Chapter 4 Suspetsa
"Miss beautiful, gising!!!" Naalimpungatan siya sa malakas na tampal sa kanyang pisngi. Akala niya ay nananaginip lang siya pero nung maramdaman niya ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita ay alam niya sa kanyang sarili na totoo ang mga nangyayari.
"Tayo!!!" Pasigaw na utos ng isang lalaki sa kanya sabay hablot sa kanya patayo. Di na nga nakatali ang mga kamay at paa niya sa kama pero nakaposas naman ang mga kamay niya sa kanyang likud.
"Patayin niyo na lang ako para matapos na ang paghihirap ko. Di ko na kaya." Sa nanghihinang tinig ay nagawa pang sabihin ng dalaga ang mga katagang yun.
"Later baby. When we're done with you." Pasuray na sabi nito na di mawari ng dalaga kung lasing ba ang mga ito o sumobra lang ba talaga sa dosage ng droga. Nakita kasi niya kanina na nagsesession ang mga ito noong unang beses siyang matauhan mula sa pagkawalan ng malay.
Binuksan nito ang shower at sinabon ang katawan ng nanghihinang dalaga. Sa isip nito ay ang kagustuhang makatakas pero di na kaya ng kanyang katawan. Tinatanggap na lang niya ang masamang kapalaran na inabot niya mula sa kamay ng mga ito.
"Narecover ba ang cellphone ng biktima?" Maya maya ay tanong ng binata sa kasama.
"Negative sir. Sabi ng receptionist eh sure daw siya na may dalang cellphone ang lalaki dahil nga daw inilapag pa daw ng lalaki ito sa counter dahil dumukot ito ng card sa pitaka para sa room fee. Pero nung dumating na mga kasama natin, wala na silang makuhang kahit na anong gamit ng binata sa crime scene. Kahit yung damit niya wala na din." Pagbibigay impormasyon nito sa binata.
"Tingnan na muna natin ang CCTV ng hotel na ito bago tayo maglabas ng anumang impormasyon sa publiko. Mabuti sana kung nakuha natin ang cellphone ng biktima at posible nating matrace ang huling mga taong nacontact ng biktima bago ang pangyayari." Sa isip ay binalikan ang huling usapan nila ng kaibigan isang linggo na ang nakalipas. May binanggit itong pangalan ng babae na sinabi nito ay dini date nga nito. Di niya binigyan ng importansiya ang sinabi nito noon pero ngayon ay desidido siyang alalahanin ang huling usapan nila ng kaibigan. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ito sa krimeng naganap.