Chapter 26 (PAST)

DECEMBER 1, 2021

FORTE KONSTRAKT 4th ANNIVERSARY

CHLOE

I know I look stunning tonight. I know my assets and I know it by the way every man is giving me a glance. I came here alone, Niccolo said he was out of the country and that is why I have no friend to attend this party tonight. I hope Trace isn't around but I know it is impossible he won't appear. As per information from Alona, every anniversary of Forte Konstrakt matters to Trace.

"Chloe!"

I look for that voice who was calling me and I saw Paige with Harriet, I thought that they wouldn't be here but obviously, they just tripped me again. I saw Alona from a distance and I wave my hand to her. She was talking to someone so I didn't need to disturb her.

"Gorgeous always," Paige complimented me and made me turn in front of them. She giggled. "Maglalaway na naman si Kuya for sure," she added that made me wonder what that meant.

I know what 'laway' is but saying Trace is maglalaway... well... well... is it?

Yeah, it seems I know what Paige means on that. I rolled my eyes and that made the two in front of me laugh.

Oh, yeah! Maglalaway talaga si Trace. But forget it! I don't like to think of that much.

"Hey, Barbie!" I know it was Malori and that made me face her. She always calls me like that so it won't matter. I smiled sweetly at her. For the last five days ay siya ang lagi ko kasama at kausap, even sa phone, kaya naging panatag at close na ako sa kaniya.

"Wow," I said in awe while looking at Malori's beautiful face with makeup accentuating her gown. She looks so glamorous in red and black.

"Wow yourself," she said with a smile. "Where is Trace? Kanina pa siya hanap ni Elliot."

"Paige is here... ask her about her brother and not me," I said and smiled awkwardly. Mabuti na lang at wala si Denise dahil mas malakas manukso iyon kaysa sa mga kasama ko ngayon.

"Playing safe," Malori smiled and raised her one brow with me.

"I'm not." I took a glass of wine from the roaming drink server who holds a tray full of wine glasses.

"Okay, if you say so..." natatawa na sang-ayon na lang ni Malori sa akin.

Nang lingunin ko naman si Harriet ay hindi ko na siya nakita sa tabi ni Paige at nakita ko na may nilapitan na lalaki. I remember the man, one of Trace's men na kasama sa party ni Paige sa Salvacion.

The man gave me a look at hindi ko alam bakit parang may kakaiba sa tingin niya sa akin. Actually, ilan na silang mga na-meet ko na lagi kasama ni Trace na napapansin ko na iba lagi makatingin sa akin, especially the one named Nite.

Inalis ko ang tingin kay Harriet at sa kausap niya.

"What was that man's name again?" I asked Paige at itinuro ang lalaking masayang kinakausap ng pinsan ko.

"Hector."

"Is he working for Trace too?" I asked.

"Hector is Kuya Trace's right-hand man. A henchman of Kuya in fact."

Henchman? I blinked my eyes thinking of the impact of that word.

Habang tumatagal ay lalong marami na ako nalalaman sa grupo ni Trace na imbes na maging dahilan para matakot ako sa kaniya ay lalo ako nai-engganyo na mapasunod siya. For Carly and for my peacefulness.

I am attracted to him but if I let that attraction weaken me ay masasayang lang lahat ng plano ko. No! I won't be like Carly na nagpatalo at na-depress sa gawa ng babaero at manlolokong si Trace.

"I like you and those are my favorite colors. Tandaan mo."

That was what Trace said to me the last time I saw him. Irritated ay inihampas ko sa kaniya ang mga bulaklak niya. Favorite niya naman pla eh 'di sa kaniya na.

I still can't believe what happened at that moment. He was giving me flowers after I saw the supermodel na bino-blowjob siya. Normal pa ba ang utak ng lalaki na iyon?

Baka sa daming pera at siniswerte sa itsura ay akala niya lahat na lang mapapasunod niya.

I sighed. Napapikit na lang ako alalahanin ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. As usual, ano pa ba ang alam niya kung hindi ang mag-take advantage sa akin at halikan ako after I striked his face with the bouquet of roses. Naawa pa nga ako sa mga bulaklak na nagkalat sa sahig ang iba dahil nasira-sira na.

