Chapter 10

SINO ANG TAGAPAGLIGTAS

LEAN POV.

Nasaan na yon 5:30AM pa lang pero gising na ako. Pinuntahan ko si Aly sa kaniyang kwarto. Bukas ang pintuan, pagdungaw ko sa pintuan walang tao. Aba matindi ang aga ng gala, nasaan na siya. Ginising ko si Shane.

“Shane, napansin mo ba si Aly???”. Sabi ko nang hindi man lang nag-iisip, medyo tanga lang yung tanong ko noh. Pero Let me see kung malakas pang-amoy ni Bakulaw.

“Huh? Ah—eh kanina mga 5am siguro lumabas, siguro pipitas ng gulay, kaso kanina naamoy ko din dugo ng 10 Son of Adam kala ko guni-guni ko lang. At nanlilisik ang mga mapupulang mata— Jusko yung Aly nasa panganib. Jusko anong ginawa ko nasa kamay nila Frank ngayon si Aly. Sorry Lean, antok na antok kasi ako kanina.” Natarantang sabi nito

Diyos ko nasaan na si Ynna Alisson Peralde, huwag ninyo po siya pababayaan, at huwag naman po sana siyang saktan ng 10 Son of Adam. Ginising ko si Dence, Alaiza, Mico at Mica sana lang hindi pa kami huli..

“Gising, gising na kayo. Sumama kayo pupunta tayo sa forbidden parts of Aczaban. Siguro naman naiintindihan ninyo na iyon? Nawawala si Aly, please kailangan ko ng katulong.” At tumango naman sila at mabilis pa sa alas-kwatro nadala na kami ni Dence sa FORBIDDEN PART OF ACZABAN.

“Nasaan kana Aly?”. Kabadong-kabado kong bulong sa aking sarili. Andito na kami sa Labyrinth ng FPA short for Forbidden Part of Aczaban. Mahanap kaya namin ang labasan?

**

Ang Convey PART II SWEET !

SHANE POV.

Dapat talaga magpapaiwan ako sa bahay. Pero peligroso ang kahaharapin nila. Agad akong sumunod sa kanila after kong magsend ng message kay Su-Yhun .

TO: BABY Su-Yhun

“Taong maganda, hindi ko kayo masusundo. Diba alam mo naman papuntang bahay, diba, diba? Basta ang gagawin mo ituro niyo nalang sa driver then magpahinga kayo pagdating ninyo. May niluto akong paborito mong Bread Crums nasa Oven. Initin mo nalang kung malamig na. Saka meron pang Fried Chicken, Fried Galunggong at Tempura shrimps. Saka gumawa kami kagabi ni Aly ng Buko Pandan, Grahham saka SteamBoat nasa Ref initin mo na lang. Emergency Ganda nasa FPA kami si Aly kasama ng 10 Son of Adam. Siguro naman ganda kilala mo sila. I hope you understand kaya di kita masusundo.. PS: Huwag mo sabihin sa Kuya niya baka kasi sumunod ito hanggang doon sa FPA.”

Message sent.

Nasa labyrinth na kami at naghahanap ng daan upang makalabas ng magvibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung sino iyon.

*Vibrating*

From: Baby Su-Yhun

“Hoy bampirang pangit, oh sad naman. Pero sige ako na bahala. Basta ingat kayo. Mahal na mahal kita”.

End of Message .

Napangiti ako at tinago ang cp ko.

“Guys kapit bisig tayo maraming patibong na nag-aabang para sa atin. Baka isa-isa tayo mawala pag hindi natin nakikita isa’t-isa.”

Nagsipagkapit naman sila, hindi dahil sa patibong, kundi takot sila na ang iba ay biglang naglaho. At ang isang misteryosong lalake at ang Nicoll Alvez na payapa sa Ataul niya. Agad na ding umalis ang lahat kasama si Aly. Natapos ang laban ngunit nanatiling ang mga matang nanlilisik ay parati pa rin magmamasid may mawalang kasama. Unang pasok namen medyo madali dahil diretso at walang kahit anong sumusulpot. Ikalawang pasok medyo madami siyang pasikot-sikot, tapos may malaking ahas na sumalubong samin. Mabuti nalang at kasama namin si Mica Hatsune.

