KABANATA 39

"Didi, this is your farm?" si Mareng na umaawang ang mga labi.

Maging ako ay namangha sa malawak na lupain na napupuno ng mga nagtataasang mangga. Meberde at malamig ang hangin. Binigyang kulay ng mga bulaklak ng mga punong mangga ang paligid.

"This is mine too?!" Mareng exclaimed.

Nagningning pa ang asul nitong mga mata at walang kurap na liningon si Draco.

I bit my lower lip absentmindedly as I was trying to fight the guilt I was feeling. If I let Draco get Mareng, she would no longer be poor. She can have everything. She can enjoy what she deserves. A life she dreams of. She can have all of those things because she is a Señorita!

Right, Veron! Your precious daughter is a Señorita. The daughter of a business man!

Tila ako pinagbagsakan ng langit sa naiisip. Mas lalong malabong maiuwi ko pa si Mareng kung ganitong nahahalina na ito sa ganda ng lugar.

I watched her as she wore her big smile and slowly turned around, making her pink balloon dress move. She even closed her eyes, feeling the cold breeze of air.

What a princess she is! I'm hoping she came from my womb. I sincerely hope she carries half of my blood. I wish, I could be her biological mother.

Ngunit ni isa sa mga iyon ay walang katotohanan. Isa lamang akong kaibigan na napag-iwanan ng anak. At ngayo'y babawiin na sa akin ang bata.

I bit my lip harshly as pain stabbed my chest. Malabo na ngang makarelasyon ang ama niya, mas Malabo pang maging akin ang anak.

"Mimi, I'm hungry!"

Bahagya pa akong nagulat nang pilit nitong hilahin ang kamay ko at pilit tinuturo ang mansyong nasa gilid ng farm.

Elegance screams from every nook and cranny. Its brickwork and glossy painted walls were impenetrable to any errors. Maging ang malaking hagdan sa bungad paakyat sa itaas ay nakabibighani pagkakaginto ng railings.

Humilera pa ang iilang kasambahay niyang naka-uniporme. Kahit yata ang hardinero sa may kalawakang bulaklaking hardin ay may uniporme.

Ganito siya kayaman?! Ganito kayaman si Mareng?

"Magandang araw, Senyorita!" sabay-sabay na pagbati nila kay Mareng.

Dinig ko ang masayang hagikhik nito at mabilisang pagbitaw sa kamay ko bago nagmamadaling tumakbo paakyat sa hagdan. Nakalimutan na yata nito ang gutom at basta na lang nagiging masigla.

"Watch out, Mareng!" Napahawak pa ako sa dibdib nang muntikan na itong madapa.

"Uhm, I'm alright, Mimi. I'm super excited!" Tumakbo pa ulit paakyat sa hagdan na agad hinabol ng isang kasambahay.

"Where's my room by the way?!" sigaw na tanong pa nito.

Draco smiled and looked at her lovingly, "Right corner, middle room, Baby."

Gusto kong magprotesta na tinawag niya itong baby ngunit alam kong mas may karapatan siya kay Mareng. Kaya naman pinigilan ko ang sariling magsalita. Nanindig pa ang mga balahibo ko nang maramdaman ang kamay at braso niyang sinakop ang bewang ko.

"See? She will love it here," he whispered, then left a quick featherly kissed in my ear.

Nahigit ko ang hininga ko at hindi maiwasang pamulaan ng pisngi matapos masulyapan ang mga kasambahay na nangingiti.

But I need to cage my heart. Baka mamaya ay gusto niya lang akong mahulog sa patibong niya upang mabilis na pakawalan ko si Mareng.

I won't allow that! If I can put him through hell just so he'll keep himself to himself, then I'll do it.

"Magandang araw, Senyorito! Magandang araw-"

Kusang naitikom ng mga kasambahay ang kanilang mga bibig matapos itaas ni Draco ang palad niya upang sila'y patigilin. Bahagya akong nakaramdam ng hinanakit dahil doon.

Ayaw niya bang batiin ako? Ganoon niya ipapakita na talagang hindi na siya kailanman interesado pa?

Naiinis akong umirap at mabilis na kumawala sa pagkakakulong sa mga braso niya. Walang pasabing inakyat ko rin ang hagdan paitaas.

