Chapter 26 Only Heartbeat

Annie’s POV

This Level 3 demon, ang hirap patayin. Masusugatan nga pero magregenerate naman. Hindi ko alam kung may spot bah na hanapin para mamatay agad toh o kung anong makakapatay nito.

Level 3 demons looked like a human beast but they're black in color, malalaki ang katawan nito at pula din ang mata.

Biglang tumakbo ito papunta sa akin kaya dali dali akong lumayo at tumira ng tubig sa kanya pero hindi ito tumalab. Si Mina naman ay biglang tumira ng lightning kasabay sa tubig ko. Kaya nakuryente siya pero hindi padin sapat yun para mamatay siya.

Ang hirap kalabanin naman nito.

Level 3 demons are fast. Mukhang matalino din, but they're relying more on speed and strength, tsaka yung pagregenerate nila. Disadvantage kami pagclose combat kaya hanggat maaari ay sa lumalayo kami sa kanya at tumira ng kapangyarihan.

After our powers collided, biglang gumawa si Alex ng lava sa lugar na tinapakan ni beast, pero bigla na naman itong tumakbo ng mabilis papunta kay Mina.

"Mamaaaaaa, ba't ako? Hoyyy lecheng demon ka, pagod nako, ba't ang hilig mo sa chasing game? Waaahhhh tulong" sigaw pa ni Mina na takbo din ng takbo habang pinapalabas ang earth power niya pangharang para hindi siya maabutan ng demon. Ang ingay niya ngayon, noong nakaraang araw ay sobrang tahimik.

Tinitingnan ko yung kabuo-an ng demon at nagconcentrate. Si Alex naman ay sumunod doon sa demon at nagpaulan ng fireballs. Tinamaan naman ito, at nasusugatan pero nagregenerate ulit. Kapagod na siyang kalabanin.

Okay, maybe it's time for me to find out such technique, and I didn't master this yet, but will see if gagana ba, since what I'm trying to control now ay hindi tubig kundi dugo, susubukan ko kung gagana ba ang kahit anong liquid.

Pumikit ako para sundan ang enerhiya ng demon nayun. I can feel the blood running through his veins. Nagconcentrate ako na pagalawin ang dugo niya.

Pinagpawisan na ako dahil nahihirapan akong i-control ito. Okay, I should try to force my limit. Nagconcentrate ako ulit at naramdaman ko ang paggalaw ng dugo niya under my control. I force all his blood towards the heart at pinasabog ito.

I opened my eyes and saw a tornado fire na galing kay Alex papunta sa katawan ng demon.

Lumalabo na ang paningin ko, but I'm still aware of my surroundings. Naramdaman ko nalang ang lupa ng bumagsak ako, kaya nanatili nalang akong pumikit.

"Hey, Annie, are you okay?" I just heard Alex voice pero hindi ako nagsalita sa kanya.

"Annie woyyy ba't ka nandyan? Nakakapagod bang hindi hinahabol ng level 3 demon?.. Ganito na pala yun ngayon? Yung ako nga ang hinabol pero ikaw naman ang napagod? Hahaha salamat sa pagsalo hah" sira talaga toh si Mina, doon sa palasyo ang tahimik, pero ngayong may kalaban, ang ingay. Hayyy

Naramdaman kong may bumuhat sa akin. By the smell of her, alam kong si Alex toh.

"Don't force yourself too much." Alam kong alam niya kung ano ang ginawa ko kanina. Hindi ko alam kung nanotice ni Mina yun, but I'm sure na alam ni Alex.

"I have to." I whisphered.

Nagsimula na si Alex maglakad habang karga niya ako in a bridal style. She looks so feminine actually, but malakas yan kaya kayang kaya niya akong buhatin.

I then suddenly feel like I'm healing. Doon ko lang na noticed na gumamit na pala si Mina ng kapangyarihan niya.

"Thanks Mina." sabi ko sa kanya.

"Saan?"

"Sa healing powers mo."

"Sure ka bang sa healing powers ko ikaw gumaling?" Tanong ulit nito na nakasmirk. "o sa taong buhat-buhat ka ngayon? Hahaha" ngumiti nalang din ako. Alam ko namang si Mina ang gumamit ng healing magic, but I can't deny na maganda sa feeling na ganito kalapit sa akin si Alex ngayon.

But baka nabibigatan na siya, tapos hindi niya lang sinasabi?..."I.. I think I can walk now Alex."

"I know."

