CHAPTER 8: NEW START
Cleonne's POV
Nagising ako bigla dahil sa katok sa may pinto ng kwarto namin. Kaagad akong tumayo saka tinignan na muna ang mukha ko sa salamin bago tuluyang buksan ang pinto.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kaiiyak matapos kong tumakbo palayo kay Ashton.
"Miss Cleonne?"
"K-Kayo pala. Kanina pa ba kayo nariyan? Pasensiya na, nakatulog kasi ako e. Hindi na tuloy ako nakapunta sa may kusina para tulungan kayo."
Umiling-iling naman si Anna. "Naku, ayos lang. Alam din naman naming pagod ka pa e."
"Bukas, tutulong na talaga ako sa inyo."
"Ayos lang, Cleonne." nakangiti pang tugon ni Anna.
Mabuti na lamang talaga at nakapagpalit na rin ako ng damit. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko na mabait ang mga kasama ko rito, maliban kay Ashton.
"Cleonne, huwag mo sanang masamain ha. Pero, bakit ka nga pala pinatawag ni Sir Ashton kanina?" biglang tanong ni Anna sa akin habang naghahanda na kaming tatlo para matulog.
Dahil doon ay naalala ko na naman tuloy ang ginawa sa akin ni Ashton kanina lang. Tuwing naaalala ko iyon ay hindi ko talaga maiwasang matakot.
"M-May sinabi lang siya sa akin. Matapos niyon ay nagpunta na rin ako rito tapos hindi ko na namalayan na nakaidlip pala ako." pagpapalusot ko pa.
Tumangu-tango naman sina Anna at ang kapatid niyang si Elaine. Maya-maya, napagdesisyunan na rin naming matulog.
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari, basta ang tanging naiisip ko lang na gawin ay ang iwasan si Ashton hangga't makakaya ko. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari kanina lang.
***
Pagkagising na pagkagising ko kinabukasan ay kaagad na akong naligo at nagbihis pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa kusina upang tumulong sa paghahanda ng almusal.
"Aba, napakaaga mo yatanhg nagising ngayon, Cleonne."
"Ayaw ko kasing mahuli na naman. Baka kasi mamaya isipin ni Ashton na nagbubuhay-prinsesa lang ako."
Speaking of Ashton, matapos talaga ng mangyari kahapon, hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin. Hindi ko nga rin alam kung kaya ko pang tumingin sa mga mata niya matapos niya iyong gawin sa akin.
"Good morning, Sir Ashton." satay-sabay na bati ng mga katulong kay Ashton nang mai-handa na ang almusal niya.
Ang aga aga ay nakabusangot na siya kaagad. Hindi ko nga rin ba alam sa kanya kung bakit parang lagi na lamang siyang badtrip.
Kungsabagay, sino ba naman ang magiging masaya pa kung nawala na ang taong pinakamamahal mo? At kasalanan ko rin naman iyon.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin.
Buong akala ko nga ay pagagalitan niya ako sa harap ng mga katulong niya, pero mabuti na lamang at naupo siya saka nagsimulang kumain. Kaming lahat ay nakatayo lamang sa may gilid niya habang naghihintay ng mga susunod niya pang iuutos.
Nang sa wakas ay matapos na rin siya ay kaagad siyang tumayo at walang anu-anong nilisan ang dining room nang wala man lang pasabi.
Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Ni hindi man lang magpasalamat sa mga taong naghanda ng pagkain nila Ni hindi ko nga rin siya narinig na nagdasal bago siya kumain.
“Tara, ligpitin na natin ang pinagkainan niya.”
Niligpit muna naming ang kinainan niya bago kami kumain.
Matapos niyon ay naglinis na rin kami ng buong bahay at habang nagdidilig ako ng mga halaman sa may garden ay bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko. Buong akala ko ay si Ashton na naman ang tumatawag, pero unknown number na naman pala.
Napabuntong-hininga ako. “Talaga bang hilig niya ang gumamit ng iba’t ibang number sa tuwing tatawagan niya ako?”
Ibinaba ko na muna ang sprinkler at pinunasan ang mga kamay ko gamit ang suot kong apron bago tuluyang sagutin ang tawag na iyon.
“H-Hello?”
“Hello? Is this Miss Deigmann?” tanong ng isang babae mula sa kabilang linya.
Kaagad naman akong napa-ayos ng tayo nang tanungin niya iyon. “Y-Yes, this is Cleonne Marie Deigmann. May I know who is this?”
“Good morning, Miss Deigmann. This Trixie from Big Film Agency. I called to inform you that you passed the interview and we have read you portfolio and we would like to invite you for an orientation today together with the senior editors.”