CHAPTER 2 - First Day
Klinnia explained everything about that group, kahit na wala naman talaga akong pakealam.
I just want to embrace my freedom right now, gusto ko lang din ang magandang unang araw ng klase, pero parang hindi ako tinatantanan ng mga tangang students na masyadong na under sa naghahari-harian sa school na 'to.
"Monique, ikaw muna ang sumama kay Weyla, pinapatawag ako sa council." Nagmamadaling sabi ni Klinnia sa kaibigan.
Monique, Klinnia's bestfriend just nodded, and smiled at me.
Lunch time na at nandito kami ngayon sa cafeteria. Halos lahat ng taong narito ay nakatingin sa table namin.
"Sige guys, see you later." Klinnia waved her hands as she walked away.
"Hay, iba talaga pag good student." Natatawang sabi ni Monique habang nakatingin kay Klinnia na nakalayo na.
"Hindi naman kasi ako matalino katulad ni Klinnia." Natatawang dugtong niya pa.
"You know what, Weyla. You look familiar, I mean, did we crossed path before?" I just look at her with a question look.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Wala, don't mind me, siguro dahil lang to sa mga pagsama ko sa parents ko sa iba't iba business tour." Napatawa nalang siya ng mahina at bumalik sa pagkain.
Nang matapos kami mag lunch ay nag paalam ako sa kaniya, na pupunta lang ako sa wash room at mauna na siya sa room namin.
Habang naglalakad ako ay madami ang nakatingin sa akin at nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at nagmadaling pumasok sa wash room. Mabuti nalang at walang tao sa loob.
Nang matapos ay agad din akong lumabas. But things are so damn annoying.
"Hey, bitch! Who do you think you are?" Mataray na sabi ng babaeng may short curly blonde hair.
"Ang tapang mo kanina ah, akala mo kung sino." Ani nang kasama nitong hanggang shoulder level ang straight black hair.
"Tss, tingnan natin kung tatagal ka dito sa RU." Nakangising ani ng isa namang may long wavy black hair.
"Sino ba kayo?" Bored na tanong ko sa kanilang tatlong puro dada lang.
Nag iba naman agad ang timpla ng mga muka nila, lalo na yung dalawang nasa gilid, except sa long haired bitch na nasa gitna nila na nakangisi at nakatingin lang sa akin.
"Aba't! Ha! Hoy, ang tapang mo naman para sa bagohan." Ani nang pinaka-unang nagsalita kanina.
"Hindi mo ba kami kilala?" Inis na sabi nung pangalawa.
"Hayaan niyo siya, girls. Makikilala niya rin tayo." Nakangising ani nang leader yata nila, yung nasa gitna.
"Pero I want you to remember our name... We are the Roses under the Kings, so better distance yourself, if you don't want us to ruin that face of yours." She coldly said and then started walking away, sumunod naman sa kaniya ang dalawang masama lang ang tingin sa akin.
Kunot noo naman akong tinanaw sila.
Yun na yon?
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad patungo sa classroom. Nakatanggap pa ako nag threat galing sa mga gang na hawak ng Kings, hay naku.
Safe pa ko sa lagay na to, dahil hindi ko pa ulit nakikita ang mga feeling Hari, mabuti nalang din 'to. Although, aware ako sa mga masasamang tingin ng mga schoolmates ko.
Klinnia told me, na marami ang gangs dito, na hawak ng Kings. Kaya I should distance myself from them. Baka daw e-bully ako.
Ano bang buhay to, dapat nakinig nalang ako kay Auntie na ipagpatuloy nalang ang studies ko sa bahay. Pero no no no, I already made up my mind.
Sa sumunod na araw, I'm expecting to have a good day, unlike kahapon na super bad dahil sa mga nangyari, still madami parin ang masama ang tingin sa akin. Grabe talaga kung kumalat ang chismis sa school. Lalo na kung involved ang tinatawag nilang Kings. At mabuti nalang din at wala akong nakikitang kahit isa sa kanila.
"Weyla, samahan mo nga ako, please... Mag c-cr lang ako." Nakangusong ani Monique. Tumango lang ako at umalis kami ng classroom.
Si Klinnia kasi ay nasa council room, kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. Nang makarating kami sa cr, ay nag madali siyang pumasok sa isang cubicle. While I stayed outside and stared at my reflection in the mirror.
