Chapter 8

ILANG beses siyang napakurap habang tinitignan ang tatlong maliit na bagay na nakapagpaluha sa kanya ng una niya itong makita isang linggo na ang nakalipas. Tatlong beses niya pa itong inulit para masigurado lang kung hindi ba siya nagkakamali ng akala. Totoo nga. Totoo nga na buntis siya at hindi niya alam ang mararamdaman sa mga oras na ‘yon.

Ilang araw na ba siya sa resort? Magdadalawang linggo na din at tanging si Haven at Nadia lang ang nakakaalam na nandoon siya. Hindi din alam ng kapatid niya dahil nasa Singapore ito ngayon.

“Iesha, kumain ka muna. Magugutom ang baby sa tiyan mo,” paalala sa kanya ni Aling Nelda.

Ito ang caretaker ng vacation house nila at ito rin ang caretaker sa katabing rest house. Hindi niya pa nakikita ang may-ari no’n pero ang sabi-sabi ay ‘yon ang nililigawan ng Kuya Randall niya. Bago niya pakialaman ang love story ng iba, aayusin niya muna ang sa kanya o kung aayusin niya pa ba ito dahil kay Casimir niya mismo narinig ang mga salita na parang bulkang sumabog sa puso niya.

Kaya nagpasya siya na sa resort muna mamalagi. Hindi niya makakalimutan ang gabing ‘yon at para itong bangungot sa kanya sa tuwing maaalala niya ang mga sinabi nito.

“Salamat, Aling Nelda, dahil nandiyan kayo palagi para umalalay sa akin dito. Hayaan n’yo po, dadagdagan ko ang suweldo n’yo.”

“Hindi na kailangan, Iesha. Sapat na ang binibigay sa akin ng Kuya mo. Ikaw talagang bata ka. Ang bait-bait mo din katulad ni Randall.”

Sila ang nagsabi dito na tawagin sila sa pangalan nila dahil parang nanay na nila ito ng Kuya Randall niya kapag bumibisita sila sa resort.

“Hindi po mabait si Kuya. Masamang tao po ‘yon,” biro niya. Sobrang bait ng Kuya niya at hindi niya ipagpapalit ‘yon sa ibang kapatid sa mundo.

“Nako, ikaw talagang bata ka. Masyado kang palabiro. Aalis na ako. Tumawag ka lang kapag may kailangan ka, ha?”

Tumango lang siya at umalis na din ito. Mag-isa na naman siya ngayon. Kung maaari lang, ayaw niya mapag-isa pero ito ang pinili niya kaya papanindigan niya. Kumain muna siya bago pumunta sa labas ng bahay. Umupo siya sa bakanteng kahoy na upuan. Alas tres na ng hapon pero madilim na. Mukhang uulan pa yata.

Nagtingin-tingin siya sa paligid. Wala din naman masyadong tao kaya nahagip ng mga mata niya ang isang babaeng nakaupo din sa katulad ng inuupuan niya at sa malawak na karagatan nakatingin.

Malayo ito sa kanya at naka-sideview pa kaya hindi niya makita ang mukha. Hinahangin ang tuwid nitong buhok, pati na din ang suot nitong blue floral summer dress. She has this feeling na hindi ito masaya. Basta may something sa babaeng ‘yon.

Inalis niya ang tingin doon at napabuntong-hininga. Hinaplos niya ang tiyan niyang medyo lumalaki na.

“Alam mo, baby? Magiging masaya tayo kahit wala ang daddy mo, hindi ba? Masaya ka naman kahit tayong dalawa lang, ‘di ba?” Kinakausap niya ito palagi. As if naman na sasagutin siya nito.

Kahit papaano ay nababawasan ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing maaalala ang tatay ng anak niya. Naglakad siya papasok ng bahay at muli na namang tinignan ang babae na ngayon ay nakapikit at tila walang pakialam sa bahagyang patak ng ulan.

“Weird,” usal niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.

Hindi na siya nag-abalang tawagan si Aling Nelda at siya na lang ang nagluto ng pagkain niya for dinner. Habang naghahanda siya ng lulutuin ay biglang tumunog ang cellphone niya. An unknown number.

“Hello? Who’s this?”

“What happened, baby sis? Why you didn’t tell me!? I will kill that bastard!” Sa tono ng pananalita ng Kuya Randall niya, mukhang gagawin talaga nito ang huling sinabi.

Pilit niyang pinasaya ang boses niya. “What the hell is wrong with you, Kuya? You’re so OA talaga.” Bahagya niya pang pinaarte ang boses niya. Pero ang totoo, gusto niya nang lumuha dahil alam niyang galit ito at hindi nagbibiro. Naiiyak siya kasi nata-touch siya sa pagmamahal ng Kuya niya sa kanya.

“This is not the right time for that, Iesha. I know you very well. Para magpanggap kang masaya kahit hindi naman.”

Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina lang ay pinipigilan niya. “Ang sakit, Kuya. Ang sakit-sakit pala magmahal,” ani niya habang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa mukha niya.

“Hush. Pupuntahan kita diyan, okay? Umiyak ka na lang ‘pag napatay ko na si Casimir.”

Lalo siyang napahagulgol sa sinabi nitong papatayin si Casimir dahil talagang may pagbabanta sa tono ng boses nito. Kahit naman sinaktan siya ng sobra ng lalaking ‘yon ay ayaw niya namang mawala ito sa mundo dahil kahit anong sakit ang nararamdaman niya ay mahal niya pa din si Casimir.

“Huwag, Kuya, please. Pabayaan na natin siya. Mabubuhay naman ako nang wala siya. ‘Wag mo siyang sasaktan.” Suminok pa siya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya. “I can handle this. Hindi porke nasaktan ako ay maghihiganti na ako. Tanggapin na lang natin ang katotohanan na hindi ako ang mahal niya.” Parang piniga ang puso niya sa katotohanan na kahit kailan ay hindi siya minahal ng lalaki.

“Para sa ‘yo, gagawin ko ‘yon kaya ‘wag ka nang umiyak.”

Tumango-tango siya kahit hindi naman ito nakikita ng kausap. “Kuya, thank you. Ikaw talaga ang pinaka-the best na kapatid sa mundo,” sabi niya habang humihikbi.

“Yeah, right. I have to go. Mag-iingat ka diyan.”

“Ikaw din, Kuya. Bye.”

She took a deep breath and wiped her tears bago ipagpatuloy ang pagluluto. “Baby, sorry, ha? Umiyak na naman si Mommy. ‘Wag ka mag-alala. Siguradong maganda o kaya guwapo ka pa din kahit lagi akong umiiyak.” Hinawakan niya muli sa tiyan niya at pinakalma ang sarili niya.

“Iwasan mo ang mga bagay na nagbibigay ng lungkot sa ‘yo. Bawal ma-stress ang mga mommy dahil makaka-apekto ‘yon sa baby. Kumain ka din ng masusustansyang pagkain dahil pumapayat ka na,” bilin ng doctor sa kanya at pagkatapos ay binigyan siya ng mga vitamins.

“Okay, Doc. Thank you po.”

“Thank you din, Ms. Austria.”

Hindi niya ginamit ang apelyido ni Casimir. Kung ano ang dahilan at bakit? Malalaman n’yo din sa tamang panahaon. Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa sasakyan niya ng ma-spot-an ang isang pigura na sobrang pamilyar sa kanya. Dali-dali siyang pumasok sa sasakyan at inilagay ang mukha sa manibela.

“Casimir,” usal niya.

Ayaw niya itong tignan pero makulit ang mata niya. Katapat lang ng sasakyan niya kung saan ito nakatayo na may kausap sa cellphone. Nasa labas ito ng restraurant. He was wearing white plain t-shirt and striped trousers. Nakasuot din ito ng black sunglasses.

Nami-miss niya na ito pero mukhang wala naman itong pakialam sa kanya. Ni hindi nga ito nagtangka na hanapin siya sa mga kaibigan niya. Napaupo siya ng tuwid nang makita ang babaeng kanina pa tila hinihintay nito. Napangiti ito nang makita si Nadia. Yes, her best friend.

Hinapit nito palapit dito ang dalaga at niyakap. Gumanti din ng yakap ang babae. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya sa nakita.

“Bakit siya pa? Bakit ang best friend ko pa? Bakit nagawa nilang gawin sa akin ‘to?”

Hindi niya na makita ang dalawa dahil sa sandamakmak na luha na nanggagaling sa mga mata niya. Hindi na siya makahinga at naninikip ang dibdib niya dahil hanggang ngayon, mahigpit pa din na magkayakap ang dalawang taksil.

Hinawakan niya ang dibdib niya dahil sobrang sakit na. Sa dinami-dami ng taong mamahalin ni Casimir, bakit ang best friend niya pa? Bakit si Nadia? Nagmukha siyang tanga. Pinagmukha siyang tanga! ‘Yon ang hindi niya matatanggap dahil sa kabila ng kabutihang ipinakita niya, bakit ganito ang isinukli sa kanya?

Pumasok ang dalawa sa loob na magkahawak ang kamay. Siya ay nanatili lang sa loob ng sasakyan at hinintay hanggang sa lumabas ang dalawa. After thirty minutes na pagtya-tyaga ay lumabas ang mga ito na magkahawak pa din ang mga kamay at nagtatawanan pa.

