CHAPTER 6: AFTER MARRIAGE
Cleonne's POV
'Mabuhay ang bagong kasal!' sigaw ng mga tao sa paligid namin nang makapasok na kaming dalawa ni Ashton sa loob ng reception venue.
"T-Thank you.." pilit ang ngiti kong tugon sa kanila.
"Ano ka ba naman, Cley. Kakakasal mo lang parang pinagsakluban ka na kaagad ng langit at lupa riyan." bigla namang sabi sa akin ni Maureen.
Tumingin ako sa kanya.
Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya ang totoo...
Pero siyempre, ayaw ko siyang madamay. Ayaw kong may madamay na isa sa mga taong mahal ko. Baka saktan din sila ni Ashton.
"Napagod lang ako. Nakakapagod din pala ang ikasal, ano?" pagdadahilan ko.
Umiling-iling si Maureen habang nakangiti. "Cley, hindi ka pa dapat mapagod ngayon. Reception pa lang ito, 'te. Mamaya ang bakbakan ninyong mag-asawa kaya sigurado ako walang-wala iyang pagod mo sa pagod na mararamdaman mo mamaya!"
"Mau!"
"Bakit, totoo naman a? Naku, Cley. Napaka-hot at napaka-pogi kaya ng asawa mo, ano. Sigurado akong excited ka na rin para mamaya. Atsaka, kaya siguro itinago mo siya nang matagal sa amin para hindi namin siya maagaw ano?"
"Ikaw talaga, Maureen."
"Huwag ka na kasing malungkot diyan. Dapat nga mag-celebrate tayo dahil g-graduate ka na mula sa pagiging virgin mo. Alam mo, mabuti pa uminom tayo."
Bigla niyang tinawag ang isq sa mga server saka siya nanghingi ng isang bote ng red wine at sinalinan ang mga baso namin.
"Cheers to my newly-wed best friend!"
"C-Cheers..."
Lahat ay abala sa pagkain at pagsasaya habang ako naman ay nakatayo lamang sa isang gilid habang pinagmamasdan silang lahat.
Mula bukas, official na akong magiging asawa ni Ashton Ditfreid. Hindi na magiging gaya ng dati ang buhay ko dahil ang bawat galaw at kilos ko ay magiging base na lamang sa mga sasabihin niya.
Kakayanin ko kaya?
***
Matapos ang reception, sumakay na kami sa kotse ni Ashton saka kami ipinag-drive ng driver niya hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking mansion na gawa sa salamin ang halos lahat ng dingding.
Hindi ko maiwasang mamangha habang naglalakad kami papasok sa mansion na iyon.
"From now on, we will live here together." sabi sa akin ni Ashton nang tuluyan na kaming makapasok.
May napakaraming maids at butlers ang luminya sa gilid atsaka yumuko sa amin.
"We have maids and butlers here, but you won't act like a princess here, because you'll be one of them." dagdag pa niya.
Sabi ko na nga ba.
"Anna." bigla niyang tawag sa isa sa mga maid.
Kaagad namang nag-angat ng tingin ang isang babaeng tila kasing-edad ko lamang saka tumingin kay Ashton. "Y-Young master?"
"Ihatid mo siya sa kwarto ninyo."
"O-Opo, young master."
Lumingon sa akin si Anna saka bahagyang ngumiti. "M-Miss Cleonne, sumunod po kayo sa akin."
"O-Okay..."
Sumunod lamang ako kay Anna hanggang sa makarating kami sa kwarto sa may bandang ika-apat na palapag ng mansiyon.
"Ito ang kwarto natin, Miss Cleonne. Tatlo tayo rito kasama na ang kapatid ko na si Elaine. Pasensiya na kung hindi pa namin gaano naayos ang mga kama namin dahil nagmamadali kaming gumising kanina, pero bagong laba naman iyong mga punda at kumot mo." sabi pa ni Ana habang kumakamot ng ulo.
Ngumiti naman amo sa kanya. "Ayos lang, ang ganda nga ng kwarto ninyo e. Oo nga pala, ayos lang sa akin kung tatawagin mo nalang akong Cleonne. Sure ka bang ayos lang sa inyo na dito ako mahiga sa may tabi ng bintana?"
"Naku, oo naman. Ayos lang sa amin. Siyempre, asawa ka pa rin ni Young master Ashton kaya dapat lang na alagaan ka pa rin namin."
"Salamat, Anna."
"Oo nga pala, pwede ka nang magbihis. Iisa lang din ang mga damit natin doon sa loob ng cabinet. Basta, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka ha?"
Tumangu-tango ako. "Oo. Salamat talaga, Anna."
Matapos niyon ay umalis na rin si Anna dahil may mga gagawin pa raw siya. Ako naman ay nagpunta na sa banyo upang maligo at magpalit ng damit.
Suot ko ang uniform ng mga maid din na sumalubong sa amin kanina sa may entrance. Itinali ko lamang lahat ang buhok ko nang pa-puson.
Ito na iyon. Ito na ang simula ng lahat. Ang simula ng pagbabago ng buhay ko. Isang pagbabagong kailan man ay hindi ko naisip na mangyayari.
Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto namin kaya kaagad kong binuksan iyon at nakita ko ang isang matandang nakasuot din ng uniform namin.
"Magandang gabi, Miss Cleonne. Ako nga pala ang mayordoma sa mansiyon ni young master Ashton at gusto kong sabihin sa'yo na ipinatatawag ka niya."
"P-Po?"
"Gusto ka niyang magpunta sa kwarto niya."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. "B-Bakit daw po?"
"H-Hindi ko rin alam e. Pero iyon kasi ang utos niya kaya kailangan natin siyang sundin."
"O-Okay po. P-Pupunta na po ako."