Chapter 2 Kidnapped
Kinagabihan ay maagang natulog si Adira at pagod na pagod siya ng gabi na 'yon, kaya hindi niya naramdaman ang mga misteryosong mga tao na pumasok ng bahay niya.
Halos 12:00am ay tahimik na ang lugar kung nasaan ang warehouse ni Adira ng may mga taong dahan-dahan na lumapit sa bahay niya pasimpleng humanap ng daan para makapasok sa loob. Maswerte ang mga misteryosong lalaki dahil may isang malaking bintana ang warehouse na sira at kasya ang isang tao sa butas nito, pero kailangan gumamit ng hagdan para makapunta sa bintana na 'yon. Gumawa ng paraan ang mga lalaking naka-mask na itim nakita nilang may mga tambak na mga gamit sa bahay sa gawing likuran ng warehouse kaya 'yon na lang ang ginamit nila kaya napagtagumpayan nilang makapasok sa loob. Dahan-dahan na hindi sila makalikha ng ingay sa loob, maswerte sila dahil pagod si Adira kaya hindi nito naramdaman na may nakapasok na ng bahay niya.
Nagsimula na ang mga lalaki na hanapin si Adira at hindi naman nagtagal ay nakita na ng isang lalaki si Adira na tulog na tulog at hindi talaga naramdaman na may tao malapit sa kanya. Isang panyo ang nilagyan nito ng gamot na kulay dilaw na galing sa maliit na bote at dahan-dahan na inilapit ito sa mukha ni Adira at mabilis na itinakip sa ilong nito na agad namang nagising, pero manlaban man siya ay agad ng nawalan ng lakas ang katawan niya sa sobrang tapang ng gamot na nasinghot niya, kaya unti-unti na rin siyang nawalan ng malay.
Pumasok ang isang lalaki ng wala ng malay si Adira. "Okay na ba?" tanong nito.
"Oo, buhatin mo ng maka-alis na tayo kaagad dahil malayo pa ang pagdadalhan natin sa kanya."
Agad namang sumunod ang lalaki at binuhat si Adira na akala mo isang damit na sinampay lang sa balikat. Agad na rin silang umalis hanggang may epekto pa ang gamot dahil mahaba-habang biyahe ang pagdadaanan nila bago pa makapunta sa nagpa-utos na kuhanin si Adira.
Sumikat ang araw at si Adira ay unti-unti ng nagigising at sa pakiramdam niya ay ang haba ng tulog niya.
Dahan-dahan akong bumangon at ilang beses pang pumikit para tuluyan ng makadilat ang mata ko, pero napatigil ako at napakunot ang noo ng ibang tanawin ang nakita ko sa loob ng kwarto ko dahil isang malaking kwarto ito na ang laki ng kama mga magagandang gamit na naka-display, tumingala ako at nakita ang malaking ilaw sa kisame, napansin ko rin na sa kama ay may telang manipis na nakasabit, nakatali kasi ang kanan na bahagi nito kaya nakita ko ang mga gamit sa loob ng malinaw.
Napakunot ang noo ko. "Tulog pa rin ba ako at ganito ang nakikita ko ngayon, hindi naman ganito ang itsura ng kwarto ko sa bahay ko?" Ilang beses ko rin na sinampal ang sarali ko dahil baka natutulog pa talaga ako at kailangan ko nang magising, pero pagdilat ulit ng mata ko ay ganon pa rin ang nakikita ko, kaya naman agad akong tumayo at handa ng umalis ng kwarto na 'yon ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang may edad ng lalaki.
"Gising ka na pala binibini, sumama ka sa akin para masagot ang mga tanong mo. Alam kong nagtataka ka sa nakikita mo ngayon."
Kumunot ang ko. "Nasaan ako, bakit nandito ako. Ang alam ko ay na sa bahay ako at natulog ng maaga, pero bakit pag-gising ko ay na sa ibang bahay na ako?"
