Chapter 13
PAG-UWI ni Clark sa kanyang bahay, nakasimagot na Carmina ang nakita sa may gate. Napailing siya ano ba ang ginagawa nito sa kanila ito ang pinakaayaw niya na pinupuntahan siya ng babae sa bahay nila. He can meet her or then anywhere huwag lang sa tahanan nila. For him kahit na ayaw niya sa salitang kasal para sa kanya ang babaeng aapak lamang sa loob ng bahay nila ay ang babaeng mahal niya o magiging kabiyak.
Binuksan niya ang gate gamit ang remote control pag pasok niya at pagkababa sa kanyang sasakyan.
Sinalubong agad ni Carmina si Clark."Saan ka ba galing ha, Clark? Hindi kita mahagilap where have you been?" kahit na gustong maging sweet niya iba ang lumabas sa kanyang bibig may inis ito.
Tinignan Clark ang dalaga. Ang pinakaayaw pa naman niya ay tatanungin kaagad-agad na hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay.
"Hindi lahat ng pupuntahan ko Carmina ay kailangan kung sabihin sa iyo, you're not my wife!" hindi naitago ni Clark ang pagkairita sa babae.
"I'm just asking, Clark. Why are you so defensive?"
"Yes, nagtatanong ka. But next time, ask me in a good way. Okay."
"Okay fine sorry, kanina pa kasi kita tinatawagang pero hindi ka sumasagot. And then suddenly, your phone is off. That makes me so mad!"
"Why are you here, Carmina?"
"Clark, kailangan mo pa bang tanungin iyan? I'm your girlfriend."
Ewan ba ni Clark, bigla na lang nagbago ang damdamin sa dalaga. Mali ito sa sinabing girlfriend niya. They are only partners in bed yon lang wala ng iba.
At gusto niyang sabihin sa dalaga na no hindi kita girlfriend I never said I like you. Pero ayaw niyang masaktan ito, well baka makakuha siya ng magandang tiyempo para masabing wala silang relasyon.
"Bakit natahimik ka, Clark? Something wrong?"
"Nothing!" tinungo na niya ang bahay.
Nakasunod naman si Carmina sa binata. Iba ang nasa isip ngayon she felt it ibang Clark ang nasa harapan niya. Dati kasi pagkakita sa kanya nakangiti ito now seryoso ang mukha para bang ayaw siyang makita nito." Nararamdaman ko may itinatago ka sa akin, kay tamlay mo po ahhh parang bang may iba kang babae. I will find out who is she."
Kunot ang noong napaharap si Clark kay Carmina dahil nakasunod pa rin ito sa kanya."Kung wala kang sasabihin sa akin, you can go home now, Carmina."
"What? Hindi mo ba ako papasukin sa loob, Clark?"
"No need, magkita na lang tayo sa labas. And my parents not allowed na meron babaeng pumapasok sa bahay namin," alibi na lamang niya pero siya ang may gusto.
Pero hindi natinag si Carmina niyakap niya si Clark."I miss you!"
Napapikit si Clark gusto niyang maramdaman na kung bibilis ba ang pagtibok nang puso niya para rito. Pero wala empty kung baga. Hindi kagaya ng kay Tamara his heart beating so fast. Kahit na iyon libog niya sa kanya tuwing naglalambing ito para sa mainit nilang tagpo nawala na rin. He knows why because of Tamara, talagang natagpuan na niya ang tinatawag na pag-ibig..
"Carmina, let me go para ka naman maaanod niyang!" Paksi niya sabay kalas sa kamay nito at humarap siya sa may pinto pero hindi mo na siya papasok hayaan muna niyang makaalis si Carmina.
Takang-taka si Carmina, dati naman hindi ganito si Clark. Ang tugon nito sa kanya dati a hot kiss. At may paggigigil pa. Now he's so cool.
"What is wrong with you, Clark? Why are you like that?"
"Nothing wrong, Carmina. Pagod lang ako I'm so busy this day!"
Sa narinig ni Carmina para siyang tigreng ano man minuto magwawala na."Busy? Common, Clark. You are not!" napataas na nang boses nito.
Humarap sa dalaga si Clark."Go home, Carmina!" malunay na taboy dito.
"Bakit ka ba ganyan ha, Clark? May babae ka bang bago?"
"Again, you act like my wife, Carmina. But you are not! Please go home now!"
"Tell me, Clark. Ang babaeng nakasayaw mo ba sa Obando, ha?!" ayaw paawat nito.
"Gusto mong malaman? Mabuti pa nga para matigil ka."
"Yes, kaya nga I said tell me!" nang hahamon na sabi niya.
"Okay, yes she's and I love her!"
"WHATTT?"
"You heard it so clearly, Carmina. Hindi ka naman bingi di ba?"
"Nagsisinungaling ka lang, Clark."
"I'm lying for what, kilala mo ako, Carmina. Kung ano ang sinasabi ko ay totoo hindi ko na kailangan pang magsinungaling."
"I do not believe this. Yes I know you, Clark. Ikaw ang taong hindi magmamahal ng ganon-ganon na lang lalo pa at you do not know her well."
"Yes, tama ka, I thought that too, but I was wrong, pag puso na pala ang nasasangkot ganon-ganon din itong magmahal, Carmina."
"Wow ha, ako na matagal mo nang nakasama you never said you love me."
