Chapter 9 Save your Daughter
"Good morning. Happy birthday baby!" Bati ko rito ng magising ito. Agad na ngumiti ito at niyakap ako.
"Happy birthday!" Sigaw ni Veyra at Ashna na hindi pa sumisikat yung araw nandito na sa bahay.
"Tita!" Tumayo ito at tumakbo sa mga tita nya. Ang dalawang to hindi papayag na simple lang yung birthday ni Aera. Naghire ang mga ito ng party organizer. Binayaran pa ng mga ito ang principal para walang klase yung buong kinder at preparatory.
Gusto sana nila na sa hotel na lang ni Ashna kaya lang gusto ni Aera sa paaralan.
"Look baby! This will be your outfit today!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang limang gown sa sala na nakasuot sa manequin.
Tuwang tuwa naman ang anak ko at tumakbo ito doon.
"Hiyang hiya ang ambag ko anak." Napatingin ako kay papa ng bumulong ito sa akin.
"Ilan ba binigay mo pa?" Tanong ko
"Wala na anak, sayang naman kung ibibigay ko pa. Ise-savings ko na lang to. Mayayaman naman yang mga kaibigan mo. Yakang yaka na nila yan." Natawa ako at lumapit kay Aera.
"Mamaya dadating na yung mag aayos sayo anak. Maligo kana." Wala akong naging problema sa preparasyon since inangkin na nila Ashna yun. Ang poproblemahin ko lang ngayon ay si Karic.
"9 yung dating ni Karic ngayon, sakto lang kasi 10 pa naman magsisimula yung party." Napatango ako, kinakabahan na.
Wala akong tigil sa kakalakad habang yung iba busy sa pag aasikaso ng lahat.
"Zertyl 8:20 na." Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin ni Veyra yung oras sa akin. Tumango ako at nagbihis na.
"Mama bakit ganyan lang po suot nyu? Hindi po kayo pupunta ng birthday ko?" Tanong ni Aera na nakasimangot. Ngumiti ako at nilapitan ito.
"Baby, aasikasuhin ni mama yung surprise ko sayo. Si tita Ash at tita Veyra muna ang sasama sayo, okay ba yun?" Tanong ko. Malapad na ngumiti ito at saka tumango.
"Pretty pretty na ng anak ko." Nakangiting kinurot ko ang pisngi nito. Nakamake up na ito at magsusuot na lang ng gown.
Hinalikan ko ito at nagpaalam ng umalis.
"Pa." Tawag ko rito dahil busy ito sa kakatry ng mga suit na binigay ni Dyson at Alius.
"Oh anak bakit di ka pa nagaayos?" Tanong nito.
"Aalis ako pa, may pupuntahan ako." Napakunot noo ito at binitawan ang necktie. "Aalis ka? Saan ka naman pupunta? Birthday ng anak mo dapat magfocus ka sa kanya." Sermon nito.
"P-pupuntahan ko si K-karic pa." Kinakabahan kong sabi. Napakagat ako ng labi dahil natahimik si papa. Nawala ang masayang expresyon nito.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Kung saan ka masaya, susuportahan kita anak." Napangiti ako at niyakap si papa.
Ilang beses na napabuntong hininga ako habang sakay sa Kotse ni Ashna. Pinahatid ako nito sa driver nya para mabilis akong makarating sa condo ni Karic.
Dapat 9 pa dadating si Karic pero 8 pala ang dating nito. He's actually sulking right now dahil di ko nasagot ang mga tawag nito mula kaninang umaga.
Oh god! This is it! Binuksan ko ang pintuan ng condo at pumasok.
"Karic?" Pumunta ako sa taas at nakitang wala rin sya doon.
Lalabas na sana ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.
"I miss you." Paos nitong sabi at sinubsob ang mukha sa leeg ko
"How are you?" Tanong nito at hinarap ako.
"Are you okay, why you looks so nervous?"
"Karic can we talk?" Napakunot ito ng noo at hinila ako nito sa kama.
"Nag uusap na tayo babe. You looks so serious."
"Promise me na iintindihin mo muna ang lahat bago ka magalit." Mas lalo itong naguluhan sa sinabi ko.
"Do you know Aera?" Kinakabahan kong tanong.
"Hmm..... sounds familiar." Sabi nito at napaisip.
"Ah yes! Yung pinagkamalan ni Dyson na anak ni Veyra. How about her babe?"
Napakagat ako ng labi at magsasalita na sana ng tumawag si Ashna sa akin.
"Ash? May problema ba?"