Nilakihan ng matandang lalaki ang pagkakabukas ng pintuan. "Malalaman mo kung sasama ka sa akin, pero bago 'yon, gusto mo na bang kumain, nagugutom ka na ba?"
Umiling ako ng ilang beses at sumeryoso na ang mukha. "Pumunta na tayo kung saan mo ako dadalhin, para maka-alis na ako rito."
"Kung 'yan ang gusto mo ay sumunod ka sa akin."
Nagsimula na itong maglakad kaya sumunod na ako at talagang nagtataka ako sa nakikita ko maging sa dinadaanan naming pasilyo. Huminto kami sa isang malaking pinto at may dalawang kawal ang nakabantay sa labas at kaparehas ng suot ng kausap ko kanina, pero magkaiba lang ng disenyo, hinala ko ay mas mataas ang katungkulan ng naka-usap ko. Pinagbuksan kami ng dalawang kawal ng pinto at pumasok na kami sa isa pang malaking kwarto na mukhang pang opisina ang ayos.
"Narito na siya," saad ng matandang lalaki.
Nakatalikod ang upuan ng kausap ng matandang lalaki, kaya hindi ko rin makita ang mukha nito.
"Maaari ka ng lumabas heneral," saad ng boses lalaki na hindi pa rin humaharap sa kanila.
"Masusunod." Humarap na ang matandang lalaki sa pintuan, pero tiningnan muna siya nito at yumuko ng konti ang ulo. Paglabas nito ay saka pa lang niya napagtanto ang tinawag ng boses ng lalaki sa matandang laaki na lumabas. "Heneral?" nalilito kong sambit at tumingin ulit sa nakatalikod pa ring upuan.
Naghintay siya ng ilang minuto bago dahan-dahan inikot ng tao na 'yon ang upuan. Isang may edad na rin na lalaki ang nakita niya, pero mas kaka-iba ang suot nito, mas tinginin na mayaman. Napagawi ang paningin niya sa ulo nito dahil may suot itong korona.
"Magandang araw binibini, kumusta ang tulog mo, naging maayos naman ba?"
Hindi ako sumagot, pero pinakatitigan niya ito. "Mukhang nagtataka ka pa rin at gusto ng malaman kung ano ang nangyayari ngayon. Maupo ka muna dahil may pag-uusapan tayo."
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa mesa nito at umupo sa upuan na kaharap nito na may mesa lang ang pagitan. "Bakit ako narito?" agad kong tanong.
Napangiti ito ng maliit. "Kailangan ko ang tulong mo."
Napakunot ang noo ko. "Para saan?"
"Hindi ba't tumatanggap ka ng mga misyon?"
"Paano mo nalaman ang bagay na 'yan?"
Bumuntong-hininga ito. "Nagpahanap ako ng isang katulad mo at ang pangalan mo ang bukambibig ng mga tao, kaya gumawa ako ng paraan para matagpuan ka."
"Hindi ako basta-basta nahahanap lalo pa't gumagamit ako ng bagay na hindi maaaring makilala ang pagkatao ko at mukha ko, paanong alam mo kung sino ako?"
"Sa kasama mo ang pangalan ay Simon."
"Kung ganon bakit hindi niya sa akin sinabi na may kliyente na gustong kumuha ng serbisyo ko. Bakit nagising na lang ako na narito na ako sa kakaibang bahay na 'to?" Umikot ang mga mata ko sa loob ng kwarto na 'yon.
"Ngayon ay alam ko na, hindi mo talaga alam kung sino kami at ang pangalan ng aking palasyo. Alam mo bang may mga palasyo na nakatayo talaga sa isang bansa katulad ng sa amin?"
"Hindi, bakit?"
"Isa na ang palasyo ko na nabibilang sa isang tinitingala ng ibang bansa dahil sa paraan ko ng pagdisiplina at kapayapan rito."
Biglang akong napatingin sa kaharap ko. "Palasyo, ibang bansa?"
Sumandal ito sa upuan. "Oo, wala ka sa iyong bansa dahil narito ka sa aming bansa ngayon."