Samantalang siya, ito at umiiyak pa. Gusto niya nang isumpa ang mundo dahil sa nararamdaman niya ngayon. Hindi na sakit kundi galit. Kinuyom niya ang dalawang kamay at sinundan ang sasakyan ni Casimir. Nangingitngit ang kalooban niya dahil inalalayan pa nito na makapasok sa sasakyan si Nadia. Gusto niya ng bumaba upang sampalin at sambunutan ito pero hindi dapat siya magpadala sa emosyon niya.

Napakurap siya nang makita ang binabagtas na daan. Puro motel at hotel ang nadadaanan niya. Huminto ang sasakyan ni Casimir sa isang eleganteng hotel. Hindi ito gano’n kalaki pero halata na para lang ito sa mga may pera talaga. Bumaba ang dalawa sa sasakyan at pumasok sa loob ng hotel.

Ilang oras na ba siyang naghihintay? Hindi niya na din alam. Inaamin niya na tanga siya dahil bakit ba kasi siya naghihintay samantalang alam niya naman ang ginagawa ng dalawa sa loob?

Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya habang ‘yung dalawa ay nagpapakasaya dahil sa wakas, magkasama na sila. At ito siya, mukhang kawawa at talunan dahil ang pinili ng lalaking mahal niya ay ang best friend niya. Of all people, bakit si Nadia pa? Muli na namang bumagsak ang mga luha niya.

“Sabi ko naman sa ‘yo! Hindi ka niya kayang mahalin. Bakit kasi umasa ka pa? Ang tanga-tanga mo, Iesha!” sigaw niya na punong-puno ng galit. Halos iuntog niya na ang ulo niya sa manibela para lang mawalan ang sakit na nararamdaman niya.

Pinaandar niya ang sasakyan kahit nanlalabo pa ang paningin niya dahil patuloy pa din ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Napapagod na siya… sa kakaiyak.

Someday, you’re gonna realize

One day, you’ll see this through my eyes

But then I won’t even be there

I’ll be happy somewhere even if I can’t

I know you don’t really see my worth

You think you’re the last guy on earth

Well I’ve got news for you

I know I’m not that strong

But it won’t take long, won’t take long

Cause, someday, someone’s gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday, someone’s gonna take your place

One day, I’ll forget about you

You’ll see I won’t even miss you

Someday, someday

Right now I know you can’t tell

I’m down and I’m not doing well

But one day these tears, they will all run dry

I won’t have to cry sweet goodbye

Cause, someday, someone’s gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday, someone’s gonna take your place

Oh, one day, I’ll forget about you

You’ll see I won’t even miss you

Someday, I know someone’s gonna be there

Darating ang araw na hindi na siya iiyak at ‘yung sakit na nararamdaman niya ay mananatili na lang marka sa puso niya. Naniniwala siya na isang araw, darating ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo at tatanggapin siya kung sino at ano siya.

Ang araw na ‘yon ay araw na nakalimutan niya na ang lalaking mahal na nagbigay ng malaking sugat sa puso niya.

Ngumiti siya nang mapait at hinawakan ang tiyan niya.

“Anak, sorry ulit dahil umiyak na naman si Mommy. Lagi na lang akong umiiyak. Hindi ko kasi mapigilan. Ang sakit. Ang sakit pala talaga kapag nagmamahal. Magpakabait ka, ha? ‘Wag mo akong pahirapan masyado, okay?”

Tumulo na naman ang luha niya. Hindi na dahil sa sakit kundi dahil sa anghel na nabubuhay sa loob ng tiyan niya. Ito lang ang tangi niyang sandalan sa mga oras na gusto niya ng sumuko. Dahil dito, nagiging mas matatag siya.

Ilang minuto niyang binagtas ang lugar pauwi sa tinutuluyan niya at kusang nagsalubong ang mga kilay niya nang masilayan ang liwanag ng buong kabahayan.

“Kuya?” tawag niya sa lalaking nakatalikod no’ng pumasok siya sa kusina.

Lumingon ito. “Yes, baby sis. Where have you been?” Pinagmasdan siya nito.

Tumakbo siya palapit dito at niyakap ang Kuya Randall niya. Hindi siya nagsalita. Gusto niya lang itong yakapin.

“Ang pangit mo. Ikaw lang ang buntis na nakita kong pangit,” untag nito, nang-aasar lang yata.

Batid niyang nananadya itong asarin siya. Siguro dahil ayaw nitong mag-drama na naman siya.

“Liar! Ang daming nagsasabi na maganda ako. Mas maganda pa nga ako sa nililigawan mo,” pakli niya pero hindi niya naman alam ang itsura ng babaeng pinopormahan nito dito sa isla. Nagbago na yata ng taste sa babae ang Kuya Randall niya.

Mabilis itong napalingon sa kanya mula sa pagkuha ng mga kubyertos na gagamitin sa pagkain.

“Really? Nakita mo na siya?” Kumislap ang mga mata nito.

