Chapter 24 Family
LUMABAS NA ako ng kwarto at nakita ko na abala ang lahat sa pag-decorate ng malawak na garden namin, pati na rin sa sala.
Agad kong hinanap si Kuya Liam para alamin kung anong mayroon, ngunit si Vyra lang ang nadatnan ko sa sala at abala sa pagtingin ng wedding dress sa isang magazine.
“Vyra!”
Bored niya lang akong tiningnan at tinaasan pa ako ng kilay.
“Magpalit ka nga muna ng damit. Nakapajama ka pa, baka hindi mo alam.”
Napatingin ako sa damit ko. She’s right.
Agad akong bumalik sa kwarto ko. Mabilisang naligo at nagpalit ng black striped crop top at white baggy pants. Suot ang flip flop ko, bumalik ako sa sala para muling harapin si Vyra.
May nakahandang tinapay at juice doon. Agad naman akong naupo at nakikain sa meryenda niya.
Hindi siya nagreklamo. Sometimes, I feel like she is treating me as a little sister not a friend. Well, I appreciate it a lot kasi, bukod sa hindi ko kilala ang iba naming kamag-anak, wala talaga akong tinuring na older sister.
“So, anong mayroon at parang binaligtad yata ang buong kabahayan?” tanong ko.
“Well, ang magaling mong Kuya, gusto lang naman magpa-party about sa engagement namin.”
Napangiwi ako sa sagot niya. “Ang corny.”
“I know right,” she said and rolled her eyes at me.
“Sandali, bakit parang ayaw mo?”
Sinara niya ang magazine na binabasa niya at mataman akong tiningnan. “It’s about my family. Like hello? For show lang ang lahat para sa kanila. And Liam is making it look as much as possible that we are family.”
Nagtataka lang ako na nakinig sa kanya. Marami akong katanungan sa isip ko. Bakit parang ang komplikado yata ng buhay ni Vyra when she is the only daughter? Hindi ba dapat magbunyi siya kasi nakukuha niya ang lahat? Bakit parang puno ng hinanakit sa buhay ang bruhang ito?
Mayamaya ay tumikhim siya, “forget it, you won’t understand it anyway.”
“Huh?”
“Your gown will be delivered here before three o’clock.” Nagsalita sa likod ko si Kuya Liam.
Agad naman akong tumayo para pagtaasan siya ng boses at magreklamo.
“Kuya, bakit kailangan pang magpa-party? Ia-announce niyo lang naman that the two of you are officially engaged. Ang aarte niyo.”
Actually, ok lang sa akin na mag-party sila to celebrate. Ang akin lang, baka pwede naman nilang gawin sa ibang lugar. Sa hotel at hindi dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko. I feel like something big and unpredictable change of my life will come to light.
Argh! So much reading of Jhon Lei’s stories.
“Ano ba pinuputok ng busti mo? Malawak naman ang garden. At isa pa, hindi naman ikaw ang mag-aasikaso ng mga bisita. Magreklamo ka kung ikaw ang papagurin ng sobra ng event na ito.”
“Wow!” I said looking at my Kuya’s straight face. Parang hindi siya nanenermon kung makatingin.
“Pinakamahabang sentence mo iyan na hindi about sa business, Kuya Liam. What’s more, puro tagalog iyan. Congratulations for your achievement. Hindi ba dumugo ilong mo?” Pang-aasar ko sa kanya.
Speaking of congratulations, maybe naiinis ako kasi syempre maraming magko-congratulate sa kanila. Mag-iiwan din ng mga messages. And most of all, lalabas at magsisliparan ang mga sweet words from Kuya and Elvyra for each other which is, ayaw kong marinig ever!
“Hayaan mo na, Liam. Bitter lang masyado iyang kapatid mo.” Tinampal naman ako ni Vyra, “ang asim ng mukha mo girl. Baka mamaya, habang nag-iiwan kami ng message bigla kang sumingit at ipatigil ang kasal,” sabi niya sa akin.
Hindi ko alam pero nagiging female version siya ni Kuya as time passes by. Pareho na silang poker face.
“Hayaan mo na magpaka-bitter ang sister-in-law mo. Hindi iyan bitter ng walang dahilan,” sabi naman ni Kuya Liam at kinuha ang kamay ni Vyra na nasa pisngi ko.
“Ganoon ba? So sad.”
Seriously? They are a good match– puro sarcastic!
“Yeah, so don’t worry about her. Have some rest. We have a whole day event tomorrow.”
Agad namang pumunta sa kwarto niya si Vyra, leaving me with my cold-blooded brother still mocking me.
Ni hindi man lang nila ako tinanong kung ok lang na dito sila mag-party. Or kung mayroon man akong iimbitahin na friends to congratulate them. Malaman-laman ko na lang, naayos na ang lahat at kinabukasan pa gaganapin.
“Don’t worry, Lei. Business associates lang ang mga dadalo bukas. Maybe you could find some knight in rusting armor and willing to be your servant.” He smirked.
“Are you freaking serious? Kuya, ikaw pa ba iyan?” I rolled my eyes at him.
“Grabe ka naman sa kapatid natin, Kuya Liam.”
Finally may kakampi na ako! Naglalakad papunta sa amin si Kuya Nico. Mamaya ko na lang itatanong kung saan siya galing. Tulungan niya muna ako na i-roast ang magaling naming Kuya.
“Knight in rusting armor willing to be her servant? Hindi man lang maging love of her life ang dating. Servant pa talaga. Kawawa naman ng little sister ko.” Kinabig ako ni Kuya Nico palapit sa kanya at ginulo ang buhok ko. “Kahit siguro knight in rusting armor, hindi tatagal sa iyo.”
Marahas kong hinawi ang kamay niya sa balikat ko at namaywengan sa harap nila. “Really? Hindi ka nakakatulong, Kuya!”
Padabog akong umakyta pabalik sa kwarto ko. Noong mga nakaraang araw, ako ang kakampi nila. Then all of the sudden, ako na ang binu-bully nila. Hindi na sila naawa sa akin.
“FYI, hindi ako bitter!” sigaw ko bago malakas na sinara ang pinto.
Pasalampak akong nahiga sa kama.
Hindi naman talaga ako bitter. Sadyang wala lang akong interest sa mga ganyang kalokohan. I’ve had enough, if I might say.
Binaling ko na lang ang atensyon ko sa laptop. Binuksan ko iyon at nagbasa na lang sa online reading site. Nawala lahat ng inis ko nang may two chapters na update si Jhon Lei.
Tungkol siya sa story ng isang tatanga-tangang babae na nakipag-break sa boyfriend niya dahil sa maling hinala. Akalain mong naniwala agad siya sa picture na may kasamang ibang babae ang boyfriend niya.
Ni hindi niya man lang muna inalam ang totoo, if ever na edited ang picture o hindi. O kaya naman, pinakinggan niya man lang ang side ng boyfriend niya, kung bakit may ganoong picture. Ngayon nagsa-suffer siya sa katangahan niya.
“Mahal niya pala, bakit hindi niya bigyan ng second chance?”