And then he kissed me. Stupid me! I let him enjoy my lips before I punched his face. Tinalikuran ko na siya agad after ko siya masuntok. I was quite scared. Mukhang hindi papayag si Mr. Red Flag na masuntok basta-basta kaya tinakasan ko na. Thanks God at hindi na niya ako pinasundan.

"Kuya's here," Paige whispered na pumutol sa alaala ko noong huling kita namin. Ayaw ko man tingnan ang kuya niyang saksakan ng landi at walanghiya ay napatingin pa rin ako.

I hate myself dahil para na naman akong na-magnet at napanganga pa sa itsura ni Trace. His hair was brushed up and that changed his looks, nakaisip din yata mag-ahit kaya biglang mukhang matino.

And shame on me again... mukha talaga siyang masarap. Yummy.

And oh my... He didn't only seem delicious. He was gorgeous. Hot. Sizzling and smoky hot.

Our eyes locked and I saw how he smirked while looking at me like telling me he knows what was on my mind.

Damn me! I should be irritated with his smirk but why did I find it so sexy?

I made a face. Hindi niya dapat maisip na nakakaakit talaga siya. Nakakainis siya at dapat niya malaman iyon. I don't care even if he was a leader of some gang or organization. He used my sister and dropped like a hot potato.

Dati ay gusto ko pa sila magkabalikan ni Carly but not anymore after I saw what that Strawberry doing between his legs. I just touched it but that Berry sucked it and who knows kung ilang babae pa ang nakasubo no'n...

Hindi ko naman iniwas ang tingin ko sa kaniya at nakipagtitigan lang. Why should I? I can't let him see and notice that he can do anything to me and that I will be easily affected. Hindi rin ako umalis sa kinatatayuan ko nang lapitan niya ako.

"Sabi ko na at hindi mo ko matitiis na hindi makita eh. Tangina! Ang ganda mo talaga! Iba na naman nararamdaman ko," Trace said to me na ikinakunot ng noo ko. Until now ay hindi ko pa rin maunawaan ang ibig sbihin ng curse word na tangina.

"What is 'tangina' anyway?" I asked curiously.

He laughed.

"I always hear you saying that word. Is it like an asshole, dumbass, or fuck you? I'm just curious for I often hear you say that word." I shrugged my shoulder while staring at his eyes, his deep penetrating eyes... then my eyes went to his straight nose and lips that I tasted many times. I bit my lip and I knew that it made me look stupid by the way he was looking at me.

He smirked then chuckled. "It's not the same as the words you say but I like the last option. I really wanna fuck you."

"Oh, gross!" I grimaced.

"Don't you know how much I am dying to have you in my bed? Under me or... above me. I wanna know how you taste."

"That's obscenity," I angrily reacted.

"Obscenity indeed but the fuck I care."

My eyes narrowed. I deeply breathe in and out as I need to calm myself.

"I noticed that you really love to wear revealing clothes and this gown of yours... it made me think how lovely you are without it."

"You wish!"

"Wishes are for kids and we both know that we can have our kids already."

"Fuck!" I hissed.

"You!" he replied. Damn this man!

"You despicable man!" I irritatingly said. He was beyond his borders, patagal ng patagal ay pabastos na siya ng pabastos.

"I am... and never denied that," he agreed proudly.

Oh my God! Wala na ba talaga matino rito kung hindi ang itsura na lang?!

"But what amazing is the truth that this despicable man is the one you desired, right? Don't worry for I will definitely fuck you, Chloe. And when that moment comes, you will scream my name."

I was about to rebut when we heard someone calling his name.

"Trace!"

"Someone's screaming your name, Trace. You don't need me." I raised my one brow to him.

I thought he will say something but he did not at tinalikuran na lang ako para lapitan ang babae na tumawag sa kaniya.

Napatingin ako sa babae. She's pretty, obviously another woman of Trace. Sa sobrang inis ko ay iniwan ko na siya lalo na at nakita ko na tuwang-tuwa pa na nilapitan ang babae at mukhang nakalimutan na talaga ako.

Naisip ko na hanapin na lang ulit sina Paige at Harriet pero mukhang wala na sila sa party at kahit si Malori ay wala na rin. Baka umalis na kasama ni Elliot na kanina ay nakita ko may kausap na tatlong lalaki.

I continue searching for someone I know pero kahit sina Franco at Alona ay hindi ko na makita. I was typing a message to my phone while making steps when I bump into a man na agad akong inalalayan para hindi ako matumba.