"Because I never feel that way about you, Carmina."
Nag-iba ang timplada ng mukha ni Carmina sa narinig pakiramdam niya para na siyang tigre na ano man sandali mananakmal na."Damn you, Clark!" kanyang bulaslas.
"You said whatever you wanted, Carmina. I don't mind it. I'm sorry if I hurt you. nagpakatotoo lamang ako sa akin sarili."
"Ahhh, pinaglaruan mo lang ako, Clark!" gusto niyang umiiyak pero pinigilan ito because Clark knows she's a fighter.
"No, Carmina. Sa umpisa palang alam mo di ba? At palagi ko pang pinapaalala sa iyo. If you meet someone that you like and makes you even happier, then go with him."
"No, Clark. I love you!"
Napatitig si Clark sa dalaga pinakikiramdaman kung nagsasabi ba ito ng totoo. Pero kung totoo man it is too late dahil natagpuan na niya ang babaeng nagpalukso sa kanyang puso.
"I never felt that you loved me, Carmina. Maybe yes. But you never saw me. How do you love me?" nasabi niya ito dahil tuwing magkasama sila init ng kanilang katawan ang inuuna nila."Now for us is over. Maging stick to one na ako."
"Really? I don't think so, ikaw pa, Clark."
"I will change, dahil sa kanya. Tama nga ang sabi nila, love can make you change and can make you better."
"I do not believe you, Clark."
"Ipapakita ko sa iyo, Carmina. Na kaya ko I will."
"How? Marry her? You cannot do that Ikaw ang taong allergic sa salitang kasal."
"Nasabi ko na, I will change di ba!"
"Okay fine do it, pero kapag hindi mo nagawa, narito lang ako be your bed partner, dahil pareho lang tayo na ayaw sa kasal. Good luck sa gagawin mo, Clark, always remember I'm here for you."
Bago lumisan ang dalaga isang halik ang iginawad nito kay Clark. Halik na tila ba sinasabi na hindi mo ako makakalimutan.
Nang wala na sa paningin ni Clark si Carmina. Napabuntong hininga siya ng malalim at pakiramdam niya nabunutan siya ng tinik. At sumilay ang matamis na ngiti sa labi dahil wala ng hadlang sa kanina ni Tamara. But he knows Carmina, ito ang taong ayaw mag give up sa lahat ng gusto.
"Sana totoo sinabi mo, Carmina. Sana!" Pumasok na siya sa loob deretso siya sa kanyang silid upang magpahinga muna.
Sa kotse ni Carmina."Ahhhh! I hate you, Clark. I hate you!" sigaw nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
"TAMARA, natutulala ka diyan!"
Sa sandaling iyon nasa balkunahe ang dalaga nag-iisip ang sa kanila ni Clark.
Nilingong ni Tamara ang tiya."Hindi lang po kasi ako makapaniwala sa nangyari, Tiya!"
"Ikaw ba, ano ang gustong mong mangyari sa inyo ng binatang kay bilis na iyon?"
"Hindi ko po alam, Tiya, sa totoo lang nalilito ako."
"Ang puso mo ba ay nalilito rin ha, Tamara?"
Umiling si Tamara sa tiya, iba ang sinabi ng kanyang puso sundin ang nais ni Clark.
"Yun naman pala. Tamara, mas matinbang ang puso kaysa isip, ako sa napapanood ko nababasa at naririnig sa radio iisa lang ang payo o sinasabi nila sa taong may problema sa pag-ibig. FOLLOW YOUR HEART dahil dito ka liligaya."
"Tiya, hindi bat kay bilis ng lahat para sa amin kasal na agad ang sinasabi niya!"
"May alinlangan kaba sa kanya?"
"Kung ang puso ko ang tatanungin Tiya, wala po. Pero ang isip ko meron. Paano na lang kong pinaglalaruan lamang niya ako?"
"Pag ginawa niya iyan sa iyo, ako ang makakalaban ng taong iyon, Tamara, talagang ma chop chop ko siya ng pino!"
Napangiti si Tamara sa tinuran ng tiya.
"Si Tiya, talaga!" aniya.
"Hindi ako nagbibiro, gagawin ko talaga huwag lang siyang magloko lalo pa at ikaw ang natagpuan niya."
Tumayo si Tamara niyakap ang tiyahin."Salamat po!"
"Dito man lang ako babawi sa iyo sa lahat ng pagsusunhit ko." Ginantihan niya ng yakap ito."Ano ang disisyon mo, Tamara?"
"Sabi mo nga tiya, FOLLOW MY HEART. Kaya susundin ko ito alam ko naman na nasa likuran lamang kita kapag nasaktan ako!" may ngiting tugon niya.
"Ang masasabi ko lang maging mabait at mapagmahal kang asawa, Tarama. Alam kung ang pundasyon ninyo ay pag-ibig nakikita ko naman ito sa mukha ng binatang iyon."
"Pangako, Tiya, oo maging mabuti akong asawa sa kanya dahil sa tingin ko mahal ko siya ito iyon sinasabi nilang pag-ibig sa unang pagkikita. Lumang linya na di ba, Tiya?"
"Oo lahat sinasabi na ang linyang iyan pero totoo. Ngayon buo na ang pasya mo tara nang kumain ng makapaghinga na tayo."
Parehong maaliwalas ang mukha ng mag tiya na pumasok sa loob.