Chapter 32: Saan ka galing?
"Ano ang tinitingin-tingin mo, ha?" naninindak na tanong ng lalaki kay Wigo nang mahuli siya nitong nakakatig dito.
"Mata, bakit?" pilusupong sagot ni Wigo sa lalaki at pinalaki ang mga matang singkit.
"Aba't pilosopo kang baliw ka ah!" Hinaklit ng lalaki ang kuwelyo ng damit ni Wigo.
"Nagsalita ang hindi baliw." Sarkastiko ngunit kalmadong wika ni Wigo. Humarang siya sa harap ng lalaking pareho nilang puntirya.
"Ano ang sabi mo?" nanlilisik ang mga mata ng lalaki.
Mabilis na naiharan ni Wigo ang palad sa sariling mukha upang hindi matalsikan ng laway ng lalaki. "Tss! Ang laway mo! Lahat ng nandito sa seldang ito ay baliw kaya huwag kang magalit kung tawagin kitang baliw!"
Napatda ang lalaki at napaisip sa narinig. Iyon ang kinuhang pagkakataon ni Wigo at itinulak ito palayo sa kanya. Sa kanyang ginawa ay lalo lamang nagalit ang lalaki. Mabilis itong tumayo mula sa sahig na pinagtumbahan at sumugod kay wigo.
"Lumayo ka!" Utos niya sa lalaking kriminal na tulalang nakatingin sa kanila. Malakas ang lalaking kalaban, bawat sipa at suntok nito ay nasasanga niya.
"Ano ang nangyayari riyan?" tanong ni Cloud kay Wigo mula sa headphone.
"Ahh shit!" Daing ni Wigo nang tamaan siya ng sipa ng lalaki sa tiyan. Nalingat siya dahil na-distract sa pagtawag sa kanya ni Cloud.
"Fuck! I need back up!" He cursed nang makitang may binunot na patalim ang lalaking kalaban.
Bago pa makalapit si Wigo sa lalaki upang pigilan ito sa gagawin ay nakalapit na ito sa kriminal na isa. Mabuti na lang at mabilis na nakailag ang kriminal kung kaya hindi ito naporohan. Gayon pa man ay mabilis na kumalat ang dugo nito sa sahig na galing sa tama nito sa tagiliran ng tiyan. Tangkang uundayan muli ng saksak ng kalaban ang lalaki ngunit nasanga niya iyon. Dumaplis ang talim ng kutsilyo sa kanyang braso. Hindi ininda ang hapdi na dulot ng sugat. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng lalaki bago sinipa ito ng malakas sa tiyan.
"Tulong!"
Dinig ni Wigo na sigaw ng kriminal habang hawak ang tagiliran upang pigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat nito. Patuloy siya sa pakipagbuno sa kalaban na ngayon ay pareho silang nakahiga sa sahig at ito ang nasa itaas. Hindi na siya nagtaka kung bakit wala pang rumorisponde na pulis sa kanilang selda. Hindi siya makakilos dahil nakadagan sa kanya ang buong lakas ng kalaban. Hawak ng dalawa niyang kamay ang kamay ng lalaki na may hawak na patalim. Hindi niya kaya ang lakas nito dahil mas malaki sa kanya kung kaya ginamitan niya ito ng technique. Bumitaw ang isa niyang kamay at itinuwid ang limang daliri bago buong lakas na itinusok sa tiyan ng lalaki. Kasabay ng kanyang ginawa ay naitarak ng lalaki ang patalim sa kanyang balikat.
"You fucking bastard!" Muli niyang ibinaon sa tiyan ng lalaki ang kanyang mga daliri. Pinaikot iyon na tila ba may pinipilipit na ikinaigik muli ng kalaban. Malakas na napahiyaw ito sa kanyang ginawa at nabitawan ang patalim na nakabaon pa sa kanyang balikat.
"Ahhh.... Damn!" Napahiyaw na rin siya dahil sa sakit nang makabangon habang hawak ang braso kung saan nakabaon pa ang kutsilyo.
"Anong kagulohan ito?" Pumito ang bagong dating na pulis at agad na binuksan ang selda.
Muling umangil si Wigo pagkakita sa pulis at inis na hinarap ito. "Damn you, ikaw ang ipasok ko sa mental kapag ako ay naubosan ng dugo dito!"
"Wigo!" sita ni Cloud sa kaibigan mula sa kabilang linya. " Huwag mong pairalin ang katarantadohan mo ngayon dahil baka lalo kang tuloyan diyan. Sikapin mong hindi mawalan ng malay hanggang makalabas kayo upang madala sa hospital."
Mariing naipikit ni Wigo ang mga mata at binasa ang labi na bahagyang nanuyo. Ang kalaban ay nanatiling nakabaluktot at namimilipit ng sakit sa tiyan. Nakita niya na dumating ang pulis na nagpasok sa kanya kanina roon. Tumulong ito na mailabas sila ng kriminal sa selda at inalalayan.
"Sandali lang at tatawag ako ng ambulansya," wika ng isa pang pulis.
"May ambulansya na sa labas." Mabilis na sabat ng pulis na inutosan ni Cloud.
Mabilis na naipasok sa ambulansya sina Wigo at ang kriminal. Kasama sa loob ang dalawang pulis at wala ng iba pang sumunod. Habang daan ay inasikaso ng nurse ang dalawang sugatan.
"Hindi ito ang daan patungong hospital." Puna ng isang pulis sa driver ng ambulansya.
"Utos ni Congressman." Sagot ng hindi kilalang lalaki na siyang driver. Inaninag ng pulis ang mukha ng driver ngunit hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"Huwag ka nang umangal dahil kasama ko sila." Galit na sita ng isa pang pulis sa kasama. Hindi na kumontra pa ang huli sa isiping tauhan din ito ng kanilang amo.