"Sorry..." he apologize and when I raised my eyes to look at him, I saw his Korean look. He's handsome and his smile was nice. Mukha siyang magalang at may respeto sa babae at hindi puro kalandian ang alam.

"My bad," I said to him. "I am not looking in my way."

"Geo."

"Chloe."

"I was invited by a friend, probably you know him. Are you working here?"

"Partly. I am the interior designer here."

"So you know Trace? The owner?"

So friend siya ni Trace? Anyway ay ano pa ba aasahan ko rito sa Pilipinas? Mukhang kakilala si Trace ng lahat.

"Yes, he's my boss. I saw him there, he was talking to a woman wearing a backless black gown."

"That's my wife. Can you show me where they are?"

Wife? Oh! Mukhang mga friends nga ni Trace at kilala pala siya ng mag-asawa.

"A'ight." I turned my back and lead the way. He followed me.

Akalain ko ba naman na asawa pala niya ang kausap ni Trace. Sorry at hindi ko alam kaya akala ko ay nilalandi na naman ng magaling na si Dimagiba.

TRACE

I saw her instantly, ang babaeng panggulo sa utak ko pero ayaw ko naman na hindi siya isipin. Ilang araw din ako hindi nagpakita dahil inuna ko pa ang love life ni Logan at baka mabaliw na ang lalaking iyon kapag hindi ko ginawan ng paraan makuha si Callista.

Ginawaan ko na nga ng paraan, nag-inarte pa noong una. Pero mukhang happy naman ang gago, arte lang na parang ewan. Mas okay na iyon kaysa matulad na naman gaya noong nabuang kay Penelope, na parang tanga na tumatambay sa mga auctions.

Minsan talaga iniisip ko kung bakit nag-iisa lang siyang lalaking pinsan ko sa side ng mga Dimagiba, napaka-weak pagdating sa babaeng kinaiinlaban. Kung sana buhay pa ang anak ni Tito Abel na lalaki ay baka hindi gaya ni Logan na parang gago sa pag-ibig.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Chloe na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. I stared at her appearance. She looked so priceless at dapat lang. Sayang lang na siya ang babaeng kumuha ng atensyon ko tapos mukha siyang basta-basta. She needs to be beyond expensive, she is beyond price. She is only for me.

I know everything about her. Thank you kay Keros na maaasahan talaga. Alam ko na lahat, even Carly, I remember her. New York.

I removed my thoughts with Carly. Ayoko muna isipin ang ate ni Chloe. Si Chloe ang kumuha sa atensyon ko at ito lang ang kaisa-isang babae na matagal ko na kursunada pero hanggang ngayon ay hindi ko pa napapatikman ng kamandag ko.

Tangina! Kinakantyawan ko sina Logan at Lev pero parang nagiging kagaya na rin nila ako. Mga gago! Lakas makahawa.

Pero hindi pwede, sila lang 'yon. Bahala na sila maging mukhang tanga pagdating sa kinalolokohan nila pero hindi ako.

Pero putangina! Para na akong aso na kanina pa nakatitig sa babae na sana naghubad na lang kaysa may suot nga na gown pero mukha namang ipinapangalandakan niya rin lahat ng kurba ng katawan niya na akin lang dapat.

"Laway mo tumutulo, boss."

Masamang tingin ang ibinigay ko kay Keros na kasama ko ngayon.

"Putangina mo!" agad kong sabi sa kaniya.

Anong laway ko tumutulo? Baka si Chloe ang tumutulo ang laway sa akin at kanina pa ako tinititigan. Alam ko naman na gwapong-gwapo ako ngayon kaya normal lang 'yan.

"Concerned lang, boss. Ikaw naman highblood agad," wika ni Keros at iniwan na ako at lumapit kay Raj.

Hindi ko naman kasi alam kung bakit nandito ang dalawang gago. Mambababae lang sigurado.

Nang lapitan ko si Chloe ay imbes na matuwa ay nakipagsagutan pa sa akin samantalang pinuri ko na nga kung gaano siya kaganda at ginawang issue pa ang sinabi ko na tangina ang ganda niya. Totoo naman na napapamura ako sa ganda niya tapos mukhang big deal pa.

She will soon be my woman, moaning and screaming my name, kaya dapat ay masanay na siya kung nagmumura ako.