"Verona!" malakas niyang tawag ngunit hindi ko iyon pinansin.

Hindi naman pwedeng welcome si Mareng pagkatapos ako ay hindi! May karapatan naman siguro akong mag-demand lalo pa't ako naman ang nagpakahirap para kay Mareng!

Wala naman akong pakialam kung gaano siya kayaman! Ang gusto ko lang ay maging parte pa rin ng buhay ni Mareng.

Nanlalabo ang paningin kong tinahak ang malawak na malaking hagdan na hindi ko halos mabilang kung ilang baitang. Pagdating sa loob ay malabo na rin ang hallway na malapit ko ng gapangan.

Basta ko na lang din binuksan ang unang kwartong nalingunan at agad na dumapa sa kama at humagulhol.

I cried my pain, again and again. Walang katapusang paghihirap yata ang gustong ibigay ni Draco. Kung pwede ko lang dalhin na lang si Mareng at hindi na sumama pa kay Draco ay ginawa ko na! But the devil won't allow me to!

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak o natulog. Basta pagmulat ng mga mata ko ay masakit na ang mga iyon. Mahirap imulat at tila napupuwing.

Mahina pa akong umungol sa sakit ng batok ko. Minasahe ko iyon bago tumihaya.

"Ma'am! Mabuti naman po't nagising na kayo! Handa na po ang tanghalian."

Nangunot ang noo ko sa boses at naniningkit ang mga matang sinipat ang Ginang na abala sa paglalabas ng mga damit sa maleta ko.

Maliit ang buhok nito at plantsado ang suot na unipormeng asul.

Maleta ko?!

Umikot ang paningin ko sa paligid na agad kinalaki ng mga mata ko. What's hanging on the walls are all pictures of Draco. Kumpleto ng gamit ang kwarto at may stand pa ng iilang sapatos sa gilid.

Napabalikwas ako nang bangon at agad pang bumaba sa kama. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko gusto sa ibang kwarto! Mas gusto ko sa magiging kwarto ni Mareng! Mas lalong hindi rito sa kwarto ni Draco!

"Nay, hindi po rito ang gusto kong kwarto!" Nahintakutang pigil ko rito.

Nagmadali pa akong lumapit sa kanya makuha lang ang mga damit kong naka-hanger na at balak na yatang ipasok sa walk-in closet!

"Ano, Ma'am. Dito raw po kayo sabi ni Sir Draco. Sarado na po ang ibang kwarto bukod dito sa kwarto ni Sir-"

"Sa kwarto po ng anak ko. Sa kwarto po ni Mareng, Nay." Hinawakan ko pa ito sa braso at pilit nagmakaawa.

Ngumiti ng malungkot ang Ginang at umiling, "Hindi po kayo pwede roon." Umiling ito at sinikop ang mga hanger sa isang kamay dahilan upang mabitiwan ko ang braso niya.

"Kung gutom na po kayo, nakahanda na sa mesa ang pagkain, Ma'am." Yumuko ito at akmang tatalikod na ngunit mabilis kong pinigilan ulit ang braso niya.

"Uhm, si Mareng po?" mahinang tanong ko.

"Kasama po ni Sir Draco sa sentro ng taniman. May burol po sa dulo. Gusto niyo po bang sumunod?"

Hindi ko pa muna gustong makita si Draco!

Mabilis akong umiling at agad ding lumabas sa kwarto. Hindi ko pa halos alam kung saan ang papunta sa baba o sa kusina. Naiinis akong napapadyak bago binalikan ang Ginang sa kwarto. Nangingiti pa ito nang malingunan ako sa pinto.

"Uhm, hindi ko po alam ang patungo sa baba."

Magaan itong ngumiti muli bago ako sinabayan maglakad. Mahabang hallway pa ang daanan at maraming kwarto nga ang nakasara. Nasa dulo pa ang isang gintong hagdanan na naman na nakapagpa-awang sa mga labi ko.

"May gusto ka bang kainin?"

"Po?" naguguluhang tanong ko.

Mahinang tumawa ang Ginang bago ako sinulyapan, "Baka lang buntis ka, Ma'am," biro pa nito na hindi ko naman magawang ngitian.

