Chapter 14 (SHOW)
CHLOE
I breathed out heavily. The tension between me and the woman named Malori ay hindi maitatanggi. Kanina pa siya pasulyap-sulyap ng masama sa akin. The woman named Denise naman ay mukhang wala naman ibang alam gawin kung hindi ang yumakap at maglambing kay Trace. The three of them are doing PDA and no one from Trace's friends are telling them to stop kahit nakakainis na sila sa mata.
I gave Malori and Denise another look. Nagtataka ako na bakit balewala sa kanila na dalawa silang nilalandi ni Trace and what I heard from Bree earlier ay sabi niya baka may orgy gagawin si Trace mamaya. Oh God! How filthy the man I fell in love with.
Wait! Did I say 'I'? Oh, shit! I mean Carly! How filthy this Trace Dimagiba that Carly fell in love with! Not me! I am just clarifying! Definitely, it's not me!
I felt disgusted while looking at Trace. Pakiramdam ko ay may ideya na ako sa ginawa ni Trace kay Carly. He just used my sister, impregnated her and left her. Masama ang tingin na ibinigay ko kay Trace na ngayon ay magkabilaan ang babaeng iniintindi samantalang kanina ay wala na ginawa kung hindi ang landiin ako, and he even winked at me nang ipakilala niya ako kanina kay Malori.
I breathed in and out heavily to calm myself. Trace is really annoying me! Naghanap ako ng maiinom at wala ako nakita na bote ng wine na may laman pa. Nang mapatingin ako kay Logan ay iinumin pa lang niya sana ang bagong bukas na beer in a bottle kaya mabilis kong inagaw 'yon.
Madali ako malasing pero naiinis ako kaya diniretso ubos ko na ang laman ng bote, diretso na ako uminom mula sa bote sa inis ko. Why do I need to look for my wine glass ay kinuha na nga ni Trace kanina?
Hindi ko rin alam kung bakit masama ang loob ko pero iyon ang nararamdaman ko kaya para masiguro na hindi ako maapektuhan sa landian ng tatlong nilalang sa harap ko ay magpapakalasing na lang ako.
I get my phone and texted Paige and Harriet na samahan nila ako rito. Naiinis ako and they need to accompany me dahil sila lang naman ang sinamahan ko. Whatever my plan to talk to Trace could be wait.
"Wow! Nice one, Chloe! You are a heavy drinker! Another one?!" ani Logan na nginitian ko lang at kinuha ko ang panibagong bote ng beer na inaabot niya sa akin.
"Thanks," I murmured and gave a side glance to Trace na sige lang katawa kasama ang dalawang babae niya.
When Trace gave me an eye, I snubbed him! Naiinis ako sa pinamumukha niya sa akin na kaya niya ako balewalain agad. Na kaya niya ako ipagpalit agad. Hindi lang sa isa at dala-dalawa pa. At sa ginagawa niya ay lalo lang sumasama ang loob ko na niloko niya nga si Carly. Yes!! Si Carly talaga reason kaya ako naiinis!
"Try this one, Chloe." Elliot spoons a portion of food at pinatikim sa akin. I smiled while chewing. The food tastes good but it can't calm me.
Nang mapatingin ako kay Trace ay masama ang tingin niya sa amin na naman ni Elliot. Problema ng baliw na ito?! Jealous? Siya okay lang lumandi pero ako hindi pwede? Elliot said that Trace likes me at kinilig pa ako kanina, ngayon ay cringey na sa akin ang idea.
"Tracey baby," maarte ang boses na wika ni Denise na ikinatigil ko sa pagnguya and listen at them first.
"What?" Trace asked at gusto ko mairita sa nakita ko na braso ni Trace na nakaakbay pa kay Denise.
"You should watch my race the next day. You should cheer for me, baby!"
"Of course. We are going to celebrate once you win, just as I promised," ani Trace at dumampot ng pica-pica at isinubo kay Denise.
Shame on them! Ang lalandi! Nagsusubuan pa!
"Of course, I will win the game..." Denise said with a pout. "Are you going to watch too, Malori?"
"Kailan ba 'yon?" tanong ni Malori na pormal ang mga tingin at kanina ko pa napapansin na sigeng sulyap kay Elliot. Kung hindi lang ito nilalandi ni Trace ay iisipin ko na may gusto ito kay Elliot. Same with Denise na kanina ko pa napapansin na sigeng katingin sa isang kaibigan ni Trace, the handsome doctor Jake.
"The next day after tomorrow," Denise replied with a sweet smile on her lips. "Jake, baka gusto mo rin ako panoorin?"
