ang mukha ng ama kaya maghihintay na lang siya hanggang sa may lumapit sa kaniya.
Nakatuon lang siya sa cellphone niya dahil hindi niya alam ang gagawin.
“Kristel?” awtomatikong umangat ang ulo niya nang may tumawag sa kaniya. Lumakas ang tibok ng puso niya nang makita ang isang lalaki na hula niya ay nasa 40’s ang edad. Singkit ito at may kaputian, mukha pa lang ay alam niya na, ito ang ama niya. Kita niya na may pagkahawig siya rito lalo na sa tangos ng ilong at singkit na mata.
“A-anak? You’re my daughter, right?” masayang wika nito sa kaniya. Yumuko lang siya at marahan na tumango. Hindi niya alam kung ano ang dapat ipakita na reaksyon dito. Mukhang napansin nito na hindi siya kumportable kaya umupo na lang ito agad sa harapan niya.
“Kumusta ka na? you grow up with a beautiful face,” matamis na sambit nito.
“Ano ang kailangan mo? Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?” deretsong sambit niya. Iyon ang gusto niya malaman, wala siyang oras para magpanggap na sweet na anak.
Bumuntong hininga ito, napatigil saglit nang may nag-serve sa kanila ng pagkain.
“This is my restaurant, I hope you will like the foods here,” sambit nito. Hindi niya ito pinansin at tiningnan lang ito ng seryoso.
“I investigated my past relationship if I had a child. That’s when I found out about you,” paliwanag nito na ikinatawa niya.
“So you admitted that you’re an asshole back then, fucking and hurting women you like?” Bastos na kung bastos pero iyon ang gusto niya sabihin dito.
“I understand you. That’s why I’m here to apologize.”
“Why did you leave my mom?” yumuko siya dahil hindi niya na kayang tingnan pa ang mukha nito.
“She’s my girlfriend back then, I like her, but it’s just like. Like and love is two different things. There was no spark, so I decided to break up with her. After that, there’s no communication between us.”
“Kasi may iba ka na agad na babae, pinuntahan ka niya para sabihin ang totoo pero may babae ka na agad,” mapait na sambit niya. Iyon ang sinabi sa kaniya ng ina kaya hindi na nito hinabol ang ama niya.
“Hindi mo alam kung ano ang dinanas namin, dinanas ko! Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo. Hindi ka naman magpapa-imbistiga kung wala kang kailangan,” matabang na ani niya rito. Hindi siya maniniwala na bigla na lang ito na nagpa-imbistiga kung may anak bai to sa iba ng biglaan.
“I’m going to marry someone, anak,” marahan na ani nito. Napahawak siya sa noo at naiiling na natawa, isang sarkastikong tawa ang lumabas sa labi niya.
“So? Ano ang dapat kong gawin?” sarkastikong tanong niya rito. She laughing to hide the pain she feels right now. Hindi na talaga siya kumportable sa harapan nito.
“Can we eat first? Let’s eat and calm down, anak.”
“Don’t call me, anak! For your information, I don’t have a father. He’s dead before I was born.”
“Kristel—”
“Martin, honey.” Naiangat niya ang tingin sa isang babae na kakapasok lang at lumapit sa kanila.
Honey?
Nanginginig ang labi niya dahil hindi siya makapaniwalang sinama pa talaga nito ang babaeng papakasalan ng ama. Sumasakit ang ulo niya at sumisikip ang puso niya sag alit. Nilabas niya ang cellphone at agad na pina-ring ang numero ni Callum.
“Honey, she is my daughter. Kristel… she is my soon-to-be wife, Azell.” Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone niya na nakatago sa ilalim ng lamesa.
“Hinanap mo ako para ipakilala sa mapapangasawa mo? Wala naman akong pakialam sa lovelife mo eh!” Hindi niya na mapigilan ang pagkainis niya rito.
“H-hija,” nag-aalalang sambit ng ginang sa kaniya. Ayaw niyang magalit pati rito pero umiinit na ang ulo niya.
“Akala ko pa naman hinanap mo ako para bumawi at manghingi ng sorry sa akin? Pero iyon pala may hidden agenda ka! Anong gusto mo iparating sa akin? Na masaya ka sa buhay mo ngayon?” she scoffed. “Then, congratulations!” eskandalong sigaw niya.
Walang ibang customer kaya malakas ang loob niya na sagutin ang mga ito. Hindi siya bastos na tao lalo na sa mga matatanda pero ngayon ay hindi niya mapigilan. Bahala na kung ano ang maging tingin ng iba sa kaniya pero hindi naman nila alam ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
“I just want to be clean and transparent with Azell, kristel. I also want you to meet her. Hindi ako nakikipagtalo sa’yo, ang gusto ko rin ay magkaayos at bumawi sa’yo.”
“Bumawi?! Ito ba talaga ang paaran mo?” Napailing siya at napatayo. Napatingin siya sa gawi ng entrance, nakita niya roon na tumatakbo si Callum. Mas lalong nanginig ang katawan niya at gusto niyang umiyak sa binata.
“Kristel,” tawag sa kaniya ni Callum ng makapasok. Napalingon naman ang dalawang kaharap niya rito. Agad niyang nilapitan si Callum para hawakan ang braso pero naramdaman niya na natigilan ito. Umangat ang tingin niya sa mukha nito at kita niya na nakapako ang mat anito sa babaeng kasintahan ng ama.
“A-anak?” bulalas ng ginang na ikinakunot ng noo niya.