"Paanong nangyari na nasa ibang bansa na ko, natulog lang naman ako!" Tumayo siya at isang tingin na hindi maipaliwanag ang binigay ko rito.
"Huminahon ka muna binibini."
"Hindi! Paano ako kakalma kung paggising ko ay na sa ibang bansa na ako at sa isang palasyo pa ako napunta, sige nga sabihin mo paano kumalma!"
Napapikit siya. "Pasenya na, pero plano ito ng kasama mo."
Natigilan ako. "Sino, si Simon?" At tumango ito bilang sagot.
"Ang plano niya ay kidnapin ka raw namin dahil hindi ka humaharap sa mga kliyente mo. Pero gusto kitang maka-usap ng personal kaya pumayag ako. Gamot ang nagpahimbing sayo ng tulog na inilagay sa isang panyo at tinukop sa iyong ilong habang natutulog ka, nagkaroon ng oras ang mga kumuha sayo na dalhin ka rito gamit ang eroplano. Naglakbay kayo ng limang oras para madala ka rito ng mga taong inutasan ng kasama mo na ang pangalan ay Simon. Si Heneral Agustin ang kumuha sayo ng lihim sa isang lugar. Pagkatapos niyong dumating rito ay hindi na maaari pang makita ng mga tao na 'yon kung saan ka dadalhin."
Napakuyom ako ng kamao sa nalaman. "Gaano ba kahalaga ang alok mong misyon para lang madala ako rito?"
Lumungkot ang mga mata nito. "Mahalaga pa sa buhay ko ay ang aking anak, kaya kailangan kita para sa misyon na gusto kong gawin mo."
"Anong klaseng misyon?"
"Ang maging tagapagbantay, sanayin ang prinsipe na lumaban at lihim na magmasid sa paligid kahit saan man siya pumunta, maging sa kanyang kwarto o sa pagkain niya."
Napa-isip ako sa sinabi nito. "Bakit kailangan mo pang kumuha ng tao kung mayroon ka namang kawal sa palasyo mo. Mas may magagawa sila dahil may armas silang hawak."
Pinagsalikop nito ang dalawang kamay. "Hindi ko ipagkakatiwala ang kaligtasan ng aking anak sa aking mga kawal dahil hinala ko ay baka may mga taong narito na hindi tapat sa akin, kaya mas mainam ng maging maingat."
"Bakit kailangan pang bantayan ng anak mo?"
"May natatanggap akong mga sulat mula sa hindi kilalang tao, at pinagbabantaan ang buhay ng aking anak dahil sa mahina ito at hindi marunong lumaban, kaya siguro ganon na lang ang pananakot ng mga ito. Isa pa ay gusto nilang umalis na ako sa aking trono at hindi si Prince Dylan ang pumalit kahit siya pa ang tagapagmana ko."
"Bakit?"
"Iyan ang hindi ko alam sa ngayon at wala akong ideya kung sino at kung bakit ginagawa ito sa akin gayong wala naman akong kaaway na bansa o maging rito sa aking bansa."
Humalukipkip ako. "Hindi ko matatanggap ang misyon na alok mo."
Napatayo rin ang hari na si King Stephen. "Alam kong may mga misyon kang hindi tinatanggap lalo na pag ganitong sitwasyon, pero sana tanggapin mo dahil wala na akong oras para maghanap pa ng iba at magiging kampante kung mabuti ba ang nakuha ko."
Tinitigan ko ang mga mata nito at nakita ko ang pagsamo sa mga ito. Napabuntong-hininga ako. "Kung ganon, kailangan kong makita ang prinsipe kung paano siya magsanay. Saka pa lang ako magdedesisyon kung tatanggapin ko ang misyon, pero sa oras na hindi ako nakakita ng anumang rason para tanggapin ang misyon ay kailangan sa sandali na sinabi kong uuwi na ako sa bansa ko ay agad kayong kikilos."
