Chapter thirteen

Nag enjoy naman ako sa party, Lalo na at palagi akong malapit kay bossing. Sobrang sweet nito, sana nalang totoo. Halos kami lang din ang magka sayaw at paminsan minsan ay kinukuha ako ng lolo nya o ni Mr. Alcantara para makasayaw. May napapansin ako sa klase ng tingin ng dalawang matanda, hindi ko lang masabi kung ano iyon.

Narinig ko na may tumawag kay bossing sa cellphone nya. Nag excuse ito at tumayo para sagutin ang tumawag sa kanya.

Ilang minuto itong nawala at ng bumalik ay umupo ulit sa tabi ko . Automatic na naka yapos agad sa bewang ko ang kamay nito. Tumingin ito sa orasan na nasa bisig nya.

"It's getting late. Are you tired?"tanong nito sa akin.

"Wag ka ngang english ng english bossing nagdudugo na ang ilong ko sayo, kanina ka pa."naiinis ko na sabe dito.

Natawa ito at nagawa pang pigain ang ilong ko.

"We have to go. I have some transaction that have to be done tonight. Wait magpapaalam na ako kila lolo."pagtatagalog nito, ayan kung ganyan ba e de magkakasundo kami.

Sumama na din ako sa kanya para magpaalam sa dalawang matanda. Gusto pa nga ni Mr. Alcantara na wag na muna kaming umalis pero may kailangan daw talagang gawin si bossing ngayon.

Sabay na kaming naglakad palabas ng gate . Pinag buksan nya pa ako ng pinto sa backseat ng sasakyan.

"The guns are with you? Make sure it's complete. I don't want to disappoint our client."rinig ko na sabe ni bossing kay bokal .

"Rey you drive ."utos ni bossing, sumunod nga si kalbo at pumwesto sa gawi ng manobela. May isa pang sumakay sa harap . Tapos tinabihan ako ni bossing sa likod ng sasakyan. Hindi ito yung sasakyan na sinakyan namin kanina. Hindi ko alam ang tawag dito pero mas malaki ito at meron pang pwedeng sumakay sa likod . Bali nasa gitnang bahagi kami nakaupo ni bossing.

"I have to do this transaction my self. Will you be okay if I take you with us?"medyo may pag alalang tanong ni bossing. Nakaka panibago na talaga ito dahil kahit wala ng ibang tao ay nadala pa din nito ang pagiging maalalahanin.

Medyo pagod na nga ako, tapos masakit pa ang katawan ko lalo na ang mga binti ko. Hindi naman kase ako sanay na magsuot ng heels, mas komportable na magsuot ng tsinelas o rubber shoes.

"Wag mo ko alalahanin bossing ayos lang ako. Behave lang ako dito sa sasakyan, pagoda versosa na ang lola mo."medyo kumunot pa ang noo nito, tanda na hindi siguro naintindihan ang sinabi ko pero wala naman itong sinabi.

Umamdar na ang sasakyan at tahimik lang kaming lahat na naka sakay.

Patulog na ako ng biglang mag preno ng medyo malakas si Rey. Nagkukusot ako ng mga mata na tumingin sa paligid. Madilim at malayo ang itsura sa pinang galingan namin na may mataas na gusali.'Nako ito na nga ba yung kinatatakot ni inang. Baka nga totoo yung sinasabi nyang ma gang bang ako."takot akong tumingin kay bossing."Bossing nasaan na tayo? Please kung gusto nyo pong pakasasaan ang katawan ko okay lang basta sayo lang. Wag sa kanya.''tumingin ako kay kalbo."at tsaka sa kanya."turo ko pa sa isang lalaki na nakaupo sa harapan. Natawa ang mga ito. Nagpatuloy lang ako."Bossing gagawin ko ang kahit ano na iutos mo. Basta wag mo ko papatayin please? Ayoko pa mamatay!"lumapit pa ako lalo dito at humawak sa damit nya. Nakita ko ito na ngumiti, nyemas may nakakatawa ba sa sitwasyon ko?

"You really is something."napapailing na sagot ni bossing."I told you I have a transaction to make tonight. This is the meeting place so that's why we are here."nakahinga ako ng maluwag kahit na hindi ko naman masyadong naintindihan ang sinabi nito . Basta na gets ko nalang yung ilan sa sinabi nya.