"I'm busy. I have no time for that," ani Jake at muling ibinalik ang atensyon sa mga kausap nito at nakita ko na sumilay ang ngiti na punong-puno ng kalokohan sa mga labi ni Denise. Mukhang ang mga babae ni Trace ay may gusto sa mga friends niya. Mabuti nga sa kaniya at niloloko siya!
"Paalam ako kay dad na hindi muna ako balik ng Manila bukas para mapanood ko ang race mo," Malori said with a smile to Denise. "Trace, can I stay here muna sa house niyo? Okay lang ba na samahan mo muna ako rito?" she asked sa lalaking magulo ang buhok at magulo rin ang pagkatao!
"Yeah, no problem. Dito muna ako ilang araw," Trace said at inilapit pa ang bibig sa tainga ni Malori, may ibinulong at nagtawanan sila.
"Ang alam ko ay may meeting tayo sa isla, Trace. You should prioritize it more than anything. Right, Lev?" Elliot said na ikinatingin sa amin ni Trace.
Bigla ako kinabahan sa tingin na binibigay ni Trace sa akin bago inilipat ang tingin kay Elliot. "Next week pa iyon, Yot. Huwag ka excited."
"I'm just reminding you." Elliot drank his wine and then winked at me.
"As far as I know ay ako pa rin ang head ng grupo at kahit abogado ka ay ako pa rin ang magdedesisyon kung itutuloy ba ang meeting o hindi," mayabang na sabi ni Trace.
Napailing na lang si Elliot at nagtitigan sila ng masama. They are weird, they look like they wanna throw punches with each other yet they are friends. The uneasiness between the two had been broken when...
"Where are you from, Chloe?" Jeru asked me at nawala na kina Trace at Elliot ang atensyon ng lahat at nalipat dito. Bigla ako naging fan girl lalo na at diretsong nakatingin sa akin si Jerusalem McBright with his deep penetrating eyes. Ang gwapo!
"California. But I am staying now here in the Philippines... since August," I am smiling prettily while talking to Jeru. "I'm a fan anyway," dagdag ko pa dahil totoo naman. Kahit paano ay may tatlong pelikula siya na paulit-ulit ko napanood dahil napakaganda ng story ng movie at napakagaling nitong umarte. I remember that he was nominated in Oscars because of that movie.
"Really?" Jeru smiled at me. "What movie of mine have you watched?" tanong pa niya.
"Iyong porn mo, Jeru!" Trace interrupted. I gasped. Ano na naman pinagsasabi nito? What porn movie?
Jeru get an ice cube at ibinato kay Trace na balewalang inilagan nito at hinila pa si Denise kaya tumama iyon kay Lev na saktong kausap ni Bree.
"Trace!" inis na sabi ni Lev at masamang tingin ang ibinigay rito.
"Why me?" Trace asked with his stupid grin. "That's Jeru! Stop blaming me, Tanders!"
Masamang tingin ang ipinukol dito ni Lev na binalewala lang nito. Ilang sagllit pa ay nagpaalam si Malori na pupunta lang muna sa pwesto ng ama na kanina pa raw ito hinahanap. I smiled to myself, mabuti na ang umalis na siya at nang mabawasan ang kalandian ni Trace. Inubos nito ang inumin sa basong hawak at tumayo na para iwan kami. Sana ay hindi na siya bumalik at kanina pa ako inis sa kaniya sa masamang tingin niya sa amin ni Elliot while she can't keep to be formal while with Trace.
Nang muling magtawanan sina Trace at Denise ay muling nabuhay ang inis ko at pinasadahan ng tingin si Denise na akala mo ay naligaw lang dahil sa ayos niya. Ito lang ang bukod tanging naka-crop top at tattered jeans sa party, everyone was in formal attire. Kung hindi lang siguro ito isa sa mga girlfriend ni Trace ay siguradong hindi ito makakapasok.
"That's empty, Chloe. Here's another one." Abot ni Logan sa akin ng panibagong bote ng beer. I smiled and thanked Logan and was about to drink again from the bottle when Trace took away the bottle from my hand.
"Enough of that," he said and gave a piercing eye to Logan.
"Why?" Logan asked. Nakangisi. "Why are you interrupting us, Trace? You have Denise there."
"Trace is interrupting because he's concerned. He thought he was the guardian devil of Chloe. Hayaan mo na si Chloe, Patring. Attorney Pogi is there at hindi nga niya inaawat si Chloe, ikaw pa!" Bree said with her one-sided smile at Trace.