"Ah pwede mo na akong ibaba?" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa harapan. Tiningnan ko din si Mina pero ang gaga, nakangiti lang ng nakangiti, tapos pagtumingin sa akin biglang magsmirk tapos tumawa. Loka loka talaga toh, ang hilig mang-asar hayyy

"Ayoko." Sabi ni Alex at tumingin sa akin.

"But I can walk now."

"Then pretend that you can't." What seriously?

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" tumingin muna siya saglit sa akin tsaka tumingin sa dinaraanan.

"I can pretend." What the fudge???

"Hmppff hahahahaha." tawang tawa si Mina, "I'll go ahead lovebirds, pretend pretend muna kayong dalawa dyan, and please pretend like I don't exist."

"Sigurado ka bang okay lang talagang magpabuhat ako sayo?"

"If hindi ako sigurado, bubuhatin ba kita?" Tanong nito sa akin habang nakataas ang isang kilay. Well, ganyan naman talaga siya sa akin, and I find it sweet although, savage yan minsan.

"Okay. Just tell me if nabibigatan ka na hah? Para ako naman ang magbubuhat sayo." sabi ko nalang sa kanya.

"Okay, mabigat ka na." Sabi nito sabay baba sa akin.

"Hahahahahahaha" rinig kong tawa ni Mina. Hayy nakuuu

Umiiling-iling nalang ako tapos binuhat si Alex. Pinulupot nya agad ang dalawang kamay niya sa leeg ko, tapos isinandal ang ulo niya sa aking balikat. Hindi naman siya mabigat sakto lang.

Lakad lang kami ng lakad, dahil hindi kami makapagteleport. Naalala ko bigla sila Silver, Rania, tsaka sila Anna. Tapos na kaya ang laban nila?

"Asan kaya sila Cher, at Anna tsaka sila Silver?" tanong ko, hindi ko kasi sila nakikita.

"Nandon pero hindi ko maramdaman sila Silver" turo ni Mina pero parang nagtataka. Si Alex naman ay parang nakatulog na yata.

Wala na akong naririnig na mga pagsabog kaya sa tingin ko tapos na ang laban.

"Ah, Mina, can you do me a favor?"

"What is it?"

"Can you use something in your power na madali tayong makapunta kung nasaan sila?"

"Oh nga noh, but di ko naisip yan." Sabi niya "but ayoko. Masisira ang paligid." patuloy pa niya.

"Tsaka hindi na kailangan, papunta na sila dito." Sabi pa niya.

Maya maya lang, nandyan na sila Anna at Cher.

"Hey guys, anyare dyan kay Alex?" tanong ni Cher.

"Nagpapayakap hahaha" sagot ni Mina na tumatawa. Tumawa nalang din si Cher. Okay siya ka vibes actually. Si Anna lang naman yung tahimik pero mabait naman yan.

"Anyway nakita niyo bah sila Silver, tsaka Rania?" tanong ko sa kanila.

"Actually, no, pumunta na kami sa pinanggalingan nila, but wala sila doon. We've found dead demons in there, like they're being crushed by something." sagot ni Cher.

"Nandoon na din sila Lawrence at iba pang elites, but wala nadin silang naabutan." patuloy pa niya.

"I guess we have to go back. I think Silver is safe with Rania." Sabi ko sa kanila.

"Yeah I guess, it's better to go." Cher said. But I was actually wondering what's happening to Dawn. Something change in her aura kanina. I'm not sure, but I have a gut feel na I don't like what's happening.

"What about Hereum?" tanong bigla ni Mina.

"Don't worry about her, among us royal guards, Si Hereum ang pinakamalakas." sabi ni Cher.

"Let's go." Sabi bigla ni Anna tsaka nagsnap, and for the moment nandito na kami sa Southville, but to our surprise, nandito ang mga guards sa palasyo and they look like they're sick, parang kinuhanan ng kalahati ang buhay nila.

What just happened in Northville?

Nakita kong nagkatinginan sila Anna at Cher. Tsaka madaling tumakbo but napahinto din nung nakita ang mahal na hari na nandito rin at ginagamot ng mga healers. Among everyone here na galing sa Northville, mas okay ang lagay ng mahal na hari. Sinundan namin sila tsaka lumapit din sa mahal na hari.

"Kamahalan, nandito na po kami. Ano pong nangyayari sa Northville?" tanong ni Cher sa mahal na hari.

"No wonder I can only manage to teleport here." Anna whisphered pero narinig ko naman. I think may alam siya sa kung anong nangyayari sa loob.