"Just stay here in the car okay? I have people outside the car, I promise you are safe here. I won't stay long."hinawakan pa nito ang pisngi ko bago lumabas ng sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag, nyemas akala ko kung ano na.

Sampung minuto ang lumipas hanggang maging kinse minuto pero wala pa din sila bossing. Hindi naman siguro ako iiwanan non dito. Tumingin ako mula sa labas, madaming bantay na nakapaikot sa sasakyan."Inaantok na yung tao e."wika ko dala ng pagka antok at pagkainip.

Tumingin ako sa bandang likod na pwesto ng inuupuan ko."Pwede na siguro muna akong umidlip dito."kausap ko ang sarili pagkatapos ay tinawid ang pagitan mula sa likod na upuan. Pumwesto ako ng higa. Medyo giniginaw na din ako kase naka on ang aircon ng sasakyan tapos halos hindi naman matino ang suot ko.

'Gigisingin naman ako sigurado ni bossing kapag tapos na sya sa ginagawa nya.'wika ko bago ipinikit ang mga mata dahil hindi ko na talaga kayang pigilin ang antok ko.

Draco's POV:

Hindi pa man kami nagkakapalitan ng katransaction ko ng biglang may nag paputok.

"Mga parak boss."bigay alam sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"Damn! This is the second time that we failed to our transaction."inis kung sagot sa mga ito. The first was in Nueva Ecija . The transaction was failed just like what we have now. Someone is trying to sabotage me. I will make sure to make whoever that evil will pay for this.

"Back out."utos ko sa mga ito matapos makipag palitan ng ilang putok sa mga pulis. Nakita ko ang grupo ng kameet up namin na sila Mr. Chua na nagsialisan na din. Kung hindi ko lang kasama si Celestina hindi kami aatras sa mga ito.

"Let's go. I will talk to Mr. Chua later."nagsi atrasan na din ang mga tauhan ko.

Mabilis akong naglakad pumunta kung saan naka pwesto ang sasakyan na pinag iwanan ko kay Celestina.

I opened the passenger seat where I left Celestina. But to my surprise she isn't here. Dang my heart beats fast and so worried about her.

Lumapit ako sa mga tauhan na nagbabantay sa labas ng sasakyan.

"How come you didn't saw that she went outside the car?"pagalit ko sa mga ito . I punched them one by one, all of them! I want to kill these bastards.

"Sir we have to go bago pa tayo mahuli dito."paalala ni Dos.

Hinila nila ako papasok ng sasakyan .

"We cannot leave her here. No one will leaving unless we have her."hiyaw ko sa mga tauhan ko.

"Oh my goodness bossing ang ingay mo anong nangyayari?"napabangon at nagising si Tinang mula sa kinahihigaan nya, sobrang ingay ng boss nya na para itong papatay ng tao sa sobrang galit.

Sabay sabay na napatingin ang tatlong lalake kay Tinang na nagkukusot pa ng mga mata.

Nakita nyang nagulat ang mga ito pero parang bipolar ang bossing nya dahil mula sa pagiging sobrang galit ay biglang napalitan ng saya ang makikita sa mukha nito.

"You're here."masayang turan ng boss nya at inabot sya nito at tinulungan makatawid muli para mapunta sa pwesto nila kanina. Naguguluhan talaga si Tinang dahil wala syang maalala maliban sa alam nya na natulog lang sya dahil hindi na nya mapigilan ang antok.

"I thought you left. You're here."hinawakan pa nito ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng paulit ulit sa noo.

"Ang OA mo naman bossing. San nga ako pupunta kung aalis ako dito? Takot ko nalang alam mo naman na hindi ko kabisado ang pasikot sikot dito sa Manila no! At isa pa, alam mo namang ganda lang ang baon ko wala akong pera pamasahe!"napapairap ko pang sabi dito. Parang natauhan pa ito sa sinabi ko at balik na naman sa pagiging cold ang pagmumukha .

"Rey drive now."utos lang nito kay Rey na nasa manobela. Hindi na ito kumibo. Ganon din ako, Inaantok pa nga kase yung tao e!