Chapter 21 Disguise

Gazer POV

Tahimik at mariin kong sinusundan sila Erelah mula sa malayo, napatingin ako sa aking relo saka muling tumingin sa dereksyon nila Erelah.

Ngayon ay nakangiting kumakain sila Erelah. Napatingin ako sa kasama niya na nakangiti rin habang kumakain.

Sa mga oras na ito, hindi ko matukoy kung sino ang gumagamit sa katawan ni Damon, pero sigurado ako na hindi si Damon ang nandoon.

Kanina ay nakita ko rin kung paano sya yakapin ni Erelah. Muli kong pinindot ang maliit na button na hawak hawak ko, dahilan para marinig ko ang usapan nila Erelah.

Kanina ko pa naririnig ang pinaguusapan nila, mula sa una hanggang ngayon. Dahil iyon sa maliit na mic na kinabit ko sa damit ni Erelah.

Matapos kong kumain kanina, iniwan ko sila sa baba upang mag tungo sa silid kung saan naruruon ang mga damit ni Erelah, napansin ko na nakahanda na ang susuotin nya kaya naman agad kong kinabit ang maliit na mic sa damit niya at nag tungo sa kwarto kung saan ako natulog. Inactive ko ang mic sa pamamagitan ng isang device habang hinihintay ko sila na umalis.

Kaya naman buong pinag uusapan nila ay naririnig ko, kanina ay nagtaka ako kung bakit tinawag ni Erelah ang pangalan ni Damon, Sumakay din ako sa rides na sinakyan nila at umupo malapit sa kanila, nakita ko ang reaction ng tinawag niyang Damon, Bagay na kinagulat ko kanina sapagkat ang tinawag niyang Damon kanina ay halatang hindi si Damon.

Alam ko yun at malakas ang kutob ko na hindi si Damon ang kasama ni Erelah sa mga oras na ito, sapagkat ang tunay na Damon, kailanman ay hindi ngingiti at yayakap sa isang babae. Tanda ko rin na ayaw niyang lumalapit si Erelah sa kanya kaya naman alam ko na hindi siya si Damon, hindi siya ang kaibigan ko.

Kung sino'man ang Alter na ginagaya si Damon dalawa lang ang kilala ko, Posibleng si Jack yun,

"Damon, magandang umaga! Kamusta pakiramdam mo?" Bungad namin ng makapasok kami ni Shawn sa visitors room dito sa mental, Malamig ang awra nya at nakatitig lamang sa amin ng malamig, Huminga ako ng malalim saka umupo sa harap niya. Umupo sa tabi ko si Shawn saka nilapag ang dala naming pagkain para kay Damon.

"May lason ba ang pagkain na ito?" Tanong ni Damon habang nakatingin sa pagkaing nasa harap namin.

"Baliw, syempre wala." Sabi ko, nag cross ng arms si Damon saka sumandal sa upuan at malamig kaming tinitigan.

"Dapat nilagyan niyo." Malamig niyang sabi kaya inirapan ko siya at hinain ang dala naming pagkain.

"Tumigil ka nga jan Damon, Maliban sa pag papakamatay, may ibang paraan pa para mabigyan ng hustisya ang mga magulang mo. Hindi ba't sinabi ko sayo na tutulongan tayo ni Doc na bigyan ng hustisya ang mga magulang mo?" Sabi ko, napansin ko ang unting pag porma ng ngisi sa labi niya bagay na pinag taka ko.

"Hustisya? Para saan?" Biglang tanong niya habang nakatingin sa amin ng sobrang lamig, napatitig ako sa labi niya na halatang pinipigilan ang pag ngiti. Agad akong naalarma dahil sa tanong niya. Hindi siy si Damon.

"Sino ka?" Tanong ko bagay na kinatawa ng nasa harap namin at napailing iling.

"Awit, nahulaan niyo agad na hindi ako si Damon? ang angas niyo naman." Natatawa nitong sabi saka tumingin sa amin ni Shawn. "Ako si Jack." Maasangas niyang pakilala sa amin.

"Jack?" Sabay naming tanong ni Shawn habang nakatingin kay Damon na nagpakilala sa amin bilang Jack ngumisi siya at natawa.

