Chapter 7
NAPANGIWI si Haven nang may maramdamang kirot sa bandang ibabang bahagi ng katawan niyang ‘yon at parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang mag-flashback sa utak niya ang nangyari.
“God!”
Natampal niya ang sarili niyang noo. Akala niya panaginip lang ang lahat ng ‘yon. Totoo pala! Wala na ito sa tabi niya at sigurado siyang wala din ito sa banyo.
Ngumiti siya nang malungkot. Bakit niya nga ba kasi naisip na mags-stay si Alaric sa tabi niya? Siguradong nagsisisi ‘yon dahil nagtaksil ito kay Elise.
Niyakap niya ang sarili niya. Pakiramdam niya ang bitchy-bitchy niya kasi alam niya namang may girlfriend na ito. Bakit hindi niya ginawa ang lahat ng makakaya niya para hindi natuloy ang hindi dapat nangyari?
She closes her eyes, trying to avoid her tears. Guilt strikes her.
Naramdaman niyang bumukas ang pinto pero alam niya naman na mga kaibigan niya lang ‘yon pero bakit ang tahimik? Dapat kanina pa siya dinamba ni Iesha.
She opened her eyes and almost jump to her feet when she saw Alaric standing in front of her but she refused to do so. Maybe, he’s here because his conscience eating him alive. Yeah, right.
Umupo ito sa gilid ng kama niya. “How are you? Masakit pa ba?” masuyo nitong tanong at hinawi pa ang mga nagkalat na buhok sa mukha niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil ayaw niyang makita nitong namumula ang mukha niya. “Here, eat and drink this.” Ibinaba nito ang tray sa lamesa na nasa gilid ng kama.
“Where’s my friends?”
“They left few hours ago.”
“Iniwan nila ako?”
“I told them not to disturb your sleep because you are damn tired and we made—”
“Enough! Enough!” putol niya sa sasabihin nito.
“Hey, I’m just kidding. I told them that you’re tired from swimming.” Nakahinga siya nang maluwag. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang tungki ng ilong niya bago tumayo. “I’ll wait for you downstairs. We’re leaving soon.” Lumabas na ito ng silid.
Kumain muna siya bago inayos ang gamit niya at naligo. Dala niya ang dalawa niyang bag at bumaba na ng hagdan nang dahan-dahan dahil medyo makirot pa din ‘yon. Naglakad papunta sa kanya si Alaric at akmang kukunin ‘yung bag niya ngunit mabilis niya itong naiwas.
“No, Alaric. I’m fine.”
Tila wala naman itong narinig at kinuha pa din ang dala niya. Nauna na itong maglakad palabas kaya sumunod na lang siya. Madilim na. Sila na lang dalawa ang naiwan at malinis na din ang rest house. Baka hinintay lang siya ni Alaric magising para magsabay na lang sila. Nasabi siguro ng mga kaibigan na wala siyang dalawang sasakyan.
Tahimik lang sila pareho sa biyahe. Gusto niya sana itanong si Elise kaso may kung anong puwersa na pumipigil sa kanya na ‘wag na lang. Nakatingin lang siya sa bintana at hindi mapakali sa upuan. Because she can still feel him inside her.
Naramdaman niyang paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ng binata. She shifted her seat. Nakapatong ang dalawang paa niya sa inuupuan niya. This time, wala siyang pakialam sa ayos niya tutal tinted naman ang sasakyan at gabi na. Hindi lang talaga siya kumportable ngayon. Tumingin ito sa kanya no’ng huminto sila dahil naka-red light.
“Are you okay, Haven?”
“I feel uncomfortable!”
“What? Why?” Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil.
“I can still feel you inside me,” pag-amin niya at sumimangot.
Kuminang ang mga mata nito. “Talaga?” Sinamaan niya ito ng tingin at hinampas sa braso. Mukhang masaya pa kasi ito sa narinig. Hinuli nito ang kamay niya at hinalikan. “Mawawala din ‘yan. Matulog ka muna. Mahaba pa ang biyahe natin.”
She nodded and turned on the radio. Baka sakaling makatulog siya.