May dalawang student na pumasok. Nagulat pa sila nang makita ako, pero agad naman silang nagsipasukan sa mga cubicle.
Nang lumabas si Monique, she washed her hands before we decide to go back in our classroom.
"I heard what happened yesterday., talaga bang binato mo ng bola si Kyle?" She asked curiously.
"Anong binato, ibinalik ko lang sa kaniya ang bola niya." I calmly said. Ang chismis talaga, minsa kulang minsan subra, hindi tama, hay..
"Nako, sana lang hindi ka niya balikan. Ang hilig pa namang mangbully ng taong 'yon. Lalo na pag nakakita siya ng taong kaya siyang labanan.." Nagaalala niyang sabi.
".. Pero alam mo Weyla, ang astig ng video mo!" Natatawang aniya ulit. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Anong video?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Yung nangyari kahapon. Yung binato ka ni Kyle, pero nasalo mo lang. Grabe gulat ako don..." Ikwenento pa niya ang laman ng video na sinasabi niya. At talagang detalyado pa.
Iba talaga ang madaming tagahanga, parating may kumukuha nang litrato at videos, kaya yung nangyari kahapon ay nakunan, at ipinost pa sa page ng The Kings. Naaalibadbaran talaga ako pag nadidinig ang Kings na word!
Lunch time, Klinnia, Monique, and I are peacefully having our lunch at the cafeteria, not until ang tatlong mga tinik este Roses daw, ay inabala ang lunch namin -.-
"Look who's famous at trending ngayon, be ready because the game is about to start. Nakauwi ka kahapon at nag lulunch ka ngayon na walang pasa, you must be very happy." Natatawang ani ng leader nila.
"Anong kailangan niyo Mayra?" Cold na sabi ni Klinnia sa kanila.
"Oh miss VP, if I were you, hindi nalang ako mangingialam..." Natatawang Ani ng isa na may curly blonde short hair.
"Better watch over your friend, Klinnia, because we all knew what might happen. Chao!" Nakangising umalis yung tinawag ni Klinnia na Mayra, sumunod naman agad ang dalawang buntot nito.
"Naka encounter mo na ba yung tatlong 'yon?" Tanong ni Monique and I just nodded my head a bit.
"They are the Roses gang, under Kings rulership... Mayra Marques is their leader, the blonde girl is Bernice Amonte, and the other one is Hazel Wan, they are part of the lower gangs here in RU. Kung baga sa chess, they are just pawn." Kwento ni Klinnia.
"Ang taas ng tingin nila sa sarili akala mo naman kung sino." Inis na sabi naman ni Monique habang nakatigin sa dinaanan ng tatlo.
"You must avoid them, Weyla." Nagaalalang sabi ni Klinnia. I just nodded, and continued my lunch.
When we finished our lunch. Ready na sana kaming umalis sa table namin, ng biglang nag ingay ang buong cafeteria, mostly ang mga girls.
And there we saw, the five famous and powerful individual, wearing only cold stares, and they are full of dark aura, na nagsasabing dapat mo silang katakutan. Pero hindi naman nakakatakot ang mga muka nila. They look innocent because of their faces. I admit they are handsome, but dude their attitude are way beyond hell.
"Tara na." Sabi ko sa dalawang kasama ko. They just nodded as we stand. They were looking at the guys like they don't care at all.
I remain my emotionless face as we walk towards the exit. I was really damn hoping na hindi nila kami tingnan kahit na madadaanan namin sila.
But damn, I am starting to hate this day..
"Hey you!" Someone shouted, dahilan para mapatigil kami sa pag lalakad.
Everyone's eyes were on us. I know naman kasi na kami ang tinutukoy nang sumigaw dahil nasa gilid lang namin siya.
"We meet again." I know he's smirking kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya.
"Kyle, she's that girl from yesterday, right?" Someone asked, and when I look at him. He is looking at me, too. Clinton Alvarez.
"Hi Monique." Nangtingnan ko ang nag salita at bumati kay Monique, It was the guy named Lemuel...
I remember their face and names. Since hindi ako madaling makalimot ng mga bagong muka at pangalan.
