CHAPTER 8

ZACH

Dito sa silid hindi ako makatulog tulala lang ako habang nakatitig sa kisame. Panay rin ang tunog ng cellphone ngunit binalewala ko lang 'yon. Nasa isip ko ngayon si Jane.

Shit!

Mura ko sa isipan ko dahil hindi ko dapat siya isipin, kailangan kong kausapin ang nobya ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Selena.

"Where are you?" Tanong agad nito at bakas sa boses nito ang galit.

"I'm sorry hon, nandito ako sa kaibigan ko bukas na lang tayo magkita." Sagot ko dahil hindi ko puwedeng sabihin na nandito ako ngayon sa bahay.

"Si Jane, kasama mo?" Tanong pa niya.

"No, umuwi na siya. I'm sorry again, mag-usap tayo bukas." seryosong sabi ko.

"Ok, it's ok. It's my fault, nagselos kasi ako." Malungkot ang boses na sabi niya.

"No, it's not your fault." It's my fault actually. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko ginawa.

"Ok hon, see you tomorrow. And I love you so much," paalam niya.

Hindi ako sumagot hanggang sa mawala na siya sa kabilang linya. Muli akong napatitig sa kisame hanggang sa makatulog ako.

------

Umaga, maaga akong gumising dahil marami akong meeting na pupuntahan ngayon. Napatingin ako sa silid ni Jane, sarado pa yon. Hindi kami magkasama sa iisang kuwarto, nasa guest room ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa makarating ako sa hagdan, diretso ako agad sa labas may mga nakita akong naglilinis at nagwawalis sa gilid at nag-aayos ng mga halaman.

Sila siguro ang mga kasambahay na pinadala ng papa ni Jane, hindi ko na sila pinansin at nagtungo na ako sa kotse. Mabilis na pinaandar ko ito pagkalabas ko ng gate. Tiningnan ko ang cellphone ko may message na si Selena, mamaya ko na lang siya i-message pagdating ko sa opisina.

--------

Paglabas ko ng elevator kung saan ang opisina ko, naglakad ako at pagliko nakita ko agad ang sekritary ko. Agad na sinalubong niya ako.

"Good morning sir," bati nito sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"Sir," muling tawag niya sa akin papasok na sana ako sa loob, kunot noong lingon ko siya.

"Si Mr. Zaragosa po ay nandiyan sa loob hinihintay kayo."

Natigilan ako sa sinabi niya at naalala ang sinabi ni papa na kakausapin ako ni, Mr. Zaragosa.

Pagpasok ko sa loob nakita ko agad ang papa ni Jane, nakaupo sa sopa sa gilid. May kapeng hawak ito at tinanguan ako ng makita, lumapit ako at nagmano sa kanya.

"Hindi kayo nagsabi na pupunta pala kayo pa sana pumasok ako ng mas maaga." Magalang na sabi ko.

"Walang problema Zach, nandito lang ako para dalhin ito."

Napatingin ako sa nilapag niyang folder sa lamesa, nagtatataka na dahan-dahan na kinuha ko ang folder. Napatingin ako sa kanya dahil resignation paper ang naroon.

"Siguro nagtataka ka kung bakit kita binigyan niyan. Walang problema sa trabaho mo, dahil kung tutuusin maganda ang pinakita mo ata karapat-dapat ka sa posisyon na 'yan."

"Hindi ko ho kayo maintindihan." Sabi ko dahil naguguluhan ako, tumayo ito at nagpalaka-lakad.

"Tingnan mo ang nasa ilalim niyan." Seryosong sabi niya.

Sinunod ko siya at tiningnan ang naroon, binasa ko 'yun at hindi ako makapaniwala. Tiningnan ko ang papa ni Jane.

"Totoo ang nakalagay diyan, hindi kayo totoong kasal at hindi kayo tunay na mag-asawa ng anak ko." Sabi nito.

Gulong-gulo naman ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit.

"Ngayon na sa'yo ang desisyon, oras na pirmahan mo yang resignation letter. Wala ka ng karapatan dito, lalo na sa anak ko, hindi kayo totoong kasal kaya malaya ka. Pag-isipan mong mabuti Zach, oras na pirmahan mo yan katunayan lang na wala ka talagang pagmamahal sa anak ko. Tatanggapin ko 'yun at wala kang maririnig na kahit na ano sa akin."