"Dawn's aura is uncontrollable. Nagwawala ito ngayon, at hindi na ligtas ang lugar na yun para sa mga tao."

"But si Dawn, where is she? I mean, hindi ba niya magawang kontrolin ang aura niya kahit konti lang or ano?" tanong bigla ni Alex, tsaka nagpahiwatig sa akin na bababa na siya. Gising na pala toh, kailan pa kaya toh nagising? o nagtulog-tulogan? o baka hindi ko lang talaga namalayan.

Huminga ng malalim ang mahal na hari bago nagsalita, "She's in her room, and she’s not awake, I already did my part on that but she can’t be awaken."

“Anyway, where’s your friends?” He’s referring to Rania and Silver. Nagkatingan kami nila pero si Anna na ang nagsalita.

“We can’t find them, including Mara and Hereum. I can’t trace them, Kamahalan.”

“Something might have happened.” sabi ng mahal na hari habang nag-iisip ito.

“I sense something that has been awaken kanina.” sabi bigla ni Anna. Her expression says like she don’t like to say it, pero kailangan.

“What do you mean?” tanong ko sa kanya.

“It’s the same presence nung nandun kami sa territory ng isang cursed creature, kaya kung hindi ako nagkakamali,.... yung presence na nararamdaman ko ay kay Silver iyon.” Tumahimik kami bigla at nag-iisip. Wala ako nung nasa territory ng cursed creature sila, pero nakita ko na ang cursed ni Silver dati nung inutusan ako ni Dawn na bantayan si Silver kinaumagahan at sabihan nalang na pinabantayan siya ng mama niya dahil may tatapusin pa ito. Although that time, yung mata lang niya ang nagbago but I really find it creepy.

I already talked to Mara about it, nung nakipag-usap ako sa kaniya privately. She asked me na bantayan si Silver, and irereport sa kanya kung sakaling may kakaiba ulit kay Silver. She did not say anything that time about sa cursed ni Silver. Nung nasa palasyo na niya sinabi sa amin ang kalagayan ni Silver.

“Is the presence of her cursed, the same with the cursed who appeared earlier in the palace?” she’s referring to Silver’s cursed na sinaktan bigla si Dawn.

“No, they’re different. However, I can pinpoint that it’s really Silver’s cursed.”

“Why would that kind of cursed appeared again? Is there some sort of trigger?” tanong ko, nakakapagtaka kasi kung bakit bigla bigla nalang susulpot ang cursed ni Silver, pero sa tingin ko may trigger eh.

“You’re right, wayback doon sa cursed territory ay muntik na kaming mamamatay lahat, or should I say meron ng patay sa amin but revived dahil kay Silver, and if I’m not mistaken, Silver’s on the verge of death that time. So, there’s a possibility that Silver’s life is on the line kanina, kaya bigla itong nag-appear ulit.” True, possible nga, since Level 4 demons yung kalaban.

“And I think there’s a similar presence of Hereum’s kanina, and I’m certain that it’s not Hereum. So, I conclude that a level 5 demon was here.” What theee???

“For real?” tumango lang siya.

“If you’re doubting me, you can call that Emma girl, since she can sense aura and soul energy more than me, and hers is better since hindi yun manullified.”

“I believed you, but yeah, we’ll call that Emma girl later.”

I wonder why Dawn’s suddenly become like that kanina, it might be related to what’s happening in Arklaria... or to Silver’s cursed.

“uhm, excuse me, your majesty, I’m actually quite wondering why Dawn’s aura suddenly becomes uncontrollable and deadly?” tanong bigla ni Alex which surprised me dahil yun din ang iniisip ko.

“Hindi naman talaga niya yun nakokontrol sa simula pa lang, the thing with her aura is that low life force or energy lang ang ina-atake or pinapatay, if your aura ay kayang makipagsabayan sa aura niya then yes, hindi ka nun aatakehin. Kanina, it might be because of the portal and demons na pumunta dito kaya biglang nag-iba ang aura ni Dawn kanina, and Dawn is sensitive with nature which nasisira sa pakikipaglaban kanina sa mga demons, might be yun ang trigger.”

“How about Silver’s curse? Is it possible na one of the trigger din yun?”

“Yeah it could be.”

“You said that Dawn can’t be awaken right now, right?” tumango lang ang mahal na hari.

“Is she alive?” tanong bigla ni Mina. What kind of question is that? Parang pang common sense lang naman ang sagot. But I didn’t expect his majesty’s answer.

“No pulse, only heartbeat.” Wait what? How’s that possible?