Chapter 9 BAD DREAM
_____
*KYS EUNA's POV*
---
"Wag maawa ka wag!" Umiiyak kong sigaw habang nakatingin kay venezia.
"Ako nalang ang patayin mo wag si sue!!" Muling sigaw ko sa kanya ngumisi sya sakin habang sakal sakal si sue sugatan na sya at mahina na ang katawan.
Samantalang ako walang magawa hindi makalapit sa kanya dahil may mga patalim na nakaturo sa akin konting galaw ko lang din ay mamatay na din ako.
"AKO NALANG VENEZIA AKO NALANG PAKAWALAN MO SI SUE!!" Sigaw ko sa kanya na halos pumutok na yong ugat ko sa leeg.
"HAHAHAHAHAHA Ang sweet nyo namang dalawa wag kang mag alala kys isusunod kita makakasama din kayong dalawa!" Sabi nya sabay tawa ulit ng malakas lalo akong napaiyak.
"K-kys" Nahihirapang tawag sakin ni sue tsaka ito tumingin sa'kin napailing ako napatakip ako ng bibig ng hindi nag dalawang isip si venezia na saksakin si sue sa bandang puso.
Tila tumigil ang mundo ko "H-hindi h-hindi t-to m-maari" Nahihirapan kong sabi habang nakatingin kay sue na nawawala na biglang sumikip ang dibdib ko parang humindi sa pag tibok ang puso ko
"HHHHIIIINDDDDIIIII!!!"
"Kys kys kys!!!" Napabalikwas ako ng bangon ng inalog alog ako ni ayame hingal na hingal ako at pawis na pawis na patingin ako sa kanila.
"Anong problema bakit ka sumisigaw halos mabasag na ang salamin" Nag aalalang tanong ni mavi sakin hindi ako sumagot napa hagulgol ako ng iyak.
"Hindi hindi pwedeng mangyari" Sabi ko sa kanila habang hindi mapakali.
"Ang alin? bakit?" Sunod sunod na tanong ni ayame sakin.
Imbis na sagotin ko sya tinanong ko kong meron na si sue.
"Nasan si mokong? Dumating naba sya?" Tanong ko sa kanila nagkatinginan lang sila tsaka umiling.
Lalo akong naiyak paano kung totoo ang panaginip ko paano kong patay na sya halos itakip kona sa mukha ko yong kamay ko kakaiyak.
"Iwanan nyo muna ako gusto kong mapag-isa" Sabi ko tumingin ako sa kanila
"Please gusto kong mapag-isa" Pakiusap ko sakanila napabuntong hininga sila muli ako na higa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
_______________
Nakaupo ako sa may sofa habang hinihintay ang pagbabalik niya simula kagabi hindi pa sya bumabalik.
Sobrang nag aalala na ako dahil sa panaginip ko.
Hindi kya patay na sya hindi malakas sya malakas.
"Hindi kaba papasok kys?" Tanong ni jacob napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi" Tipid kong sagot habang nilalaro ko yong daliri ko.
"Wala parin si sue hindi parin sya bumabalik?" Tanong ko sakanya umiling sya "Sabi kasing sasama ako ayaw nya nakakainis talaga yong lalaking yon!" Dagdag ko na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Intindihin mo nalang sya kys ayaw ka lang nyang mapahamak!" Mahinahong sabi nya sakin inirapan ko naman sya
"Kaysa naman nag------" Hindi kona naituloy yong sasabihin ko ng may bumagsak sa sahig.
*BBBLLAAAGGG*
Napatingin ako sa silid namin ng may marinig akong parang may bumagsak.
"Ano yon?" Nag aalala kong tanong at lalong kinabahan may kalaban kayang nakapasok.
Tumayo ako sa pagkakaupo at tumakb paakyat sa taas.
Napahinto ako sa pintuan ng silid namin at nanlaki yong mata dahil sa nakita ko.
"MOKONG!" Tawag ko sakanya at agad ko syang nilapitan ang dami nyang sugat at ang lalalim.
"MOKONG NA KUMAG GUMISING KA!!" Sigaw ko sakanya habang inalog-alog ko sya pero ayaw nya paring gumising.
"JACOB!!" Tawag ko sa kanya
"Anong nangyari?" Tanong nya ng makarating sya dito sa silid namin.
"Jacob tulongan mo akong ipahiga sya sa kama" Sabi ko sakanya tinulungan nya naman ako.
"Anong nangyari sa kanya bakit wala syang malay?" Tanong ko habang nakatingin kay mokong.
"Dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya at malalalim na sugat sa katawan nya at sa pagod narin sigurado akong matagal ang laban nila" Seryosong sagot nya sakin.
"Hayaan mo muna syang mag pahinga gagaling din yan sugat nya sa katawan" Dagdag nya
Nakatingin lang ako sa kanya natalo nya kaya ang mga kalaban?.
Tulad ng sinabi ni jacob hinayaan ko nalang muna sya.
