Chapter VII

HINDI pa rin mawala sa isip ni Melody ang tagpong mayroon kanina sila ni Elijah.

Mukhang makakagawa na naman siya ng panibagong kanta, aniya pa.

"Para saan na naman ang ngiting 'yan?" bulong sa kanya ni Zandra. Kasalukuyan sa isang boutique silang dalawa para mamili ng mga pasalubong nilang tatlo, siya si Sonata lang naman ang balak niyang bilhan sa mahigpit nitong bilin sa kaniyang polseras daw. Mahilig ang bunsong kapatid nya sa mga abubot kaya hindi nya ito bibiguin, alam niyang magiging masaya si Sonata kapag binigay nya ito rito.

Malaki naman ang lihim na pabaon sa kanya ng mommy niya.

"Hindi ka pa rin makamove-on sa pagkikita niyo 'no?" tukso ni Zander. Talagang tumigil pa ito sa harap niya kasabay ng pagwagayway ng t-shirt na napili nito sa mukha niya.

"Masaya lang ako."

"Alam naman namin, feel na feel naman namin, Oddy. Pero huwag magpakalunod at baka hindi ka makaahon," anito sa kaniya.

Alam niyang may laman ang sinabi ni Zander. Tumingin siya sa kakambal nito at basta na lamang ito ngumiti sa kaniya ng may kabuluhan.

Ano kaya ang iniisip ng dalawang 'to? tanong ni Melody sa isip niya. Wala naman siguro siyang gagawing mali sa pananatili nila sa isla na 'to.

Mukhang harmless din naman si Elijah, aniya pa. Siya nga 'tong napadiin ang pagkakahawak sa kamay nito kanina e. Baka nga siya pa ang pag-isipan nito ng mali, natatawa niyang wika sa sarili.

"Ewan ko sa inyo, ang dami niyong alam. Mamili na nga tayo."

Tumalima si Melody sa gawi ng mga ito, umikot siya sa kids section para ipambili si Sonata. Hindi niya pweding kalimutan ang sadya niya at baka umiyak lang ito kapag wala siyang dala.

Nasisiyahang mamili si Melody nang may bigla na lamang lumapit sa gawi niya. Isang lalaking nakasuot ng puro itim na pares.

"Miss Melody Enriquez?" anito sa kaniya.

Mataman itong tinitigan ni Melody; naka-itim na t-shirt, itim na pantalon, itim na sapatos, naka itim na sumbrero ito.

"Huwag kang matakot, may gusto lang akong ipabigay sa 'yo. Pinabibigay ni Sir Elijah."

Binaba ni Melody ang tingin niya sa isang card na nilahad nito sa harap niya.

"Para saan?" mabait niyang tanong dito.

"Basahin niyo na lang ho."

Lumingon siya sa gawi ng dalawang kaibigan niyang abala sa pamimili, ganoon din sa pag-vi-video para sa content ng mga ito.

"S-sigurado po ba kayong para sa akin?" tanong ni Melody rito.

"Sigurado po, ma'am," sagot naman nito sa kaniya.

Isa pang sulyap ang pinakalawan ni Melody rito, bago niya tinanggap ang card na inaabot nitong galing daw kay Elijah, sabi nito.

Nagpaalam na ito sa kaniya. Nanginginig pa ang kamay ni Melody nang basahin niya ang card, naamoy niya pa ang pabangong sadyang nilagay dito.

'To the Gorgeous Lady Melody, can I invite you dinner tonight?

E. P

Awtomatikong ngiti ang sumilay sa labi niya sa natanggap pa imbitasyon mula sa lalaking halos hindi mawala sa isip niya mula nang makita at nakaharap ito kanina.

Heto nga at mukhang dumadamoves pa sa kaniya ngayon. Wala naman itong sinabi kung saan o ano'ng oras ang imbitasyon nito.

Paano niya malalaman? At paano naman nito malalaman ang sagot nya? Naguguluhan tanong ng dalaga sa sarili niya.

Naiwan pa rin ang ngiti sa labi niya nang maingat niyang pinasok sa shoulder bag nyang dala ang card na bigay sa kaniya ng lalaki.

She's not expected this. Para sa kaniya lahat ay panaginip lang at kung nagkataon na panaginip nga lang 'to, ayaw niya nang magising pa, aniya.

Pasipol-sipol pa si Melody habang tinuloy ang pamimili ng para kay Sonata. Sa isip niya nakabuo siya ng kanta dahil sa sayang mayroon siya ngayon sa puso niya.

'Saya ng puso ko'y ikaw, ngayon hindi ako mapalagay.

Ramdam ang tuwa, parang musika lang ang naririnig sa t'wina.

Dinuduyan ako ng saya, sayang sa 'yo ay nagmula.

Nasiyahan si Melody nang palihim itong hinihimig habang abala sa pamimili.

'If you want to invite me, sana gumawa ka ng way kung paano tayo makapag-usap, Elijah,' kinikilig niyang bulong, kasabay ang panalangin na sana nga madinig ni Elijah ang nais ng puso niya.

How she wish. Hindi naman imposibleng malaman nito ang numero niya dahil sa napag-alaman niyang pagmamay-ari ng lalaki ang Villa kung nasaan sila ngayon.

Umaasa pa rin siyang bago matapos ang araw na 'to, magpaparamdam sa kaniya ang isang Elijah Perez. Iisipin niya na lang na hindi ito naging kuntento sa paghaharap nilang dalawa, kaya gagawa ito ng paraan para masolo nila ang isa't isa.

Naalala ni Melody ang Papa Hugo niya, hindi naman siguro nito malalaman ang lahat ng ginagawa niya rito. Isa pa malayo ang Surigao sa Palawan.

Imposible na may tauhan pa ang ama niya sa lugar na 'to para sundan sila't alamin kung ano ang ginagawa niyang saklaw sa batas na mayroon ang mga ito sa bahay nila: batas na kinalakhan niya.

'Bahala na! Ang mahalaga sa akin ngayon ang kasiyahan ng puso ko at hindi ang pagmamani-obra ni papa. Maiintindihan niya rin ako in due time at kapag nakilala ko na si Elijah ng mabuti, alam kong hindi rin ako sasaklawan ni papa.'

Tiwalang bulong ni Melody sa kaniyang sarili. Umaasa pa rin naman siya na magiging malambot sa kaniya ang tatay nila ni Sonata.

Naiintindihan niya naman ito, dahil nga isa itong bise gobernador n'on kaya pinoprotektahan lang siya laban sa mga kalaban nito nang nasa serbisyo pa lamang ito.

Wala naman siyang sama ng loob sa papa nila at nagpapaka-ama lang naman ito tulad ng madalas sabihin sa kaniya ng mama niya.

=Meet me in lobby tonight. 6:oo sharp. I'll wait you there, Ms. Enriquez. =

Elijah.

Halos napapitlag sa kaba ang puso ni Melody nang mabasa ang text ni Elijah sa kaniya. Ang hinihiling niya lang kanina ay heto na, magkikita silang dalawa sa muling pagkakataon ng lalaking iniibig niya sa mahabang panahon... Si Elijah Perez.