"Gulat kayo ano? kuhang kuha ko si Damon, HAHAHAHAHAHA!" Agad na dumaloy ang pagkairita sa aking katawan dahil sa sinabi ng kaharap namin ngayon.

"Abnormal ka pala eh!" Bago pa'man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Shawn, Agad kong inawat si Shawn na susugod na sana sa dereksyon ni Jack na isang Alter. Tumatawa lamang si Jack habang nakatingin sa amin.

"Mga inutel, gayang gaya ko ba ang kaibigan niyo?" Natatawang tanong ni Jack.

O di kaya si Chai.

"D-Damon." Gulat naming tanong ni Shawn ng makita namin sa harap ng apartment na tinutuluyan namen si Damon na malamig ang awra at walang emosyon ang mga mata.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang gulat na nakatingin kay Damon, Tumingin lang sya sa akin saka deretsong pumasok sa loob ng apartment namin at nilagpasan kami ni Shawn.

"Hindi ba't sinama ka ni Doc? Nasaan si Doc?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na umupo sa sofa, tumitig siya sa amin ni Shawn saka umiwas ng tingin.

"Sabi niya dalawin ko raw kayo sapagkat mag papasko naman." Sabi ni Damon, napangiti ako at umupo sa katapat niyang sofa.

"Talaga? buti naman kung ganon, kumain ka na ba? anong gusto mong kainin?" Tanong ko habang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Depende kung anong gusto niyo." Malamig niyang sabi saka tumingin sa ibang dereksyon. "Lagyan niyo ng lason ah." Sabi niya kaya natawa ako, wala paring pinagbago.

"Baliw." Sabi ko saka tumayo. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Shawn.

"Baliw?" Napatingin ako kay Damon ng magiba ang boses niya? Agad na dumaloy sa akin ang kaba ng makita ko ang mga mata niyang walang buhay habang ang labi niya ay nakangiti na parang isang demonyo.

Napalunok ako ng bigla niyang nilabas ang hawak niyang kutsilyo saka natatawang tumingin sa akin.

"Oo nga, baliw nga pala ako." Nakakatakot niyang sabi bago ako sugurin. Bago niya pa'man maitarak sa akin ang kutsilyo ay agad na hinampas ni Shawn ng kahoy si Damon sa likod nito dahilan para mawalan siya ng malay.

Kabado ako habang nakatingin kay Damon na walang malay. Ang mga matang yon, si Chai. Ginaya niya si Damon, niloko nya kami.

"Damon, uuwi na ba tayo?"dinig kong tanong ni Erelah sa kasama niya. Napatingin ako sa gawi nilang dalawa.

"Hindi pa, tara doon." Nakangiting turo ng kasama ni Erelah sa isang rides. Napatingin naman ako sa rides na tinuro niya at nakitang sa carousel niya balak sumakay. Narinig ko ang agarang pag payag ni Erelah sa nais ng kasama niya kaya naman napabuntong hininga ako at muling napatingin sa relo ko.

Havacco, nasaan ka na? Tapos mo na ba ang importanteng ginagawa mo? Kailangan na kita dito, iba na ang nararamdaman ko sa alter na kasama ni Erelah.

Pakiramdam ko ay may hindi tamang gagawin ang alter na iyon.

Tumingin ako muli sa dereksyon nila at nakita na patungo na sila Erelah sa carousel na sasakyan nila. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan saka sinundan ang dalawa.

Ngunit bago pa'man sila makadating sa carousel na balak nilang sakyan ay bigla na lamang hinatak ni Damon ang isang babaeng malapit sa kanila at mula dito sa kinatatayuan ko, kitang kita ko kung paano saksakin ni Damon ang babaeng yon. Dahilan para magkaruon ng kagulohan dito sa amusement park.

"Erelah!" Sigaw ko ng makita ko ang gulat sa mga mata nya.

Agad akong napatakbo patungo sa kanya ng hilahin siya ng alter na kasama niya saka dinala sa loob ng carousel.

"Tumawag kayo ng polis bilis!" Dinig kong sigaw ng isang babae. Napalunok ako habang nakatingin kay Damon na may demonyong ngiti sa labi. Hindi, mali, hindi siya si Damon.

Tama ang hinala ko, si Chai yon na ginaya si Damon.