Wish that I could say these words tonight
Wish I have the courage, wish I might
Have the chance to show you, and speak what’s on my mind
Kung sana, kaya niya lang sabihin ang feelings niya para dito.
While you’re right next to me, I’ve loved you from the start
Wish that I could walk you down the road
Share each moment, have my hand to hold
My imagination’s, beginning to unfold
Every wish is granted, every dream and hope
Sana nagagawa niya din ‘yung mga bagay na gusto niyang gawin para dito. ‘Yung walang hadlang.
Wish I may, wish I might find a way to your heart
Wish that I’ll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might be the one
Sana siya na lang. Sana dumating ‘yung araw na siya naman ang mahalin.
Maybe now I’m ready to be found
That I’ll be a part of who you are
A promise of forever, never break your heart
I’m always there to listen, always by your side
Ngayon, handa na siyang tanggapin na may pagtingin siya sa binata. Matagal man silang hindi nagkita pero ‘yung feelings niya ay hindi nagbago. Nasa puso niya pa rin. ‘Pag pumipikit siya, mukha nito ang nakikita niya. In love na nga yata talaga siya!
“Babe, wake up. Babe.” Iminulat niya ang mata niya at ang guwapong mukha ni Alaric ang sumalubong sa kanya. Ngumiti ito. “Okay ka lang?”
“Nakatulog pala ako,” ani niya habang inaayos ‘yung bag niya.
“Yeah, mukhang napagod ka talaga.”
Napatingin siya dito dahil may iba pang meaning ang sinabi nito sa pandinig niya.
“Masarap lang talaga matulog.”
“Ang aga mo naman maglihi.” Tinakpan niya ang bibig nito at kinurot sa tagiliran.
Maglihi pala!
“Ouch, babe!” She chuckled at bumaba na ng sasakyan. Nakasunod lang ito sa kanya. “I’m hungry,” reklamo nito.
Siya din naman ay gano’n din ang nararamdaman. No’ng nag-aya kasi ito mag-stopover para kumain, hindi siya pumayag dahil hindi pa naman siya nagugutom no’n.
“Kumain ka muna bago ka umuwi,” sabi niya na hinahanap ang susi ng condo unit niya sa bag niya.
“Marunong ka magluto?” tanong nito nang nakapasok na sila. Umupo ito sa couch at inilibot ang mata sa loob ng unit niya.
“Hindi masyado pero kung ayaw mo ng luto ko, umuwi ka na.”
Naghahanda na siya ng lulutuin. Trip niya kumain ng adobo ngayon. Rice and pork adobo are fine with her.
Niyakap siya nito mula sa likuran at sinilip ang ginagawa niya. “Basta ikaw ang nagluto, kakainin ko.”
Hindi siya nakapagsalita agad dahil ‘yung puso niya umaariba na naman sa bilis ng tibok. Inaamoy-amoy nito ang buhok niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
“Paano ako makakakilos kung nandiyan ka sa likod ko?” Pilit niyang pinataray ang boses niya. Mukha namang effective dahil lumayo ito sa kanya. Nag-uumpisa na siyang magluto at ito naman ay mataman lang na nakatingin sa ginagawa niya. “How’s Elise?” usal niya.
“She’s fine. Don’t worry about her.”
May gusto pa siyang sabihin, hindi niya lang alam kung paano umpisahan. Hininaan niya ang apoy at hinarap ito na kasalukuyang nakaupo na at ang siko ay nakatukod sa lamesa at magkasiklop ang mga kamay.
“About sa nangyari kanina. Alaric, I didn’t mean that to happen. Pero—”
“I mean that to happened,” direktang sagot nito sa kanya at nakatingin sa mga mata niya.
Nagngingitngit ang kalooban niya dahil parang hindi kasalanan dito ang ginawa nila.
“Elise will get mad once na nalaman niya ‘yon.”
Kumunot ang noo ng kaharap. “Bakit naman siya magagalit?”
Siya naman ngayon ang naguluhan sa tanong nito. Syempre, magagalit talaga ‘yon kasi nagtaksil ito.
“E ‘di ba girlfriend mo siya?” May kung anong tumusok sa bandang bahagi ng dibdib niya sa sariling tanong niya.