Naputol lang ang usapan namin dahil bigla ko narinig na tinatawag ang pangalan ko at sakto nakita ko na si Belle pala ang umeeksena. Natuwa naman ako at nakarating siya, I invited her and Geo. Hinanap ko ang asawa niya sa paligid pero wala.

"Zup?" I asked her. Belle used to ba an assassin. Hindi ko lang alam kung ginagawa niya pa hanggang ngayon at alam ko ay masaya ito sa pamilyang binuo nila ni Geo.

"Ikaw ang kumusta na? Sino 'yon?" she asked with her teasing smile habang tinutukoy si Chloe na tumalikod na.

"Alam ko assassin ka dati pero usisera ka na yata ngayon. Bagong buhay ba 'yan?" pang-asar ko.

"Just asking. Maganda siya at kilala kita, Trace. Seryoso na ba?" tanong niya.

Doon ako natawa. Hindi palibhasa happy ito na may pamilya ay akala magiging gano'n din ang pangarap ko.

I know Belle dahil kay Zachary Ferrari but she became a friend of mine too, sa mundo na pareho namin ginagalawan ay normal lang na minsan ay kailangan namin ng mga kakilala at kaalyansa, at silang mag-asawa ay nakakatuwa na nakasundo ko.

We kept on talking. Kumustahan. Gano'n lang. Ang mga anak nila ni Geo na triplets at kung ano-ano pa nang ibalik na naman niya ang topic kay Chloe.

"Wala sa isip ko ang pagseseryoso sa babae. If I want to have kids ay marami magbo-volunteer at pipila pa."

"Ang yabang mo pa rin talaga..." Belle said with her intentionally boring tone of voice.

"Inborn na ang kayabangan niyan, Belle. Hindi ka pa nasanay." Geo came into view at agad na nilapitan ang asawa niya at hinapit ang beywang. Sweet.

"Dre," bati ko kay Geo.

"Thank you, Chloe." Geo said at doon ako napalingon.

Putangina! Bakit nasa likod ko na si Chloe? At bakit kasama niya si Geo? Ang gago!

Fuck! I looked at Chloe na masama ang tingin sa akin. She heard me. Narinig niya na sinabi ko wala ako plano magseryoso. Langya naman!

Nang talikuran ako ni Chloe ay narinig ko naman ang tawa ni Belle. Mabilis ko silang iniwan na mag-asawa. Bahala sila sa buhay nila. Langyang Maybelle! Mukhang inisahan ako at sinadya gawin topic si Chloe dahil alam niya nakikinig at para inisin ako.

"Chloe!" I called her name pero mabilis naman ako natigilan when I saw Luxe coming and the way he looked at me ay mukhang may importante siyang sasabihin na hindi makapaghintay.

Nilingon ko kung saan si Keros. I cannot let Keros know about what Luxe investigated of. Hindi pwede malaman ni Keros na wala na akong tiwala sa kaniya dahil kay Uno.

I signalled Nite and Isaiah to follow Chloe. Hindi pwedeng makaalis si Chloe sa party. Kakausapin ko lang si Luxe at babalikan ko si Chloe mamaya.

Mabilis ako lumakad palabas ng area at mabilis din na sumunod si Luxe.

"What you got?" I asked him.

"You can see it for yourself, boss." Inabot niya agad sa akin ang envelope at saktong bumukas na ang elevator at pumasok kami. I hit the button to the top floor at nandoon ang opisina ko.

I was scanning the information in the papers nang mapakunot-noo ako sa nadaanan ko na info about Uno, saktong bumukas na ang pinto ng elevator at lumakad na ako agad papunta sa opisina ko kasunod siya.

"Creia?" tanong ko sa nabasa kong pangalan sa nakalap ni Luxe na info. Bakit parang pakiramdam ko ay hindi dapat gano'n ang pangalan na nabasa ko?

"His sister. Missing since 2016."

I know na kapatid ni Uno ang may pangalan na Creia base sa nabasa ko. Ang pinagtataka ko ay bakit walang info kay Creia o kahit picture man lang.

CC... Cinnamon... Are they?

No! They're not! Dahil kung tama ang nasa isip ko ay baka patayin ko si Uno. I cannot let anyone be a threat to Foedus. Unahan na lang. Tutal naman ay Uno ang pangalan niya ay 'di unahin ko na siya.

