Chapter 11: Confusion
Jane POV
" Lyn, wag magpapasobra di ka puwedeng ma-stress, tahan na baka mabinat ka," alo ni Annah kay Lyn. Minu-minuto na lang umiiyak siya. Kahit kami nahahawaan na eh. Kahit kami di pa din makapaniwala sa nangyari, and worst is totoo ba ito? Totoo bang mabuntis ang isang tao kahit na di nagkakaroon ng pagtatalik? Napakaimposible. I know may mga doubt kami sa nangyayari, what if diba nagsisinungaling lang siya? What if tinago niya lang? O di kaya may something na nangyari while she is unconscious? Puwede ding basehan ang mga mitolohiya? Ewan napakaraming posibilidad pero hayyysss.
" B-bakit ko ba n-nararanasan 'to. God knows h-how much clean m-my body. T-tapos m-magigising ka lang na HUHUHUHU b-buntis ka na p-pala," humahagulgol niyang iyak. Kaya pala ang daming strange na ginawa niya, buntis na pala siya, buntis na pala siya ng walang alam. Paano 'yon?
" You know what, there's a little doubt. Di pa din ako makapaniwala, you got preggy without doing that sexual thing? That's rare," komento ni Grace. Naku sisss.
" Agree, there's a part of me na di ako makapaniwala," sang ayon ko sa kanya. Kahit sino sabihan mong buntis ka tapos isa kang certified virgin? You think they will bite that? They might think you're lying.
" Stop it, you're not helping," awat sa amin ni Joli. Pinalabas lang namin kung ano ang aming saloobin sa nangyayari.
" D-di ba k-kayo n-naniniwala sa'kin?" Putol na putol na tanong ni Lyn. Mugtong mugto ang mga nito sa kakaiyak. Mula no'ng nalaman niya na may dinadala siya parang nawalan na 'to ng buhay. Palagi na lang nagkukulong sa kuwarto. Pasalamat siya weekends. Kahapon pa lang kami nakalabas sa hospital need kasi ng monitor lagi kasi maselan ang pinagbubuntis niya.
" I trust you naman kaso may mga bagay talaga na kailangan ng assurance," sagot ni Grace sa kanya dahilan para maiyak ito lalo.
" I can't force you na maniniwala kayo sa akin. Maybe you found it lame reason. Na sa'yo na 'yan kung maniniwala kayo basta alam kong sinasabi ko lang ang katotohanan," straight niyang sabi habang pinupunasana ang nag uunahang luha niya.
" Hindi naman sa di kami naniniwala sa iyo Lyn. We're friends diba so natural magiging concern kami sa kalagayan mo. Ganito na nga ang reaction namin na mga barkada mo, how much more sa labas? Sa ibang tao? Sa parents mo?" Mahabang lintanyang sabi ko. Paano na lamg diba? Ano na lang sasabihin ng mga tao sa kanya? Pustahan tayo kung walang niisang matatawa o di kumagat sa rason na 'yan.
" Isa ka pa Jane. Mapapaisip mo siya lalo, di talaga kayo nag iisip 'no pshhh!" Inis na awat sa'kin ni Annah. Don't tell me naniniwala sila agad? As in agad-agad talaga? Shakk!
" No, it's okay, kaya ko ang sarili ko," Lyn. Nakahiga kasi ito sa kama niyang nakadapa habang umiiyak.
" Well kung iisipin talaga, may point naman din sila Grace. Maging practical tayo sa panahon ngayon. We all know kung gaano na ka-polluted ang mga attitude at behaviour ng mga tao ngayon," salita ni Elle para maagaw ang pansin namin. Kanina pa 'yan tahimik na nakatayo sa gilid, buti naisipan niya pang magsalita.
" Glad may dila ka pa pala pfft," sabi ko sa kanyang pabalang.
" Kung totoo man ang sinabi mong 'yan kailangan ng masusing proseso 'yan," out of nowhere na sambit ni Grace. Alangan naman tatanggap ka na lang na buntis ka without knowing why? Aishh kasakit sa ulo mag isip basta ang alam ko confirm na buntis siya hayyss.
" So di ka naniniwala sa sinabi niya? Ano ba pinapalabas mo Grace na nagsisinungaling si Lyn?" Nakaramdam ako ng kaba ng biglang sumingit si Joli na medyo galit dahil sa pamamaraan ng tono ng pagsasalita niya.
Napaangat naman ng tingin si Grace at tiningan si Joli ng walang pakialam. Naku!
" Excuse me, wala akong sinasabing ganyan, ikaw mismo ang nagsabi niyan, wag mong itulak sa akin kung ano ang naiisip mo," sagot nito sa kanya na mahihimigan mo talagang naiinis na din siya.
" WALA KANG SINASABI PERO 'YAN ANG PINAPALABAS MO!" Sigaw ni Joli para matauhan kaming lahat. Sinasabi ko na nga ba.
