Chapter 8: The brother

"Nasaan kayo?" Agad na bungad niya sa kabilang linya pagkasagot pa lng nito.

"Andito sa bahay ni jake, bakit?" Sagot naman ni kevin na nagtataka sa biglaang pag tawag ng kaibigang police.

"Wag kayong umalis diyan. Papunta na ako." Nagmamadaling gumayak na ang binata.

Kailangan niyang warningan ang mga kaibigan ukol sa nangyari.

Alam niyang bilang pulis may pananagutan sila sa batas sa kasalanang ginawa nila. Kailangan niyang kausapin ang mga kaibigan para pakiusapan na sumuko at aminin ang ginawang kasalanan nang sa ganun ay matigil na ang paghihiganti ng babaeng iyon. Ayaw na niyang may dumanak pang dugo pagkatapos ng nangyari sa isa pa niyang kaibigan. Alam niyang naghahanap lamang ng hustisya ang babae kaya ipagkakaloob niya ito dito makabawi man lamang sa pagsira nila sa kinabukasan nito.

Humahangos na pumasok sa loob ng bahay nila jake ang binata. Nadatnan niya pang nagpapot session ang dalawa kasama ang mga babaeng halos nakahubad na ang mga hitsura. Napailing na lang ang binata sa nakita. Di pa din talaga nagbabago ang mga ito. Duda din siya kung pakikinggan siya ng mga ito sa hihilingin pero kailangan niyang subukan.

"Patay na si Ike. Pinaslang siya kagabi sa loob ng isang hotel sa bayan. Babae ang suspect at hanggang ngayon ay di pa din mahagilap." Bungad niya sa mga ito.

Nakita niyang natigilan ang lahat nang marinig ang mga katagan iyon. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para paalisin ang mga babaeng parang mga sawa na nakapulupot sa mga kaibigan.

"Tapos na ang party girls umuwi na muna kayo may lakad pa kami." Sabi niyang pinagdadampot ang mga damit ng mga ito at binigay niya isa isa para mapabilis ang pagbibihis ng mga ito.

Nang makaalis na ang mga babae ay umupo ang binata katabi ng dalawang kaibigan na di pa din nakabawi sa pagkabigla.

"Oh natahimik na kayo diyan. Alam kong may duda na kayo kung sino ang may gawa noon. Pare-parehu tayo ng iniisip. Kaya kailangan nating ayusin to para wala ng madamay pa sa gulong pinasok natin." Saad ng binata maya maya lang.

"Paanong pag aayos ba sinasabi mo? Di kami puwede sumuko sa batas. Isang beses lang naman yung ginawa natin ah. Kasalanan mo to eh." Wika nito na sinisi pa ang binata.

"Kung di mo kami pinigil noon di sana nailigpit na namin ang babaeng iyon at di sana wala ng maghihiganti ngayon at wala na sana tayong problema sa ngayon." Dagdag pa ng kaibigang si jake.

Napabuntung hininga na lang ang binata. Alam niyang pahirapan sa pagkumbinsi sa mga ito na sumuko pero di niya iniexpect na siya pa ang masisisi ng mga ito sa huli.

" Oh eh anong gagawin natin. Aantayin na lang ba nating darating sa bakuran natin ang babaeng iyon para isunod tayo kay Ike?" Sabi niya sa mga ito baka sakaling magbago isip ng mga ito.

"Di naman tayo kilala ng babaeng iyon. Si Ike di na tayo magtataka kasi kilala naman talaga yun ng lahat ng mga tao. Pulitiko yung ama eh kaya mabilis lang yung mahanap." Sabi naman ni jake.

Iyon nga din ang naisip ng binata. Kaya nauna si Ike sa pinaghihigantihan ng babae ay dahil mabilis lang itong mahanap. At marahil, kaya kinuha nito ang cellphone ng biktima sa pagbabakasakaling matunton sila sa pamamagitan noon. Hinuha niya ay walang idea ang babae kung sino ang next target nito.

"Pare, pare nakalimutan mo na ba kapatid mo? Gagraduate na iyon sa pagkaabugado, gusto mo pa siyang makulong?" Sabi ni jake.

Sa narinig ay biglang umalsa ang galit ng binata. Walang kinalaman ang kapatid niya sa nangyari. Nagkataon lang na kasama nila ito pero bata pa ang kapatid niya noon. Wala pang alam ito sa ginagawang kababoyan ng mga ito.

" Wag mo madamay damay ang kapatid ko sa ginawa natin. Wala siyang kinalaman dito." Pinitserahan niya si jake sa galit.

"Oops, oops di tayo magkakalaban dito. Isipin mo magkakampi tayo dito laban sa babaeng iyon. Ano bang kinakatakot mo ha? Hindi naman tayo kilala ng babaeng iyon. Lalo na ikaw di ka naman niya nakita ng malapitan. Walang malay yun noong pumasok ka sa banyo. Hinding hindi tayo noon matutunton. Eh paano kung sumuko tayo, eh di madali na lang niya tayong pitasin sa kulungan. " Natatawa pang sabi ng mga ito.

Sabagay may punto nga ang kanyang kaibigan sa sinabi nito. Pero bakit tutol ang kanyang kalooban sa sinabi nito. Ilang taon na din siyang binabagabag ng konsensiya niya sa nangyari sa nakaraan. Naisip din niya kung ano na kaya ang nangyari sa babaeng iyon. Kung may nakatagpo ba dito at nakaligtas ba ito mula sa kamatayan nang iwanan nila ito sa gabing iyon. Gusto niyang humingi ng sorry dito pero mababalik ba ng isang sorry ang pagkababae nito na binaboy nilang magkakaibigan? Ano ang puwede niyang gawin para makabayad sa ginawa nilang kasalanan? Sapat nga kaya ang sumuko sila sa batas o hintayin na lang ang babae na ito na mismo ang magpataw ng hustisya para sa sarili nito.

Naguguluhan man ay di na kinulit pa ng binata ang dalawa pang kaibigan na walang balak pagbigyan ang kanyang hiling. Para sa kanyang kapatid ay titiisin na muna niya ang konsensiyang nadarama sa ngayon. Inosente ang kapatid niya dito at di ito puwedeng madamay.

Habang papalapit siya sa kanyang kotse ay dinukot niya ang cellphone na nasa kanyang bulsa. Tinanggal ang sim sa lagayan at tinapon sa nadaanang basurahan. Kung wala ito, walang paraan ang babae na makontak siya. Wala itong alam kung nasaan sila at kung sino sila. Nakapaghiganti na ito sa isa nilang kaibigan, baka sakali matahimik na ito.