Chapter 3
Papasok na sana si Limuel sa kanyang kwarto nang makarinig siya ng parang boses ng isang babae na umuungol. Bahagya siyang lumapit sa kwartong pagmamay ari ng ama na kanugnog lang ng kanyang kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan noon kaya kitang kita niya sa loob ang dalawang pigura na animo mga asong gutom na gumagawa ng kababalaghan.
"I told you to lock the door dad. Hindi lang ikaw ang tao dito okay?" Malakas na sigaw niya para mapansin siya ng mga ito na abalang abala sa ginagawa.
Napaangat ang mukha ng daddy niya mula sa pagkakayukyok nito sa pagitan ng mga hita ng isang medyo kabataang babae na hindi niya alam kung saang lupalop nito napulot.
" Pinagday off ko mga katulong today, dont worry." Sagot nito na sumenyas na sa kanya na isara na ang pinto.
Napapailing na lang ang binata at malakas na isinara ang pintuan. Sanay na siya sa ganoong eksena. Nakalakihan na niya ang ama na kasama nito ay iba't ibang babae na hindi na niya matandaan kung anu-ano ang mga pangalan ng mga ito. May nag i stay ng isang araw at kung minsan may umaabot ng isang linggo. Pero walang tumatagal. Ganoon ang kalakaran ng ama niya. Wala itong siniseryoso sa mga naging babae nito kaya di kataka taka na makuha din ng binata ang ganitong mentalidad.
Hapon na nang maramdaman ni Limuel ang gutom. Nagpasya siyang magpunta sa kusina dahil walang saysay kung tatawag siya sa intercom sa servant's quarter na magpahatid ng pagkain kasi nga pinagday off ng ama niya ang mga katulong. Kailangan niyang maghanda para sa sarili niya kung ayaw niyang magkaulcer.
Nadatnan niya doon ang babae ng ama na umiinom ng juice at sa mesa ay mas slice ng cake na nakahanda. Naunahan pa siyang magmeryenda ng hitad.
"Oh hi. Kain tayo.." Aya nito sa kanya.
"Sige magkakape lang ako." Tanggi niya dito.
Umakma itong tumayo mula sa pagkakaupo para ipagtimpla siya ng kape. Mabilis niya itong pinigilan.
"No, ako na. Kumain ka na lang diyan." Pigil niya dito.
"Ako ng bahala. Mas masasarapan ka sa aking.." Sabi nito na pumapaikot pa ng lakad sa binata habang nang aakit itong nakatitig sa mga mata niya. "timpla.." Bulong nito sa punong tainga niya.
"Hmp, matikman nga yang 'timpla' mo." Saad niyang bahagya pang hinampas ito sa may puwitan. Napangisi pa ito sa ginawa niya.
Umupo na ang binata habang pinapanood ang babaeng pakendeng kendeng pa kung lumakad habang nagtitimpla ng kape niya.
Para sa kanya ay pasado ito sa taste niya pero dahil nalawayan na ito ng kanyang ama ay hindi niya ito papatusin. Kahit papano ay may respeto pa din naman siyang nalalabi para dito. Hindi na rin bago sa kanya ang mga kerida ng ama niya na umakto ng ganito sa tuwing makikita siya.
Bukod kasi sa matipunong pangangatawan na alaga sa gym ay inangkin pa niya ang pagkamestisahin ng kanyang ina. Half filipino, half italian ang kanyang ina. Dito niya nakuha ang mga matang malalim kung tumitig parang ng kay mossimo torricelli sa 365 days na isang italian model/actor na labis na kinababaliwan ng kababaehan.
Aware ang binata sa kanyang hitsura kaya naman ay mas lalo pang mitsa ito para mas lalo pa siyang mapaglaro sa mga kababaihang kusang inilalapit ang sarili sa kanya. It was always a free sex. Thanks to the good gene from her mother..