RYLENE
Hindi pa rin umuuwi si papa, tinignan ko si ashley na problemado. Nakakainis! Tumayo ako at nag jacket.
“ saan ka pupunta??” tanong niya.
“ punta kay tim, kailangan ko ng customer” sagot ko.
“ Sasama ako” hindi ko na tianong kung bakit kasi lagi naman siya sumasama saakin.
Pimuntahan na namin si tim, sakto naman na busy siya. Nag iba na kasi siya ng office at phone number, inabisuhan ung mga client tsaka para narin manahimik ung lalaking iyon maski si ashley ay nag iba ng phone number.
“ mmm… bakit kayo andito?” tanong niya
“ kailangan ko ng customer” sabi ko.
“ mm?? At bakit?”
“ Tim naman antagal ko ng walang customer kailangan ko na ng pera” kumunot ang noo.
“ magkanu kailangan mo? Pahihiramin kita” nag tinginan kami ni ashley.
“ tim hindi ito joke…kailangan ko ng madaming customer—”
“ Magkanu kailangam mo?!”
“ hindi mo afford kaya—”
“ Say it” tinignan ako ng seryoso.
“ hundred millions” tinignan niya si ashley.
“ oh diba hindi mo afford kaya bigyan mo—”
“ ibibigay ko” napataas ang kilay ko.
“ bukas kunin mo dito” dagdag niya
“ at kung paano babayaran, kapag naka hanap kana ng trabaho” sabi niya pa.
“ pinagloloko mo ba ako!”
“ I am??” turo niya sa mukha niya.
“ sige na, umuwi na kayo” utos niya.
Umuwi naman kami ni ashley, tahimik lang ako kasi napapa isip ako kung bakit niya ako pauutangan? Pwede naman niya akong bigyan ng trabaho.
“ tingin ko may gusto iyon” tinignan ko si ashley.
“ gusto ka non…sinong baliw ang mag papahiram ng isang daang milyon? Hindi naman kayo mag kaibigan, hindi naman kayo mag jowa o kaya naman nababaliw na siya” napa ngiti ako.
“ nababaliw na nga siya!”
“ pero kapag binigay niya, didiretso tayo don sa lalaking iyon at babayaran kung magkanu man ung nakuha mo?” tumango siya.
“ osige… pasensya na hindi ko talaga akalain din na nagawa ko iyon, siguro sa inis din” sagot niya.
ASHLEY
“ hayaan mo na”
DAhil gabi na din, nag desisyon kaming matulog na pero inayos ko na muna ung bag ko. May napansin ako, calling card.
Naisama siguro ito sa nakuha, ngayon ko lang nalaman na axe ang pangalan niya, tinignan ko ung numero niya.
Hala! Bakit ko ini memorize??! Ugh! Kunipo ko pwro biglang nag register uli sa utak ko ung number niya.
Natulog na nga lang ako pero hanggang ngayon nasa utak ko parin ung number niya.
Nagising ako ng maaga na wala na si rylene sa tabi ko, lumabas na ako. Nagluluto na pala siya ng almusal, nakita niya ako.
“ good morning” ngumiti siya, nag timpla naman ako ng kape namin.
“ pupunta tayo mamaya kay tim, nag message na siya na andon na ang pera”
“ Naks…lakas talaga ah” pang aasar ko.
“ baliw iyon”
“ huwag ka mag alala, tutulong ako sa pag babayad doon lalo pat malapit na tayo maka pag tapos” tumango siya.
Matapos kaming mag almusal ay naligo na kami, nag paalam kami kay tita. Sabi niya maaga daw kami uwi kasi mag luluto siya ng paborito namin.
“ may balita kana sa papa mo?” tanong ko.
“ wala pa at sana huwag ng bumalik” sagot ni rylene.
Nakarating na kami pero laking gulat namin bakit ang gulo ng lugar, tinignan namin ung iba na takot na takot. Pumasok agad sa office si rylene at bumungad saamin si tim na nasa sulok.
“ tim”
“ Tim”
“ the money was gone”
“ Bakit??” tanong ni rylene.
“ my dad came, that jerk!”
“ ang tagal niyang nawala tapos darating na mang aargabyado, kinuha niya ung pera na dapat ibibigay ko sainyo kasama ang naka tagong pera ko dito” malungkot niyang sabi.
“ sorry… may pera pa naman ako sa banko at—”
“ Hindi na, okay lang” singit ko.
“ may nahanap na kaming pang uutangan diba rylene” tinignan niya si tim na nanlulumo.
“ ah oo… kaya kami andito para sabihin na huwag na at salamat” sagot ni rylene.
“ pero sorry kung nakuha ng ama mo” dagdag ni rylene.
“ its okay… mababawi ko iyon pero hindi na ganun kalaki, ipina track ko na siya” sagot niya
Naging okay naman ang itsura niya ng sinabi namin na may nahanap kaming pera, tinulungan pa nga namin siya na mag ayos ng office niya at ung mga ibang kasamahan niya.
“ sigurado kayo may nahanap na kayo?” tanong niya
“ oo meron” sagot ko.
“ mabuti at may nahanap kayo kasi anlaking halaga non” sagot niya
“ huwag mo na alalahanin iyon” sabi ko naman.
“ sige.. paano ihatid ko na kayo?? Mag gagabi na? Dadaan ko pa kasi ung kakilala ko kasi diba pina track ko si papa” sabi niya
“ ah cgeh” lumabas na kami sakto naman na may tumawag kay tim.
Hinintay lang namin siya ng biglang may huminto sa harap namin at hinablot kami pasakay ng kotse, nakita namin na hinabol pa kami ni tim pero mabilis ang sasakyan.
“ ano ba!!” sabi ni rylene.
“ sino ba kayo??” tanong ko.
“ hi” sumama ang tingin namin, ung lalaki nanaman kung saan may utang ang ama ni rylene.
“ huwag kayong maingay kung ayaw niyo mamatay, may pupuntahan lang tayo para mag usap” sabi niya, hindi na kami umimik kasi baka totohanin ung sinabi niya.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami kung saang lupalop kami, ipinasok na kami at isang warehouse. Itinali kami at ipinaupo.
“ ginagago niyo ako, alam niyo ba iyon??! 10 million lang pala ung halaga ng binigay niyo?!” nag tinginan kami ni rylene.
“ ngayon gusto ko bayaran niyo ung 90 million pang natitira” dagdag niya.
“ wala na kaming pera” sagot ni rylene.
“ meron…itong kasama mo, alam kong may alam siyang pagkukunan…. Ung mga relo niya ay naka register sa iisang pangalan kaya hindi namin pwedeng ibenta” sabi ng lalaki, kinabahan tuloy ako.
“ muntik na kaming makulong dahil doon alam mo ba iyon?!”