Chapter 14

KINAUMAGAHAN, maagang gumayak si Clark para puntahan si Tamara. Mahirap nang pumalyang pumunta sa kanila baka isipin pa nila na mangloloko siyang tao.

Pagbaba niya papalabas na sana siya sa may pinto nang tinawag siya ng kanyang kasambahay.

"Sir, sandali lamang!" napalakas na tawag nito kay Clark.

Napahinto si Clark humarap hinintay na makalapit sa kanya ito.

Nang nasa harapan na niya ito."Yes, Glenda. May sasabihin kaba sa akin?"

"Sir, may dumating kahapon na invitation card mo, baka importante."

"Ganon, akin na."

"Sandali lang po sir, kukunin ko nasa may lamesa ito ng telepono."

"Okay, hintayin kita rito. Make it fast please, may pupuntahan ako."

Tumango at nagmamadaling tinungo nito ang lamesa.

"Clark, may pupuntahan kaba? Hindi kapa nag almusal, ah?" si Nana Mabel na kalalabas mula sa kusina.

"Oo, Nana. Doon na lang po ako mag aalmusal sa pupuntahan ko."

Tinitigang ni Nana Mabel ang binata. Kakaiba kasi ang aura nito ngayon maaliwalas ang mukha.

Napakunot ng noo si Clark, napansin niya ang pagtitig ng ginang sa kanya."Nana, anong meron sa mukha ako?"

Ngumiti ang ginang."Wala naman, Clark. Pero may pagbabago ito."

"Mas naging guwapo ba ako ha, Nana?" biro niya.

"Dati ka nang guwapo, Clark. Nakikita ko kasi na masaya ka."

"Well, remember iyon sinasabi ko sa iyo, Nana."

"Iyon sinabi mong liligawan mo?"

"Yes po."

"Sinagot kana niya?" may excitement sa mukha nito.

"Hmmm, parang ganon na nga Nana, at meron pang mas magandang balita diyan."

"Talaga? Ano-ano, Clark?" lalo yatang na excited si Nana Mabel.

"Inaya ko na siyang magpakasal kami."

"Ano? Kasal kaagad?" gulat ang ginang hindi niya akalain na masasabi nito ang salitang kasal.

"Nana, naman!"

"Clark, ikaw ba iyan, ha? O baka nilalagnat ka lang." Napalapit pa ito at sinalat ang noo ng binata.

Natawa si Clark."Nana Mabel naman, okay po ako wala akong sakit you know me hindi uso ang salitang sick sa akin I am a healthy man."

"Kasi naman, kasal na ang sinasabi mo, eh."

"Kailangan, Nana. Gusto ko na kasing magkaroroon ng anak."

"Clark, iyan ba ang dahilan mo?"

"Yes, si Tamara ang makakapag bigay sa akin nito, Nana."

"Sir, heto na ang invitation mo."

"Thank you, Glenda."

"Walang ano man, sir." umalis na ito.

"Nana, I have to go now."

"Sige, marami pa naman araw para maikuwento mo sa akin kung sino si Tamara."

"Nana, hindi ko lang siya ikukuwento, ipakikilala ko pa si Tamara sa iyo."

"Sinabi mo iyan ha, Clark."

"Nana, kilala mo ako hindi ako sinungaling na tao, paano po maiwan na kita."

"Mag ingat ka palagi, Clark."

"I will, Nana. Ngayon pa at may Tamara na ako." Lumabas na siya at mabilis na sumakay na sa kanyang kotse.

Nakangiting nakatanaw ang ginang kay Clark. Talagang hindi siya makapaniwala sa tinuran nito. Aba kasal agad eh, alam niya ayaw nito na mag asawa ayaw na ayaw magpatali sa isang babae. Para sa kanya himala ang nangyayari sa tinuring na niyang anak.

Sa sandaling iyon nasa labas ng bahay ni Clark si Carmina, para itong private investigator ng makitang lumabas na ang kotse ng binata lihim niyang sinundan ito. Kanit na alam na kung saan pupunta ito. Gusto pa rin niyang makasiguro kung doon nga ang punta ni Clark.

SA PUWESTO abala si Tamara sa umagang iyon dahil marami nang costumer.

"Tiya, bakit ang daming tao ngayon?"

"Oo, marami balita ko may shooting dito ngayon."

"Kaya pala, Tiya."

"Mabuti nga ng makarami tayo. At mapaaga ang pag-uwi natin ngayon."

"Oo nga, Tiya."

Patuloy ang pagdagsa ng mga tao na makikibahagi sa magaganap na shooting ng isang pelikula Pilipino.

Nasa parking area na si Clark sa Obando napatingin siya sa invitation card na nilagay sa kabilang upuan kinuha ito binuksan."Gala party!"

Mula ito sa isang kaibigan na ang negosyo ay sikat na alahasan sa bansa. Tanging may pera ang makakabili ng mga nagmamahalan ginto at mga diamonds at ibat-ibang uri pa ng alahas

Alam naman ni Clark na maglalabas na bagong product ang kaibigan napangiti siya."Tamang-tama, isasama ko si Tamara," aniya.

May ngiting bumaba sa sasakyan niya si Clark at tinungo ang kinaroroon ni Tamara.

PAISA-ISA na lang ang bumibili kaya itusan ni Emily si Tamara na kumain muna.

"Tiya, sabay na tayong mag almusal."

"Ikaw muna para may bantay dito."

"Sige po."

