Prologue

“NADIA! Hawakan mo ‘ko dali! Hihimatayin na yata ako. Sumasakit ang puso ko. Gusto ko na magpa-checkup. Please, tawagin mo si Dr. Alejo.”

‘Yon ang inutos ni Iesha kay Nadia na kaibigan niya habang nakahawak sa magkabilaan nitong braso na animo’y hihimatayin na siya. Pero hindi sa mga sakit-sakit na ‘yan... kundi sa kilig. Yes, ‘yon ang dahilan. Nagwawala kasi ang mga cells niya sa katawan tuwing nakikita ang ultimate crush niya.

Nagiging OA kasi talaga siya kapag si Dr. Casimir Harrison Alejo na ang pinag-uusapan. Umaabot pa siya sa point na naghihisterya na siya sa sobrang kilig. He’s a Cardiologist. Minsan nagdadasal siya na sana magkasakit na lang siya sa puso para ito ang gagawin niyang doktor pero binabawi niya rin ‘yon sa huli. Sana hindi magkatotoo ang pinagdadasal niya.

Ano ba ‘yan. Minsan na nga lang siya magdasal, ‘yon pa ang pinapanalangin niya. Weird niya talaga.

Napatingin siya kay Nadia nang iwinaksi-waksi nito ang mga kamay niya para mabitawan niya ito. Saka pinagtitinginan na rin kasi sila sa hallway ng hospital. She secretly smirked. She just really loves attention.

“Let me go, Iesha. Hindi ka papansinin niyan ni Doc kahit maglumpasay ka pa diyan,” sabi nito.

Sumimangot siya. “Grabe ha. Sobrang supportive mong kaibigan.” Pero bumalik din ang kinang ng mga mata niya nang tingnan niya kung nasaan si Dr. Alejo, may kausap itong pasyente.

Pinagsiklop niya ang dalawa niyang kamay na tila ba ini-imagine niya na siya ang kausap ng guwapong doctor na ‘yan. Ang guwapo-guwapo talaga nito. How does he manage to be so handsome without making much effort? Casimir is really effortlessly handsome.

“Ang hot niya talaga, bestie. Ang sarap niyang iuwi,” bulong niya.

Nagulat siya dahil dali-daling tinakpan ni Nadia ang bibig niya. “Umuwi ka na kaya, Iesha? Madami pa ‘kong tatapusin na trabaho,” pagtataboy nito sa kanya.

Inirapan niya na lang ito dahil alam niyang naiinis na ito sa kanya. Mainitin pa naman ang ulo ni Nadia. Kaya nga minsan niya lang ito asarin at kulitin.

Matagal niya na talagang pinagpapantasyahan si Casimir. Hindi niya lang alam kung paano lalapit kasi sobrang mailap ito at suplado. Ano kayang hakbang ang dapat niyang gawin para makuha ang atensyon ng lalaking kinahuhumalingan niya? Kailangan niya na talagang mag-isip ng paraan.