"Concern?" natawang tanong ni Jake. "That's amazing that you now know the word, Trace. Kailan mo nakilala si 'concern'?"
"Fucking shut up!" Trace hissed.
Elliot whispered something to me na hindi ko naintindihan dahil ang atensyon ko ay nasa sagutan nina Trace at Jake. I just nodded at Elliot dahil alam ko na nagpapaalam siya na may kakausapin lang muna, kung sino man kakausapin ay hindi ko rin kilala kaya tumango lang ako.
Nang wala na si Elliot sa tabi ko ay nagpaalam ako kay Bree na punta muna ako ng washroom, she said she would accompany me but I don't want to disturb her so I said na ako na lang.
I stood up and I felt dizzy. Muntik pa akong mapaupong muli pero pinilit ko na ituwid ang tayo ko. The hell with this 6-inch pumps na suot ko! Ito ang dapat ko sisihin. I stepped out of the table and was about to step forward palayo sa kanila when I felt nauseous again and hold on to the top rail of the chair that was near my grasp.
"Are you okay?" Trace asked at agad napatayo as he hold my upper arm para hindi ako matumba. I didn't answer and gave him a squinted eye. Tatanong-tanong pa! Bakit ba hindi na lang niya intindihin ang kasama niyang maharot na si Denise?! Bagay sila!
I shook my arm para mabitawan niya and I stepped forward and managed to walk away from them when I almost fell as I slipped. Someone grabbed my arm para hindi ako matumba and I murmured thanks as I gave the another handsome man a look. Parang nakita ko siya kanina, siya iyong isa sa mga kasama ni Trace. Damn! Wala bang pangit sa mga kaibigan ni Trace? They all look hot and dreamy.
"You should be careful," he said before he left me.
Dumiretso na ako sa banyo at napasandal ako sa wall nang nasa loob na ako. Ang resulta ng sunod-sunod kong pag-inom ng beer ay umepekto na at hilong-hilo na talaga ako. Nasusuka na ako. Mabilis akong pumasok sa isang cubicle at doon ako sumuka ng sumuka.
Nang pakiramdam ko ay medyo okay na ako ay lumabas na ako ng cubicle and goes to the sink when I raised my face to look at the mirror ay nakita ko na nakatingin sa akin si malori. Ni hindi ko na siya napansin kanina pagpasok ko sa sobrang hilo ko. Malori was giving me a bad eye as she kept on showing her contempt on me.
TRACE
When Chloe faltered her steps and holds on my chair dahil mukhang may tama na siya sa dami ng ibinigay ni Logan na beer sa kaniya ay napatayo ako para masiguro na hindi siya matumba. Her steps were unsteadily pero nagmaldita pa na masama ang tingin sa akin nang tanungin ko kung okay pa siya.
Iritable na binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak ko at alam ko naman kung ano ang dahilan ng kinakainis niya, sina Denise at Malori. I grinned and followed her movements when I signal Nite to follow her. Nang lingunin ko si Eut ay kausap pa rin nito si Isauis.
Chloe was obviously jealous of Malori and Denise. Mukhang nag-iinarte pero halatang may gusto rin talaga sa akin. I saw how she almost slipped and Nite helped her stand straightly at pasimpleng iniwan na siya. Nite nodded at me, telling me na okay lang si Chloe.
"Puntahan ko muna si Paige at kanina pa ako naiinggit sa regalo ni Elliot sa kaniya..." paalam sa akin ni Denise. "At... sundan mo na kaya si Chloe kaysa para kang stalker nakatingin lang d'yan," natatawang bulong pa niya.
"Are you going to Paige?" tanong ng daisy ni Lev na biglang tumayo at lumapit kay Denise. "Sama ako at boring na dito."
"Tara..." aya ni Denise kay Bree and I saw how she left another glance at Jake.
Nang wala na ang mga babae ay saka nagsalita si Daxon... "Kaya ayokong ma-in love, istorbo sa buhay. Panggulo sa grupo ang mga babae na 'yan."
Jeru grinned. "Agree. I am the actor here pero mukhang nanonood ako ng eksena sa pelikula kanina pa," natatawa nitong sabi.
"Why is Denise here, Trace?" Jake asked me.
"She's a friend." I grabbed another bottle of beer and drank from it.
"And how do you know Malori?" Elliot asked acidly na nakalapit na pala. Nakikita ko ang galit na galit niyang tingin sa akin. Alam ko naman kung ano ang ikinagagalit niya. Ayaw niya kay Malori dahil anak ni General Fornales na kaaway niya.