Ngumiti ito ng maliit. " Makaka-asa ka na gagawin ko agad ang gusto mo, pero sa ngayon maaari mong makita ang prinsipe bukas ng umaga dahil mayroon siyang pinuntahan ngayon."
"Kung hindi niyo mamasamain puwede bang maki-gamit ng telepono niyo may kailangan lang akong tawagan."
Binuksan nito ang isang drawer at kinuha ang isang smartphone sa loob. "Alam niyo kung paano gumamit ng ganito?" tanong ko.
Ngumiti ito ng malaki. "Kahit kami ay na sa palasyo alam namin kung paano makipagsabayan sa mga tao ngayon, mayroon kaming lumang telepono, pero gumagamit rin kami nito. "Ibinaba nito ang smartphone sa table malapit sa kanya.
"Saan ako puwedeng pumunta sa parte ng palasyo para tumawag?"
Bigla itong nagsalita. "Heneral Agustin, maaari ka bang pumasok sandali."
Biglang pumasok ang matandang kausap ko kanina at napa-isip na ang lakas naman ng pandinig nito at narining pa ang sinabi ng hari.
"Heneral maaari mo ba siyang dalhin sa tuktok ng palasyo, siguraduhin mo din na walang ibang kawal na naroon."
"Masusunod, kamahalan. "Tumingin ito sa kanya at nagsimula ng maglakad. Bago umalis ay tiningnan ko muna ang hari na tumango lang.
Paglabas ng kwarto ay diretso na sila sa tuktok ng palasyo at may ilang kawal na nakabantay sa pasilyo at sa mismong ibaba ng batong hagdan. Huminto sila sa ibaba ng hagdan. "Hanggang dito na lang ako, ikaw na lang ang pumunta sa itaas. Huwag kang mag-alala walang tao roon kahit pa ang mga kawal ay wala rin ngayon sa oras na 'to."
Tumango ako at nagsimula ng humakbang paakyat ng hagdan, paglabas niya ay isang napakalawak na tanawin ang nakita ko at kung titingin ka sa ibaba ay masyadong mataas kung nasaan ako.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinawagan na si Simon. Ilang ring bago sinagot ni Simon ang tawag. "Hello! Sino 'to?"
"Si Adira 'to."
Napatikom ang bibig ni Simon sa kabilang linya dahil alam niyang may kasalanan siyang nagawa." Bakit napatawag ka?" Mahina nitong tanong ulit.
"Hindi ko alam na tinatraydor mo ako Simon, bakit humantong na gumawa ka ng ganito!" may kalakasan kong saad
Napapikit si Simon. "Pasensya na Adira, gusto ka talaga niyang maka-usap, kaya ako na lang ang gumawa ng paraan para mapunta ka diyan."
Napahilot ako sa noo ko. "Paano ang misyon ko para kay Mrs. Torres!"
"Huwag kang mag-alala, alam kong babalik ka pa dito dahil sa mission, dalawang araw pa bago ang mission mo sa asawa niya."
"Sinasabi ko sayo Simon, ayoko ng mauulit ito. Paano ako makaka-uwi kung na sa ibang bansa ako. At saka paano ako nakapasok rito wala naman akong passport?!"
"Meron peke nga lang, pero nakalusot ka naman kaya okay na 'yan, pero sa pagbabalik mo dito ay private plane ng hari ang gagamitin mo."
Napakunot ang noo niya. "Anong okay na, kahit private plane pa ang gamitin ko dadaan pa rin naman ako sa airport bago maka-uwi at tinitingnan ang passport doon!" Napapikit na ako sa problemang ginawa ni Simon.
"Nakapunta ka nga diyan ng hindi nahuhuli, ang kaso for emergency dahil tulog ka at ang akala ay kailangan mo ng lumipad papunta diyan para sa operation."
Sa sobrang sakit ng ulo ko ay binaba ko na ang tawag dahil mas lalo pang sumasakit hangga't kausap ko si Simon. Napabuga na lang ako ng hangin at umalis na sa tuktok ng palasyo.