Chapter 11: NEW FRIEND

Cleonne's POV

Nagising lamang ako nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Kaagad akong napamulat ng mga mata atsaka dahan-dahang naupo sa kama.

"Cleonne?" dinig kong tawag ni Anna sa akin mula sa labas ng kwarto.

Teka, hindi ko kwarto ito!

"A-Anna?" sagot ko.

"Lumabas ka nalang kapag ready ka na, ha? Ready na rin ang almusal. Ang sabi nga pala ni Sir Ashton, pwede ka nang pumasok sa trabaho."

"O-Okay... Salamat!"

Matapos niyon ay umalis na rin siya.

Doon ko lamang naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Ashton kagabi. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng dalawang hita ko dahil sa ginawa niyang pambababoy sa akin.

Sunud-sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga piraso ng damit kong pinunit ni Ashton kagabi na nakakalat sa sahig ng kwarto niya.

Nakuha na niya ang lahat sa akin...

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Riley... At hinding-hindi ko rin mapapatawad si Ashton sa ginawa niyang ito sa akin.

Kahit na masakit ang katawan ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na pumasok sa trabaho. Mabuti na lamang at nakahabol pa rin ako kahit na medyo natagalan ako sa banyo dahil sa paglilinis ng buong katawan ko.

"By the way, Cleonne. We would like you to meet our Chief Editor, Mr. Kevin Castillo. Lahat ng manuscripts na gagawin ninyong mga writer ay sa kanya dadaan." pagpapaliwanag sa akin ni Miss Jen habang ipinapakilala ang isang binatang may blond na buhok at malaki ang ngiti sa mga labi.

Kaagad naman ako yumuko. "I-It's nice meeting you, S-Sir Kevin!"

"It's nice meeting you too, Cleonne."

Matapos akong ipakilala ni Miss Jen sa mga matataas sa kompanya ay bumalik na akong muli sa puwesto ko upang tapusin ang manuscripts ko. Hindi ko pa rin maiwasan ang paminsan-minsang mapangiwi dahil sa sakit ng puson ko.

"Huwag mo gaanong seryosohin, baka mamaya tumanda ka kaagad diyan."

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla ko na lamang marinig ang boses ng chief editor naming si Sir Kevin na nakatayo na pala sa likuran ko. Kaagad naman akong tumayo upang bumati sa kanya. "S-Sir."

"No need to be so formal towards me. Magkasing-tanda lang din naman tayo, e. You can just call me Kevin."

"O-Okay... K-Kevin..."

"That's better. By the way, keep up the good work. I was able to read the manuscripts that you provided when you applied, and nalaman ko kaagad na may future ka. You are a good writer."

"T-Talaga po?! Naku! Maraming salamat po!"

Umiling-iling siya habang nakangiti. "You don't need to thank me. I'm just stating the fact, anyway. What you should do is to keep that going."

"Y-Yes, Sir. Pinapangako ko pong mas gagawin ko pa ang best ko."

"That's good to hear then."

Nang makaalis na siya ay doon ko lamang itinuloy ang trabaho ko. Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito dahil hindi ko naman din ito matutuloy sa bahay dahil kay Ashton. Bukod doon, kailangan ko ring tulungan sina Anna. Hindi naman kasi porket may trabaho na ako e hindi na ako tutulong sa kanila.

***

"Kamusta ang trabaho mo?" tanong sa akin ni Anna habang naghahanda na kami para matulog.

Inilapag ko ang suklay sa may side table bago ako muling tumingin sa kanya. "Ayos naman. Sa totoo lang, ang babait ng mga kasama ko roon kaya tingin ko ay hindi ako mahihirapan na pakisamahan sila."

"Naku, mabuti naman kung ganoon. At least hindi ka mahihirapan na mag-adjust. Saka bukod pa roon, kahit papaano may makakausap ka na rin doon."

"Kaya nga, e. Oo nga pala, hindi ko nakita si Ashton ngayong gabi. Umalis ba siya?"

"Nasa loob lang siya ng kwarto. Tingin ko marami na naman siyang trabaho kaya hindi na siguro siya nag-hapunan."

Tumangu-tango lamang ako. "Ganoon ba? Siguro nga. Mabuti na lamang at hindi niya napansin na medyo late na rin ako nakauwi."

"Tingin ko naman maiintindihan ni Sir Ashton na may trabaho ka. Tignan mo, pinayagan ka pa rin niya."

Kung alam lang nila kung anong kapalit ng pagpayag ni Ashton sa pagt-trabaho ko.

Ayaw ko nang maaalala pa ang nangyari kagabi.

"O-Oo nga, e. Mabuti nalang talaga at pinayagan niya ako."

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa mga susunod na araw, lalo na sa trabaho ko at lalo na sa pamamamahay ni Ashton. Pero kailangan kong kayanin ang lahat.