Pagak itong tumawa at lumapit sa kanya. He lifted his eyebrows. “Are you jealous?”
Tumalikod siya dito upang tignan ang niluluto niya pero ang totoo, nabigla siya sa tanong nito at gusto niya lang iwasan ang mga titig nito.
“Of course not.”
“Elise is my cousin. She’s not my girlfriend, okay?”
Napatalak siya. Buong akala niya ay may relasyon ang dalawa. Parang nabunutan siya ng tinik sa nalaman.
“Let’s eat. Okay na siguro ito,” pag-iiba niya ng usapan.
Wala naman pala siyang dapat ika-guilty. Nakabuti pa tuloy ang pagtatanong niya.
“How does it taste?” usisa niya dito.
Nag-isip pa ito sandali at ninamnam pa ang pagkain sa bibig nito.
“Masarap.”
Kumibot-kibot ang labi niya. Hindi siya naniniwala dito dahil kahit siya lasa niya ang alat sa niluto niya.
“Liar.”
Natawa ito sa reaksyon niya. “I am not. Nasobrahan lang ng kaunting alat pero masarap. Promise.” Nagkibit-balikat na lang siya.
Nanood muna sila sandali ng TV news pagkatapos kumain dahil ipapakita doon ang teaser ng bagong pelikula na si Prince ang director. It’s a romance movie. Malayong-malayo sa katauhan ni Prince. Napapailing tuloy ang katabi niya.
“I still can’t believe na siya ang director ng movie na ‘yan.”
“Interesting. I’m going to watch it.”
“Let’s watch it.”
Lumingon siya dito. “Are you sure?”
Ang nag-iisang Alaric Karaffa, manonood ng romance movie?
He lifted his eyebrows. “Just to show my support to my friend. Nothing more.” Ngumisi siya nang mapang-asar dito. Feeling niya mahilig ito sa romance movie. “What?” he asked.
“You are a fan of a romance movie, aren’t you?” She giggled.
Kiniliti siya nito bigla hanggang sa mahiga siya sa sofa. “I’m not.”
“Stop!” She laughed. “Nakikiliti ako. Stop na, Alaric,” ani niya na nagmamakaawa habang tumatawa-tawa. Tumigil ito sa ginagawa at pumaibabaw sa kanya. “What now? Hindi na kita aasarin. Alis! Ang bigat mo kaya,” pakli niya at pilit tinulak ito palayo sa kanya pero hindi naman ito natinag.
“I want you.”
“What?” Hindi siya sigurado sa narinig niya… Kung ano ba ang ibig sabihin nito.
Mariin itong pumikit at tumingin ulit sa mga mata niya. “Be mine, Haven.”
Napahawak siya sa bandang dibdib niya dahil bumibilis ang tibok ng puso niya. “What do you mean?”
He frowned. “Be with me. Stay with me.”
Tama ba ang narinig niya? Baka guni-guni niya lang ‘yon pero malinaw ang mga binitawan nitong salita.
“You mean… You want me to be your girlfriend?”
“Exactly.” Umupo na ito at inalalayan din siyang bumangon. Tinignan niya ito waring tinatantsa kung nagsasabi ba ito ng totoo. “Hey, don’t look at me that way. I told you. I want you.”
She crossed her arms over her chest. “Hindi mo pa ako nililigawan.”
Pumalatak ito. “I don’t know how. At saka bakit pa? May nangyari na nga sa atin at nakita ko na lahat sa ‘yo. Nahalikan ko na din ang buong katawan mo. I even licked your—” Tinakpan niya ang bibig nito at kinagat ito sa braso. Alam niya naman ‘yon. Bakit kailangan pang sabihin sa harap niya? Namumula tuloy ang mukha niya. Napangiwi ito pero tumawa din pagkatapos. Niyakap siya nito papalapit sa kanya. “Payag ka na?”
She nodded. “Basta, araw-araw mo akong liligawan kahit tayo na.” Feeling niya tama naman ang desisyon niya at masaya siya doon.
“How? Like giving you flowers and chocolates? Something like that?”
“Yes, yes.”
Tumango-tango ito. “Okay, babe. I will.”