"What about the failed transaction of Elliot and that Morelli?" tanong ko na lang. Mamaya ko na siya uutusan na mag-imbestiga pa tungkol sa kapatid ni Uno. Sana lang ay tama ako. Pero iba ang pakiramdam ko. It was the same feeling noong nagdududa na ako kay Lev dahil kay Bree years ago.

"Negative. He wasn't involved in that anomaly."

"Percentage of guarantee?" Hindi ako makapaniwala na iyon ang sasabin ni Luxe. Paano naging negative ay kahina-hinala na nga ang gago?

"Hundred percent, boss. I won't report to you now if it's not hundred percent sure," siguradong sagot nito.

I sternly looked at him. Lahat talaga ng tao naka-under kay Eut ay may kayabangan sa katawan. Siguradong-sigurado lagi sa sarili.

Matagal ko tinitigan si Luxe, inoobserbahan at mukha naman reliable talaga. I always trust Keros in investigation but this time, I need to look for an alternative in this spy game I am doing with Uno.

I read Uno's information again at napakunot-noo ako lalo. Negative na siya ang nanabotahe ng transaction nina Elliot pero positive ako may kahina-hinala sa kaniya. At positive ako na may kinalaman siya kay... Putangina naman talaga! Bakit nakapasok ang lalaki na ito sa Foedus?!

I stared at Uno's profile. His eyes and CC's eyes... their nose, lips... Fuck!

"Investigate anything about Creia Thelonious. I want to know her details. All about her. All!"

Tango lang ang isinagot ni Luxe sa akin at lumabas na sa opisina ko. Muli ako napabasa sa impormasyon na nasa mga papel. Malinaw ang impormasyon ng lahat, mula sa bansa kung tagasaan ang mga Thelonious hanggang sa impormasyon sa mga magulang ni Uno. Ang uncle niya na hari ng bansa nila. Siya bilang next in line at natitirang successor ng mga Thelonious.

Isa lang ang may kulang, Uno's sister that the fucking name was like CC's first name!

Creia.

CC... I never call her Creia. I fondly call her Cinnamon.

Uno Vrix Thelonious, Prince of Garieda.

I smirked. Dismayed totally.

A prince yet he joined Foedus and survived the initiation? Alam kaya ni Keros ang mga bagay na iyon tungkol sa kaibigan?

Gustong-gusto ko na ipatawag sina Nite at Isaiah para pabantayan ang galaw ni Keros pero naroon pa rin ang tiwala ko sa hacker na iyon. Sa lahat ng members ay siya lang ang nag-iisang ipinasok ko sa grupo kaya nang ilapit niya sa akin ang kababata niya na si Uno ay agad kong tinanggap sa grupo basta makapasa sa initiation.

Naguguluhan ay naisip ko tawagan si Lev. I don't know but he was the one I want to talk to regarding Luxe's gathered information about Uno. Si Lev ang mentor ko sa ganitong buhay, ang pinakamatalik kong kaibigan sa lahat. Foedus is us.

"Ugh..." bungad ni Lev sa akin, "ano hangin ang pumasok sa utak mo at istorbo ka na ngayon?"

"Hugutin mo muna 'yan. Kailangan natin mag-usap."

"Talk," he said and I heard he was trying to suppress his groan.

"Fucker!" Napapailing kong sabi.

"Talk or I will end this call!" banta pa ng lalaking umuungol kanina.

I chuckled. "Agresibo..." pang-asar ko. "Magkakaroon na ba ng kapatid si Via?"

"King ina mo, Patricio. Wala ka ba talaga magawa matino sa buhay mo?" asar niyang tanong. Medyo umangas na ang boses.

"Kailan balik mo dito sa Pinas?" seryoso kong tanong at baka putulin niya na ang linya at hindi ko matawagan na.

"Kapag rebonded ka na."

Puta! Gumanti ang gago!

"Tangina mo! Seryoso na tanong 'yon!"

Lev chuckled. "Next week, Trace."

"Sweet," biro ko. "Darating ka sa birthday ko, I'm touched..."

"Tarantado! Siguraduhin ko lang na wala naman panibagong eskandalo ang ibibigay mo," he said and I heard Bree giggling. Mukhang pinagtatawanan na naman ako ng mag-sugar daddy.

"Gago ka, Lev..." I sighed. The feeling of being weighted because of my worries from the past made me... Oh, fuck! "Kailangan natin talaga mag-usap. I'm serious this time. It's about Foedus."