Lumabas na ako ng kwarto namin hindi ko sya maintindihan kong ayaw nya ba akong mapahamak dahil ako yong babaeng nasa propisiya yon ba ang dahilan?.
Ayukong magassume na mahal nya ako kaya lang naman nya ako pinakasalan dahil don wala ng iba.
Pagkababa ko ng hagdan nagtungo ako sa kusina inilabas ko yong karne sa may ref.
Ipagluluto ko sya ng adobo para pagkagising nya may makaen sya.
"Anong meron?" Tanong ni ford na kakapasok lang dito sa kusina.
"Mag-luluto nandito na si mokong" Sagot ko sakanya habang hinihiwa yong karne.
"Kamusta na sya? Napatay nya na ba si venezia?" Tanong nya sakin nay kibit balikat naman ako.
"Hindi kopa sya nakausap wala syang malay kanina" Sagot ko napabuntong hininga nalang sya.
"Wala kang pasok?" Muling tanong nya sakin.
"Meron bukas na ako papasok tinatamad na ako eh baka makatulog lang ulit ako" Natatawang sagot ko tumawa naman sya.
"Napakantokin mo buntis kaba?" Tanong nya napakunot naman ako ng noo ko dahil sa sinabi nyang yon.
"Hindi ah" Sagot ko sakanya.
"Weehh nasa iisang kwarto kayo ni sue posibleng walang nangyayari sainyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sakin.
Sumingkit naman yong mata ko dahil sa tanong nya.
"Purket mag kasama sa iisang kwarto may nangyayari na! Nakapamewang kong sabi sakanya.
"Sa iba wala pero sa katulad ni sue hindi ako naniniwalang walang nangyayari" Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nya.
"Yong naging girlfriend nya dati halos hindi na makalakad dahil sa ginawa nya nasa kwarto lang yong babae" Kwento nya sakin napatingin ulit ako sakanya medyo naintriga naman ako chismis yan eh.
"Weehh buhay paba sya? Bakit hindi makalakad?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.
"Hindi mo alam hahahaha" Tumatawa nyang sabi sakin kaya lalo akong naintriga ano ba kase yon.
"Sa tingin mo mag tatanong ba ako kung alam ko!" Taas kilay kong sagot sakanya lalo syang natawa.
"Matinik sa s*x ang asawa mo kys hindi ka titigilan non hangang hindi ka nawawalan ng malay kaya kong ako sayo kapag ng honeymoon kayo mag palakas ka baka hindi mo makayanan paglalamayan ka namin" Mahabang sabi nya habang nakangisi.
Napalunok naman ako ng laway bigla akong kinabahan walangya bakit ba ako kinabahan eh wala namang dapat mangyari samin!!.
"Aalis na ako kapag may problema dito tawagan mo lang ako" Paalam nya sakin sabay ngisi ng nakakaloko.
Umiling iling ako wag ko dapat isipin yong sinabi nya fucos sa pag luluto dapat masarap to para lumakas agad sya.
Nagpatuloy na ako sa pag luluto isinantabi kona yong sinabi sakin ni ford niloloko lang ako non.
"Anong ginagawa mo ms kys?" Tanong ni jacob ng makapasok sya dito sa kusina.
"Nag luluto para sa pagkain ni mokong" Sagot ko habang inililigpit yong mga ginamit ko sa pagluluto.
"Mukhang masarap yan ms kys" Nakangiting sabi nya.
"Para kay mokong yan" Taas kilay kong sagot napasimangot naman sya.
"Joke lang kumuha ka kong gusto mo akyat muna ako titignan ko lang sya" Paalam ko sakanya tsaka ako lumakad palabas ng kusina iniwan kona sya don.
_________________
*ROSALVA's POV*
_______
"Ano bang nakaen mo bakit ka pumunta sa bahay ni sue?!!" Galit na tanong ni mama sakin habang pinaghahanda nya ako ng baon ko sa opisina.
For sure magugustohan ni sue sinabi ko kay mama na magluto sya ng adobo.
"Gusto ko lang bawiin ang dapat sakin ma!" Sagot ko sakanya hindi ko mapigilang hindi mainis dahil kong hindi sa babaeng yon makukuha ko sana ulit si sue.
"Na ano na sayo si sue nahihibang kana rosalva hindi ikaw ang babaeng nasa propisiya! Kong hindi ka tatanga tanga noon edi sana ikaw ang pinakasalan nya!!" Sermon sakin ni mama napapikit nalang oo naging kame ni sue pero hindi kame nag tagal dahil nahuli nya akong may ibang kasamang lalaki.
"Alam ko bang ipagpapalit nya agad ako!" Sagot naman kong alam ko lang may balak na syang hanapin yong babaeng nasa propisya edi sana gumawa ako paraan para mapasakin ulit sya
"Itigil muna yan! Malakas yong babaeng yon!" Sabi ni mama sakin tinutukoy nya yong asawa ni sue oo malakas sya pero hindi ako mag papatalo.