"Z-zertyl...." napatayo ako ng marinig na umiiyak ito.
"Im sorry... Im really sorry Zertyl."
"What happened Ash!?"
"Si Aera....."humikbi ito at paulit ulit na nag sorry. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"What happened to my daughter, Ash?" Kinakabahan kong tanong
"What!?" Gulat na tanong ni Karic.
"N-nakuha sya ng mga sindikato. They bomb the school, Zertyl." What!? Paano nangyari yun? Kakaalis ko lang sa bahay ah.
Nanlamig ang buong katawan ko at nanginig ang mga kamay ko.
"No! No please.... tell me you're just kidding Ash?" Unti unting tumulo ang mga luha at napasabunot ako ng buhok ko.
Nawalan ng balanse ang mga paa ko ng mag sorry ulit ito.
"Babe, what the fuck is going on!?"" Sigaw nito ng matumba ako.
"Karic..... si Aera." Umiiyak kong sabi.
"Your daughter? You have a daughter?"
Napahagulgol ako at hinarap si Karic.
"OUR daughter Karic! OUR daughter!" Umiiyak kong sigaw. Napaawang ang mga labi nito at nagtatanong na tumingin sa akin.
"Please! Please! Save her first. Birthday nya ngayon at ikaw dapat ang reregalo ko sakanya kaya ako nandito."
Nanghihinang napaluhod ito at napasabunot ng buhok.
"H-how?"
"Importante pa ba yun ngayon!? You need to move now Karic!" Sigaw ko rito. Wala sa sariling napatayo ito at agad na may tinawagan.
"Stay here, don't you dare go anywhere, Zertyl." Matalim ako nitong tinignan at saka lumabas ng kwarto.
Pinulot ko yung phone ko na nalaglag kanina at agad na tinawagan si Ashna.
"Z-zertyl, nasa hospital ako ngayon." Bungad agad nito ng sagutin nito ang tawag ko.
"Si papa Ash? Okay lang sya diba?" Umiiyak kong tanong.
"Nasa hospital sya ngayon, nasabugan rin si tito." Napasandal ako sa pinakamalapit na pader dahil parang mahihimatay ako sa nangyayare ngayon.
Pinakalma ko ang sarili ko at agad na pumunta ng hospital kung saan nila dinala si Papa.
"Z-zertyl." Sinalubong ako ng yakap ni Ashna na punong puno ng dugo yung damit. Napahagulgol ito sa balikat ko at ilang ulit na nagsorry.
"We failed at this time. Im really sorry Zertyl please forgive me." Tumango ako at sinabing okay lang. Walang dapat na sisihin sa nangyare maliban sa mga sindikato na iyon.
"How about Veyra?" Tanong ko. Umiwas ito ng tingin.
"Ash?" Umiling ito.
"H-hindi ko alam, sya yung kasama ni Aera sa room nito, nakita kong nakuha si Aera pero h-hindi ko alam kung nasaan si Veyra." Niyakap ko ito.
"I-its okay, she's an agent. She can fight Ash." Tumango ito.
"3rd floor clear." Tumango ako kay Dyson at sinenyasan itong sa kabila pumunta.
"Bro, I don't think this is their Head quarters. Walang masyadong kagamitan dito. No computers or other device."
"Damn bro mahuhuli na lahat ng lamok pero wala akong nakita ni isang bata."
Damn these f*cking idiots.
"Boss there's a red room behind the library." Wala akong sinayang na oras at agad na tumakbo doon.
"Damn codes again!" Inis na sabi ni Dyson.
"Red can you decode this?" Tanong ko
"Aba kayanin mo bro, wala ka na ngang ambag dito, nasa headquarters ka lang palagi." Reklamo nito sa kakambal.
"Give me a second." Sagot nito at di na pinansin si Alius.
Napakuyom ako ng kamao ng bumukas yung pintuan pero tatlong tunnel ang bumungad sa amin.
"Bring your team with you." Simpleng sabi ko at nauna ng pumasok sa gitnang tunnel.
Sinisipa ko lahat ng pintuan na makita ko.
"Damn!" Napaiwas ako ng tingin ng makitang maraming bata na nakagapos sa loob ng malaking tube.
Kinuha ko ang litrato ng anak ko at hinanap sya doon habang nirerescue ng team ko ang mga bata.
Damn it! She's not here.
Napatakbo ako sa labas ng hindi ko ito nakita at pumasok sa isang kwarto.
"Give me an update! Damn did you already find my daughter!?"
