CHAPTER 9
BIGLA siyang napabangon nang makita niyang umaga na, nagtataka siya kung bakit nakadamit na siya, iniisip niya kasing may nangyari na sa kanila ni Simon, dapat sana ay magigising siyang katabi ito, tapos makikita niyang wala silang suot na anumang saplot sa katawan nila.
Siyempre ang una niyang gagawin ay ang halikan ito sa noo, sa ilong at sa labi, kaya lang bakit ganon? Bakita wala ito sa kanyang tabi, tiningnan niya pa maigi ang suot niyang damit, suot pa rin niya iyong kulay pink na lace dress na paborito niyang pantulog. Malungkot siyang nagbangon at nagtungo sa banyo.
Naisip niyang marahil ay isang magandang panaginip lang ang lahat, maaring panaginp lang, pantasya lang ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ni Simon. “Matapos nilang mag-away ni Papa, imposible ngang gawin niya iyon, baka nga nanaginip lang ako, hay! Hindi talaga totoong nangyari ang lahat,” mahina niyang sambit habang nakababad ang katawan niya sa bath tub na may mainit-init nang tubig na nakalagay.
“Gising ka na ba talaga?” napamulat siyang bigla nang may marinig na tinig.
“Ba’t nandito ka sa banyo ko? Nakakagulat ka naman!” Napayakap siya sa sariling katawan niya, kasalukuyan pa naman siyang wala nang damit dahil sa pagligo na gagawin niya.
“Ako, kayang naghanda ng pampaligo mo, akala ko nga aayain mo akong maligo e, para sabay na tayo,” nakangisi pa sa kanya si Simon. Nagtataka siyang bigla na lang nag-iba ang timpla sa kanya ng lalaking ito.
“Am…. S-Simon,” sambit niya habang yakap pa rin ang sarili.
“Bakit?” mahina nitong tanong sa kanya.
Ikimumpas na lang niya ang mga daliri niya tanda nang pinalalabas na niya ito ng banyo, nais na niyang ipagpatuloy ang kanyang pagligo. Ngumiti lang ang lalaki at marahang lumabas ng banyo.
“Ang weird niya, hindi ako sanay na hindi siya masungit, simula ng magsama kami bilang mag-asawa walang oras at minuto na hindi siya nagalit sa akin, tapos ngayon ang bilis naman ng transition ng lalaking iyon, hindi kaya bipolar siya?” At nanginginig na naman niyang nayakap ang sarili niya.
NANG makababa na siya para sa kanilang umagahan, matamlay siya at nakakaramdam siya na tila ba pagod na pagod siya. Para siyang lalagnatin na hindi niya malaman.
“O iha, Jemie, okay ka lang ba?”
“Hindi ko nga po alam Ma, siguro po hindi muna ako pupunta sa opisina, hindi muna po ako magta-trabaho,” sambit niya sa biyenan niyang babae.
“Ayos lang naman iyon, okay lang sila sa opisina, huwag mo na silang alalahanin pa, sige kumain ka na lang muna riyan,” ngunit nagpalinga-linga siya. Hinahanap niya si Simon.
“Si Kuya ba ang hinahanap mo Ate Jemie? Umalis siya, tumawag kasi si Ate Mica, nagpapasundo sa airport,” napatingin siyang bigla kay Robel dahil sa sinabi nito, kaya ang nararamdaman niyang pananamlay ay mas lalo pang tumindi.
“Nako wala iyon Jemima, alam kong babalik agad si Simon, wala lang kasing magsundo doon sa ex niya,” paliwanag pa ni Gng. Kristine sa kanya upang hindi na lalong sumama ang loob niya.
“Si Kuya talaga, kasasabi lang ni Papa sa kanya,” sambit pang muli ni Ronabel ngunit palihin na itong kinurot ng ina.
“Sige ho Ma, akyat na muna ako sa kwarto ko.” Naguguluhan tuloy siya lalo, kanina lang ay nakita niya itong mabait na sa kanya, at pumasok pa ito sa loob ng banyo niya. Iyon pala ay manunundo lang pala ito sa ex-girlfriend.
“Bwiset kang lalake ka, aalis na ako rito, ang akala ko pa naman ay okay na tayo, ang akala ko totoo ang lahat ng nangyari sa amin kagabi, panaginip lang pala a ng lahat ng iyon?” mangiyak-ngiyak niyang sambit sa sarili. Hindi na niya alam kung anong klaseng paghihirap pa ang pagdaraanan niya at mararamdaman, para lang makuha ang pag-ibig na inaasam niya.