"Psh! Hindi nyu ko mapipigilan ma!" Sagot ko sakanya ngayon paba ulit ako susuko naakit kona ulit sya sabihin natin malakas sya peri kaya kong gamitin ang lakas ng sex appeal ko kag sue.
"Bahala ka na rosalva kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo!" Pagsusuko nya inirapan ko nalang sya
"Papasok na ako ma" Pagpapaalam ko sa kanya lumabas na ako ng bahay.
Sumakay na ako sa kotse ko at binuhay yong makina ng sasakyan ko tsaka ko pinaharorot.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito si shamsa ka office mate ko.
Sinagot ko naman agad sinuot ko yong headset ko.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Si sir hindi pumasok ang dami nyang pipirmahan"Problemado nyang sabi sakin.
"Sige pupunta ako sa bahay nya" Ibinaba kona yong call nya inalis kona yong headset sa taenga ko.
Binilisan kopa lalo ang pagmamaniho para makarating na agad ako sa bahay nya.
Excited na akong makita sya eh kong akitin ko sya mismo dito sa pamamahay nya.
---
Huminto ako sa tapat ng bahay nya lumapit sakin yong guard na nagbabantay sa may gate.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nya
"Secretary ako ni sue may ibibigay lang ako sa kanya" Pagpapakilala ko
Tumango tango sya tumingin sya sa hawak nyang notebook.
"Ma'am ikaw po ba to?" Tanong nya sabay pakita ng picture kong nakadikit sa notebook.
"Oo ako nga bakit?" Taas kilay kong tanong.
"Bilin po kasi si madam na wag kayong papasokin dito hindi daw welcome sa bahay na to ang isang higad na katulad nyo" Derederetso nyang sabi umigting naman yong panga ko
"Ano importante tong ibibigay ko" Inis kong sagot bwesit kang babae ka talagang sinusubokan mo ako kailangan kong makita si sue namimiss kona sya.
"Hindi po talaga pwede"
Sabi nya bwesit talaga pwes manigas ka dyan wala akong ibang choice kundi gawin to.
Nawala nalang akong parang bola ng nasa mismong pintuan na ako ng bahay niya.
Bumukas yong pintuan nila nakita ko syang nakatayo doon nakapamulsa.
Ngumiti sya sakin ganun din ako sakanya.
"Matigas talaga ang ulo mo!" Malamig nyang sabi ngumisi naman ako.
"Natatakot kabang maagaw ko sayo ang asawa mo!" Ngumisi naman sya lumakad sya palapit sakin.
"Bakit? Kaya mo ba?" Natatawa nyang sagot.
"KYS!" Tawag sakanya yong boses na yon si sue napatingin naman sya sa likoran nya.
Kinuha ko yong kamay ng babaeng to inilagay ko sa may leeg ko napatingin ulit sya
"Anong ginagawa mo! nababaliw kana ba?!" Gulat na gulat nyang tanong sakin
"Rosalva!" Tawag sakin ni sue.
"S-sue!! Tu-tulongan mo-mo a-ko!!" Haninirapan kong sabi
"ANO NANAMAN TO KYS DIBA SABI KO KONTROLIN MO YANG SARILI MO!!" Sigaw nya kay kys tsaka nya inalis yong kamay nya.
Palihim naman akong napangiti sige pagalitan mo sya.
"Hindi ko yang sinasakal sya ang kumuha sa kamay ko tapus inilagay nya sa leeg nya!" Malamig nyang sagot tumingin sya sakin ng masama tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Galit na galit ka sakin dahil pinaghihinalaan mong may relasyon kameng dalawa! tignan mo nga tong ginawa mo sakin kagabi muntikan mona akong pinatay!" Naiiyak kong sabi kita ko naman ang lalong pag kainis nya.
"Totoo ba yon kys?" Tanong ni sue sakanya.
"Diba sinabi ko sayo wag kang magpapadala sa galit mo!" Muling sabi sakanya ni sue
Hindi parin sya sumagot tinalikoran nya na kame.
"Pumunta ako dito kahapon para ibigay sayo to kaso nagalit sya bigla nya akong sinugod" Sabi ko ulit napatingin sakin si sue.
"Dapat nga pinatay na kita kahapon!!" Malamig nyang sabat tumingin sya sakin tsaka ngumisi at nag patuloy sa paglalakad
"Kys ano ba mag usap tayo!" Inis na sabi ni sue hindi parin sya pinansin patuloy lang sya sa paglalakad.
"Umalis kana!" Malamig na utos nya sakin.
"Hindi kaba papasok marami kang gawain sa opisina" Sabi ko sakanya.
"Hindi kaya umalis kana!!!!" Sigaw nya sakin tsaka na sya tumakbo para habolin si kys aarrgghh sya parin ang inuna nya kainis hah!!.
Siniswerte ka paring babae ka pero sa susunod sisiguradohin ko ng mapag hihiwalay ko kayo ni sue.