"Bro puro armas yung nakikita ko. Ikaw bro buhay ka pa ba?" Dyson ask.
"Oo bro pero baka maaddict ako pagkalabas ko dito. Nahihilo na ako sa dami ng drugs dito."
F*ck! I kick the last door I saw at agad na hinanap ng mata ko si Aera.
"B-baby......"Para akong nanghina ng makita ang sitwasyon nito hindi ko napigilang mapaiyak pero agad ko itong nilapitan.
My baby.... my daughter....
Napaluhod ako sa harapan nito at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ito. "H-hey....." dumilat ito ng mata.
"D-da.... ddy? Y-you.... c-c... ame f-f... or me" napatango ako at niyakap ito ng mahigpit.
"Im sorry Im sorry. " Agad na binuhat ko ito at pinasuot ang jacket na suot ko.
Nanghihinang yumakap ito sa akin at pilit na dinidilat ang mata.
"Dyson you already know what to do." Seryosong sabi ko.
"D-da... ddy it's m-my b-bir... thd-day t-to.. day." parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko ng paulit ulit dahil sa sinabi nito. It's her birthday but a f*cking worst happened.
"Yes baby I know." Umiiyak kong sagot at hinalikan ito sa noo. Ilang beses akong humingi tawad habang yakap ito. I can't even look at her eyes
"Rius alert all the doctors in my hospital." Utos ko rito.
"Copy." Sumakay ako sa sasakyan at pinatay na ang earpiece o listening device na ginagamit namin.
"ZERTYL!" Napatayo ako ng makita si Ashna.
"Nandito na sila, ako na magbabantay kay tito." nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo ng sabihin nito ang room number ni Aera.
"Aera!" Sigaw ko at napaiyak ng makita ang anak ko. Lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Karic.
"We need to talk." Malamig nitong sabi. Namumula ang mata nito sa iyak pero kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.
"Please Karic not now. I need to be here." Umiiyak kong sambit. Hindi ito sumagot at inalalayan akong umupo. I don't know how long I am waiting at di ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakahintay na matapos yung mga doctor.
Ng magising ako nasa mga braso na ako ni Karic na natutulog rin. He is mad pero hindi pa rin ako nito iniwan.
"You're awake." Napatingin ako kay Rius na seryosong nakatingin sa akin. Napaayos ako ng upo kaya nagising si Karic.
Pumasok ako sa kwarto at nakitang natutulog ang anak ko. Napalingon ako ng dumating ang doctor at kinausap si Karic.
"M-mama......"
"Aera! Baby are you okay? Saan masakit?" Natataranta kong tanong at tinawag yung doctor.
"She's already fine. Wala akong nakita na kahit anong sugat o problema sa katawan nya. She's lucky compare to the others na nalagyan ng drugs yung katawan." Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.
"Doc how about her classmates and schoolmates okay na ba silang lahat?" Tanong ni Dyson. Hindi ko na narinig ang usapan nila at inasikaso ang anak ko.
"M-mama w-water." Tatayo na sana ako ng nagbigay na ng tubig si Karic.
Hinaplos nito ang pisngi ni Aera at inayos ang buhok nito. Napaawang ang labi ng anak ko at napakurap ng ilang beses habang nakipagtitigan sa ama nito. Unti unting namula ang mata at tumulo ang luha.
"H-he is r-real......... mama." napakagat ako ng labi para pigilang umiyak at saka tumango sa anak ko..
"A-anak do you know him?" Tanong ko. Napanguso ito at nagtalukbong ng kumot.
"Aera baby?" Agad na lumapit ako dito at pinaalis si Karic sa tabi nito.
"He is my Daddy?" Bulong nito na halos hangin na lamang ang lumabas.
Napatingin ako sa kanila at sinabing kakausapin ko muna si Aera, ayaw pa sanang lumabas ni Karic pero wala itong nagawa.
"Do you hate Mama?" Tanong ko rito pagkatapos ko itong kausapin. Napanguso ito at pinahid ang luha saka umiling.
"Can you tell Mama, How did you know your father?" Hindi ito sumagot at nakayuko lang. Tumutulo pa rin ang luha nito.
"H-how baby? Did tita Ashna tell you?" I ask again while combing her hair using my hand.
"N-no, but lolo did." mahinang sabi nito at saka tumingala sa akin.
"L-lolo show me some pictures in your phone a-and told me that m-man you are with is m-my Daddy." Umiiyak nitong sabi na sinisinok pa.