Buntis? Hindi ko alam ngunit nanatili iyon sa isipan ko. Sa palagay ko ay kailangan kong pag-isipan iyon.

Lumagpas kami sa sala na pawang naglalakihan ang mga sofa, maging ang T. V na nakahang sa pader. Ilang beses ko pang nilingon ang malaking litrato ni Draco na walang saplot sa kabilang dako ng sala. Pawisin at malalim ang titig ng mga asul na mga mata.

"Ma'am, dito po ang kusina."

Napa-angat ang balikat ko sa tawag nito at doon ko lamang napagtanto kung saan patungo ang lakad ko. At gusto kong pagalitan ang sarili matapos makitang ilang hakbang na lang ang layo ko sa malaking litrato ni Draco.

Magtigil ka, Veron!

"Uhm, ang ganda po ng T. V." Naiilang akong tumawa na nauwi sa ngiwi.

Kita ko ang pang-aasar sa mga mata ng Ginang ngunit walang binanggit. Hinintay lamang ako nitong sumunod sa kanya. At hindi ko alam kung malulula ako sa lawak ng kusina at sa mga modernong kagamitan doon. Walang kalat. Kumikinang sa puti ang tiles at may kaunting linya pa ng ginto ang paligid.

Tatlong malalaking refrigerator yata ang nakaayos sa gilid bago ang kulay ginto at puting lababo.

"Tatlong putahe lang ang pinahanda ni Sir Draco. Hindi ka naman daw mahilig kumain, Ma'am."

Hindi mahilig kumain o baka ayaw niya lang akong pakainin?

Napanguso ako pagkatapos makita ang menudo, adobo, at pork steak sa mesa. Pigil ko ang mangisi. Pilit kong inisip na naiinis ako kay Draco. Kahit nang kumakain na ako.

"Alam niyo po bang ex-convict si Draco?" tanong ko sa Ginang na naghihiwa ng mangga sa kabilang mesa.

Hindi ko naman balak na sirahan si Draco. Gusto ko lang ipaalam sa kanila para kung sakaling hindi ko nga makuha si Mareng ay maging ligtas pa rin ito.

"Naku, matagal ng rebelde ang batang 'yan! Simula noong mawalan ng magulang!" Umiling pa ito sa tila alaalang naisip.

Hindi na yata napigilan ng Ginang at hindi na ako hinayaan na makapagsalita pa.

"Kung hindi pa nakulong ay hindi pa titino! Baka nga tumino lang talaga 'yan nang makilala ka." Liningon pa ako nito at pinakatitigan.

Mabagal akong ngumuya at naalerto. Nahihiya sa maaaring iniisip nito.

"Bakit mo naman kasi tinago ang anak ninyo? Sana ay hindi nagtagal sa kulungan si Draco kung dumiretso ka lang dito."

Napakurap ako sa tanong nito. Sa tingin ko ay hindi naman ako ang tinutukoy niya. Sa tingin ko ay si Mara ang sinasabi niyang nakapagpatino kay Draco.

Bumagsak ang tingin ko sa platong nangangalahati pa lang ang kanin. Kusa ring natahimik ang Ginang wari'y napagtantong hindi ako ang ibig niyang sabihin.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit hirap na akong lumunok. Magtiyaga pa akong naghintay sa dulo ng hagdan sa labas hanggang sa bumalik sila Mareng pagkatapos sa kusina. Mabuti na lang at malilim ang mga puno, kung hindi ay kanina pa ako tustado.

"Mimi! You slept! Hindi po ikaw nakasama!"

Nagmamadaling bumaba si Mareng sa mini-jeep na sinakyan nila panglibot. Nagtatakbo pa ito patungo sa akin bago nagpabuhat.

"Sorry. Napagod si Mimi. Bukas na lang. Isama niyo 'ko." Pinupog ko pa ng halik ang pisngi niya bago siya hinayaan na bumaba at umakyat sa itaas.

And when Mareng was not in my sight anymore, I automatically arched my brow at Draco. Mabagal ang paghakbang nito habang hinahagis-hagis ang hawak na susi. Nakapaloob pa sa loob ng bulsa ng pantalon niya ang isang kamay.