Binugahan nya yung ahas ng apoy na tipong parang dragon ang asta niya, mabilis na naglaho ang ahas na parang bula.

“Galing mo talaga Mica ko.” Hinalikan ni Mica si Dence. Napaso naman ang labi nito kaya napaatras din kapag kuwan at nagkapit-bisig muli.

Ikatlo andaming uod na malalaki. Diring-dire kami, syempre kahit papaano may kaartihan pa din kaming mga bampira na tinatago, ginawa ni Mico.

“Hoy Mico grabe naman kailangan talaga ipangalandakang malaki ka?”. Tanong niya dito si Lean ay pangiti-ngiti lang, tumalikod ang mga kasama namin, kasi ba naman eey biglang binuksan yung zipper at umihi ang gago. Tapos ayon ang galing ang daming ihi, tapos yung mga uod nagsipasukan ulet sa lupa.

“Grabe ang weirdo pala ng labyrinth na ito. Hindi ko akalain ganito pala ang kahihinatnan mo kapag pumasok ka sa lugar na ito.” Sabi ni Lean. Kahit si Lean na pinakamalakas sa amin ay nakakaramdam ng takot.

Ikaapat, andaming daga, siguro eto na ang time para gamitin ang fighting skill ko, nagtransform ako. Iyon ay isang galit na galit na itim na malaking pusa. Nanglake ang mga mata ng mga daga. At agad-agad nagpulasan ang mga ito.

“Easy.” Sabi ko.

“Nice Shane tingin lang ang pinukaw mo nagsialisan na sila. Nice pre.” Sabi ni Mico.

“Nice kuya Shane.” Sabi ni Layz.

Lumabas din kami. At isang babae ang nag-aabang sa amin. Maganda pero galet. Anung gagawin namin.

“Sino ito?”. Tanong ko sa kanila. Hindi ko sure kung kilala nila itong babae na ito.

**

Lean POV.

Sinuob namin ang panganib at nakakadiring task ng labyrinth eww. Pero yung pinakalagusan, may babae lumapit sa amin galit siya.

“Humanda ka sa akin.” Sambit ko. Lalo akong lumapit at isang iglap inamoy ko yung leeg at kinagat ito. Lumabas yung dugo, mapakla dinura ko agad sa bibig nya sa pamamagitan ng halik.

Tapos nakita ko yung mata niyang itim naging luntian at naging masiyahin. At umalis na siya at naglaho. Tumingin ako sa tapat may shield na biglang naglaho at nakita namin yung bahay ng 10 Son Of Adam.

“Argh. Pambihira ang hirap ng mga pinag-daanan namin. Hay. Salamat, natapos ang pasikot-sikot”. Sabi ni Layz, pahimas pa sa tiyan nito. Parang nangangati.

“Oo nga e, pero sa loob ng mansyon ng FPA may naghihintay na panganib.”Sabi ni Shane, habang si Layz naman nangunguha ng bulaklak at nilalang na paru-paro at ginawa iyong Clone namin. Aba matindi. MALIGTAS KAYA NILA SI ALY SA KAMPON NG MGA ANAK NI ADAN?

“Ang gaganda ng mga butterfly na ito, kaso kailangan ko silang gamitin para makaligtas sila si ate Aly sa kapahamakan.” Sabi ni Layz.

“At kailan mo pa naging ate si Aly?”. Tanong ko sa kaniya.

“Simula nang maging sweet kayo.” Honest nitong sagot.

“Uyy. Kayo pala ha.” Pang-aasar ni Mico, Dence at Shane.

“Kaya pala ayaw mo siyang paalisin kahit pa wala na iyong bagyo sa Aczaban.” Sabi ni Layz.

“Nako tumigil kana. Iligtas na muna natin siya. Bago ko pa ko, pagkukutusan.” Sabi nalang niya. Pero hindi natanggal ang ngiti sa mga labi niya.

End of Part 10