Chapter 15
MAAGA palang kunti na lang ang maninda nila Tamara, dahil sa ginawa ni Clark. Na pagbargain sa lahat ng items.
Habang nag-eempake na sila."Loko kang bata ka ha, Clark. Lugi ako sa pinag-gagawa mo!" Dahil walang alam si Emily kaya medyo mainit ang ulo kahit na kanina eh nakangiti siya.
Napansin ito ni Clark."Tiya, do not worry hindi ka malulugi, may tubo kapa."
"Paano aber? Heto nga lang ang napagbintahan, sus maryosep saan naman ako kukuha ng ipupuno ko nito!"
"Tiya, babawi na lang tayo sa susunod," sabat ni Tamara.
"Wala kayong babawiin. Dahil babayaran ko naman yon iba o lahat. I told you already, honey."
Kinuha ni Clark ang pitaka naglabas ng pera sabay abot kay Emily.
Nagkatingin ang mag tiya dahil makapal ang inaabot ng binata.
"Take it, Tiya."
Napatitig si Emily sa pamangking pero kailangan niyang abutin ito para hindi siya malugi saka kasalanan naman nito." Mga mayayaman talaga oh, parang walang silbi ang pera sa kanila." Sa isip na lamang ni Emily ito.
"O, siya kukunin ko pero hindi lahat sobra naman yata iyan."
"Okay lang po Tiya, maybe tomorrow puwedeng hindi kayo mag open," may ibig sabihin ang tinuran ni Clark.
"Hmmm, at bakit naman?"
"Ganito po Tiya, bukas ng gabi isasama ko si Tamara, sa isang party."
"Party?" sabay ani ng mag tiya.
"Oo, kung puwede lang naman, pero kung ayaw mo honey. it is okay. Pupunta akong mag-isa," may paawa epek huling tinuran ni Clark. Ang tanong epektib kaya ito sa dalaga?
Nagkatingin ang mag tiya. Hinihintay naman ni Tamara, kung ano ang sasabihin ng tiya.
Kahit si Clark ganon din pero ramdam niyang sasama ito sa kanya.
"Ikaw ba, Tamara. Gustong mo bang susuma kay Clark? Kung ako ang tatangin mo kahit na ayaw ko pag gusto mo wala akong magagawa di ba?"
Nanglumo si Clark sa narinig. May possibility kasi na hindi sasama ang dalaga sa kanya kung ayaw ng tiya nito.
"Tiya, kung ayaw mo. Hindi po ako sasama sa kanya."
Clark felt so sad pero hindi niya pinahalata ito sa mag tiya.
"I understand, naman po, Tiya." Ngumiti siya para ipakitang okay lang siya."So, I have to go now, para makapaghinga muna ako sandali, bye honey. See you later!"
Tumango ang mag tiya, bilang tugon sa pamamaalam niya.
Kaybigat ng paa ni Clark nahumakbang, for the first time nakuha siya ng rejection. Napabuntong-hininga siya sa kanyang isip. Ganon pala ang pakiramdam ng inayawan he felt so empty.
"Tiya, kawawa naman siya!"
Kahit si Emily ganon din ang nakikita niya kay Clark."Ang tanong, Tamara. Gusto mo ba siyang samahan sa kanyang dadaluhan party?"
Sa kanyang puso Oo, pero ayaw naman niyang may masabi ang tiya sa kanya. Sa nakita niya kay Clark nakangiti man ito but to his eyes makikita mo ang lungkot, sigaw ng damdamin gusto niyang pawiin ito.
Tumingin si Tamara sa tiya sabat tango rito.
"Ano pa ang ginagawa mo habulin mo siya at sabihin, na sasama ka bilisan mo hindi pa iyon nakarating sa car park."
"Talaga, Tiya?" biglang na excited si Tamara. At makikita sa mukha ang saya.
"Narinig mo ang sinabi ko di ba? Hindi ka naman bingi!" Nakangiti na rin si Emily.
Hindi hakbang ang ginawa ni Tamara kundi takbo.
Napailing si Emily. Pagbibigyan na nga lang niya ang pamangking in love eh. Nakikita niya ang kapatid sa anak nito ng magmahal lubos ang tanging hiling lang niya sana hindi matulad sa ina si Tamara. At ang dalanging niya na sanay totoo ang pagsintang pagsuyo ni Clark kay Tamara..
Dinukot ni Clark ang susi ng kotse pinindot ang unlock nito. Pasakay na siya ng may tumawag sa kanyang pangalan.
"Clark!" hinihigal na tawag ni Tamara.
Awtomatikong nilingon ni Clark ang dalaga dahil kilala niya ang boses nito na kahit pagod.
"Tamara? What happened? And why are you running?" Sinalubong niya ito sabay hawak sa baywang ng dalaga para alalayan.
"Hi-nahabol kasi kita!" Napahinga pa ng malalim si Tamara at hinahabol ang kanyang paghinga.
"Okay, relax yourself. And rest for awhile." Isinandal niya sa kanyang dibdib ang katawan nito.
Pagod man napangiti si Tamara. Ngayon damang-dama niya ang matipunong dibdid nito. At the same time ang masculine scent nitong lalaking-lalaki. Pakiramdam niya she's safe and comfortable to his arms. Sinamahan pa ng electric sparks sa kanyang katawan.