Naglalakihan naman ang ginawang paghakbang ewan ba niya sa kanyang puso may pananabik na masilayan ang dalaga.

Naikuyom naman ni Carmina ang kamao at nakikita niya sa mukha ni Clark ang excitement."Bakit siya pa, Clark? Mas marami naman diyan na hihigit pa sa akin, she's poor baka yaman mo lang ang habol niya sa iyo. Well pag iyan ang pakay sa iyo ng babaeng kinababaliwan mo ngayon humanda siya sa akin kakalbuhin ko siya sa haparan mo!" Sa ngayon hahayaan muna niya Clark alam niya na nahuhaling ito sa babae dahil bago palang silang magkakilala. Ganon naman ito pero pag nagsawa na sa kanya pa rin babalik si Clark. She want to seen that pag nangyari ito pagtatawanan talaga niya ito. At sasabihin sila talaga ang nakalaan para sa isat isa.

Pasilip-silip si Clark sa puwesto nila Tamara, kung meron ang dalaga ng wala siyang nakita, nakaramdaman siya ng panglulumo.

"Tiya, tapos na ako ikaw naman," biglang lumitaw ang dalaga.

Ngiting-ngiti si Clark ng makita ang dalaga. Parang Leon ang kanyang puso roaring so laud.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dalagang nakatalikod.

Abala naman si Tamara sa pagtitiklop ng mga damit na nagulo. Kung kayat hindi niya namalayan na may tao sa kanyang likuran. Pero may naaamoy siyang pamilyar sa kanya.

"Good morning, honey!" may bumulong sa kanyang tenga.

Kahit hindi lingunin ni Tamara kung sino ito. Kilala naman kanyang puso ang tinig at amoy nito. Ganon kabilis niyang salaulo ito.

"Walang bang sagot diyan, honey?" lalo pang inilapit ni Clark ang labi sa tenga ni Tamara.

Intensity 10 degrees yata ang pumapalo kay Tamara sa oras na iyon. Isa lang ang naiisip niya humarap sa binata. Para ipadama ang bultahen nasa katawan na dulot nito.

Wala naman imik si Emily habang nakatingin sa dalawa. Binalewa niya ang dalawa sa pagkain tunuon ang atensiyon.

Digta ng puso ikinawit ni Clark ang dalawang braso sa bewang ni Tamara."Honey naman talk to me please!" kanyang bulong muli.

Nanigas ang katawan ni Tamara. Para siyang naliliyo sa ginawa nito ramdam pa naman niya ang init ng katawan ni Clark. Eh, lalo na ang matigas nitong dibdib mostly ay ang nasa ibaba ng sinturong nito.

Hindi natagalan ni Tamara ang ganon siswasyon nila para nang lalagnatin siya. Humarap siya sa binata. Na hindi sila nagkahiwalay. Para lang magulat. Isang matamis na halik ang isinalubong ng binata sa kanya.

Ang mga bibili sana sa kanila nakatingin na may ngiti sa labi nila.

Tamang tapos ng kumain si Emily."Ehem, negosyo muna bago iyan!"

Sa narinig ni Tamara, kanyang itinulak si Clark.

Pinakawalan naman ni Clark ang dalaga pero sa labi lang.

"Ti-tiya!" nahihiyang turan ni Tamara.

"Kay aga mo naman mangligaw, Clark?"

"Tiya, hindi na po ako nangliligaw, Tamara's may girlfriend soon to be my wife po."

"Sige, wala na akong masabi, tutulong kaba sa pangtitinda?"

"Puwede naman po Tiya para mabilis tayong makaubos."

"Ganon? Mahirap yata iyan sinasabi mo?"

"Madali lang, Tiya, watch me."

"Anong gagawin mo?" si Tamara.

"Honey, you watch me too. Teka kung makarami tayo, may kondisyon ako."

"Kondisyon? Ano?"

"Tiya, sasama sa akin ang honey ko!"

Kinikiliti naman ang talampakan ni Tamara sa pagtawag sa kanya nito ng honey.

"Saan naman, Clark?"

"A date?"

"Sige, papayag ako. Pero tignan natin kung may mabenta ka."

Nilislis ni Clark ang polo hanggang siko ng matapos tumingin siya kay Tamara sabay kindat pa.

Ngiting-ngiti naman ang dalaga sa kanya.

"Ladies and gentlemen, halika na kayo ngayon ay buy I take 2!" kanyang sigaw.

Nanglaki ang mata ni Tamara. Ngiting-ngiti naman ang tiya niya.

"Tiya, malulugi tayo!"

Walang imik na aamuse kasi siya kay Clark.

Ayaw yatang magpalugi ni Tamara nilapitan niya si Clark.

"Ano iyan sinasabi mo ha, ipapalugi mo ba kami?"

Nakapamaywang na humarap si Clark sa dalaga."No honey, I will not do that."

"Hindi? Eh, ano iyan ginawa mo?"

Nag dagsahan naman ang mga tao.

"Came near me, honey"

Lumapit naman si Tamara rito."Ano?"

"Babayaran ko na lang ang dalawa para madali kayong makauwi para sa date natin mamaya." mahina niyang sabi para hindi marinig ni Emily ang sinabi.

"Sira ka talaga!" Napangiti tuloy siya.

"Lovely smile, honey!"

"Tseee!" tinalikuran na niya ito dahil marami ng tao.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Clark. At patuloy siyang nagtatawag ng bibili para madali silang makaubos na.