Naiinis na pinaglalagay niya sa malaking maleta ang mga damit niya. Kinuha niyang lahat sa walk in closet ang mga iyon, habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha, pahid, ligpit ang ginagawa niya. Dahil bawat kilos niya ay may katumbas na patak ng luha.
Sandali siyang napasandal sa isa sa mga cabinet, hindi niya alam kung itutuloy pa niya ang ginagawang pag-alis, pero ano pa bang mapapala niya kung nariyan na ang ex-girlfriend nito. Kunga iyon talaga ang babaeng magpapaligaya at minamahal ng labis ng kanyang asawa.
“Hindi ako pwedeng maging madamot sa iyo, mahal na mahal kita Simon, kaya kung siya talaga ang ikaliligaya mo, maluwag sa puso kong iiwan ka, para lumigaya ka na, ayokong ikulong ka sa mga bisig ko, kung ang puso mo ay nakatali na talaga sa ibang babae.” Patuloy niyang sambit sa kanyang isipan, habang hawak ang wedding picture nilang dalawa. Muli niyang pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. At ikinulong sa kanyang mga bisig ang picture frame na hawak niya.
Malungkot siyang bumaba ng hagdan habang buhat-buhat ang isang malaking maleta, nakita siya ni Ronabel, “Ate Jemie… saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya.
“Sorry Ronabel, pero ayoko nang maging pabigat sa kuya mo, ayoko nang ipilit ang pagmamahal ko, palalayain ko na siya,” naiiyak pa niyang sagot.
“Mama…Papa…aalis na si Ate Jemie!” malakas nitong tawag sa mga magulang.
“Bakit naman Iha? Bakit ka nagdedesisyon ng ganyan?” malungkot na tanong ni Gng. Kristine. Naroon din si G. Romeo, nakapamulsa lang ito at nakatingin sa dalaga.
Umiiyak na nagyakapan ang tatlo, napamahal na rin kasi siya ng husto sa mga-ina, anak na at kapatid ang turing sa kanya ng mga ito.
MAG-AALASINGKO ng hapon ng makarating silang tatlo nina Poul, at Mica sa mansiyon. Masaya pa silang pumasok sa loob ng kabahayan, nadatnan nilang malungkot ang kanyang mga magulang at si Ronabel.
“Umuwi ka pa Kuya! Sana doon ka na lang sa Mica na iyan tumira!” Galit at padabog itong umalis at umakyat sa hagdan papaitaas.
Natatawa naman siya sa inasal ng kapatid niya, “Anong nangyari ‘don Ma, Pa?” Sabay turo sa kapatid na nag-walk out. “Upo muna kayo,” baling niya sa mga kasama. Si Mica at Poul.
“Narito ba sila para pag-usapan ang kasal niyo? At si Poul, para kunin sa amin si Jemima?” naiiyak na namang tanong ng mama niya. Nagtaka naman siya. Hindi niya maunawaan ang mga pinagsasabi ng magulang.
“What? Anong pinagsasabi niyo Ma? Anong kukunin niya si Jemima, hindi ko ibibigay ang asawa ko, maayos na ang samahan namin, in-fact may ---” atubili niyang masabi sa harap ng lahat.
“May ano? May ano anak? Umalis na si Jemima, kanina pa….”
“Ano!? Bakit niyo hinayaang umalis si Jemie, Pa, Ma?” gulat na gulat niyang tanong sa mga magulang. Wala sa hinagap niya na iiwan siya ng asawa sa kabila nang may naganap na sa kanila. Nalilitong napahawak ang isang kamay niya sa ulo, at sa baywang ang isa pa. Nagpapaikot-ikot siyang naglalakad sa harap ng mga kasama.
“Ano ba, Insan? Umalis ka na at habulin mo na, baka nasa station pa iyon ng bus pauwing bulacan o Batanggas!” nasabi ni Poul.
“Bakit, akala kasi niya ay si Mica parin ang mahal mo, kaya mo siya sinudo,” sabat naman ng ama niya.
“Aalis na ako Ma, baka maabutan ko pa siya. Sila na lang ang bahalang magpaliwanag sa inyo.” Mabilis na niyang muling dinampot ang susi ng sasakyan na kanina ay nailapag pa niya sa lamesa.