Hindi ako nakapagsalita dahil ang gulo ng isipan ko hanggang sa tumalikod na ito papalabas na ng pinto.

"Bakit hinayaan niyo kaming magsama kung alam niyo na ang totoo?" Tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo rin Zach, saka muna ulit itanong sa akin yan kapag nakapag-desisyon ka na. Pag-isipan mong mabuti."

Huling sabi ng papa ni Jane at tuluyan na itong nawala. Napapikit ako at napasandal, maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Hindi kami na tunay na mag-asawa? Kung ganun maaari na kaming maghiwala?

"Oras na piliin mo ang mag-resign, wala ka na ring karapatan sa anak ko."

Natigilan ako sa sinabi ng papa ni Jane, kapag pinirmahan ko ang resignation letter. Wala na akong pakialam kay Jane, bakit parang naguguluhan ako. Napahilamos ako sa mukha ko.

______

JANE

God, Jane. Huwag ka ngang umasa agad na nagbago na ang ihip ng hangin? Umaasa ka na nagbago bigla ang pagtingin sa yo ni, Zach?

Wika ng isipan ko at pinilit kong tumayo dahil nawalan na ako ng gana na uminom ng tubig at kumain, parang gusto ko na lang matulog na lang.

------------

Tanghali na ng magising ako at mag-isa na naman ako dito sa malaking apat na sulok ng bahay. Naisipan kong umalis upang mag-grocery dahil konti na lang ang stock namin dito. Ayoko ng i-utos pa yun sa mga kasambahay dahil gusto ko ako mismo ang mamili ng mga bibilhin ko, dumating kahpon ang mga pinadala ni papa na makakasama dito.

Matapos ko madala sa parking lot ang kotse ko, nagmamadali na naglakad na ako palabas. Ngunit bigla na lang akong may nabangga ng kung sino.

"I'm sorry."

Natigilan naman ako at gano'n rin siya, matagal bago ako nakabalik sa ulirat. Parang nakita ko na siya, sandali saan ko ba siya nakita? Tama siya 'yung na sa bar na may kasama pa, doon sa pinuntahan namin nila Michelle at Sarah.

"Did we meet before?" kuryos na tanong niya.

"I don't think so," alanganin na ngiti ko dahil baka mamaya magkamali ako.

Tumango-tango siya at naglakad na, naiwang napapaisip ako ng paglingon ko hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Sinasabihan akong malandi? Tapos siya ngayon may ibang kasama?" wala sa sariling sambit ko at nangigil-gil ang kalamnan ko.

Si Selena, nasa kotse kakasakay lang niya at inaalalayan pa siya ng lalaki papasok doon sa loob. Nagmamadali ang kamay ko at hinanap ko agad ang cellphone ko sa sling bag ko, agad na kinunan ko ng litrato sila ng palihim.

Tama nga ang hinala ko noon pa lang sa'yo Selena, manloloko ka. Si Zach pa talaga?

Imbes na mag-grocery ako ay hindi ko na ginawa, kailangan malaman agad ito ni Zach. Dahil alam ko naman na hindi ito uuwi mamaya, kailangan niya na itong makita upang malaman niya pinaggagawa ng nobya niya.

Pagpasok ko sa loob mabilis na nakarating ako sa opisina ni Zach, dahil kilala nila ako na asawa nito. Alam ko magugulat siya dahil nagpunta ako dito at ayaw pa naman niyang nagpupunta ako dito.

Kakatok muna sa ako pero nakita ko na bukas kaya dahan-dahan ko na lang itong binuksan. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko na may nakatalikod na babae at nakaupo sa lamesa na halos hubad na dahil nakaangat ang suot nito.

Nanghihina na balak ko ng isara ito at lumabas kaso nahulog ang cellphone ko. Sabay silang napalingon sa akin, hindi ko na hinayaan na magsalita pa sila mabilis na tumakbo na ako papunta sa elevator.

Ang sakit lang! May Selena ka na nga may isa ka pang dinagdag. Bakit ka ganyan, Zach? Sinasaktan mo ako ng sinasaktan. Ito lang ba ang papel ko sa'yo? Pareho lang pala kayo ni, Selena.

Pigil ang luhang lumabas ako ng building upang hindi makita ng mga tao sa loob. Pagdating ko sa kotse ko doon ako nag-iiyak ng husto, pakiramdam ko nagsisikip na ang dibdib ko dahil sa sobrang sama ng loob ko.