"Bakit kailangan pa silang gamutin eh utos ni Congressman na patahimikin na ang lalaking iyan?" Tanong ng pulis nang makitang naampat na ang pagdurogo sa sugat ng kriminal.
"A-ano ang ibig mong sabihin?" Nanginig sa takot ang kriminal habang palipat-lipat ang tingin kina Wigo at sa dalawang pulis.
"Pasensya, pare, pero kailangan mong mawala na sa mundong ito. Wala na dapat ibang makakaalam pa kung sino ang nag-utos sa iyo upang patayin si Mayor Conrad."
"Hindi ito ang napag-usapan!" Galit ang kriminal ngunit sumiksik sa isang sulok ng ambulansya. Wala itong magawa dahil nanatiling nakaposas ang mga kamay nito sa harap.
"Tuso si Congressman at sigurista, kung hindi siya susundin ay ang pamilya naman natin ang kanyang balingan." Palatak na wika ng isang pulis na kasabwat nila Wigo nang hindi nito alam.
"Turokan mo na ang mga iyan ng pampatulog nang wala nang maingay." Utos ng driver sa nurse.
Nagpumiglas ang kriminal bago pa naturukan ito ni Yvonne ng pampatulog. Nakangiti na ito sa dalawang pulis na napatitig sa kanya nang hubarin niya ang suot na coat.
"Aba, advance bonus ba ni Congressman ang babaeng ito?" Mala demonyong ngumiti ang manyak na pulis at dumikit kay Yvonne.
"Huwag kang atat, Mamang Pulis." Malamyos ang tinig na ani Yvonne habang marahang ikinawit ang isang kamay sa batok ng lalaki. Hindi na muli nakapagsalita ang pulis nang diinan ni Yvonne ang ugat sa batok nito gamit ang maliit na karayom.
"Ano ang nangyari sa kanya?" gulat ang nakarehistro sa mukha ng isa pang pulis nang makita na hindi na gumagalaw ang kasamang pulis.
"Matulog ka na nga, kanina pa ako naririndi sa paulit-ulit mong tanong na iyan!" Malakas na suntok sa batok ng pulis ang ipinadapo ni Wigo dito. Naturukan na siya ng anesthesia ni Yvonne kanina kung kaya hindi na ramdam ang sakit ng sugat.
Nanginig sa takot ang kriminal sa mga nasaksihan at nagugulohan sa mga nangyari. Pero sumama siya sa mga bagong kilala at mas safe siya sa mga ito kaysa sa tauhan ni Congressman.
Mabilis na kinambyo ni Cloud ang minamanehong ambulance sa ibang daan at lumipat sila ng ibang sasakyan upang masigurong walang makasunod sa kanila.
"Kayo na ang bahala dito, kailangan kong makabalik na sa bahay." Hinubad ni Cloud ang piking buhok na nakasuot sa ulo at salamin sa mata.
"Mag-ingat ka!" Tinapik ni Ashton si Cloud sa balikat. Ang asawa lang kanina ang kasama sa pag-rescue dahil baka may makakilala pa sa kanya. Pinangtulongan nilang mag asawa na magamot ang kriminal at si Wigo. Ang dalawang pulis ay binusalan nila ang bibig at itinali sa upuang bakal.
Pagdating ni Cloud sa kanilang bahay ay agad siyang dumiritso sa bathroom at naligo.
"Saan ka galing?"
Ngumiti si Cloud sa asawa nang pagbukas niya ng pinto ay ang maganda nitong mukha ang bumungad sa kanya.
"Hindi ang ngiti mo ang kailangan kong sagot." Nakairap na sita nito sa asawa.
Kibit balikat na idinipa ni Cloud ang dalawang braso at hinayaan na mahulog ang tuwalyang nakapulupot sa beywang niya kanina. Hindi na niya kailangan sagutin ito kung saan siya galing.
"Alam kong galing ka sa banyo at naligo," hinampas niya ang hubad na dibdib ng asawa at iniwas ang mga matang mapatitig sa ibabang parte ng katawan nito. "Hinanap ka kanina ni Ninong Tony, sinabi kong natutulog ka."
"Good girl," he smile while grinning, hinuli niya ang namumulang pisngi ng asawa upang masalubong ang mga titig nito. "You look more cute when you were blushing." Mapanukso niyang wika habang hinahapit ito sa beywang at ipinadama dito ang kanyang katigasan.
"Tuta lang ang cute!" tonong nagtatampo na aniya habang nakausli ang nguso. Tatlong oras ding nawala ito at hindi sinabi kung saan pumunta.
"Beautiful, then—" inisang tawid ang pagitan ng kanilang mukha at mariin na hinalikan sa labi ang asawa. Parehong sabik na tinugon ang halik ng isa't isa habang magkayakap.
"Enough, baka hindi ako makapagpigil," bulong ni Cloud sa namamaos na tinig sa pagitan ng halik sa leeg ni Ellah malapit sa taenga. "We still have a visitor that need to entertain." Paalala niya dito nang maramdaman na ayaw din nitong maudlot ang kanyang nasimulan.
"Huwag ka kasing humarap sa akin na walang saplot kahit isa." Nakasimangot na wika ni Ellah upang pagtakpan ang hiyang nadarama. Nakunsensya siya bigla dahil nakalimutan niyang nakaburol pa ang kanyang ama.
"Babawi ako." Mabilis na kinintalan ni Cloud ng halik sa labi ang asawa bago tumalikod upang bumalik sa loob ng shower room. Kailangan niyang maalis ang init ng katawan bago humarap sa mga bisita.