"She's a guest and as far as I know, you have no reason to question me about Malori," nang-aasar kong turan. Elliot just clenched his jaw and I just gave him a grin.
"Mga kupal kayo! Kanina pa ako hindi natutuwa sa pag-iinarte niyo pareho. Para kayong teenager na nag-aagawan sa crush, para kayong mga batang paslit na nag-iinggitan ng laruan. Umayos kayo at kung hindi lang dahil kay Paige ay kanina ko pa inaya si Bree umalis. Mga isip-bata!"
"Relax, Lev..." natatawang wika ni Logan dito. "Nakaka-excite nga ang mga eksena."
"Fuck, Logan! Natutuwa ka pa talaga sa ugali niyang pinsan mo? Hindi na ako magtataka kung isang araw ay may kaso ka nang sexual harassment na kailangan ko aregluhin kapag mayor ka na," Elliot said. Naiiling. Alam ko na sa akin badtrip ang gago, nadadamay na naman si Logan.
"Para saan pa na abogado ka ng organisasyon? Ano sabi mo kanina sa akin? That as far as you know ay ikaw lang ang abogado sa grupo. You should live with it! Sayang ang kayabangan mo!" ani ko. Masama ang tingin na binibigay ko kay Eut.
"I am the only lawyer here. Indeed. But it doesn't mean na naging abogado ako para lang ubusin ko ang panahon ko sa mga kalokohan niyo ni Logan. Akala mo ba na madali lahat ng areglo na ginawa ko sa mga taong gusto kang kasuhan?!" badtrip na tanong ni Eut sa akin.
"Bakit? Sinabi ko bang ayusin mo?"
"Damn it, Trace! Hindi ka na teenager at hindi ka na kabilang sa mga juvenile delinquent kaya hindi ka ba nahihiya na palagi ka na lang nagsisimula ng gulo?" painsultong tanong ni Eut sa akin.
"Huwag na huwag mo ako sinesermunan, Yot! Huwag mo ipagmalaki sa akin mga ginawa mo. Wala ako pakialam sa drama mo sa pinili mong propesyon. Puro ka yabang na kahit pamilya mo ay gusto mong yabangan! At isa pa, you are the lawyer but I am the head of Foedus. Baka nakakalimot ka na..."
"You're nothing but a gangster who loves to be labeled as a leader. You prick! What did you bring to the table? Tell me? All you know is to fuck things up. You are nothing but a walking mess!"
"Puta!" mura ko. I am just playing words with Elliot pero mukhang napikon na naman at lumalabas ang galing niya sa pang-iinsulto sa akin. Abogado nga naman.
I gave an eye to Lev and his warning look telling me to stop the inevitable another fight with Eut that made me grin. Kung gusto ni Eut ng gulo ay pagbibigyan ko.
"Oo, puta! Puta lang bagay sa 'yo, Trace! You want Chloe? She's decent at hindi bagay sa gaya mo!"
"Why? You like Chloe too?" I asked Elliot dangerously. Isang maling sagot ay magbabawas ako ng kaibigan. I never took any woman of them. Kahit sino sa kanila ay wala akong inahas. I could be tagged as the worst one among us pero ni minsan ay hindi ko pinakialaman ang kung sino man sa naging girlfriend nila.
"I like her and she deserves someone like me, not you! She likes me too, hindi mo ba nakikita? Mukha ka na ngang papansin na kanina pa trying hard makuha ang atensyon ni Chloe and even connived with Malori para lang asarin ako."
"Tangina ka!" galit na sabi ko na and kicked hard the chair between us na naging dahilan para mapatingin ang mga nasa kalapit mesa namin.
Elliot didn't moved even the chair hits him. Tinadyakan niya ang upuan pabalik na agad ko naman pinigilan tumama sa akin and grabbed the chair and hit Elliot with it.
"Tangina, Trace! Tumigil ka!" I heard Lev's voice trying to stop me but it just triggered me.
Elliot raised his arms to shield his face with the chair pero iyon ang dahilan para mabalandra siya sa katabing mesa nang tamaan siya. He managed to stop my another attack when he struck me with his foot that landed on my chest na dahilan para mapaatras ako.
Tangina! Mabilis kong binitawan ang upuan at nilapitan si Elliot but I saw na nakatayo na siya ng diretso. He punched me instantly and it hits my right jaw. The punch he gave me made me taste my blood as it made me bite my tongue and broke the side of my lips.
I hate it! I gave an uppercut to Elliot as my adrenaline arises every time I am into a fight. I heard Logan's laugh and the cheering voice of Jeru. Fuck them! They want a show, I will give it to them.