Ganon din ang pakiramdam ni Clark, he love what happened right now. At ang kuryenteng naradama niya kakaiba hindi init ng katawan ito. Ito ay nanunuot sa kanyang puso. Tila ba sinasabi nito na she's the right woman for you.
They both feel the same kung kayat sa oras na iyon parang kanila na ang mundo hindi nila alintana ang mga matang nakatingin sa kanila.
Habang pinakakalma ni Tamara ang sarili. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Clark. Means at sigurado siya na sasama ang dalaga. Sa party na pupuntahan niya.
Huwag kang assuming Clark. Baka may sasabihin lang siya sa iyo. sigaw ng kabilang isipan niya.
Fine.
Kung titignan they are loving couple. Nang may napadaan na dalawang babae mga tindera sa kabilang puwesto. Napahinto sila at makikita sa mata nila ang inggit.
"Tamara, boyfriend mo?" tanong nang isang babae.
Nanglaki ang mata ni Tamara. Boyfriend na kaagad kasi ang tanong nito. Inangat niya ang ulo upang sagutin ito. Pero hinawakan ni Clark ang kanyang ulo ibinalik sa dibdib nito.
"Yes, may problema ba?" si Clark na ang sumagot.
"Wa-wala naman!" Nahihiyang tugon ng babae hinila na ang kasama. At mabilis na umalis.
Ang puso ni Tamara, ngumingiti sa narinig mula sa mismong bibig ni Clark.
"Kamusta na ang pakiramdam mo honey? Okay na ba?" malambing na sabi nito.
Ayaw man sanang mawalay ni Tamara sa mainit nitong dibdib, pero kailangan baka sabihin nito namimihasa na siya. Napaunat bigla siya ng tayo.
Pero nakapulupot pa rin ang bisig ng binata sa kanyang baywang they still connected. Yun kakaibang nararamdaman nila sa isat-isa ay hindi mawala-wala.
"Oo, nawala na ang pagod ko."
"Okay, bakit mo ba ako hinabol, honey?"
Alanganin napangiti si Tamara, kahit papaano may hiya siyang sabihin na sasama siya.
Na sense no Clark ito."Honey, huwag kanang mahiya itapon mo ito. Tell me what's it?"
"Sa-samahan na kita!" muntik pang hindi lumabas ang boses niya.
"Talaga, honey?" sobrang galak ang nararamdaman ni Clark.
Tango ang tugon ni Tamara kay Clark.
"Ahhh, thank you, honey. Thank you!" Tuluyan niyang niyakap ang dalaga.
"Walang ano man!" kiming tugon niya.
Panandalian katahimikan ang namagitan sa kanila para bang nagkahiyaan pa.
"Ma-maiiwan na kita!" kumalas siya sa pagkayap ni Clark sa kanya tatalikod na sana siya.
Hinawakan ni Clark ang kamay ni Tamara."Okay, take a rest. Because later may date tayo." Yeah una nilang date bilang couple then para makapag usap sila nang para sa kanila.
"Date?" ulit ni Tamara sa sinabi ni Clark. Kasi naman first time kaya niya. Meron naman nagyaya sa kanya noon kaso hindi siya pinayagang ng kanyang tiya. Himala nga at sumasang-ayon ito ngayon siguro naisip din nito na tumatanda na siya.
"Yes, gusto mo ba? pero kung ayaw mo okay."
Gustong-gusto ko. Nauunang sumagot ang isipan ni Tamara.
"Silent mean yes ba' honey?"
Hindi na sumagot pa si Tamara pero tumango naman siya bilang
Pagsang-ayon sa nais nito.
"Great, go now, baka naiinip na si Tiya."
Tamalikod si Tamara. Nakalimang hakbang palang siya ng magsalita si Clark.
"See you. At six pm, honey!" Medyo sigaw niya.
Nilingon niya ito. Ngiti at tango ang tugon ni Tamara sa binata.
Nang wala na sa paninging niya ang dalaga. Sumakay na siya sa kanyang kotse. Pagkaupo."YESSS!" matunog niyang sigaw. Para kay Clark ito na ang umpisa nang sa kanila ni Tamara. At sisiguraduhin niya hindi ito magsisisi na tinanggap siya nito sa kanyang puso kahit na bago palang silang magkakilala."You wouldn't regret, Tamara. That you loved me." Pinaandar na niya ang sasakyan dadaan muna siya sa sandali sa office niya para pirmahan ang important na papeles then uuwi na siya para makapaghanda sa date nila ni Tamara mamaya.
Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ni Tamara habang patungo siya sa kanyang tiya na naghihintay sa kanya.
Nang makita ni Emily ang pamangking abot tenga ang ngiti nito. Napangiti rin siya masaya siyang nakikita na masaya ito. Ngayon may unawaan na ang dalawa dalangin niya na maging matatag ang relasyon nila. Pero kahit papaano may agam-agam sa kanyang puso dahil kaybilis nang pangyayari sa pagitan nang dalawa. Pero kung masasaktan si Tamara sa bandang huli. Nasa tabi lamang siya nito para alalayan kung sakali dahil unang kabiguan nito. Nang makalapit na ang pamangking sa kanya."Tara na."
Kinuha ni Tamara ang basket na hawak ng tiya."Opo." May ngiting tugon niya at nagpatiuna na siyang naglakad matungo sa sakayan ng jeep. Ngayon lang nakadama ng kasiyahan si Tamara habang naglalakad kay gaan pa ng kanyang pakiramdam.