Chapter ten
Patulog pa lang si Tinang ng marinig nya ang pag bukas at muling pagsara ng pinto kung nasaang kwarto sya. Ilaw lang sa side table ang tanging liwanag na nagbibigay sa buong silid kaya hindi nag alinlangan si Tinang na bahagyang idilat ang mga mata para tignan kung ano ang ginagawa ng boss nya. Mukha itong naka inom sa klase ng lakad nito. Susuray suray itong lumapit kung saan malapit ang couch, ng makaupo ito dahan dahan itong nag hubad ng sablot at tanging boxer lang ang iniwan sa katawan. Basta nalang nitong inihagis ang mga damit"Oh Diyos ko ilayo mo po ako sa tukso."tumalikod nalang ako sa gawi ni bossing at baka hindi ako makapag pigil baka magapang ko pa sya ng wala sa oras.
Ilang minuto pa lang na naka pasok si bossing ng may kumatok.'Ano ba naman yan gabe na may mambubulahaw pa .'inis kung sabe at naglakad para tanungin kung sino ang kumatok.
"Sino yan?"tanong ni Tinang habang hindi binuksan ang pinto.
"This is Draco's grandfather. Can you open the door iha? I just want to ask something to Draco"tanong nito .
Nagmamadaling lumapit si Tinang sa gawi kung saan naka higa na si Draco.
"Bossing tumayo ka dyan at lumipat ka sa kama, nasa labas ang lolo mo."niyugyog nya ang poging boss. Mukhang lasing na lasing na ito . Hinila nya ito patayo at tinulungang makalipat sa kama.
"Ang bigat mo bossing."turan nya habang naka agapay sa lalaki. Oh my ghad bossing ang sarap naman ng pandesal mo ."Lumantad ang malapad na dibdib ni Draco ng tuluyan na itong maihiga sa kama. Kumurot pa ng bahagya si Tinang sa abs nang lasing na si Draco. Tanging ungol lamang ang naisagot nito. Naglakad sya palapit sa pinto para pag buksan ang matanda.
"Po?"niluwagan nya ng bukas ang pinto para makapasok ang matanda. Lumipad agad ang mga mata nito sa lasing at natutulog nang si Draco na naka boxer lang sa ibabaw ng kama .
"I just want to ask something to Draco but I think I will ask him tomorrow . Pasensya na sa abala iha."nakangiti ito at lumabas na mula sa silid .
Naglakad ulit s Tinang palapit sa kama para gisingin at palipatin muli sa couch si Draco .
"Bossing pwede ka ng bumalik sa couch. Dali na at baka magahasa kita kung pareho tayong dito matutulog sa kama."niyugyog nya ito ng bahagya pero mukhang tulog na tulog na ito. Palatandaan ang mumunting hilik na nagmumula dito.
"Hmmp ang pogi pogi mo."Hindi naiwasan ni Tinang na kurutin ito ng mahina sa pisngi , bahagya pa itong umungol.
Kumuha ng dalawang unan si Tinang para iharang sa pagitan nila ni Draco, malaki naman ang kama para sa kanilang dalawa kaya hindi na siguro masama kung dalawa sila na matutulog sa kama.
"Wag kang lalagpas dyan bossing ha? baka magahasa kita mahirap na."kausap nya dito kahit alam nya naman na hindi nito naririnig.
Nagising si Tinang na may mabigat na nakapatong sa bandang bewang nya . Naka pwesto sya ng patagilid. Gumalaw sya ng bahagya ng parang may matigas na bagay na tumutusok sa bandang pwet nya.'Nanaginip ba ako?'gumalaw sya para kumpirmahin ang bagay na nasa bandang likod nya, ng marinig nya na may umungol sa bandang likuran nya. Gulat syang napabangon at tinignan kung ano o sino ang nakahiga sa tabi nya. Ng maalala nya ang nangyari kagabi, oo nga pala at dito na din natulog sa kama ang poging boss nya. Humarap sya dito, mukhang tulog na tulog pa din ito. Tinitigan nya ang mukha ng lalaking mukhang tulog na tulog pa din .
"Ang daya naman mukha ka pa ring fresh kahit natulog ka." Kausap nya dito. Hindi sya nakapagpigil at nilapit ang mukha dito ."cute ka sana kung wala kang attitude."sabe nya dito at hindi napigilang pigain ang pisngi.
Nagulat sya ng magmulat ito at tinakpan ang bibig."stinky "wika nito . Aba malay nya ba na gising na pala ito.
"Good morning bossing. May tuloy laway ka."tama palusot nya dito at nag kunwaring pinunasan ang pisngi nito.
Nagkukusot pa ito ng mga mata ng tumingin sa buong paligid.
"Why am I sleeping here on the bed? I remember I slept on that couch."takang tanong nito.
"Aba malay ko bossing kung ginapang mo ko habang natutulog ako. Tignan mo nga may payakap yakap ka pa. Hindi mo talaga kayang tiisin ang beauty ko."biro nya dito .
"You're dreaming woman."tumayo na ito at nag deretso sa banyo. Naupo si Tinang na natatawa dahil sa naging reaction nang gwapong boss nya.
Hindi din ito nagtagal at lumabas muli sa banyo na mukhang bagong paligo na . Hindi napigil ni Tinang na titigan ito particular na ang hubad na pang itaas nito.
"What?"nakakunot na tanong nito.
"What what ka dyan ang tagal mong lumabas naiihi na ako."pagkukunwari nya dito at tumayo na din para magawa nya na ang normal routine nya. Nagdala sya ng damit na pamalit . Simpleng pambahay lang ang pinili nya. Kasama iyon sa mga pinamili sa kanya ni Draco kahapon .
"Fresh."Turan nya sa sarili ng matapos na syang makaligo. Lumabas sya ng banyo at nagulat pa sya dahil narito pa din sa kwarto ang bossing nya.
"Ang tagal mo. Let's go have breakfast."siryosong turan nito habang naka upo pa din sa kama.
"Bakit mo ko hinihintay bossing dala ko ba yung plato?"irap nya dito.
"We have to act woman. My grandpa is still here."sagot nito."Let's go."nauna na itong naglakad palabas ng pinto. Tahimik syang sumunod dito at nagulat pa sya ng hilahin nito ang kamay nya. Magka holding hands silang bumaba ng hagdan.
"Good morning lo."bati ni Draco sa Lolo nya na nakaupo na sa hapag.
"Good morning po."magalang din na bati ni Tinang sa matanda.
"Good morning love birds. Come join me for breakfast."nakangiting bati nito sa kanila. Mukha talagang mabait ang matanda, malayong malayo sa masungit nyang boss.
Pinaghila pa sya ni Draco ng upuan bago ito umupo sa tabi nya.
"I went to your room last night apo to ask about the shipment from Mr. Chua but you were asleep ."imporma nito.
"Really?"tanong nito pero na kay Tinang ang mga mata."So ikaw pala ang nagpalipat sa akin sa kama last night?"may pilyong ngiti ito habang binulong kay Tinang iyon .
Hindi na sya sumagot at siguradong lolokohin sya ni pogi dahil alam na nito na hindi sya lumipat na mag isa sa kama kundi dahil pinalipat sya ni Tinang doon.