Pictures? "I thought l-lolo is lying kasi I saw Daddy's picture in my teacher's magazine." Sabi nito at sumimangot.
"Kilala ka ni papa?" Agad na tanong ko pagkalabas ko ng kwarto ni Aera.
"I don't know, you ask your father." Sagot nito sa malamig na boses, blanko rin ang expression nito habang nakatingin sa harapan. Hindi man lang ako nito nilingon at dire-diretsong pumasok sa kwarto ni Aera. Napabuntong hininga ako at malungkot na ngumiti.
Binisita ko si Papa at kinausap yung doctor nya bago ako bumalik sa kwarto ni Aera.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at baka natutulog na si Aera pero pagkapasok ko nakita ko itong titig na titig sa ama habang namumula ang mata. Nakatayo lang ako sa pintuan at pinapanood silang dalawa na may ngiti sa labi.
Im sorry anak.
Pagkatapos balatan ni Karic ang mansanas humarap ito kay Aera at saka ito sinubuan. Nakatitig lang yung anak ko sa ama nito, ni hindi nito namalayan na pumasok ako. Hinalikan nito sa noo ang anak saka pinisil ang pisngi nito.
"I love you." Rinig kong sabi nito, napaiwas ako ng tingin at napakagat ako ng labi. Huminga ako ng malalim at saka tumikhim kaya napatingin silang dalawa sa akin.
"M-m.... ama" sambit ni Aera, basag ang boses nito kaya nginitian ko ito at nilapitan.
"How's my baby?" Tanong ko at marahang inayos ang buhok nitong nakaharang sa mukha nito.
"Let's talk." Bulong ni Karic sa akin. Napatingin ako rito at saka kay Aera.
"Baby, si tito Dyson muna ang magbabantay sayo dito okay? Mag uusap lang kami ng Daddy mo."
Hindi ito sumagot pero napahawak ito sa kamay ko. "Mag uusap lang kami ni Karic sa labas anak." Mahinang pakiusap ko dito.
"D-dont leave me M-mama...." sabi nito. I can see fear in her eyes. "D-daddy....." napahawak ito sa kamay ni Karic. Napabuntong hininga ako at pinatulog na muna si Aera para makapagusap kami ni Karic
"Karic, please don't think na tinago ko si Aera sayo."
"At anong gusto mong tawagin sa ginawa mo?" Galit nitong tanong. Matalim itong nakatingin sa akin
"I don't have a choice okay? Anong gusto mo? Ipagsiksikan ko pa yung sarili ko kahit na alam ko namang pustahan lang ako!?"
"Damn!" Mura nito. Nagtagis ang bagang nito at napapikit ng mariin. "Let me explain first." Agad na sabi ko.
"Hindi mo ko masisi kung hanggang ngayon ganun pa rin yun ang pinapaniwalaan ko. I still need to talk to Hira." Napamura na naman ito at saka tumayo
"You never ask me about that thing. You f*cking jump out in conclusion without hearing my side? Does your friend have an evidence about that f*cking bet!?"
"S-she told me na narinig nya kayong nag uusap tungkol doon. Kailangan pa ba kitang tanungin? Im sure na magdedeny ka lang naman."
"Do you know that your words can hurt me. What would I get kung gagawin ko nga ang sinasabi mo? I am so f*cking inlove with you for so how many years. I waited and got a chance. Anong gusto mong gawin ko? Sasayangin ang pagkakataon na meron ako? Nasa akin kana tapos gagawa pa ako ng kalokohan na alam kong ikakawala mo."
"So its true na wala kang paki sa kung ano mang relasyon meron tayo noon dahil hindi mo nakita kung paano kita pinahalagahan at inuna sa lahat. You didn't even try to know me better."
"T-tinawagan kita Karic. Ilang beses, pero hindi ka sumagot at nabalitaan ko na lang na nasa ibang bansa kana. Wala akong balak na itago sayo si Aera—"
"Who told you that information again, your leech friend?"
"Don't you dare call Hira leech again, Karic!" Galit kong sabi.
"You know that I don't have a f*cking proper phone. See? You don't know that too right? What do you even know about me before?" Napaiwas ako ng tingin dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata nito.
"Matalino ka nga pero hanggang sa libro lang." Matalim ko itong tinignan.
"What will you do if that f*cking bet isn't true?"
"I-i dont know...." bulong ko.
"You are friends with Ash and Veyra. The twins...... you didn't even try....." nahihirapang sabi nito. Napakagat ako ng labi ng tumulo ang luha nito at saka lumabas ng kwarto.