KINAKABAHAN siyang nagpapalinga-linga sa daan nagbabakasaling may matanaw na babae, alam niyang may pagka engot si Jemima, pero hindi naman iyon maglalakad. Nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan, mas lalo pa siyang kinabahan na hindi na makita pa ang asawa.
Sa bus station raw ang tuloy ni Jemima, pero hindi alam kung sa Batanggas ito tutuloy o sa Bulacan kung saan nakatira ang kanyang ina. Kaya naman nagbakasakali siya sa lahat ng mga bus station, wala siyang nakita.
Ipinagtanong na rin niya ito, pero wala naman daw napansin sa itsura ng kanyang asawang hinahanap. Hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang mama.
“Hello Ma, hindi ko pa siya nakikita, baka tumuloy na ako sa Bulacan o sa Bantanggas, haharangin ko na ang mga bus!” daterminado niyang sabi sa ina.
“Huwag na anak, ang mabuti pa bumalik ka na rito sa lugar natin, dito mo na lang siya hanapin, maaring naririto lang siya, tumawag kami sa batanggas wala naman raw si Jemie ro’n, sa Bulacan, nakausap ko ang Nanay niya, wala naman daw doon,”
Mabilis niyang ibinaba ang cellphone ng makita niya ang isang babaeng nakaupo sa isang bench, nag-alisan na ang lahat ng mga bumabyaheng bus, pero nakaupo lamang iyong babae, at tila umiiyak pa. Ang lakas ng iyak nito ay nakaabot sa kinatatayuan niya. Humagagulhol na parang baka si Jemima, kaya’t nilapitan na niya ito.
“Ano bang iniiyak mo diyan?”
Napatingin si Jemima sa kanya, “A-anong ginagawa mo rito?”
“Ikaw bakit ka nandito? At umaatungal ka riyan na parang baka?” napapangiwi siya dahil pinipigilan niya ang matawa, dahil sa tuwa na makita ang asawa.
“Aalis na sana ako, kaya lang hindi ko pala kaya e, hindi kita kayang iwan, mahal na mahal pala kasi kita e, mahal kita, kaya okay na lang sa akin kahit na dalawa kami ni Mica sa tabi mo, tutal ako namang yung legit, siya iyong kabet, naiisip ko hindi kita kayang iwan Simon!” sabi pa nito habang umiiyak, at kumapit sa pantalon niya.
Napayakap naman siya sa asawa, touch na touch siya sa walang hanggang pag-ibig nito sa kanya, kahit na pinakitaan niya ito ng masama, “Para ka talagang sira, diba dati mo pa alam na mahal mo ako? At saka sinong babae ang payag na dalawa sila sa lalaking mahal nila, ikaw lang yata iyang magsasalita ng ganyan, ang engot mo talaga!” sabay pirat niya sa ilong ng asawa.
“Aray naman, ilong ko na naman ang pinagdiskitahan mo, a basta! Kahit palayasin mo pa ako dahil nandyan na ang Mica mo, hindi pa rin ako aalis, mahal kita at kahit anong mangyari hindi ako aalis!” determinadong sambit nito habang nakatingin sa kanya.
“Alam mo, ang OA mo, mahal din kita. Diba may ginawa na tayo kagabi, nalimutan mo na ba iyon?”
“ANO? Hindi ba panaginip iyon? Totoo pala iyon? Ang akala ko nagpapantasya na naman ako?” napapapikit na tanong ni Jemima. At natawa na talaga siya sa sinabing iyon ng asawa niya.
“Ikaw talaga, napaghahalatang palagi mo akong pinagpapantasyahan, sige na nga, pagbibigyan na kita palagi,” sambit ni Simon, sabay halik sa asawa niyang si Jemima.
MAKALIPAS ang isang taon pa ay nagkaanak na sila ng isang lalake, nagpapasalamat si Simon, na kahit na anong sama, ang ipinakita niya sa asawa niya ay hindi ito bunitiw sa pag-ibig sa kanya, hindi naman niya pinagsisihan na minahal din niya ito, para sa kanya walang nang ibang babae pang magmamahal sa kanya, nang ganoon katapat at kawagas. at mamahalin naman niya. Tulad nila sina Poul at Mica ay nagpakasal na rin at nagkasama sa ibang bansa.
“WAKAS”