"We're wasting our time, let's go Weyla." Klinnia grab my hand at aalis na sama kami but the guy who named Jhekyle and Lemuel blocked our way.
"Ano ba, Kyle, Lemuel, padaanin niyo kami." Klinnia seems so annoyed. Natawa lang ang dalawa, kaya napakunot noo akong tumingin sa kanila.
"Calm down, Klinnia. We just want to know something about that girl beside you..." Kyle said, while smirking at me.
"As if naman wala pa kayong alam tungkol sa personal information niya." Bored na sabi ni Monique.
"Yun na nga, what we knew is not enough." Seryosong ani Kyle habang nakakunot noong nakatingin sa akin.
"And I want to know kung hanggang saan ang kaya niyang gawin..." He slowly walk towards me with a cold stare.
"... She even gave this fucking bruise." Hindi niya iniiwas ang tingin sa akin, at itinaas pa ang kamay niyang may benda.
"Not my fault. You thrown that damn ball, I just returned it." Malamig kong ani.
Everyone seems so surprised because I suddenly speak. Natawa lang naman si Lemuel and the guy named Dennis because of what I just said. Nag iba naman agad ang timpla ng muka ni Kyle. He grabbed the collar of my shirt and angerly looked at me.
"You! Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo." He coldly and dangerously said.
Klinnia and Monique are giving me worried look. Habang ang mga kasama nitong lalaking ay seryosong nakatingin lang sa amin.
"How ungentleman..." I managed to remain emotionless, kahit na medjo kinakabahan na ako dito.
Kyle were looking at me angerly, like his ready to punch me, or worst kill me, right now, right at this moment.
"Release her, Kyle." A coldest voice of them all. The heck! His voice gives a damn chill.
Kyle released me just like what the guy said, napatingin nalang ako sa lalaking nakaside view sa gawi namin at maayos na nakaupo, katabi niya si Clinton na nakatayo sa gilid nito. Everyone's eyes are on him.
"Xzev!?" Hindi makapaniwalang pag banggit ni Kyle sa pangalan nito. So, siya pala si Xzevier Zandros -.-
"Leave." Hindi pinansin nung Xzevier si Kyle at blankong tumingin lang sa gawi namin na hindi man lang ginagalaw ang ulo niya.
"You're lucky! The next time we crossed path, I'm telling you, hindi ka makakaalis ang walang iniindang sakit sa katawan." Seryosong ani Kyle sa akin. I just stared blankly at him.
"Weyla, let's go na." Klinnia whispered as she grabbed my arm at mabilis na umalis sa kinaruruonan nang mga feeling Hari.
But... The image of that guy flashed in my damn head, kahit na naka side view siya kanina, I saw authority and how dangerous aura he has.
"Gosh! Akala ko talaga kanina sasali si Xzevier, No one wants that to happen." Nagaalalang ani Klinnia nang makalayo kami sa cafeteria.
"That would be a big disaster." Sabi naman ni Monique bigla.
See, even them. Ganon ba talaga ka takot-takot ang Xzevier na yun? Well, as far as I know, He's the leader.
"Wow, you managed to escape." Napalingon kami sa kanan namin dahil may biglang nag salita.
"You really is lucky today, Navar. Kung wala ang dalawang to 'don, I'm sure, nasa hospital ka na." Natatawang ani Mayra, mag isa lang siya, at hindi niya kasama ang dalawa niyang buntot. But I gave her a question look because of what she said.
"Shut up, Mayra!" Inis na asik ni Klinnia, pero natawa lang si Mayra.
"You really is a damn pain, Navar. You choose a friend that could help you with this... But that won't be a hindrance, so better be ready every minute that you're here inside the campus or even outside RU.." Muling ani Mayra bago niya kami iwan sa kinatatayuan namin..
Takang tumingin naman ako sa dalawang kasama ko. Umiwas lang sila nang tingin kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Am I allowed to asked for explanation?" I calmly said at tiningnan silang dalawa sa mga mata.
"Sa roof top tayo." Mahinang ani Klinnia at naunang mag lakad, sumunod naman kami ni Monique sa kaniya at tahimik lang kaming naglalakad patungo sa roof top.
How they treated Klinnia and Monique kanina, alam ko na may iba. They seems to know each other for so long. And that idea were corrected because of what Mayra said.
***