" EDI SORRY KUNG ANG PAGKAKAINTINDI MO AY GANYAN PERO YOU CAN'T REGRET FOR SAYING THAT. DON'T ME, I KNOW ALL OF YOU HAVE A DOUBTS. WAG MONG IPASUBO SA AKIN LAHAT!" Sagot ni Grace para tumaas na talaga ang tension sa kuwarto. Umiiyak lang si Lyn habang nakikinig sa amin. Napasabunot na lang si Joli sa sarili.
" Guys kalma lang, chill. Paano natin malulutas diba kung tayo mismo ay di nagkakaintindihan," pakalma sa kanila ni Annah. Dunno, di ko na alam talaga.
" Tumahimik na kayo, wag kayong mag away ng dahil lang sa akin. Wag kayong mag alala, mamaya aalis na muna ako dito, uwi mo na ako sa amin para wala ng problema," sabi ni Lyn para tumahimik kaming lahat at nakulong sa sariling pag iisip.
Bumangon siya at umupo sa kama. Nakaalalay pa din sa kanya si Annah.
" Sorry for bringing this mess. I can't afford na mag aaway lang kayo dahil sa akin," nakangiting sabi niya habang pinapahiran ang mga luhang rumaragasa sa pisngi. Dunno pero nakaramdam ako ng awa. Nararamdaman ko na lang ang pag init ng mga sulok ng mga mata ko. Umiwas ako sa kanyang tingin at napayuko na lang, naiiyak na ako.
" NO! Di ka aalis dito, diba may problema ding hinaharap ang pamilya mo? S-sorry sa inasta ko b-but I can't let you go h-home," protesta ni Grace at namamaos ang boses. Maybe she's maldita pero she have a heart as soft as cotton.
" Y-yeah me too, a-ayaw kong umalis ka Lyn. Sorry. Sorry s-sissy," naiiyak na sambit naman ni Joli para mapangiti akong may luha sa aking mga mata. Mga baliaw talaga, kahit anong mangyari mananatiling nasa ibabaw ang pagkakaibigan.
" O-ne for all, a-all for one tayo diba? K-kaya sabay natin 'tong haharapin," saad ni Elle na naluluha na din.
" LETS FIGHT TOGETHERRRR!!!" Sigaw ni Annah para manumbalik ang mga lakas namin. Ang drama diba.
" Ang drama niyo, naiiyak tuloy ako langya HAHAHAHA," dagdag niya pa sabay punas sa kanyang mata. Pagdating sa iyakan wala talagang ligtas, lahat apektado at mabilis maiyak BWAHAHAHAHA.
" Basta ninang ako," Joli.
" Ikaw lang? Aki din," Grace.
" Kayo lang dalawa, tayong lahat uyy," Annah.
" Excited na ako sobraa," Elle.
Reaksyon nila at nanumbalik na ang tensyon kanina. Ohh diba bongga, pagkakaibigang puno ng pagmamahalan.
" S-salamat talaga sa inyo. K-kayo pa muna makakapitan ko sa ngayon. Nasa shock stage pa din ako sa nangyayari," emosyonal na sabi ni Lyn. Syempre naman aky bilis kay ng pangyayari.
" No worries, we're here for you Lyn. Supportive Mommy Ninang hereee," pampakalma sa kanya ni Joli. Owshii Mommy Ninang ganda naman.
" Pahingi nga ng mahigpit na yakap," nakabukas niyang brasong sabi. Nagsitayuan naman kami at lumapit sa kanya. Nagyakapan kaming lahat habang nakangiting may luha sa aming mga mata.
" No worries girl, you can count on me," Elle.
" Yeah we can be the father of your baby," Annah.
" Ohh diba bongga, isang mama tapos limang papa awiitts," Jane.
" Sabay natin 'tong haharapin. Fight!" Joli.
" Let's solve this together. Laban!" Grace.
" Basta nandito lang kami para sa iyo. Basta lalaban ka din para sa sarili mo," sabi ko naman habanh nakayakap pa din kami sa isa't isa.
" Thank you so much, ang sarap sa pakiramdam," owshi talaga ang sarap lalo na at may masasandalan ka sa tuwing down na down ka. Kay sarap magkaroon nga ganitong klase ng magkakaibigan. Walang halong plastics at kaartehan. Kahit ano man ang mangyari at problemang dumating, mananatilig matatag at sabay sasabak ang lahat. Well kami yata 'yan. We called our group ' Animme" short for anim me, diba anim kami? Kaya animme.
" I LOVE YOU ALL," Lyn.
" WE LOVE YOU TOOOOO," Koros naming sabi sabay nakangiti at nagtatawanan na. One of my precious gems that I have is them, my sister, my partner in crimes and my best of friends.