"What's with those eyes, Verona? Angry?" Sumilay ang ngisi nito at rumiin pa ang titig ng mga asul niyang mga mata.

Ngunit hindi ko balak na magpatalo sa kayabangan niya. Pinagkrus ko ang mga braso sa harap ng dibdib at hinintay siyang makalapit. Lakas-loob ko pang hinuli ang titig niya.

"Where did you get all of your riches, Draco? Knowing that you are an ex-convict? I doubt if those came from clean hands," mahinang bigkas ko.

Mas lalo akong napangisi matapos mawala ang ngisi niya sa labi.

"You're belittling me, hm?"

Napaatras ako matapos sumilay muli ang ngisi sa labi niya at binalak pang ilagay ang takas kong buhok sa tainga. Umiwas ako at mas tinaliman ang tingin.

"What if I told you it was the money that came from crime?"

"Then you don't deserve Mareng. She shouldn't be with you if you have such a bad record. Hindi ko hahayaan na mapunta sa'yo ang anak ko, Draco," sa matapang kong boses.

But that didn't scare him. Mahina pa itong tumawa kagaya ng dati at naiiling na humakbang paakyat.

"I deserve my daughter, Verona. And no, I don't do dirty tricks, Mare," asar pa nito bago tuluyang umakyat.

Naningkit ang mga mata ko at mas binalot ng galit ang puso ko. Kaya naman nang lumalim na ang gabi ay matiyaga akong naghintay sa labas ng kwarto niya. Hindi pwedeng ganoon na lamang iyon!

Nang makita ko siyang naglalakad na palapit habang binaba ang cellphone na agad din niyang tinago sa bulsa ng pantalon.

"Get inside, Verona. There's no other room available for you." Kumunot ang noo niya, mabilis pang humawak sa door knob kung hindi ko lang pinigilan ang palapulsuhan niya.

Desidido akong maiuwi si Mareng. Hindi naman dahil siya ang Tatay ay basta ko na lang ibibigay sa kanya si Mareng. No way!

"Uuwi kami ni Mareng. Sorry, but I can't just give her to you. At hindi mo 'ko pwedeng basta ipakulong," matatag kong bigkas.

Sa sahig man ang tingin ko ay ramdam ko naman ang bagsik ng titig niya. Nagawa ko pang sumandal sa pader nang humakbang siya palapit.

"What made you think I would not sue you? Isn't it kidnapping that you kept my daughter away from me? And now, you still want to keep her?"

Napalunok at naunahan na naman ako ng takot at hindi magamit nang maayos ang dila ko.

"Do you really trust your guts that I will not get Mareng away from you?"

Nilakasan ko ang loob ko at tinapatan ang titig niya kahit pa para na akong kakainin ng buhay ng asul niyang mga mata.

"Maybe I still stand a chance, Draco. Maybe you can still consider marrying me-"

He chuckled, humorlessly, "I'm done with my game, Verona." Kuminang nang bahagya ang mga mata niya bago pumungay.

"Pretending is not a good game, Draco-"

Ngunit hindi ko iyon natapos matapos niyang ilagay ang hintuturo sa mga labi ko.

"Yes. My pretentious game is over, Verona. It's... game.. over." He smirked.

Marahas kong winaksi ang daliri niya at kahit naluluha ay hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

There's no way I'm giving up. This is for Mareng. And if I have to trade myself just to keep Mareng with me, then I'm willing to do it. If I have to risk my future, I don't mind as long as I'll be Mareng's mother.

And if that doesn't work, then I need to throw myself at him. In any case, I'll do it.

Huminga ako nang malalim. Pilit nilunok ang kung ako mang nagbabara sa lalamunan ko. Umiwas ng tingin at sandaling kinalma ang sarili.

Tama ang magiging desisyon mo, Veron!

Ilang beses ko iyong inisip, maisatinig lang ang huling bala ko.

I looked up at him, pleading. His scrutinizing deep blue eyes can easily eat away my confidence. But I will not allow him to belittle me or just throw me somewhere whenever he wants. I'll take possible actions.

And I think getting pregnant with his child is the best way.

I deepened my stare, utilizing all my guts.

"Make me pregnant, Draco," I ached.