“Hindi ko sasabihin sa ‘yo ang napag-usapan namin. Hindi ka daw niya sasagutin.” At inirapan niya ito. Umupo siya sa bakanteng upuan at kumuha na ng pagkain na hinain ng kapatid.

Hindi rin naman ito sumagot at kumain na din. Mukhang naniwala sa sinabi niya na hindi ito sasagutin.

“Kuya Randall, I’m just kidding. Hindi ko pa siya nakikilala.”

Nagkibit-balikat lang ito. Hindi niya na pinansin ang pananahimik ng Kuya niya dahil may iniisip din siya.

Flashback

“Gawin nating fake ang kasal,” basag niya sa katahimikan.

Tumingin ito sa kanya pero blangko ang ekspresyon ng mukha kaya hindi niya mabasa ang nasa isip nito.

“O kung gusto mo after one year, maghiwalay na tayo,” she added.

“Let me think first.”

She stomped her foot. “We don’t love each other. Ano ba’ng hindi mo maintindihan doon at kailangan pag-iisipan mo pa?” Gusto niya ito pero hindi niya pa ito talaga mahal.

“Yeah, I don’t love you.” Para siyang sinipa sa pagiging prangka nito.

She lifted her eyebrow. “I know. Hindi din naman kita mahal.”

“Mabuti na ang malinaw.”

“Fake wedding. Uso naman ‘yon, right?” Ngumisi siya dito pero ang totoo, natatakot siya sa maaaring mangyari sa kung ano man ang mapagkasunduan nila.

Mahabang katahimikan bago muli itong nagsalita. “Are you sure about this?”

Tumango-tango siya. “Yes, kaya pumayag ka na din.” Hinawakan niya ito sa braso at ginalaw-galaw ito. “Magbe-behave ako. Promise, Doc.”

Inalis nito ang kamay niya sa braso nito at tumingin sa mga mata niya. “Ayoko ng masyadong maingay.”

Kumunot ang noo niya pero naisip niyang dapat sumunod siya dito para pumayag na ito sa gusto niya. Itinaas niya ang kanang kamay niya at namanata sa harap nito.

“Ako ay nangangako na hindi na mag-iingay at hindi ka iistorbohin kapag busy ka sa trab—”

Naputol ang sasabihin niya dahil tinakpan nito ang bibig niya ng kanang kamay niya na ginamit niyang panunumpa.

“Enough. You already talked too much.”

Inalis niya ang nakatakip sa bibig niya. “Payag ka na?”

“Yes, but you have to keep your promise.”

Kumislap ang mata niya at bumungisngis. “Pangako.”

End of flashback

She shook her head to erase the thought. Yes, fake ang wedding nila. Silang dalawa at ang abogado lang na kinuha nila ang nakakaalam no’n. Kaya para sa kanya, wala siyang habol kay Casimir. Wala naman siyang balak maghabol, lalo ngayon na sinampal na siya ng katotohanan na hindi siya nito nagawang mahalin. Pinakisamahan siya sa loob ng ilang buwan bilang asawa pero hindi niya nakuhang paibigan ito habang nagsasama pa sila.

Minsan iniisip niya, hindi ba talaga? Bakit minsan, pakiramdam niya mahal siya nito? Muli na naman siyang umiling. Kitang-kita niya ang mga ngiti nito nang makita si Nadia. Kahit siya hindi inaasahan na ito pala ang babae ng asawa kuno niya. Pilit na pinatatag niya ang loob para pigilan ang mumunting tubig na nangingilid sa mga mata niya. Damn these hormones.

“Go to sleep, Iesha.”

She looked at her brother. “Ikaw din, Kuya. You looked like hell.” Biro niya lang naman ‘yon.

Tumawa ito na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. “Sayang naman ang ka-guwapohan ko kung ikukulong ko ang sarili ko dito sa loob ng bahay, baby sis.”

“In your dreams, Kuya. Makatulog na nga lang.” Sanay na siya sa taglay na kayabangan ng kapatid.

“Good night. Aalis din ako. Tomorrow morning.”

“Agad? Ang bilis naman.”

“May kailangan lang akong kausapin,” sagot nito at tinalikuran na siya.

Sa tono ng pananalita nito, parang hindi business meeting ang pupuntahan. “Sino naman ‘yon?” she asked curiously.

“None of your business,” malamig na tugon nito na hindi man lang siya nilingon. She shrugged her shoulders and went upstairs.

Nakailang ikot na siya sa higaan pero hindi siya dinadatnan ng antok. She dialed Haven’s number pero hindi ito sumasagot, siguro ay tulog na. She remembers Nadia but refused to press the green button. She deleted the number instead.

Humiga ulit siya at pumikit. Maya-maya lang ay nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ‘yon and answered it without looking at the caller’s name.

“Yes?” sagot niya ng nakapikit.

“I missed you so much. Bumalik ka na, Iesha… please.”